Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 43 - Chapter 43

Chapter 43 - Chapter 43

Itiningala niya ang ulo at huminga ng malalim, nilulunok ang lahat ng kanyang emosyon. Ginawa niya ang lahat para kumalma at hindi mag-isip ng tungkol doon. Ang gabi ay sobrang dilim. Nang may biglang thud, isang puting kalapati ang lumapag sa manyebeng lupa. Nakatingin ito kay Chu Qiao sa hindi kalayuan, unti-unting lumalapit habang nakahilig patagilid ang ulo.

Isa itong mailap na kalapati. Hindi katulad ng mga napaamong tagahatid ng sulat na mga kalapati, takot pa rin ito sa tao. Nausisa siguro ito kung bakit ang taong ito na mag-isang nakaupo at matagal na hindi gumalaw. Gusto nitong makita ng malapitan. Iniangat ni Chu Qiao ang ulo at napansin ang maliit na ibon at ngumisi. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa at inilabas ang pakain sa kabayo na dinala niya, at ikinalat sa lupa.

Sa makapal na nyebeng bumabalot sa lupa, mahirap maghanapng makakain. Nang makita ng kalapati ang pagkain, masaya itong humuni na iniunat ang mga pakpak at nagmadaling lumipad papunta kay Chu Qiao. Subalit, sa parehong sandali, dalawang matalas na palaso ang tumama sa kalapati galing sa hindi kalayuan, at tumusok sa tiyan nito. Sa isang sandali, kumalat ang dugo sa lupa.

Malalakas na yabag ang maririnig. Dalawang mabibilis na kabayo ang nauunang tumakbo sa pangkat, ang isa ay kulay pula at ang isa naman ay kulay itim. Ang lalaking nakasakay sa pulang kabayo ay nasa dalawampu't-lima hanggang dalawampu't-anim na taong gulang, at mapanghamon siyang tumingin sa dalagitang nakaupo sa lupa. Nang walang sabi-sabi, kumuha siya ng panibagong palaso at pinakawalan ang kanyang pana, tinira ang palaso diretso sa puso ni Chu Qiao.

Sa isang swish, parang cheetah na tumayo si Chu Qiao, sinusuportahan ang sarili ng isang kamay nang tumayo siya. Ang kanyang galaw ay malakas ngunit kaaya-aya. Ang kanyang kanang kamay ay dumaan palayo sa kanyang katawan, matatag na hinawakan ang palaso sa kanyang palad. Isang bugso ng hangin ang pumagaspas sa kapa ng dalagita, na parang pakpak ng lumilipad na agila. Ang kanyang tingin ay kasing lamig ng yelo, na nakatingin ng diretso sa mga taong papalapit sa kanya.

"Kaninong alipin ka? At bakit ka gumagala sa hunting arena?" isang malamig na boses ang nanggaling sa lalaking nakasakay sa pulang kabayo. Kahit na inatake siya nito nang walang dahilan, hindi siya makikitaan ng pagsisisi. Siya ay nakasuot ng kapa na gawa sa artic mink. Sa kabila ng kanyang matikas na tangkad, siya ay naglalabas ng hindi masabing awra ng malamig na nakakakaba.

May thud na maririnig nang bumaba sa lupa ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Siya rin ay nasa mga dalawampu't-lima hanggang dalawampu't-anim na taong gulang. May tanso siyang mga mata at maitim na kutis. Tumakbo siya tungo sa kalapati na natira at pinulot ito. Habang sinusuri ito, "Muhe Xifeng, paano natin bibilangin ito?"

Malamig na tumitig kay Chu Qiao ang lalaki sa pulang kabayo, saka tumingin sa isang lalaki at sinabing, "Zhalu, tumira ako sa lalamunan nito. Malamang ako ang panalo."

Napasimangot ang lalaki at naasar, "paano mo naman masasabi na ang palaso na nasa lalamunan nito ay sayo? Para namang may pangalan natin na nakaukit sa mga ito."

"Tumira ito mula sa mga kamay ko, malalaman ko iyon."

"Hmph. Hindi pwede yan." saad ni Zhalu, "Umisa pa ulit tayo."

Napataas ang kilay ni Muhe Xifeng at nagtanong, "paano mo gustong makipagkumpitensya?"

"Tututukan natin siya." turo ni Zhalu kay Chu Qiao, "Hindi ba't isa lang siyang alipin? Tirahin nalang natin siya."

Nangunot ang noo ni Chu Qiao habang nanliliit ang matang nakatingin kay Zhalu. Hindi man lang ito napansin ni Zhalu nang sumampa sa kabayo niya ay sinabi sa kanya na, "Takbo, dali. Takbo ng malayo."

