Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 44 - Chapter 44

Chapter 44 - Chapter 44

Bukod sa pamilya Muhe, ang ibang royal family at imperial kinsmen ay baon sa masayang pakiramdam ng pangangaso. Palihim silang nagsasaya sa kawalan ng pamilya Muhe; walang kahit isa ang nagpapakita kahit kaunting simpatya. Inilagi ni Muhe Xifeng ang karamihan ng kanyang taon na nasa malayong hangganang rehiyon, at siya ay mapanghamon, malamig, at malupit. Walang sumusuporta sa kanya. Isa pa, naisip ng lahat na naligaw lang siya sa gubat. Pagkatapos ng lahat, walang gagawa ng lihis na plano laban sa mga maharlika ng bansa sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay.

Syempre, ito ang naiisip nila.

Nang oras na ito, sa kweba sa loob ng masukal na kagubatan sa hilagang-kanluran, nakatingin si Yan Xun sa katawan ni Muhe Xifeng na puno ng pasa at bugbog. Ngumisi siya at sinabi sa mababang tono, "Master Muhe, kamusta na ang lagay mo?"

Malakas na tumingala si Muhe Xifeng. Ang kanyang mga mata ay mukhang isang mabangis na lobo. Ang kanyang matalas na tingin ay dumapo kay Yan Xun na marahang sinabi sa nagyeyelong tono, "Yan Xun, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin ngayon. Isang araw, sisiguraduhin kong pagsisisihan mong nabuhay ka sa mundong ito."

Bahagyang ngumisi si Yan Xun na may bahid ng pagkauyam.

Pinagkiskis ni Muhe Xifeng ang kanyang mga ngipin, ang kanyang boses ay paos at medyo boses pato. Ang kanyang tingin ay may baliw na liwanag nang nagsalita siiya, "Maghintay ka lang. Hindi kita papakawalan. Naikama ko na ang ate mo, at kukunin ko rin lahat ng magiging babae mo. Wala na ang Yan Bei. Ang buong pamilya mo ay pinugutan ng ulo na parang mga aso, iniwan ang isang duwag at walang kwentang bastardong katulad mo, na naghihikahos sa iyong huling hininga, para lamang mabuhay. Mangangahas ka bang patayin ako? Hindi. Oras na mamatay ako, matitigil ang buong pangangaso at lahat ay mag-uumpisang mag-imbestiga. Hinding-hindi ka papakawalan ng pamilya Muhe; ni hindi ka makakatagal ng anim na buwan. Gusto mo ba talaga ang batang alipin na iyon? Kung ganoon, madadala mo lang siya sa impyerno kung saan makakasama mo muli ang pamilya mo. Kaya mo lang..."

Bago pa man niya matapos ang kanyang masamang mga salita, ang mga mata ni Muhe Xifeng ay nanlaki. Isang linya ng dugo ang pumilantik sa ere at umagos pababa sa kanyang maputlang leeg.

Puno ng pagkasuklam ang tingin na itinapon ni Yan Xun sa natatarantang mukha ni Muhe Xifeng. "Isa kang tanga, isa ka na ngang bilanggo ngunit nagpatuloy pa rin na hindi nahiya sa pagmamayabang." Saad niya na may paghamak.

May thud na bumagsak ang katawan ni Muhe Xifeng sa lupa. Ipinahid ni Yan Xun ang dugo na nasa kanyang patalim sa kanyang kasuotan at inutusan ang tagasilbi na nasa kanyang tabi, "AhJing, ipakain ito sa tigre. Mag-iwan kayo ng bakas para makarating ang pamilya Muhe dito."

"Naghanda po si Miss para masisi si Zhao Che at Wei Jing, ayos lang po ba iyon?"

Tumango si Yan Xun at naglakad palabas ng hawla, paakyat sa kanyang kabayo. "Gawin ninyo ang sinasabi niya." saad niya. Pagkatapos, pinatakbo na niya ang kabayo pabalik sa kampo.

"Miss," pumasok ng tolda si Jia He at sinabi sa malakas na tono, "Nakabalik na po si Prince Yan."

Tumango si Chu Qiao at nagtanong, "Nakompleto niyo ba ang gawain?"

"lahat po ay ginawa ayon sa inyong instruksyon. Wala pong pagkakamali."

"Maayos kung ganoon." Saad ni Chu Qiao na tumatango, "Lahat kayo, magpahinga kayong mabuti."

"opo."

