Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 49 - Chapter 49

Chapter 49 - Chapter 49

"Mag-ingat ka!" Sigaw ni Zhao Song na tumayo sa upuan niya. Sa parehong oras, isang maliwanag na puting bagay ang lumipad mula sa likod! Nang lalapag na dapat ang kamao ni Tu Da sa likod ni Chu Qiao, tumama ang bagay sa ulo ni Tu Da, umukit ito ng malaki at madugong sugat sa kanyang ulo! Sa pagkakataon ito, mababang yumuko lang si Chu Qiao sa sahig.

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mata ni Tu Da. Tumulo ang dugo sa kanyang bibig at ilong. Sa walang buhay na itsura, bumagsak siya sa sahig, maraming dugo ang umaagos sa sugat sa likod ng kanyang ulo. Ang tanawin ay humila sa puso ng mga nanonood.

"Napakapangahas!" galit na sigaw ni Zhama na napatayo sa kanyang upuan. "Pangahas kang nagdala ng sandata sa harap ng emperor! Nais mo bang magrebelde?"

Hindi natinag si Yan Xun na nakaupo lang sa kanyang upuan. May hawak siyang piraso ng basag na porselana sa pagitan ng kanyang hintuturo at gitnang daliri at malamig na sumagot, "Ang baso ba ay maiikonsidera na ring sandata?"

Nagulat ang mga nanonood. Talagang gumamit ng basag na baso si Yan Xun para patayin si Tu Da!

"Ama, ang tagasilbi ni Princess Zhama ay hindi sumunod sa patakaran. Nagtangka siyang tirahin patalikod ang kanyang kalaban. Dapat lang siyang mamatay." Malamig na pahayag ni Zhao Song.

Sumasang-ayon na tumango ang emperor ng Xia. Ang mga gwardya sa parehong gilid ay agad na lumapit at dinala palabas ng tolda ang bangkay.

"Princess, nakapagpahinga ka na po ba?" kalmadong lumingon ang dalagita, walang emosyon na nakatingin sa hindi mapakaling si Zhama. "Kung kayo ay pagod pa, maaari mong utusan ang iba mong mga tagasilbi na makipaglaban sa akin." Malalim na pahayag niya.

Ang mga maharlika ng imperyo ng Xia ay inilipat ang atensyon mula sa namatay nang si Tu Da papunta kay Zhama, sa pag-aantisipa kung paano niya hahawakan ang sitwasyon. Lahat ay nakikita na walang balak makipaglaban si Zhama kay Chu Qiao. Naghamon siya kanina dahil tiwala siyang mapapatay ni Tu Da si Chu Qiao. Subalit, patay na ngayon si Tu Da. Kung tatanggi siya sa hamon sa paggawa ng dahilan, makikita siya bilang isang duwag na hindi kayang tumanggap ng hamon. Isa pa, siya ang promotor ng laban. Sa hilagang-kanluran, ang kaduwagan ay itinuturing na mas malala pa sa pagtakas sa tungkulin. Hahamakin siya ng lahat.

Tiim-bagang na inilabas ni Zhama ang kanyang latigo. Tumayo siya at sinabi, "kung ganoon, maglaban tayo. Bakit ako matatakot sa isang mababang tagasilbi?"

"Sandali lang," biglang tumayo si Zhao Qi at nagpatuloy na may kasamang tawa, "Ang tagal kong hindi nakakita ng ganyan kagaling na babae. Paano kung ganito? Imbis na maglaban katulad ng nakalipas na laban, hayaan natin silang maglaban gamit ang archery ngayon. Ano sa tingin niyong lahat?"

Nang magsalita si Zhao Qi, naintindihan ng lahat. Nadomina ng pamilya Batuha ang hilagang-kanlurang rehiyon sa kanilang makapangyarihang impluwensiya. Mainitin ang ulo ni Old Master Batu. Kung masasaktan sa capital ang kanyang pinakamamahal na anak na babae, siguradong magagalit siya at mapopoot. Isa pa, kilala si Princess Zhama sa galing niya sa archery. Nais lamang ni Zhao Qi na isalba ang dangal ng hilagang-kanlurang rehiyon.

Kahit na siya, isang mababang tagasilbi, ay magaling sa paggamit ng sandata, ang kakayahan niya sa archery ay hindi kilala. Halatang mabibigo ang mga nanonood ngunit wala silang masasabi ukol doon.