Tinantya sila ni Chu Qiao, ang mga kilay ay nakakunot. "Hindi ako isang alipin." saad niya kay Muhe Xifeng sa malalim na tono.

Itinaas ni Muhe Xifeng ang kanyang kilay nang marinig ito, "ano ngayon?" saad nito na parang interesado sa kanya.

Oo, ano ngayon? Kahit na hindi siya alipin, itong mga aristokratong ito ay mapapatay ang kung sinong gusto nila nang walang dahilan.

Walang sinabi si Chu Qiao na tumalikod at naglakad patungo sa tolda ni Yan Xun. May swoosh na bumaon ang isang palaso sa nyebe, ilang pulgada ang layo sa kanyang paa. "Sabi ko tumakbo ka, hindi mo ba ako narinig?" sigaw ni Zhalu.

Binalot ng malamig na hangin ang babae bago tumalikod at malamig na tinignan si Zhalu. Ang panginoong Zhalu ng hilagang-kanluran ay nakaramdam ng ginaw paakyat sa kanyang gulugod, nilunok niya ang mga murang gusto pa sanang sabihin.

"Kung ako'y nakasakay sa kabayo, matitira ba ako ng dalawang master?"

Ngumisi lang sa kanya si Muhe Xifeng at hindi nagsalita. "Bigyan siya ng kabayo." nagngangalit na saad ni Zhalu.

Isang pandigmang kabayo na may itim na itim na balahibo ang dinala sa kanya. Malumanay na hinimas ni Chu Qiao ang ulo nito nang tumingin siya sa dalawang lalaki. Ang hangin ay malakas nang gabing iyon, dinadala ang mga nyebe mula sa lupa at masakit na humahampas sa kanilang mga mukha na parang buhangin.

Bigla, ihinagis ng babae ang katawan sa likod ng kabayo, kinuha ang patalim sa kanyang bewang at walang pag-aalinlangang sinaksak sa puwitan ng kabayo. Malakas na humalinghing ang kabayo at sobrang bilis na tumakbo. Bago tumugon ang sinuman, nawala na siya sa kanilang paningin.

Hindi makaimik na nanlalaki ang mata ni Zhalu sa gulat. Pagkatapos ng ilang minuto, tumalikod siya at sinabi kay Muhe Xifeng, "Umalis lang siya ng ganon-ganon lang?"

Pinaharap ni Muhe Xifeng ang kabayo sa tunog ng mga nag-uusap. Kaswal niyang sinabi, "kung hindi, ano sa tingin mo ang ginawa niya?"

Napuno ng inis si Zhalu, at mga nakakairitang boses ang maririnig sa likod niya. Matalas at malamig silang tinitigan ni Muhe Xifeng.

Bago pa man makalapit sa kampo, isang pangkat ang nagmamadaling tumatakbo papunta sa kanya. Itinigil ni Chu Qiao ang kabayo at nakakunot ang noo na tumingin sa kalayuan. Nakakita siya ng mga pigurang palapit ng palapit. Ito ay si Yan Xun at AhJing na pinangungunahan ang pangkat ng mga gwardya.

"AhChu!" nang makita ni Yan Xun si Chu Qiao, hinila niya ang renda at tumakbo papunta sa kanya. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa malalim na boses.

"Ayos lang ako." Saad ni Chu Qiao tapos au nagtanong, "Tapos na ba ang panggabing pangangaso? Bakit nakabalik kayo agad?"

Taas-babang sinuri ni Yan Xun ang dalagita habang humahangos ang kanyang dibdib, sinusubukan habulin ang kanyang paghinga. Iniling niya ang ulo at sinabing, "Bumalik na muna tayo sa tolda."

Hindi karaniwan ang pagkapagod ni Yan Xun ngayon. Nang makabalik sila sa tolda, pareho silang bumalik sa sarili nilang silid. Nang lumabas siya sa kanyang pinto, hindi sinasadyang nakasalubong niya si AhJing at ang iba pang mga gwardya na pinangungunahan sa kampo. Namangha si Chu Qiao na lumapit at nag-usisa.

"Binibini, binili po sila ng kamahalan mula sa pangangaso." marespetong sagot ni AhJing.

Nalito si Chu Qiao at nagsalita sa mababang tono, "Sila ay binili mula sa panggabing pangangaso? Anong ibig mong sabihin?"

"Sa pangangaso ng tao ngayong gabi, ang sabi ng prinsipe ay marami siyang nainom at hindi gusto na magpartisipa sa pangangaso. Ang second master ng Wei, kasama si Prince Ling at ang iba, ay nagprotesta sa kanyang desisyon. Walang nagawa si Prince Yan, kaya binili niya ang mga bata sa kanyang hawla sa isang daan na gintong barya bawat isa."

