Hinawakan ng babae ang unang gintong kahon. Ang kilay ng lalaki ay may mantsa ng dugo, madilim ang pagkapula nito. Ang mga mata ay nakapikit na para bang siya ay natutulog lang. Ang tangos ng kanyang ilong ay mataas at ang labi ay matigas, na para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya nagawa.
Tinignan ng babae ang mukha ng asawa niya, ang mga daliri ay sinalat ang lugar kung nasaan dapat ang katawan nito. Hindi siya umiyak, tumungo lang, malumanay na ngumiti. Sinabi niya, "ito ang asawa ko, ang feudal lord ng Yan Bei. Ang ika 24 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang marshal sa northwestern na rehiyon ng royal empire. Ang ika-576 na posisyon sa tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang hari ng Yan Bei—Yan Shicheng."
Ang snowflakes ay lumapag sa pilik-mata ng babae ngunit hindi ito natunaw. Ang kanyang mukha ay maputla, ngunit ang kanyang boses ay nanatiling malumanay. Tinignan niya ang putol na ulo ng kanyang asawa, na para bang magmimilagro itong magmumulat ng mata at ngingiti sa kanya. Hinimas ng kamay niya ang mukha nito, nahanap ang maliit na pilat nito sa kanyang earlobe. Nakatandaan na ito, at halos pawala na.
"ang pilat na ito ay gawa ng espada sa You Wei gate ng palasyo ng Sheng Jin, sa taon kung kailan nagrebelde ang hari ng Cang Lan. Nang taong iyon, ang emperor ay nabiktima at nakakain ng Spectral Grass, dahilan para mawala ang lahat ng lakas niya. Si Shi Cheng at General Meng ay nakipaglaban para mapasok ang palasyo gamit ang silangan at kanlurang gate para mailigtas siya. Natagpuan ni Shicheng ang emperor na crown prince palang noon. Binitbit niya ang walang malay na emperor at tumakas sa palasyo, habang nilabanan mag-isa ang 300 sundalo. May higit 20 siyang saksak sa kanyang buong katawan, at nakalakad nalang ulit matapos magpagaling ng kalahating taon sa kanyang higaan. Nang taon na iyon ay kaka-17 niya lang."
"dito naman, ito ay naiwan noong laban sa White Horse Pass," inilagay naman ng babae ang daliri sa naiibang pulang pilat at nagpatuloy, "sa taong 756 ng Bai Cang Calendar, ang royal empire ay nagsagawa ng ritwal para purihin ang ancestral temple sa Yao Shui. Lahat ng maharlika, elders, at kamag-anak ng royal family ay nasa tagpong iyon. Subalit, ang hari ng Pu Jiang ay sinamantala ang pagkakataon upang manggulo, pinagtaksilan ang imperyo sa pamamagitan ng pagbukas sa Southwestern Pass para sa mga tao ng Quan Rong. 30 libong sundalo ng Quan Rong ang ang pinalubitan ang Yao Shui. Pagkatapos marinig ni Shi Cheng ang balita, agad siyang umalis ng Yan Bei kasama ang kanyang hukbo, hindi man lang bumaba sa kanyang kabayo ng pitong araw at pitong gabi. Ang resulta ng kanyang pagkukusa, nagawa niyang ilayo ang panganib sa Yao Shui. Ang emperor niyo ay nangako sa tuktok ng White Horse Mountain sa Yao Shui na ang royal empire at Yan Bei ay hindi mapaghihiwalay na magkakampi sa mga susunod pang henerasyon. Halos lahat sa inyo ay naroon sa eksenang iyon."
Ang mga opisyal ng royal empire sa ibaba ng stage ay nagulat. Ang mga nangyari sa nakaraan na nawalis na sa illalim ng basahan ay naungkat nanaman, at nailantad sa lahat. Ang kanilang matanda, at malabong mga mata ay naalala ang mga nangyari ng araw na iyon ilang taon na ang nakakalipas. Ang dapit-hapon ay mapusyaw; ang mga bandilang leon ng Yan Bei ay lumilipad sa hangin, ipinagdiriwang ang pagkaubos ng mga barbaro ng Quan Rong. Nang oras na iyon, lahat sila ay bata pa, at nasasabik silang sumali sa pagdiriwang sa pagtapik sa balikat ng binata at nakikisalo nang may alak.