Subalit, sa ikapitong lamesa sa harap, bahagyang napaliit ang mata ni Zhuge Yue. Nakita niya ang kagalingan ni Chu Qiao sa archery. Iniangat niya ang kanyang baso at sumipsip dito.

Tulad ng inaasahan, ang ekspresyon ni Zhama ay yumabang. Tiwala siyang kinuha ang crossbow, naglakad sa gitna ng square, at sinabi, "Ikaw mauuna?"

"Hindi po ako mangangahas. Princess, kayo na po ang mauna."

Malamig na tumawa si Zhama. Naglagay siya ng tatlong palaso sa kanyang crossbow. Sabay-sabay niyang pinakawalan ito pagkahigit sa kanyang pana. Kasing bilis ng kidlat silang lumipad tungo sa patatamaan na isandaang hakbang ang layo, lumapag sa gitna ng bullseye. Nagpalakpakan ang nanonood sa kanyang nakakamanghang husay.

Bago matigil ang mga palakpakan, yung isang dalagita ay biglang lumuhod sa sahig at pinakawalan ang mga palaso mula sa crossbow na mataas ng kaunti sa kanya. Tatlong matalas na palaso ang papunta sa mga palaso na nasa target board, na tumusok sa dulong parte ng palaso ni Zhama. Para bang magkasunod na lumapag ang mga palaso sa bullseye! Sa isang iglap, malinaw kung sino ang nanalo!

Hindi mapaniwalaan ng mga nanonod ang nakikita nila. Mas dumami pa ang palakpakan, hindi tumigil sa mahabang minuto.

"Princess Zhama, salamat sa hindi pagseseryoso mo sa akin." Tumango si Chu Qiao at naglakad patungo sa tolda.

Pati ang emperor ng Xia ay makikitang namangha at napasigaw, "Hindi pa ako nakakita ang kasanayan sa archery na ganitong lebel sa maraming taon. Lalo na dahil ikaw ay babae, talaga namang napakabihira."

Napataas ang kilay ni Chu Qiao ngunit nagpatuloy siyang nakaluhod sa sahig at malalim na nagpahayag, "Salamat sa papuri, Kamahalan."

"Kung ganoon, ama, paano kung bigyan mo siya ng pabuya?" sabik na saad ni Zhao Song.

Mapanglaw na tumingin ang emperor ng Xia sa kanyang anak at sumagot, "Bigyan sila ng tag-isang rolyo ng silk."

Si Zhao Song, na halatang hindi masaya sa pabuya, ay tututol na sana. Subalit, pinigil siya ni Zhao Qi, na binigyan siya ng istriktong tingin.

Isang opisyal na may hawak ng dalawang rolyo ng silk ang lumapit, inabot kay Chu Qiao at Zhama ang kanilang pabuya. Tinanggap nila ito at umatras na. Ang atmospera sa loob ng tolda ay nakakakuryente at ang mga nanonood ay nabihag ng mga mananayaw na nag-umpisa nang sumayaw. Tumingin si Yan Xun kay Chu Qiao at nagngitian.

Sa wakas ay natapos na ang royal na piging. Bumalik na din sila Yan Xun at Chu Qiao sa kanilang tolda. Lubhang nasugatan si AhJing at nakabantay lamang sa labas si Zuo Tang sa lahat ng oras.

Naghanda ng tsaa si Yan Xun. Umupo siya sa upuan at uminom nito. Si Chu Qiao na nakaupo sa tabi ng pugon ay tumingala at sinabi, "Ano sa tingin mo tungkol sa emperor ng Xia na binigyan si Zhao Che ng Long Quan Sword bilang pabuya?"

"Halata na binabalaan niya ang angkan ng Muhe na tigilan na ang pagsisi ng pagkamatay ni Muhe Xifeng kay Zhao Che."

Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay at tumango. "Kung ganon, hindi ba't masisisi ang angkan ng Wei? Wag mong sabihing gusto niyang pag-awayin ang angkan ng Wei at Muhe?"

"Oo." Tango ni Yan Xun. "Masyado nang nagdomina ang angkan ng Muhe. Kung gaano kataas ang estado nila, ganon kasakit ang bagsak nila, katulad ng angkan ng Ou tatlumpong taon na ang nakakalipas."

