Natigilan si Zhama sa mahirap niyang kasanayan sa archery at matagal bago nakatugon. "Ikaw! Tumayo ka dyan!" galit niyang sigaw.
"Sister," malalim na pahayag ni Zhalu habang pinipigilan si Zhama. "Nag-umpisa na ang piging. Mamaya na natin ayusin ang iskor." Sa kalayuan, ang maliliwanag na ilaw na senyales ng pinakahihintay na unang piging ng pangangaso sa tagsibol ng imperyo ng Xia ay matatanaw.
Bago makapasok sa tolda, dahan-dahang lumapit sa harap si AhJing, sa tabi ni Yan Xun. "May hindi kilalang inturder ang papalapit sa base. Aaksyon po ba tayo?" bulong niya.
Bahagyang napataas ang kilay ni Yan Xun at nagtanong, "Sino sila?"
"Hindi ko po alam, ngunit hindi po sila mukhang tauhan ng angkan ng Muhe." Sagot ni AhJing
"HAyaan mong tignan ko," lumakad si harap si Chu Qiao at ibinulong ito."
Tumango si Yan Xun at sinabi sa mababang tono, "Mag-ingat ka. Huwag kang gumamit ng martial arts kung hindi kailangan. Malapit nang mag-umpisa ang piging, hihintayin kita."
"Huwag kang mag-alala. Baka mga tauhan ito ni Zhalu na gumagawa ng gulo. Babalik din ako." Pagkatapos sabihin ito, dumiretso na siya sa base kasama si AhJing.
"AhChu!"nang makitang papaalis si Chu Qiao, natulala si Zhao Song. Malakas siyang sumigaw at naghandang habulin siya.
"Your Thirteenth Royal Highness," hinila ni Yan Xun ang kamay ni Zhao Song at patawang sinabi, "may lalakarin lang si Chu Qiao. Babalik din siya agad, mauna na tayo." Nagdadalawang-isip na hinayaan ni Zhao Song na hilahin siya ni Yan Xun, patuloy na nakatingin kay Chu Qiao habang palayo siya.
Ang malamig na hangin, kasama ang nyebe, ay umiihip sa mukha ni Chu Qiao. Ang tunog ng mga yapak ng kabayo ay umaalingawngaw, ang sulo sa kanyang magkabilang gilid ay namatay na. Sa malamig na kadiliman, iilang mga bituin ang makikita. Ang madilim at malalim na kalangitan ay sobrang taas at malayo. Paminsan-minsan, may lumilipad na mga goshawks, na naglalabas ng mahabang iyak.
Sa isang kisapmata, walong taon na ang inilagi niya sa hindi kilalang dinastiyang ito. Hindi siya binigyan ng buhay ng pagkakataon o karapatang makaramdam ng lungkot o matamasa ang kasiyahan nito. Ang malupit na kapaligiran, walang hanggang patayan, at nakakapanlumong pag-agos ng dugo ay patuloy na pinupwersa siyang lumaban at tumakbo. Maraming hindi malamang paiba-iba ang humarap sa kanya. Maraming mga patibong at masamang balak ang nagtatago na hindi niya kayang pigilan. Ang walang hanggang paulit-ulit na desperasyon ang nag-uudyok sa kanya, dahilan para hindi siya makatigil at makapagpahinga. Hindi siya pinanganak na mamamatay tao o bandido. Sa ilalim ng kagustuhang mabuhay, ang gusto niyang manatili ay ang kakayahan niyang mapagsino ang mabuti at masama.
Hindi mabait ang undo. Tinrato nito ang lahat ng parang isang sakripisyong alay. Simula sa pagiging pinahahalagahan at mataas ang halaga bago ang ritwal, hanggang sa ibato sa isang gilid at ilagan pagkatapos ng ritwal. Ang pagkakaiba sa pagitan ng uubusin at ililigtas ang mortal na mundo ay pinaghihiwalay lang ng manipis na linya.
"Giddyup!" sigaw ni Chu Qiao. Nakasakay siya sa likod ng kabayo at mabilis na sumulong sa manyebeng kapatagan.
