Mataas ang sikat ng araw sa kalangitan, malapit nang maabot ang tuktok. Halos tanghali na.
Ang taong nakatalaga sa pagbitay, na si Elder Huang Qizheng, lumapit ng nakayuko. Itinuro nito ang orasan sa gitna ng Jiu You at magalang na sinabi, "Prince Yan, oras na po para sa pagbitay."
Simpleng tumawa si Yan Xun, handang pakinggan ang sitwasyon. Pinapilantik niya ang kanyang manggas at sumagot, "Sige Elder Huang"
Tumayo ng diretso si Huang Qizheng, pinapanatili ang puno ng tiwalang tindig. Ang kanyang boses ay malakas at malayong umalingawngaw, at sinabing, "nandito na ang oras. Ilabas ang mga bilanggo para sa pagbitay!"
"gawin na ang pagbitay!" may isang nag-anunsyo.
Isang malakas na tunog ang biglang narinig. 3000 ang nagtipon sa Jin Chi Square, na nasa ilalim ng Jiu You Platform. Sabay-sabay silang masayang nagsigawan at nagbigay ito ng nakakaintimidang awra. Ang dumadagungdong na tunog ay nagpatuloy na umalingawngaw. Ang mabigat na purplish-golden na gate ay nagbukas, ipinapakita ang 20 nakabaluting sundalo na may hawak na tray, at nakatakip ng puting tela. Ang kanilang mga ekspresyon ay malamig habang paakyat sila sa itim na hagdan ng Jiu You Platform.
Biglang suminghal si Wei Jing at naghahamak na ngumiti. Malamig siyang tumingin sa execution platform.
Napasimangot si Yan Xun. Kinutuban siya na may hindi magandang mangyayari. Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang upuan, nakikita ang ugat sa kanyang kamay.
20 royal troops galing sa Military Assignment Hall ang malamig na tumayo sa Jiu You Platform. Ang First Marshall ng royal empire, na si Meng Tian, ay tumapak sa platfrom. Tinanong niya ang mga sundalo sa malalim na boses, "Napatunayan ba ang identidad ng mga kriminal?"
Isang sundalo, na walang emosyon na makikita, ay nanatiling nakatingin sa kanyang harap ang sumagot, "Hindi po, Marshall!"
Sumimangot si Meng Tian at nagtanong, "At bakit naman?"
"Marshall, wala pong nakagawa ng trabaho. Nag-utos ang palasyo ng Sheng Jin na ang execution official na nakatalaga ngayon an humawak sa pagbitay."
Tumango si Meng Tian. Tumalikod siya at tumingin kay Yan Xun na nakaupo sa pangunahing upuan. "Prince Yan, pasensya na po sa abala."
Nanatiling nakasimangot si Yan Xun at pinatigas ang kanyang labi. Ang pakiramdam na hindi mapakali at takot na nararamdaman niya ay hindi niya kinakaya, dahilan upang mawala ang kanyang kalmadong kilos sa puntong kailangan niya humugot ng matinding pagsisikap para lang makapagsalita.
Nakatayo sa likod si Chu Qiao, nararamdaman ang estado ng kanyang emosyon. Inilabas niya ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang kamay ng binata.
"Buksan ang mga kahon at kilalanin ang mga kriminal!"
20 royal guards ang pare-parehong naglakad pasulong. Tinanggal nila ang puting tela na nasa ibabaw nito, ipinapakita ang 20 mahahalagang kahon na gawa sa ginto. Ang mga kahon ay mabagal na binuksan, gumawa ng click ang mga susi. Iniangat ng mga gwardya ang takip ng kahon, at ipinakita ang laman nito sa harap ng lahat!
Lumaki ang mga mata ni Yan Xun, ang ugat sa kanyang noo ay makikita. Naglabas niya ng mabagsik at parang hayop na sigaw, mabilis na napatayo sa kanyang upuan papunta sa platform. Ang royal troops sa parehong gilid ay mabilis na lumapit at pinigilan siya. Ang tunog ng espadang tinanggal sa kanilang lalagyan ang umalingawngaw. Ang maliwanag na liwanag ng mga espada ay makikita. Ang galaw ng parehong grupo ay kasing bilis ng kidlat. Sa isang iglap, isang maliit na anino ang lumitaw sa harap nila. Nang may malutong na tunog, tinanggalan ng armas ng bata ang isang sundalo. Napasimangot, pumunta siya sa harap ni Yan Xun, hindi hinahayaang may makalapit na iba dito.