Napabuntong-hininga si Chu Qiao, biglang nararamdaman ang pagod sa mga nangyari ngayong araw. Masyadong maraming bagay at masyadong maraming tao ang nadamay sa sitwasyon sa loob ng isang araw, dahilan para mas naging komplikado ang mahirap na sitwasyon. "Mauuna na ako. Magpahinga ka na rin ng maaga." Saad niya habang hinihilot ang kanyang sentido.

Nang tumalikod na siya para umalis, biglang narinig ang boses ni Yan Xun sa likod niya. "AhChu, nang sasaktan ka na ni Tu Da, bakit hindi ka nagtago? Sa abilidad mong makaramdam ng panganib, siguradong mapagtatanto mo iyon."

Tumalikod si Chu Qiao at natural na sinabi, "Dahil nasa likod kita."

Ang hangin sa labas ay mabigat na umiihip sa tolda. Ilang mga bugso ng malmig na hangin ang nakapasok sa loob. Bahagyang nag-umpisa si Yan Xun ngunit agad din namang napangiti. "Tama ka. Ang tanga ko."

"Aalis na ako." Sa pag-angat ng kurtina, nawala sa tolda ang dalagita.

Bahagyang napangiti si Yan Xun, nagkaroon ng mainit na ekspresyon. Ang kanyang kasing lamig ng yelong puso ay nag-umpisa nang bumukas sa mainit at malumanay sa pakiramdam. Dahil nasa likod siya nito, hindi niya tinaas ang kanyang pag-iingat. Iniwan niya ang kanyang likod, na pinakamahalagang parte ng kanyang katawan, na nakikita. Pagkatapos ng lahat, ang isa't-isa ang pinakapinagkakatiwalaan nila. Para noong bata pa sila, nakakaya lamang niyang pumikit sa harap ni Chu Qiao at kaya lamang ni Chu Qiao na matulog ng mahimbing sa kanyang presensya.

Ang panggabing kalangitan ay sobrang dilim at hindi makikitaan ng kahit anong kumikislap na liwanag. Ang batang prinsipe ng Yan Bei ay bahagyang tumingala. "Salamat, AhChu, sa pagpapaalam sakin na may isang tao pa akong mapagkakatiwalaan."

Ang loob ng tolda ay mainit. Pagod na naligo si Chu Qiao. Sumandal siya sa malambot na upuan at naghandang ipikit ang mata. Nang ang kanyang mata ay lumiliit, nakita niya ang mahalagang espada na inilagay niya sa gilid ng kanyang higaan. Tuwid siyang naupo at maingat na inilabas yung espada. Ang berdeng repleksyon nito ay kuminang na parang dumadaloy na tubig sa ilalim ng ilaw. Ang madilim na pagkapulang ukit nito sa espada ay parang sariwang dugo, na bahagyang kuminang.

Pitong taon na rin. Alam niyang magtatagpo ulit sila pero hindi niya inaakalang ganito ang mangyayari. Alam niyang siguradong nakita ni Zhuge Yue ang sugat sa kanyang leeg. Lagi nilang kinakalaban ang isa't-isa na parang ganoon. Kung nasaan man sila, nakatadhana silang maging magkalaban.

Parang naririnig niya ulit ang iyak ng bata na matinding naghihirap. Ang putol na katawan, ang duguang sako, ang malamig na lawa—ang mga alaala ay mabilis na umulit sa harap ng mga mata niya na para bang isang pelikula. Ang piraso ng lutong karne, na ang bango ay dumadaloy sa gabi kung kailan siya nakakaramdam ng kawalang pag-asa, ay parang isang matalas na palaso, na bumabaon sa kanyang puso.

"Yue'er, nagtitiwala ka ba kay fifth brother? Poprotektahan kita!"

Lungkot at pighati ang emosyong naipon sa kanyang dibdib. Mayroon siyang matalas na tingin sa kanyang mga mata. Ang iyak ng paghihirap, na nanirahan sa kanyang araw-araw na bangungot, ang umalingawngaw nanaman sa kanyang tainga. Ang kalunos-lunos na iyak ni Xiaoba bago siya mamatay sa karwahe ng bilanggo sa Jiu Wai street ay nakaukit na sa kanyang mga bangungot sa loob ng pitong taon.

"Ate Yue'er! Tulungan mo ako, pakiusap tulungan mo ako!"

