Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

"Sabihin mo sa akin! Nasaan si Xiaoba?" malamig pakinggan ang boses ni Chu Qiao. Diniinan pa niya ang dagger niya sa leeg ng dwende, na nagbigay ng sugat dito. Pulang-pulang dugo ang tumulo galing sa leeg niya.

"Sino... sino si Xiaoba?" ang tusong lalaki, na hindi na kasing yabang tulad kanina, ay namaluktot sa takot at nangungutal na sumagot, "Wala akong kilalang Xiaoba... nagtatrabaho lamang ako sa mga tao."

"Si Xiaoba ang may-ari ng bagahe na ito. Ang batang ginaya mo."

"Hindi... hindi ko alam," sagot nito. "may nagtatrabaho sa fourth young master ang lumamit sa akin. Isa akong panauhin ng pamilya ng Zhuge. Wala akong problema sa iyo."

"hindi mo alam?" napasimangot si Chu Qiao at tinantya ang dwende. Nang makitang walang tigil sa pagtango ang dwende, mas lalo pa siyang nagalit. Sa isang mabiliw na galaw ng kamay niya, lumaki ang mata ng dwende at unti-unti itong nawalan ng buhay. Nanigas ang katawan, hindi makahinga. Mayroon lamang isang mahaba at madugong sugat sa leeg niya.

"Hindi bagay sayo ang maging isang mamamatay tao. Dahil mamamatay ka na rin naman, mas mabuti pang gumawa ka ng kabutihan bago ka pumanaw." Malamig na tinignan ni Chu Qiao ang bankay ng lalaki. Nag-iskwat siya at mabilis na tinanggal ang damit niya.

Walang oras ng kapayapaan sa syudad ng Zhen Huang ng gabing iyon. Kahit na oras ng tulog ito, ang gate sa silangan ay marami pa ring liwanag. Ang fourth young master ng Zhuge Family ay personal na nakaistasyon doon, hinihiling ang mobilisasyon ng kalahati ng hukbo ng Zhen Huang para mahuli ang mga tagasilbi na nakatakas sa Zhuge Residence. Isang mga sundalo na ang nakaalis ngunit wala pa rin balita.

Naupo si Zhuge Yue sa kabayo niya. Ang silangang gate na nasa likod niya ay mistulang malaking leon na natutulog. Tahimik na nakasunod sa kanya ang mga tauhan niya, hindi nagtatangkang mag-ingay sa takot na magalit siya sa kanila.

"Fourth Young Master!" si Zhu Cheng, na nakasuot ng grey na roba, ang mabilis na lumapit sa tabi ni Zhuge Yue, at bumulong sa kanyang tainga, "Fourth Young Master, nais po ng First Young Master na umuwi na kayo ngayon."

Nagkunwaring walang narinig si Zhuge Yue at nagpatuloy na tumingin sa harapan niya, ang mukha ay hindi makikitaan ng kahit anong emosyon.

Mabilis na nagpatuloy si Zhu Cheng, "May balita na nakalabas ng syudad si Yan Xun, kasama ang mga tauhan sa Zhi Zi residence. Malaki ang gulong nagawa ng pamilya Wei ngayon. Dalawa sa daliri ni Wei Jing ang naputol at siya ay nagamit bilang hostage.

Napasimangot si Zhuge Yue nang marinig ito. Napaisip siya ng matagal bago sumagot, "Yan Xun?"

"Opo," pagpapatuloy ni Zhu Cheng, "Ito ay sa Jiuwai Main street, sa pagitan ng Bai Lan Temple at Zi Wei Square."

Malalim na sumagot ang batang Zhuge Yue, "Saang direksyong sila galing?"

"Sa tingin ko... sa tingin ko ay galing sila sa direksyon ng Chi Shui Lake."

"Napaka mapangahas!" singhal ni Zhuge Yue, ang kilay ay napataas. Napagtanto na niya kung bakit pinalibutan ni Wei Shuye ang Zhuge residence sa Ba Xing alley at sinugod ang mga tagasilbi dito.