"Dito. Ang sugat na ito, General Meng, ikaw mismo ang may bigay nito noong ika-16 na araw ng ikaapat na buwan sa Huo Lei Plains. General, ikaw ay nasa kalakasan ng iyong buhay. Ikaw ay bihasa sa pakikipagdigma at desidido sa pagpatay. Sigurado, kaya mong makilala ang sarili mong sandata. Hindi ba't malalaman mo kung ang sugat na ito ay bigay mo, o kung ang tao na ito ay si Yan Shicheng?"
Biglang hindi nakapagsalita si Meng Tian, ang kanyang mukha ay parang bato.
"masasabi kong ito ang aking asawa, ang hari ng Yan Bei, Yan Shicheng, walang duda." Pagkatapos niyang sabihin, malakas niyang isinarado ang gintong kahon, lumingon at lumakad sa susunod na kahon.
"ito ang aking anak na lalaki, ang prinsipe ng Yan Bei. Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang sugo ng hilagang-kanluran na nayon ng royal empire! Ang ika-577 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang panganay na anak na lalaki ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Ting. Siya ay 21 taong gulang ngayon. Sumali siya sa hukbo noong 13 taong gulang siya, nagpursigi mula sa mababang ranggo. Siya ay dalamput-apat na beses na tumaas ang ranggo sa loob ng walong taon, at naiwasan ang 67 na pagsakop ng mga sundalo ng Quan Rong. Marami siyang nakuhang karangalan mula sa labanan, nakatanggap ng pitong gantimplala mula sa palasyo ng Sheng Jin at sa Elder Clan. Sa edad na 18, siya ay itinalaga bilang sugo ng nayon ng Guan Bai, pinangungunahan ang hukbo upang protektahan ang hangganan sa hilaga ng royal empire. Hindi siya nagkamali ng tapak. Sa ika-14 na araw ng ikaapat na buwan, siya ay natapakan ng higit sa sampung libong mga kabayo at nadisfigured hanggang sa mahirap na siyang makilala."
"ito ang aking anak na lalaki, ang prinsipe ng Yan Bei. Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang pangalawang sugo ng hilagang-kanluran na nayon ng royal empire! Ang ika-578 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang pangatlong anak ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Xiao. Siya ay 16 ngayong taon. Sumali siya sa hukbo sa edad na 13, sinusundan ang ama mula timog hanggang hilaga sa pakikipaglaban. Matapang niyang napaamo ang mga barbaro sa hilagang hangganan nang tatlong beses, hindi umatras kahit isang beses. Nakaranas siya ng mahigit sa 40 saksak ng kutsilyo para sa mga tao sa Yan Bei. Noong ika-16 na araw ng ikaapat na buwan, siya nilumpo gamit ang trebuchet ng hukbo ng kanluran. Ang kanyang gulugod ay bali, ang parehong binti ay naputol, at siya ay namatay sa pagkaubos ng dugo."
"Ito...Ito ang aking anak na babae." Ang boses ng babae ay biglang nasamid. Ang ulo sa gintong kahon ay maputlang berde at namamaga, nagsasabi na ito ay nalubog sa tubig. May makikitang purplish na dugo sa gilid ng kayang mata at ilong. "Ang prinsesa ng Yan Bei. Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang ika-579 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang panganay na anak na babae ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Hongxiao. Noong ika-16 na araw ng ikaapat na buwan, tinangka niya sagipin ang kanyang inang dinukot. Nang dumaan siya sa lawa sakay ang kabayo niya, siya ay hinuli at na gang-rape hanggang mamatay ng mga sundalo sa kanluran na Fourth Field Army, na pinangungunahan ni Muhe Xitian. Ang kanyang bangkay ay itinapon sa lawa pagkatapos."