Dugo at laman ng tao ang nakakalat kahit saan sa lupa. Ang mukha ng mga bata, na hiniwa hanggang mamatay, ay hindi makilala. Noong kasuklam-suklam na gabing iyon, palihim siyang tumakas mula sa palasyo ng Sheng Jin, papunta sa pamilihan. Naghanap siya sa mga bangkay kasama ang mga mabangis na aso, ngunit hindi man lang makita ang ulo ng bata o ang katawan nito. Hindi man lang niya mabigyan ng maayos na libing ang bata, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi hayaan ang mga parte ng katawan na iyon na lumubog sa ilalim ng lawa, habang minamantsahan ito ng matingkad na pula.

"Xiaoba, ahimlay ka lang dito at aghintay. Maghihiganti ako para sayo."

Ang mga luha niya ay natuyo ng araw na iyon. Ang tanging natira ay ang malakas na pakiramdam ng pagkapoot na mabagsik na nabuo sa kaibuturan ng kanyang puso. Mahigpit na ikinuyom ng bata ang kanyang kamao at kinagat ang ibabang labi, na parang isang mabangis na hayop.

Sa isang iglap, pitong taon na ang nakalipas.

Sa wakas bumalik ka na, Zhuge Yue.

Ang paghinga ng dalagita ay maririnig sa kadiliman.

Hindi mo ba alam, matagal na akong naghihintay sayo.

Iilan lamang at malayo ang bituin sa kalangitan. Ang hangin mula sa Yan Bei ay nagdala ng madugong hangin, umiihip sa tabas ng kanlurang kapatagan.

Ito ay kaagahan ng tagsibol sa taong 773 ng kalendaryo ng Bai Cang. Ang Hong Chuan Highlands ay nakakaranas ng malupit na taglamig na may mabigat na pag-ulan ng nyebe. Ang daan mula sa hanggganan ng imperyo ng Tang papunta sa Zhen Huang ay may harang. Ang palitan sa pagitan ng dalawang lugar na ito ay natigil, dahilan para tumaas ang presyo mga bilihin sa capital. Maraming nagtitinda ang humakot sa mga paninda at ginamit ang oportyunidad para itaas ang mga presyo ng pangangailangan tulad ng langis, bigas, at asin, dahilan para magkagulo sa loob ng capital.

Sa ika-anim na araw ng ikatlong buwan, pinapunta ng palasyo ng Sheng Jin si Muhe Xiyun, ang supling ng angkan ng Muhe, at tinanggalan ng kanyang estado bilang opisyal ng korte, ipinalit sa kanya si Zhao Qi, ang ikatlong anak na lalaki ng emperor. Ito ang unang beses sa 300 taon kasaysayan ng imperyo na ang opisina ng gobyerno ng capital ay pinamunuan ng mula sa pamilya ng Zhao. Kasunod nito, ang kapangyarihan ng tatlong hukbo ng Zhen Huang ay nasa mga kamay na ng royal family.

Pagkatapos umupo ni Zhao Qi sa kanyang poste, agad niyang kinuha ang kontrol sa mga hukbo at nagsagawa ng pangloob na pagsasaayos. Ang ina ni Zhao Qi na si Empress Dowager Shu, ang kalahating kapatid ni Wei Guang, ang pinuno ng angkan ng Wei, ay nakuha ang suporta ng mga heneral ng angkan ng Wei gamit ang mga decree ni Zhao Qi. Sa loob lang ng tatlong araw, ang buong hukbo ay naisaayos at napakilala ng mga bagong mukha. Sa ika-sampong araw ng ikatlong buwan, pinangunahan ni Zhao Qi ang hukbo sa labas ng Zhen Huang para personal na ayusin ang daan, pinapalapit ang sarili sa mga mamayanan ng capital.

Sa pagkakataong ito, isang snowstorm sa labas ng capital ang lumakas. Isang kabayo, na matapang na hinarap ang malakas na unos, ay lumapit na kasing bilis ng kidlat. Ito ay mapanglaw sa harap, na walang bakas ng taong makikita. Ang kapaligiran ay purong puti, dahilan para imposibleng malaman ng isa ang iba't-ibang direksyon.

Nahihiwalay ng isang libis, naningkit si Wu Daoya at tumayo sa manyebeng lupa sa kabilang banda. Nakasuot siya ng berdeng sumbrero at puting yelo ang nasa kanyang kilay. Ang kanyang mukha ay kasing puti nang naninigas ngunit nakatingin pa rin siya sa harap na may lakas sa mga mata. Ang kanyang ekspresyon ay kalmado; walang makakaalam kung anong iniisip niya.