"Saang direksyon tumakas si Yan Xun?"

"Fourth Young Master, inutusan po kayo ng First Young Master na wag makialam sa bagay na ito. Pakiusap po wag na po kayong makialam!"

Napataas ang kilay ni Zhuge Yue. Nung pasalita na sya, bigla siyang nakarinig ng mga yabag ng kabayo na papalapit. Isang maliit na lalaki na may suot na malaking sumbrero ang lumapit sakay ang kanyang kabayo. May itinapon siyang maliit na bangkay bago pa man siya makalapit sa tabi ni Zhuge Yue. Nakasuot ng berdeng leather armor ang bangkay, na nagsasabing siya ay napatay ng isa sa kasama ni Yan Xun.

Isang tagasilbi na nakatayo sa gilid ang malakas na sumigaw, "Fourth Young Master, nakabalik na po si Hu Cheng."

Napatingin sa bankay si Zhuge Yue na nakahilata sa lupa. Ang katawan ay nanigas, ang buhok ay magulo, at ang damit ay nadumihan ng putik at dugo. Makikita na matagal na siyang namatay. Kinain ng galit si Zhuge Yue. Dahan dahan niyang iniangat ang ulo, at matalim na tumitig sa dwende na hindi aabot sa tatlong pulgada ang tangkad. Marahan siyang nagsalita, "pinatay mo siya?"

Eleganteng bumaba si Hu Cheng, tumungo ang ulo at lumuhod sa lupa. Malalim ang boses at hindi maintindihan kahit sa gitna ng malakas na hangin ng hilaga. "Masaya ako at hindi ko kayo nabigo!"

"At kailan ko sinabing patayin mo siya?" ginamit ni Zhuge Yue ang kanyang pamalo upang walang awang latiguhin ang likod ni Hu Cheng. "Dapat kang mamatay!" ang galit niyang saad.

"Young Master!"

"Ah! Assassin!"

Ilang mga singhap ang maririnig. Nang lumatay ang pamalo ni Zhuge Yue sa likod nito, bigla itong tumingala. Mayroon itong batang itsura at makinis na balat. Paano naman siya naging isang magaling na mamamatay tao? Ngumisi ang bata at tinanggap ang palo niya, tapos ay maliksing tumalon at may hawak na siyang dagger na nakatutok sa leeg ni Zhuge Yue. Sa maliit na motion, tumigil siya sa pagpumiglas.

"Hindi ka pa patay?"

"Gaya ng hiling mo, buhay pa ako at mabuti." Malamig na may pagkamabangis ang mata na tinignan ni Chu Qiao si Zhuge Yue. "Kaya lang, hindi ako sigurado kung hanggang kailan ka mabubuhay." Mabagal na saad nito.

"Pakawalan mo ang kapatid ko!" asik ni Chu Qiao. "Kung hindi, maaari mo nang makita ang Second Grand Master ng pamilya niyo sa impyerno!"

Ang malawak na kapatagan ay puno ng nyebe, lalong-lalo na ang mga bundok. Ang hilagang hangin ay ikinakalat ang mga nyebe dahilan para dumapo ang snowflakes sa pilik-mata nila. Nakasuot si Chu Qiao ng steely grey na cloak. Ang kanyang malaking sumbrero ay natatakpan ang kanyang malinis na pilik-mata. Ang kanyang maliit at magandang kamay ay may hawak na dagger. Nakatayo siya laban sa sampung libong mga sundalo, na hindi makikitaan ng takot o pagkahina.

Malamig na suminghal si Zhuge Yue, tumalikod at kalmadong sinabi, "papatayin mo ba talaga ako?" umihip ang hangin sa puwang na naghihiwalay sa kanila. Humuni ang mga panggabing kwago, na parang iyak ng mga kaluluwang namatay ng walang dahilan.

Naging malamig ang tingin ng mga mata ni Chu Qiao. Ang maliit ng firewood hut, ang inosenteng ngiti ng bata, ang amoy ng katiting na lutong karne... ito ang mga sumabog sa isip niya na parang bomba. Unti-unti niyang ibinaba ang ulo, at tumingin ng diretso sa mga mata ng binata. "Maaari mo akong subukan."