Ang tunog ng yapak ng kabayo ay maririnig sa hindi kalayuan. Isang lalaki na nakasuot ng itim mula taas hanggang baba, ang tumatakbo sakay ng kabayo niya sa manyebeng kapatagan. Itinigil ni Chu Qiao at ng mga kasama niya ang kabayo nila. Napsimangot si AhJing at malalim na pumuna, "Miss, may mali sa taong ito. Nanggaling sa direksyon ng kampo ang taong ito."
Isa sa mga gwardya ng residensya ng Yan ang lumapit at sumigaw sa papalapit na estranghero. "Hoy! Sino ka?"
Bago pa man mahabol ng gwardya ang kanyang paghinga, isang makintab na patalim na humiwa sa malamig na hangin, ang lumilipad papunta sa kanya. Kasing bilis ng kidlat ang paglapit nito sa nakakaintimidang paraan, puno ng talim at nagbibigay ng papatay na awra.
Clank! May tunog na sinalubong ni AhJing ang patalim, nalabas ng makikitang kislap sa kadiliman. Sumulong si AhJing at sumigaw, "Sino ka talaga? Napakasama!"
Napansin ng estranghero ang kumpol ng tao sa harapan, tapos ay palihim na tumalikod at tumakbo tungo sa kanluran. Nakita ito ni Chu Qiao at napasimangot. "Sundan siya!" utos nito. Sumunod ang iba at hinabol ang estranghero.
Ang kabundukan pati na ang makapal na gubat ay sobrang dilim sa malayo. Ang gahigante na manyebeng kapatagan ay puno ng hindi mabilang na marka ng paa ng kabayo, na akala mo'y tila nagmula sa paa ng isang mabagsik na hayop. Kumakalat ang nyebe habang may pagsipol itong tunog.
Bigla, maraming anino ang lumitaw sa harap na parang may malaking hukbo ng tao at kabayo ang paparating. Ang mga pandigmang kabayo ay tahimik. Isang hindi maipaliwanag na ginaw at papatay na amoy ang nanggaling sa mga anino sa kabila ng kanilang katahimikan at magkasabay na galaw.
"Sino iyan?" isang malakas na boses ang sumabog. Dahil gabing-gabi na at sila ay malayo sa mga anino, hindi nila nalaman ang pagkakakilanlan ng hindi matukoy na grupo ng estranghero. Ang mga taong nagtatago sa dilim, nang makaramdam ng pananambang, ay inakala nila na ang pangkat ni Chu Qiao ay kakampi sa lalaking nakaitim. Ang tunog ng mga espadang inilalabas ang pumuno sa hangin at nagsiliparan ang mga palaso sa direksyon ng pangkat ni Chu Qiao. Ang kalaban ay nagbaon ng maraming firepower at nakakatakot ang bilis sa pagresponda sa panganib.
"Tigil!" sigaw ni AhJing. "Hindi kami..."
Bago pa man siya makatapos, isang matalim na palaso ang lumipad papunta sa kanya. Maliksi si Chu Qiao, sinuportahan niya ang sarili sa likod ng kabayo gamit ang isang kamay, lumukso patayo at nagpadala ng isang sipa sa tiyan ni AhJing. Masakit na nakuha ng lalaki ang sipa ni Chu Qiao. Poof! Sa pagpihit ng katawan niya, tumusok ang palaso sa laman ni AhJing. Kahit na naiwas ito sa kanyang puso, walang awa naman itong bumaon sa balikat niya.
Nagdikit ang kilay ni Chu Qiao. Ang kalaban, bago linawin ang sitwasyon, ay walang pinipili na nagtangkang pumatay. Lubos na napakasama nito. Ang dalagita, na nakasuot ng kulay nyebeng kapa, ay sumulong sakay ang kabayo niya at pasirkong tumalon pababa. Lumuhod siya sa lupa, nasa kamay ang crossbow at may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang kanyang mata, katulad ng sa isang panther, ay malamig na sinuri ang sobrang dilim na manyebeng kapatagan sa kanyang harapan, ang mga kilay ay magkadikit. Ang malamig na hangin ay umihip sa kanyang palawit. Siya ay may malakidlat at matalas na tingin sa kanyang mga mata.