Ang snowstorm ay mas lumakas pa ng oras na ito. Ang boses ng babae ay mas naging malungkot at natutuyo, ang mukha ay mas nagiging maputla. Ang kanyang mga salita ay may repleksyon ng sobrang pighati. Habang patuloy ang malakas na hangin, ang mga nyebe ay kumakalat, hindi mabilang ang mga buwitreng sabay-sabay na pinapagaspas ang kanilang pakpak, inihahampas sa madilim na kalangitan na may itim na mga bandila.
"Itong mga ito ang mandirigma ng Yan Bei. Sila ay nakipagtulungan sa kalaban upang pagtaksilan ang imperyo. Sila ay mga masasamang opisyal at mga traydor. General Meng, ipagpatuloy ang pagbitay!"
Isang malaking tansong kawa ang dinala sa taas ng platform. Maliwanag na nag-aapoy ang apoy sa kawa. Nakasimangot na sinabi ni Meng Tian, "Gawin na ang pagbitay!"
24 na kahon ang sabay-sabay na itinapon sa tansong kawa. Si Yan Xun, na may nagniningas natingin sa mga mata, ay sumigaw ng parang isang halimaw, naghahandang tumayo at tumakbo pasulong.
Maayos na umabante ang mga royal guard at hinarangan ang dadaanan ni Yan Xun. Mahigpit na hinawakan ni Chu Qiao ang kanyang katawan, hindi na kinayang pigilan ang mga luhang nagsimulang pumatak. Ang binata na kanyang yakap ay napaluhod sa lupa, ay wasak na wasak na umiiyak. Pinagsusuntok ng kanyang maugat na kamao ang batong sahig ng Jin Chi Square, hindi ramdam na tumutulo na ang dugo sa kanyang mga kamao. Ang kanyang tumatagos na pag-iyak ay nakakatakot at nakakasakit ng damdamin.
Lumingon ang babae, nakatingin sa nagliliyab na tansong kawa. Ang kanyang luha, na mahirap niyang pinigilan, ay nag-umpisang tumulo. Inabot niya ang kanyang kamay at marahang hinimas ang labas ng kawa. Ang kanyang ekspresyon ay maputla at bagsak. Pabalik na lumingon, tinignan niya ang kanyang anak sa ibaba ng stage bago tumingin kay Meng Tian. Marahan niyang sinabi, "Brother Meng, isang anak ko nalang ang meron ako. Sabihin mo sa taong iyon na wag kalimutan ang sinabi niya."
Nanginig si Meng Tian simula ulo hanggang paa. Nang marinig niyang tinawag siya nito na "Brother Meng", para bang naibalik siya ng 30 taon sa nakaraan. Kaya niyang hindi magkaroon ng emosyon kahit sa sobrang lungkot na mga salita, ngunit ang simpleng tawag na ito ay ginawang walang tigil sa panginginig ng kanyang mga kamay. Gusto niyang lumapit at tumawag ng, "Bai Sheng..."
Bigla, ang babae na nakaputi ay mabilis na tumalikod at malakas na iniuntog ang ulo sa tansong kawa!
"Bai Sheng!"
"Ina!"
Hindi mabilang na singhap ang narinig mula sa kumpol ng tao na aabot ng 10 libo sa Jin Chi Square. Malayang tumulo ang dugo sa noo ng babae. Ang kanyang kamay ay napahawak sa kawa, tapos ay marahang natumba sa sahig.
"Dali! Dali! Tumawag kayo ng manggagamot!" natatarantang saad ni Meng Tian, inuutusan ang mga sundalo sa ibaba. Hinawakan niya ang baabe sa kanyang bisig, ang kanyang matigas na ekspresyon ay wala na.
"Ina!" sigaw ni Yan Xun at sumusuray na umakyat sa platform, lumukso papunta sa babae at marahas na tinulak sa tabi ang general.
Ang panahon ay mabagyo. Ang mga halaman ay walang magawa kung hindi ay makaligtas sa bagyo. Ang kulog ay sumasabog sa horizon habang ang hilagang hangin ay mas malapit sa lupang umiihip. Ang makapal na nyebe ay patuloy na bumabagsak. Mabagal na binuksan ng babae ang kanyang mga mata at tumingin sa mukha ng bata. Malumanay siyang ngumiti.