Nag-umpisang lumakas ang ihip ng hangin. Ang kalangitan ay naging maputlang dilaw at madilim na ulap ang nag-umpisang lumitaw. Ang mga uwak sa langit ay matalas na humuni nang dumadaan ang mga ito. Lahat sila ay itinaas ang manggas upang pangharang sa biglaang, walang-awa na bulwak ng kasing lamig ng yelong hangin at nyebe. Ilang mga tao lang ang hindi nasira ang tingin sa platform at sa kasunod na madugong pangyayari. Parang simbolo ito ng diyos ng martial arts na mapangahas silang tinatawanan, ang boses ay tumatagos sa puso ng mga tao sa ibaba, pinapalabo ang katotohanan sa mundo ng mortal.
Ang nakabaluti ng mabigat na si Meng Tian ay malalim na sinabi, "Situ Yundeng, pangalanan sila!"
"Opo!" ang batang general na may nakaburdang ibon sa balikat nito ay lumapit. Tinuro niya ang unang gintong kahon na may laman na ulo ng tao at tuyong dugo. Malakas at matatag siyang sumigaw, "ang nagmanang feudal lord ng Yan Bei! Ang ika 24 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang ika-576 na posisyon sa tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang hari ng Yan Bei—Yan Shicheng—nabitay noong ika-16 na araw ng ikaapat na buwan sa Huo Lei plains sa Yan Bei!"
Pagkatapos, naglakad siya sa pangalawang kahon at nagpatuloy, "Ang namanang prinsipe ng Yan Bei! Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang sugo ng hilagang-kanluran na nayon ng royal empire! Ang ika-577 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang panganay na anak na lalaki ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Ting—nabitay noong ika-14 na araw ng ikaapat na buwan sa Xun Lie wall sa Yan Bei!"
"Ang namanang prinsipe ng Yan Bei! Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang pangalawang sugo ng hilagang-kanluran na nayon ng royal empire! Ang ika-578 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang pangatlong anak ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Xiao—nabitay noong ika-16 na araw ng ikaapat na buwan sa Huo Lei plains sa Yan Bei!"
"Ang namanang prinsesa ng Yan Bei! Ang ika-25 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang ika-579 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang panganay na anak na babae ni Yan Shicheng, ang hari ng Yan Bei—Yan Hongxiao—na pinatay ang sarili sa lawa ng ika-16 na araw ng ikaapat na buwan pagkatapos maging desperado!"
"Ang namanang prinsipe ng Yan Bei! Ang ika-24 na henerasyon ng supling ni emperor Pei Lou! Ang deputy commander ng hukbo ng royal empire sa hilagang-kanluran! Ang ika-580 na posisyon ng tablet sa Cheng Guang Temple sa palasyo ng Sheng Jin! Ang nakababatang kapatid ni Yan Shicheng, hari ng Yan Bei—Yan Shifeng—nabitay noong ika-9 na araw ng ikaapat na buwan sa Shang Sheng Highlands sa Yan Bei!"
"Ang namanang... ng Yan Bei..." ang saad ni Situ Yundeng.
Ang listahan ng pangalan ay natapos din. Ang hangin ay walang tigil ang daan sa Jiu You Platform. Nakatayo sa tuktok ng batong platfrom si Meng Tian, matatag na nakatingin kay Yan Xun at sinabing, "Tapos na ang pagpapangalan! Prince Yan, pakikilala ang mga kriminal."
Nang may malakas na tunog, binunot ng hangin ang isang matandang puno sa tabi ng Jiu You Platform. Malaking sanga ang lumipad sa hangin, at lumapag sa gitna ng Jin Chi Square na may malakas na thud. Sa ilalim ng hangin, lahat ng mata, puno ng hindi makapagpasyang tingin, ang nanatiling nakatingin sa binatang nakatayo sa platform! Ang pagkamuhing nararamdaman niya ay sobrang tindi na tipong hindi na ito maipaliwanag!
Mabagal na ipinikit ni Yan Xun ang mga mata niya. Nang imulat niya ito ulit, ang mga mata niya ay namumula!