"Talaga?" ngumiti si Zhuge Yue at bahagyang pinaliit ang mga mata. Sumagot siya, "Eh di, sige." Nang matapos ang kanyang sasabihin, itinungo niya ang ulo papunta sa matalas na dagger, na parang nawalan siya ng kontrol sa katawan niya.

"Young Master!"

"Master!"

Lahat ng mga natarantang boses ay sabay-sabay na narinig. Sa oras na iyon, para bang tumigil ang oras. Lahat ng ingay sa paligid ay napunta sa isang spot, na ginawa itong malakas. Nabigla si Chu Qiao sa nangyari, hindi inaasahan na mas determinadong magpakamatay ang binata kaysa sa mapagbantaan. Sa isang iglap, madaming pumasok sa isip ng bata. Bago pa man niya maintindihan ang lahat, wala sa isip niyang mabilis inilayo ang dagger, ngunit nananatiling nakadikit sa kanyang leeg, na nag-iwan ng mahaba, at madugong sugat papunta sa kanyang tainga.

Nang oras na inilayo ni Chu Qiao ang dagger niya, kinuha ni ZHuge Yue ang pagkakataon habang magulo ang isip nito. Parang isang maliksing loach, inihakbang niya pasulong ang katawan at binaliktad ang nangyayari! Kasing bilis ng kidlat na nangyari ang lahat. Bago pa man mawala ang mga singhap, ang binata, na nagawang hostage, ay nakatakas, kung hindi papansinin ang kanyang mararahas na galaw. Ngunit sa oras na ito, nakatayo siya sa harap ng bata, nakatutok ang mahabang espada sa kanya at malamig na sinabi, "Hindi mo ako nagawang patayin." Sariwang dugo ang tumutulo sa leeg niya. kahit na hindi malalim ang sugat, marami pa ring dugo ang lumalabas, na tumutulo sa kanyang magandang balat at humahalo sa kanyang damit.

Agad na lumapit si Zhu Cheng, at takot na sumigaw. "Fourth Young Master, may sugat kayo! Dali! Bumalik na kayo sa bahay, balik na sa bahay!"

Malamig na tumitig si Zhuge Yue kay Chu Qiao, na parang walang narinig sa sinabi ni Zhu Cheng. May kinuha siya sa bulsa niya na isang puting panyo. Ang dugo ay tumulo mula sa kanyang sugat papunta sa kanyang panyo. Ang crimson red na mantsya ay parang isang plum blossom na namulaklak.

"Madali! Ang gamot, ipasa nyo! Fourth Young Master, maupo po kayo at hayaan akong bendahan ang sugat niyo!"

Ang binata, na medyo maputla ang itsura, ay nakatayo sa malawak, at puno ng nyebeng lupain. Isang hindi inaasahang matalim na tingin ang nakita sa mata niya. Itinaas ang kanang kamay at ikinuyom ito, makikita ang naglalakihang ugat. Pagkatapos ng ilang minuto, binuksan niya ang palad niya, at hinayaan ang nagusot na panyo na liparin ng hangin. Gumawa muna ito ng dalawang bilog sa gabing kalangitan bago nawala sa hangin na may makapal na nyebe.

Ang puting panyo na ito ay nagamit upang punasan ang luha ang isang tao dati. Yung binata, sa kabila nang hindi mahulaang pag-uugali, ay gustong rin protektahan yung isang tao na iyon. Lahat ng mga naisip niya na ito ay tinangay ng hangin, tanda na tapos na ang palabas. Kung sino man ang mas nag-invest sa akto ay siguradong matatalo.

"Hulihin siya!" malamig na tumalikod si Zhuge Yue, at hindi makikitaan ng emosyon.