"Ina!" lumuha ang mata ni Yan Xun. Ang mga mata ay nakakahawak ng sariwang dugo kahit saan. Sa kawalan ng pag-asa, napasigaw siya, "Bakit? Bakit kailangan mo itong gawin? Wala na si ama, wala na si kuya, wala na ang lahat! Ngayon, pati ikaw ay iiwan rin ako? Ina! Bakit?"
Ang luha ng babae ay unti-unting tumulo sa mukha niya. sobrang nahirapan siyang itinaas ang kamay at inihawak ito sa kamay ng anak niya. "Xun'er...mangako ka sa akin na mabubuhay ka kahit mas masahol pa ito sa kamatayan. Wag mong kalimutan. Marami ka pang bagay na kailangan magawa."
"Ina!"
Ang mga mata ng babae ay biglang nawalan ng buhay. Nakahiga siya sa itim na cymbidium stone. Ang mga bulaklak sa kanyang puting kasuotan ay nakulayan ng dugo, parang plum blossom na buong namulaklak. Ang kanyang mukha ay kasing puti ng nyebe sa ibabaw ng cymbidium sa puntong halos maaninag mo na ito. Bahagya siyang ngumiti, ang kanyang boses ay halos hindi na marinig habang sinasabing, "lagi kong naiisip na ang lugar na punakamahal ko ay ang Clearwater Cliff sa Tang Empire. Ang lugar na iyon ay walang taglamig, walang nyebe at walang mga panahon. Ngunit, ngayon alam ko na mali ako. Lahat ng mahal ko ay nasa Yan Bei. Ngayon, babalik ako upang hanapin iyon."
Sa isang iglap, parang nakita niya ang maaraw na kalangitan sa ibabaw ng makapal na patong ng madilim na ulap. Nakita niya ang malawak, at malayong kapatagan ng Yan Bei. Ang lalaki, mga mata ay nakangiti, ay nakasakay sa kanyang kabayo, papalapit sa kanya mula sa malayo. Ang kanyang boses ay maririnig sa sinag ng araw, umaalingawngaw sa berdeng kapatagan. Ang bundok sa kalayuan ay sabay na umalingawngaw sa kanya, "AhSheng..."
"AhSheng, gusto kong ibigay sa iyo ang pinakamahusay na mga bagay sa mundo. Sabihin mo, ano ang pinaka gusto mo?" nakaupo sa kabayo ang lalaki, masayang nagtatanong.
Sira, mayroon na ako ng mga pinakamaganda sa mundo noon pa: ang pamilya natin, ang mga anak natin at ang ating Yan Bei.
Walang buhay na bumagsak ang kanyang kamay. Ang hilagang hangin ay pininsala at mataas na kalangitan ng Zhen Huang. Ang mga buwitreng umiikot sa himpapawid ay sumunod sa agos ng hangin, ang kanilang mga balahibo ay kumalat, bumababa kasabay ang snowflakes sa lupa.
"Ina!" mahigpit na niyakap ng binata ang katawan ng babae. Ang kanyang mga mata ay walang buhay nang pasukin niya ang walang hanggan na pakakahimbing.
Tumayo si Chu Qiao sa tabi niya, nakakuyom ang kanyang kamao, nawala ang dugo sa kanyang mukha. Nagpatuloy na umihip ang malamig na hangin, ginugulo ang buhok ng bata na nasa harap niya. bigla siyang tumingala, matalas na tumingin sa hilaga kung nasaan ang palasyo ng Sheng Jin. Ang marilag na istrukturang naroon ay nangangamoy ng pang-aapi.
Nang araw na iyon, pakiramdam niya ay nasaksak siya sa puso ng isang matulis na tinik. Mahigpit niyang ikinuyon ang kanyang kamao, pinatigas ang labi, hindi nagsalita kahit isa ng matagal. Ngunit, alam niya na sa kabila ng kanyang paghihirap at pagdudusa, lalaki siyang mas matatag. Sa paglipas ng panahon, makakamtan din niya ang bunga ng kanyang paghihirap!