Ang kurtina sa tolda ay biglang iniangat, naglakad papasok si Yan Xun na nababalot ng nyebe. Lumapit si Chu Qiao at winalis ang nyebe sa kanyang pandong. Nagtanong ito, "Maayos ba na nangyari ang lahat?"

"Ayos lang naman." Hinubad ni Yan Xun ang kanyang kapa nang umupo sa tapat ng brazier. "Bukas ng umaga, maghahari ang kaguluhan."

"Ano ngayon?" iniling ni Chu Qiao ang kanyang ulo. "Imposibleng malaman kung sino ang pumatay sa kanya. Marami siyang nagawang masamang gawain at maraming naagrabyadong tao. Tayo ay naging mahina at walang nagawa sa nakalipas na pitong taon sa capital. Paano tayo magbabakasakali na gumawa ng ganoong krimen kung napakaraming bantay? Isa pa, kakabalik lang ni Zhao Che at Wei Jing sa capital. Kumpara sa paghihiganti sa pagitan nila ni Zhao Che, ang galit sa pagitan ni Wei Jing at pamilya Muhe ay malalim na nakatanim para akusahan tayo ng pagpatay sa kanya."

Bahagyang ihinilig ni Yan Xun ang ulo at ngumiti, "inapi ka ba niya kagabi?" tanong nito.

Nagulat si Chu Qiao dito. Iniling niya ang ulo at tumawa. "Hindi. Kailan pa ako naapi?"

Tumango si Yan Xun at sinabi, "Mabuti kung ganoon."

Mabigat ang pag-ulan ng nyebe sa labas. Pumulot si Yan Xun ng nagkulay dilaw na papel at pwersahang binura ang pangalan ni Muhe Xifeng. Sa listahan ng mga kalaban ng Yan Bei, nabawasan na ito ng isang tao.

Sa ikalawang araw ng pangangaso sa tagsibol, ang magaling na myembro ng nakababatang henerasyon sa loob ng pamilya ng Muhe, si Muhe Xifeng, ay namatay sa loob ng kagubatan ng Xi Bai. Kinain ng mga tigre ang kanyang katawan. Ang kanyang bungo ay basag at ang kanyang dibdib ay sira, ang kanyang mga lamang-loob ay lumalabas sa kanyang katawan. Nang matagpuan ang kanyang katawan, lagpas sa kalahati nito ay wala na. Kung wala ang ina ni Muhe Xifeng doon ay walang makakakilala na ang duguang katawan na iyon ay pagmamay-ari ng naghahanap-pansin at masiglang panganay na tagapagmana ng pamilya Muhe.

Ang atmospera ng pangangaso ay naging malamig. Pinangunahan ni Muhe Xifeng ang kanyang pangkat sa karamihan ng taon, at ang kakayahan niyang makipaglaban ay nakakataas sa iba. Tatlumpo o limampung katao ang mahihirapang makalapit sa kanya. Hindi siya mapapatay ng isang tigre. Isa pa, sa tagpo, walang senyales ng brutal na labanang nangyari; ni hindi man lang naalis sa lalagyan nito ang kanyang espada. Sa ilalim ng suspisyon, ang mga nakakatanda ni Muhe Xifeng ay nagpasa ng memoryal sa emperor para makiusap sa Shang Lu court na mag-imbestiga sa kasong ito, dahil sigurado sila na may pumatay sa kanya.

Simula noon, hindi napigilang lumaki ang sitwasyon. Sa puntong iyon, malalaman ng pamilya Muhe kung anong nangyayari dahil nasa kanila ang karamihan sa kapangyarihan sa loob ng korte ng imperyo. Sa konseho ng Grand Elders, ang pamilya Mu galing sa Ling Nan ay hindi gustong nakikisali sa bangayan sa konseho. Ang lahi ng Zhuge ay laging mababa ang profile. Ang Helian family ay nag-umpisa na ang pagbagsak simula sa huling henerasyon nito at nahiwalay na sa konseho. Ang Shang Clan mula sa Dong Yue ay nagsimula sa relihiyon, kung kaya't wala silang gaanong impluwensya sa pulitika sa loob ng bansa. Isa pa, ang hilagang pamilya Batuha ay laging nasa hilagang-kanlurang rehiyon. Ang kanilang kapangyarihan sa capital ay mahina lang, at nakaasa sa pamilya Muhe ang kanilang ikabubuhay. Ngayon, ang tanging tao na makakalaban sa pamilya Muhe ay ang Wei family, na nakagawa ng mabigat na kasalanan. Si Wei Jing ay natanggalan ng posisyon bilang mahistrado ng capital. Ang natitira nalang ay ang Muhe family, na may Empress at tatlong kerida sa tabi ng Emperor; tiyak, sila ang pamilyang mas may kapangyarihan.