Ang mga gwardya ng Zhuge residence ay pinalibutan si Chu Qiao. Nakatayo siya sa gitna ng mga tao, hawak ang kanyang mahabang espada na sinasalamin ang malamig nitong tingin. Sa matang ito, makikita ang kanyang pagiging kalmado, ang kauhawan sa paghihiganti, ang pagiging maingat, ang hindi mapantayang determinasyon, pero wala kahit katiting na kahinaan o pagsisisi.

Simula noong una, alam niya kung pano mabuhay. Alam niya kung anong poot ang dinadala niya. Alam niya kung ano ang mga utang na loob niya. Kaya, Zhuge Yue, nung pinutol mo ang kamay ni Xiaojiu, nung pinatay mo si Linxi, nakatalaga na tayong maging magkaaway. Isa lang sa atin ang mabubuhay at isa ang dapat mamatay. Wala nang ibang paraan pa.

"Advance!" isang mababang boses ang nanggaling sa pangkat. Walang nagsisilbi sa Zhuge family ang nagtangkang maliitin ang mukhang mahina na maliit na batang ito. Isang grupo ng malalaking lalaki ang madaling umatake sa kanya. Sa maliwanag na gabi, ang tunog ng mga naglalabang espada ay maririnig sa malayo. Yung bata, na nagpapapakita ng hindi mapantayang liksi, ay umikot gamit ang kaliwang paa at sumipa gamit ang kanang paa. Sa isang lumilipad na pag-ikot, ang kanyang mahabang espada ay nalagyan ng dugo. Ang kanyang kanang kamay ay walang awang sinakal ang leeg ng isang lalaki. Nang gumalaw ang kanyang mga daliri, pinatid niya ang litid nito at maririnig ang crack. Ang mga eyeball ay lumuwa at malambot siyang natumba sa lupa.

Lahat nang nasa paligid ay nagulat, pero wala sa kanila ang umatras. Isang malaki at makapal na espada ang humiwa sa hangin, at papunta kay Chu Qiao. Itinaas niya ang kamay upang harangan ito, ngunit napaatras pa rin ng dalawang hakbang dahil sa kanyang maliit na pigura. Ang kanyang damit ay namantsahan ng dugo, at ipinapakita na siya ay nasugatan pagkatapos ng isang hampas.

Nang makita ito, nagsaya ang mga gwardya ng Zhuge residence. Kahit gaano pa katalino at ka walang-awa ang batang ito, siya ay, walang tangging, hindi pa aabot ng walong taong gulang. Ang lakas ay hindi maikukumpara sa mga malalaking tao.

Nakahanap ng oportyunidad ang lahat at lumapit. Nakatayo sa labas ng labanan si Zhuge Yue, mukhang seryoso, ang mga labi ay maputla, habang nilalagyan ng benda ni Zhu Cheng ang kanyang sugat. Ang makapal na nyebe ay pinamumukhang malungkot ang buong lugar.

"Giddyup!" sa isang iglap, isang malutong na sigaw ang maririnig sa malayo. Magulo at hindi sabay-sabay na mga tunog ng kabayo ang dumating galing sa hilaga.

Umikot ang lahat at tumingin sa hilagang direksyon. Sa malayo, sandaang mga kabayo ang paparating sa labanan. Ang binata na nasa harap ay nakasuot ng puti. Siya ay may itim na buhok at may hawak na crossbow sa knyang kamay. Ilang mga palaso ang pinakawalan niya at tumama ito sa mga gwardya ng Zhuge family.

"Lass!" ang mga kabayong pandigma ay mabilis na tumakbo, at inihalo ang sarili sa mga nandoon. Yung binatang nasa kabayo ay binuhat si Chu Qiao at isinakay sa kabayo. Nang may maliwanag na itsura, tumawa siya, "Iniligtas nanaman kita! Paano mo ako babayaran niyan?"

Sa isang sagi, pinalihis ni Chu Qiao gamit ang espada niya ang isang sibat. Ibinalik niya ang tingin at galit na tinignan si Yan Xun, "Nababaliw ka na ba? Bumalik ka sa gantong pagkakataon, gusto mo na bang mamatay?"