Isang nag-iisang palaso ang lumipad mula sa crossbow ni Chu Qiao. Nakakaintimida itong nagbaybay sa hangin. Nag-iwan ng makintab na puting dulo, na parang kikislap sa ere. Ang palaso ay lumipad sa kalayuan.
Halos kaagad, mula sa dilim sa kabilang parte, ang makabasag-pinggang tunog ng pagtira ng crossbow ang umalingawngaw. Isa nanamang matalim na palaso, na parang kidlat, ang lumipad sa parehong direksyon na may sumisipol na tunog. Ang kanilang bilis ay nakakagulat. Na may malutong na tunog, ang dalawang palaso ay nagtama sa ere at nagkapira-piraso na nalaglag sa lupa ng malawak na kapatagan.
Sa isang iglap, si Chu Qiao, na may kahanga-hangang kasiningan, ay patuloy na nagpalit ng posisyon at anyo ng katawan. Tumira siya ng pitong palaso, bawat isa ay iba ang direksyon at bilis. Ang kalaban ay gumanti nang may kaparehong misteryosong pamamaraan. Mga tunog ng palasong umaalis sa crossbow at nagtatama sa ere ang nagdomina sa gabi. Ang kalaban ay pantay kung ikukumpara kay Chu Qiao!
Ang malubhang tunog ay nawala pansamantala. Si Chu Qiao, na mayroong matalas na tingin, ay naningkit at lumingon para pakiramdaman ang huling tatlong palaso sa kanyang lagayan. Tahimik siyang naghintay sa magandang oportunidad.
Isang unos ang biglang nabuo, ikinakalat ang puting mga nyebe. Lahat ay hindi namalayang napapikit, para protektahan ang mata laban sa snowstorm. Subalit, dalawang tao ang nakatayo sa dilim, tumatakbo at nagsisikap. Tatlong palaso ang sunod-sunod na nagsilipad patungo sa harap, na parang bulalakaw. Ang kumikislap na tanawin ay talagang nakakamangha.
Apat na palaso ang nagtama sa isa't-isa at nagkapira-pirasong gumawa ng tunog. Habang umiihip ang hangin, ang huling palaso ay umakto na parang homing missle. Sa ilalim ng manyebeng kalangitan, lumapit ang palaso sa pinagtataguan ng kalaban mula sa dalawang direksyon sa nagliliyab na bilis, parang isang kumikinang na bulalakaw!
Nakaranas ng adrenaline rush si Chu Qiao at nakatamo ng dagdag na pasabog sa kanyang galaw, parang isang nagising na hayop. Ihinagis niya ang crossbow sa gilid at lumukso gamit ang lakas sa kanyang tiyan, at ginamit na pang suporta ang kanyang kanang kamay. Subalit, may tunog na mapanganib na dumaplis sa leeg niya ang palaso. Nag-iwan ito ng landas ng dugo.
"Miss!" gulat na nagmadaling lumapit sa kanya ang mga gwardyang Yan. Tumayo si Chu Qiao at ginamit ang kamay para patigilin ang pagdurugo na umaagos mula sa kanyang leeg. Hindi siya nagsalita at malamig na tumitig sa kabilang parte na sobrang dilim. Alam niya na naiwasan rin ng kalaban niya ang kanyang 'homing missle' pero nasugatan din ito.
Katahimikan ang nagdomina sa gabi. Walang bahid ng kahit anong tunog. Sa kabila ng kadiliman, at nagngangalit na nyebe, naramdaman ni Chu Qiao na malamig at mabagsik na nakatitig sa kanya ang kalaban niya.
Mga iyak ng goshawks ang biglang narinig sa kalangitan. Sa kadiliman na humihiwalay sa dalawang pangkat, isang malakas at masiglang anino ang biglang lumitaw. Ang estranghero ay nakasuot ng itim, dating nakadapa na posisyon, biglang tumayo at mabilis na tumakbo na parang projectile para tumakas.
Halos sabay na inilabas ni Chu Qiao at ng kanyang kalaban ang sandata na nasa kanilang bewang at ibinato sa lalaki. Nabigla at lumaki ang mata ng tumatakas na lalaki. Napopoot siyang tumungo, para lang makita na tinamaan siya ng dalawang sandata. May thump na mabigat siyang bumagsak sa manyebeng lupa.