Ang mga opisyal ng gobyerno ng Jiu Cheng ay pumasok sa hunting arena, pumipili ng kung sino para tanungin at interogahin. Ang kagubatan ng Xi Bai ay nakasarado; ang mga taga labas ay bawal na pumasok sa lugar. Kahit ang mga sulat na pumapasok at lumalabas ng lugar ay kailangang tignan at suriin, kung sakaling gamitin ito ng salarin para tumakas. Ang imperial family ng imperyo ng Xia ay nagpahayag na ng malaking pakikisimpatya at suporta para sa kawalan ng pamilya Muhe, nangako ng kanilang suporta na hulihin ang salarin sa likod nito. Kung kaya't natigil ang hunt.

Sumapit ang gabi. Sa tolda ni Yan Xun, matatagpuan sa timog-kanlurang rehiyon ng hunting ground, ang mabigat na kurtina na gawa sa balahibo ng oso ay bumukas. Isang bugso ng malamig na hangin ang umihip sa silid, dahilan para kumutitap ang mga kandila sa lamesa. Isang lalaki na nakasuot ng puting roba ang tumingala, ang kanyang tingin ay madilim at malalim.

"Prince Yan, nandito po ba ang Miss?" Luminga sa loob ng tolda si AhJing. Nang paalis na dapat siya, napataas ang kilay ni Yan Xun at nagtanong, "Anong meron?"

"Ang thirteenth highness po ay inutusan ang mga tagasilbi niya na dalhin ito, para daw po ito kay Miss."

Napakunot ang noo ni Yan Xun na binaba ang kanyang libro, "Oh, kung ganoon, ilagay mo nalang iyan dito." Saad niya.

"Opo." tugon ni AhJing at lumabas na ng tolda. Sa labas, malakas na hangin ang bumubugbog sa bubong ng tolda, dahilan para umingit ito sa pwersa. Nakatingin sa bahagyang pagpagaspas ng kurtina, napasimangot si Yan Xun habang nag-aantay. Ngunit matagal na hindi nagbukas ang kurtina. Nanatili ang kanyang tingin sa parsel na nasa kanyang lamesa habang nananahimik.

Ang parsel ay malaki at ito ay gawa sa lila na may burdang silk mula sa Jiangsu. Ang likuran ng nakabalot na tela ay may brocade ng mapusyaw na buwan at puting mga lotus na nakaburda dito. Ang parehong dulo ng parsel ay selyado ng isang pagkakatali; walang paraan para tignan ang laman nito.

Sinulyapan pa ito ni Yan Xun at kaswal na tumingin ulit sa libro. Ang tolda ay sobrang tahimik na maririnig ang yabag ng mga sundalo sa labas nito. Subalit, kahit na sobrang tahimik, masyadong asar ang lalaki para magpatuloy magbasa. Tumayo siya at naglakad papunta sa kaha ng mga tsaa sa gilid, sinalinan niya ang sarili ng tsaa. Ang amoy ng dahon ng tsaa ay sariwa; ito ang bagong tsaa na ginamit bilang papuri sa Emperor mula Ling Nan. Hindi gusto ni Zhao Zhengde na uminom ng tsaa, kaya ipinamimigay niya ang mga ganoon sa lahat ng nasa palasyo. Ang Ling Nan ay kilala sa kanilang silk tea at ang tawag sa tsaang ito ay 'Red Girl'. Bali-balita na magagandang mga birhen ang namimitas ng mga dahon ng tsaa nito gamit ang dulo ng kanilang dila sa umaga; talaga namang napakahalaga nito. Kahit na hindi ito nakakalamang sa ordinaryong tsaa, ang pakiramdaman na binibigay nito pag-iniinom ay mas maayos sa iba.

Sa kasalukuyang estado ni Yan Xun sa palasyo, hindi niya natamasa ang kahit na anong handog. Ngunit walang nakakaalam na ang lalaki na naninirahan sa pinakaloob ng palasyo, ang crown prince ng Yan Bei, ay nagpapatakbo ng pinakamalaking tindahan ng tsaa sa Ling Nan. Kahit na ang royal family ng Ling Nan, ang Mu Dan, ay hindi alam ang tungkol dito.