"Oh." tango ni Chu Qiao at sinabi, "Kung gayon ay ipagpatuloy mo ang iyong trabaho. Babalik na ako sa loob. Kalmadong tumalikod ang babae. Kahit na malamig ang umiihip na hangin sa kanya, nang binuksan niya ang kurtina na papasok sa tolda, nakaramdam siya ng init at pagkakomportable sa loob. Ang kanyang mababang ispirito ay tuluyan nang nawala.

Sa pangalawang araw, ang pangangaso na inorganisa ng imperyo ng Xia ay nagpatuloy. Lahat ng napili na magpartisipa sa pangangaso, bukod sa royal family, mga ministro at ang kanilang pamilya, pati na rin ang sugo ng karatig na kabayarang lupain, ay inimbitahan. Nang masabi iyan, ang kadakilaan ng kaganapan ay hindi matutumbasan. Ang pangangaso sa tagsibol ay hindi matatalo ang pangangaso sa taglagas. Sa hunting arena, ang puting nyebe ay kumislap sa walang hanggang pine forest. Lahat ay nagpapakita sa kanilang pinakamainam na kasuotan, na may malalaking mink na kapa sa kanilang balikat at pana sa kanilang likod, nagtataglay ang mga ito ng walang kapantay na kagitingan.

Ang imperyo ng Xia ay may bukas na kultura na lubha ang pagkakaiba sa imperyo ng Song at Tang. Kung titignan, mayroong makikitang mga babaeng sumasakay sa likod ng kabayo. Kaya, nung nasa tabi ni Yan Xun si Chu Qiao, hindi siya mukha hindi nabibilang.

"AhChu," tumalikod si Ya Xun at tumingin kay Chu Qiao, ang kanyang mukha ay namumula, "nilalamig ka ba?" Tanong niya.

"Hindi." nag-angat ng tigin si Chu Qiao at sumagot, "matagal na noong nagising ako ng ganito kaaga, at napakasariwa ng hangin."

Tumawa si Yan Xun. Nang magsasalita na sana siya, isang pangkat ang agad na lumapit sa kanila. Nakasuot ng lilang mink na kapa si Muhe Xifeng. Mukha siyang sobrang gwapo at nakakakuha ng maraming atensyon habang nakasakay.

"Prince Yan, matagal din tayong hindi nagkita, kamusta?"

Lumingon si Yan Xun at naningkit ang mga mata nang sumulyap kay Muhe Xifeng mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya ng kaunti at sumagot, "Pinangungunahan ni Prince Muhe ang pangkat kapag lumalabas ng capital kalimitan sa isang taon. Tunay nga, matagal na nga noong huli kitang nakita."

"Oo." ngumisi si Muhe at nagpatuloy, "kamakailan lamang, may maliit na parte ng mga tao ang nanggugulo sa Yan Bei. Sapagkat, napakaswerte ni Prince Yan na maiwasan lahat ng ito dahil tahimik kang namumuhay dito sa capital. Nakakalungkot na hindi ko matatamasa ang ganyang buhay dahil nakatadhana akong magkaroon ng mahirap na buhay."

Hindi natinag ang ngiti ni Yan Xun na tumango at sumagot, "ang malakas na tao ay laging abala, at lahat ng ginawa mo ay para sa ikabubuti ng muling pagkabuhay ng Xia Empire. Ang mga aksyon ni Prince Muhe ay nakikita ng mga mamamayan natin."

Tumawa si Muhe Xifeng at sinabi, "salamat sa mapalad mong puna." pagkatapos noon, pinatalikod na niya ang kabayo, tumigil lamang para sumulyap noong nalagpasan si Chu Qiao. Nakakakaba-kaba siyang ngumiti at sinabing, "pamilyar ang babaeng ito."

Marespetong yumuko si Chu Qiao nang sumagot, "Sa tingin ko ay napagkamalan niyo ako sa iba. Hindi ganoon ka pinag-pala si Chu Qiao para makasalamuha kayo dati."

"Isang magaling na tao, magandang pangalan ang Chu Qiao." Ngumiti si Muhe Xifeng at tumakbo na paalis.

Sa oras na ito, ang mga tunog ng tambol ang maririnig. May pitong mahaba at maikling tempo at ang ritmo ay pabago-bago. Sa hindi kalayuan, makikita ang Xia Emperor na umaakyat sa balkonahe, kasama si Muhe Nayun at isang pangkat ng mga gwardya na nakasunod sa kanya. Sampung libong imperial troops ang nakaharap sa magkaibang gilid na nakatayo, hinihiaalay ang emperor sa ibang tao. Sa likod ng makapal na gintong belo, hindi man lang makikita ang mga mata ng emperor; isang awra ng mapait na lamig na lumalabas sa likod ng kurtina ang tanging nararamdaman nila.