Mabagal na lumipas ang oras. Ang parehong pangkat ay nanatiling tahimik. Isa sa mga aide ang maingat na lumapit sa ilang hakbang. Nang makitang hindi tumugon ang kabilang panig, sumigaw siya, "Kaibigan sa kabilang panig, nagtatangka lang kaming humuli ng magnanakaw. Isang hindi pagkakaintindihan ang nangyari."
Hindi pa rin tumugon ang kabilang pangkat.
Si Zuo Tang, na isa pang aide, ang lumapit sakay ng kabayo niya. Sa maikling oras, mga yabag ng kabayo ay maririnig din sa kabila.
"Binibini," agad na bumalik si Zuo Tang at bumaba sa kabayo. Ibinalik niya ang sandata ni Chu Qiao at malalim na nagpahayag, "Ang espada niyo po."
Napakunot ang dalagita, "Saan nanggaling ang isang pangkat?"
"Hindi po ako sigurado," totoong sagot ni Zuo Tang. "Ang aide sa kabilang ay nakasuot ng itim na damit at hindi pamilyar. Hindi ko pa po sila nakita dati."
Tumango si Chu Qiao na walang sinasabi. Napakunot ang noo niya nang matanggap ang sandata.
Isa itong pambihirang espada. Mayroon itong makalumang itsura at, katawan na manipis at magaan. May mantsa ng dugo ito. Ang talim ay matalas at makintab. Sa ilalim ng repleksyon ng sinag ng buwan, isang maliwanag na talas ang nakikita, na parang isang mercury na dumadaloy. Ang hilt ng espada ay nababalutan ng gintong silk at dalawang makalumang salita, "Po Yue" ang nakaukit dito.
Nakasimangot na hinawakan ni Chu Qiao ang hilt ng espada at sinabi, "Hindi ito ang espada ko." Nagulat si Zuo Tang dito, at agad na sumagot, "Hahanapin ko sila para ibalik ito." Nang masabi niya ito, mga tunog ng yabag ng kabayo ang maririnig sa kabilang parte. Na ikinakalat ang mga nyebe sa panghuling pagkakataon, ang mga tao sa kabilang panig ay agad na nawala.
"Hindi mo sila mahahabol," mabagal na sinabi ng dalagita at ibinalik ang espada sa kanyang lalagyan. Nagulat siya nang malamang eksakto ang sukat ng espada sa kanyang lalagyan.
"Dalhin pabalik yang bangkay. AhJing, bumalik ka sa kampo para magpagaling. Lahat kayo, sundan niyo ako papunta sa imperial tent." Pahayag ng dalagita sa malakas na tono at pinangunahan ang lahat pabalik sa kanilang destinasyon. Nang makarating sila sa harap ng imperial tent, para bang tila ay nakapasok sila sa ibang mundo. Ang amoy ng karne at tunog ng tawanan ang pumuno sa hangin. Iniabot ni Chu Qiao ang mga sandata niya sa mga gwardya at pinapasok.
Umukopa ng malaking lugar ang imperial tent, mayroong 36 na lamesa ang nakalagay sa parehong gilid. Nang pumasok si Chu Qiao karamihan sa mga tao ang nandoon na. Dahil hindi pa nagpapakita ang emperor, ang tolda ay puno ng ingay.
Isa lamang tagasilbi si Chu Qiao, kaya hindi siya maaaring gumala. Sinuri niya ang kapaligiran at tumungo sa lugar na kakaunti ang tao. Katulad nang inaasahan, nakita niya si Yan Xun na ang gwapo tignan at nakasuot ng puting roba. Mayroon siyang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha at tahimik na nakaupo doon habang umiinom ng kanyang tsaa. Nakatayo sa gilid niya si Zhao Song, kinakamot ang tainga, mukhang bigo at naiinip.
"Your Highness." Lumapit si Chu Qiao at bago pa siya makapagsalita, pumuna si Zhao Song at gumagawa ng pagkakabahala, "Ah! AhChu, anong nangyari sayo? Nasugatan ka ba?"