Hawak-hawak ni Yan Xun ang tasa na bumalik sa kanyang lamesa, ang halimuyak ng tsaa ay tinutulungan siyang kumalma. Pinaliit ni Yan Xun ang mga mata ngunit nanatiling kalmado ang kanyang ekspresyon at ang kanyang mga yabag ay matatag. Subalit, nang umupo siya, biglang tumabingi ang kamay niya, tumapon ang lamang ng kanyang tasa. May splash na bumagsak sa parsel ang tsaa, mabilis itong binabasa. Pagkatapos ng ilang minuto, bigla siyang bumulong sa sarili, "nabasa ko ito kaya dapat ko itong buksan para linisin."

Gabing-gabi na nang sa wakas ay nakabalik na si Chu Qiao. Pagkatapos marinig ang sasabihin ni AhJing, bumalik na siya sa tolda ni Yan Xun at nagtanong, "Yan Xun, hinahanap mo daw ako?"

"Oh." Ibinaba ni Yan Xun ang libro at tumayo, ang kanyang puting roba ay mainit na lumiwanag sa repleksyon ng gintong apoy. "Nakabalik ka na, sobra siguro ang lamig sa labas."

"Ayos lang naman." Naglakad palapit sa braziers si Chu Qiao at hinubad ang kanyang fox leather gwantes. Pinainit niya ang kamay sa ibabaw ng apoy at nagtanong, "Hinahanap mo daw ako?"

"wala lang iyon, dumating ngayon-ngayon lang si Yu Hetian, tinatanong kung saan ako nagpunta kahapon."

Malamig na tumawa si Chu Qiao at sinabi, "Masyado silang balisa, mukha silang mga langgam sa mainit na lutuan. Ilang taon nang nasa hilaga si Yu Hetian at nagtrabaho, mula sa isang hamak na alagad paakyat. Nang napalayas sa hangganang rehiyon si Zhao Che nang ilang taon, naging magkaibigan sila. Kung hindi dahil kay Zhao Che, paano tataas agad ang ranggo niya? Ngayon, nang makitang maaaring nasa gulo si Zhao Che, malamang ay magtatangka siyang tumulong. Subalit, sa tingin ko ay hindi siya pinapunta si Zhao Che; masyado siyang mayabang para gawin iyon."

Tumango si Yan Xun at sinabing, "Noong nasa hilagang rehiyon siya, nakipag-usap din siya sa aking ama at mga kapatid."

"Isang kasuklam-suklam na karakter si Yu Hetian. Noong araw, siya ang nagregalo ng topographic map sa capital, tinraydor niya ang Yan Bei. Ngayon, gusto niyang pumunta dito para mangalap ng mga magagamit na kaalaman. Kung ayaw mong mag-aksaya ng oras sa kanya, hayaan mong ako ang tumapos sa kanya."

"Sige. Saka ayoko na siyang makita pa."

Kumurap ang mga kandila nang nag-ayos ng paa si Chu Qiao, papalapit sa brazier. "Madali lang iyon. Kailangan lang natin humanap ng magandang oportunidad para sabihan si Zhao Che na nanggaling siya sa kampo natin ngayong gabi. Sa mayabang at paranoid na personalidad ni Zhao Che, siguradong babantayan niya ang sarili sa mga salita ni Yu Hetian at hindi siya papansinin. Subalit, kailangan nating iwasan na hawakan siya mismo." Saad niya.

"Sige," sagot ni Yan Xun na tumatango. "Maaari mong planuhin ito."

"Oh, nga pala, Yan Xun, hinahanap mo ako ukol sa bagay na ito?"

"Hindi." Tumayo si Yan Xun at naglakad palapit sa lagayan sa likod ng tolda, inilabas niya ang kahon na gawa sa puting jade. "Kahapon, nagpadala ng damit si Wenting, pero sa tingin ko ay nagkamali siya ng nakuha; para ito sa babae. Sayo nalang ito." Saad niya.

Kinuha ni Chu Qiao ang kahon. Napasimangot siya at sinabi, "Binibigyan ka lagi ng regalo ni Ji Wenting, paano siya nagkamali ngayong pagkakataon?" nang buksan niya ito, nagliwanag ang mata niya. Sa loob ng kahon ay maayos na nakalagay ang kapa na gawa sa balahibo ng puting fox. Hindi lang ito malaking piraso ng balat ng fox, ngunit ito ang balat ng buong fox. Ang balahibo nito ay purong puti; na walang bahid ng ibang kulay. Kasing lambot ito ng pinong silk. Sa lupi ng kapa, mayroong puting-balahibong snow eagles na nakaburda dito; ang sulapa ng kapa ay matingkad at nakakasilaw, tulad ng perlas sa black sea. Sa isang tingin, masasabing napaka bihira nito at hindi matutumbasan.