Lahat ay natahimik at sabay-sabay na sumigaw, "Mabuhay nang matagal ang emperor". Lumuhod sila at mababang yumuko. Ang mga pangkat na nangangaso ay nakatayo ng mahigit 30 milya ang haba at sabay-sabay na umawit, ang kanilang lakas ay sumuray. Ang matagal nang hinihintay na pangangaso ng imperyo ng Xia ay nag-umpisa na sa wakas.

Sa kalayuan, isang dagat ng bandila ang itinaas sa baybayin ng Chi Shui, may mga aninong nagsisigalaw. Nakatayo sa tabi ni Yan Xun si Chu Qiao habang nakikita ang milya-milyang tolda ng mga hukbo. Wala ailang magawa kung hindi paliitin ang tingin. Ang lakas ng militar ng imperyo ay talagang kakaiba. Kahit na isa lang itong royal hunt, sila ay naghanda ng nakakamanghang tanawin. Hindi na kailangan isipin kung matawag man sila sa gyera. Sila ay magiging malakas at makapangyarihan.

Ang tolda ng emperor ay nasa gitna ng buong pormasyon. Ang mga taga Xia ay nagsagawa ng isang agresibong pormasyon, kasama ang Imperial Guards, ang Green Army, ang Cavalry Battalion, at ang Jing Qi Army na nakaayos para ang bawat hukbo ay nakaharap sa ibang direksyon. Sa loob ng hukbo, ang mga pangkat ay nakaayos patayo simula umpisa hanggang dulo. May mga watchtower na pinadala sa parehong gilid, nakatayo sa mataas na lupa, at naka kuwadradong pormasyon, pinapalibutan ang pinaka-gitnang tolda.

Ang hilaga, timog, kanluran, at silangang hukbo, na binabantayan ang syudad, ay bumuo ng isang ahas na pormasyon at napalibutan ang gitnang hukbo. Tuwing ikatatlumpong tapak, mayroong nakatalagang signalman. Tuwing ika-isang daang tapak, isang daang sundalo ang nakatalaga. Sa apat na panglabas na dulo, mayroong libong sundalo mula sa field operations division na nakatalaga doon, nagtayo ng sentry posts. Sobrang tindi ng dipensa, mukhang kahit tubig ay hindi makakapasok sa pinakamaliit na butas.

Isang mahabang hangin ang umihip sa mga humahalinghing na pandigmang kabayo. Sa mga pumapagaspas nilang bandila, tumingin si Yan Xun kung hanggang saan aabot ang tingin ng mata. Ang kanyang ekspresyon ay taimtim at sinabi sa malalim na tono, "AhChu, bumalik ka na at mamahinga pa saglit."

Lumingon si Chu Qiao sa kanyang ekspresyon, naiintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin niya. "Kailangan mong mag-ingat." saad niya at tumango.

Lumingon si Yan Xun at bahagyang ngumiti, "Mahirap dumating ang oportunidad, AhChu, hintayin mo ang magandang balita ko."

Buong hapon, ang atmospera sa loob ng tolda ni Yan Xun ay sobrang tense. Nakaupo si Chu Qiao sa loob ng tolda suot ang kanyang itim na itim na roba. Sa isang tingin, mapagkakamalan siyang si Yan Xun.

Sumulat siya ng huling linya sa mapa at itinaas ang ulo na sinabi sa malalim na toni, "Tandaan niyo na maingat na gawin ang lahat at wag magpapalantad."

Sabay-sabay na sumagot ang lahat, "Miss Chu, wag po kayong mag-alala."

Nang hapong iyon, ang pinakabata at pinakamagaling na indibidwal sa pamilya ng Muhe, na si Muhe Xifeng, ay nawala sa masukal na hilagang-kanlurang gubat. Nagpadala ang angkan ng Muhe ng malaking pangkat para hanapin siya, ngunit wala rin. Si Muhe Xifeng ang pamangkin ni Muhe Nayun. Ang empress ng imperyo ng Xia ay gustong personal na utusan ang Dautless Cavalry camp para hanapin siya ngunit matigas itong tinanggihan ng kasalukuyang commander ng kampo, na si Zhao Che. Ang mag-ina ay yamot na naghiwalay. Hindi maiisip ni Zhao Che na ang desisyon na pinili niya ay bibigyan siya ng maraming gulo sa hinaharap.