Tunog ng kulog ang maririnig sa madilim na kalangitan. Ang hilagang hangin ay kahambal-hambal na sumipol, parang isang mabagsik na halimaw. Ang madilim na ulap ay halos lumapat sa lupa. Ang nagngangalit na bagyo ay lubhang binawasan ang kakayahang makakita.
Ang cold-blooded na pinuno ng angkan ng Meng ay nagpatuloy, hindi nagbabago ang ekspresyon, "Prince Yan, pakikilala ang mga kriminal."
Ang marahas na bugso ng hangin ay nag-umpisang mabuo, hinihipan ang nakaladlad na itim na mga bandila, na parang nabuhay ang mga dragon na pattern sa bandila. Nagngalit ang ngipin ng binata, ang mga mata ay mapula, ang mukha ay nagbeberde sa galit. Ikinuyom niya ang mga kamao, isang matinding nag-aalab na sensasyon ang nabubuo sa loob sa dibdib niya. Bigla, umangal si Yan Xun! Parang isang panther na mangangain, sinapak niya ay isang royal troop, at kinuha ang armas nito. Nag-umpisa siyang malakas na umatake sa pangkat ng tao, nililinis ang daan niya patungo sa platform.
Ilang mga singhap ang biglang maririnig sa isang iglap. Ang mga royal guard sa dilaw na tent ay nagsilabasan, na parang tubig ng fountain. Nakatayo sa likod ni Yan Xun si Chu Qiao na nakasimangot. Tumalikod siya at sinipa ang isang sundalo sa binti nito. Ginamit niya ang pwersa ng sipa bilang pambwelo, lumipad sa ere at inabot ang tali ng flagpole sa execution platform. Woosh, ilang itim na bandila ang bumaba sa ere, at tinakpan ang buong pangkat ng tao.
"Hulihin siya!" pagalit ni Wei Jing, bilang una na makaangat sa mga bandila. Tumuro siya kay Yan Xun, na tumatakas mula sa platform. "Wag niyo hayaan na makatakas ang mabangis na aso ng Yan Bei na yan!"
Ang mga sundalo ng Jin Chi Square ay mabilis na lumalapit. Hinawakan ni Chu Qiao ang nagngangalit na binata ng isang kamay habang hawak ang kanyang armas na sa kabila. Nang humiwa siya, ang braziers sa gilid ng Jiu You Platform ay natumba isa-isa, ikinalat ang uling at langis sa sahig. Nag-umpisang umapoy sa mayelong lupa.
"Tara na!" sigaw ni Chu Qiao, hinihila si Yan Xun patungo sa kalye ng Zhu Wu. Ngunit, nakawala ang binata sa hawak niya nang may kakaibang lakas, at bumalik patungo sa maraming bantay na platform!
"Yan Xun!" nilipad ang sumbrero na nasa ulo ni Chu Qiao, ipinapakita ang kanyang buhok. Nakasimangot siyang sumigaw, "Baliw ka na! Bumalik ka dito!" sa isang iglap, tumilamsik ang dugo kung saan saan at ang mga bangkay ay nasa lupa. Matagal na nabuhay si Prince Yan sa Zheng Huang. Siya ay padalos-dalos at hindi mapigilan, ngunit wala pang nakakita sa kanya na ganito kagalit. Kahit si Zhuge Huai ay hindi alam ang kanyang ugali. Subalit, sa oras na ito, makikita ang malakas na liksi at uhaw sa dugong ekspresyon, kahit ang mga beterano sa digmaan ay nakaramdam ng takot.
May uri ng kapangyarihang hindi makukuha sa martial art, karunungan at malupit na pwersa, kung hindi ay hinuhugot sa malalim na pagkamuhi, paniniwala, at ang halo ng kabaliwan at determinasyon na hindi maaaring pigilan ng kung sinong mortal o diyos.
Nagpatuloy ang malakas na ihip ng hangin, binubunot ang hindi mabilang na mga damo. Ang mga naputol na sanga ay may malutong na tunog na parang iyak ng mga espirito. Ang palawit ng binata ay tinakpan ng noo niya. Ang mantya ng dugo sa kanyang balikat ay makikita dahil ang kanyang roba at nalaglag na. Pumutok ang mga ugat sa kanyang kamay. Ang tingin ng kanyang mga mata ay sumisimbolo sa isang hayop na naging desperado. Hawak ang puno ng dugong espada sa kamay, naglakad siya, bawat yabag, paakyat sa Jiu You Platform.
Ang hukbo sa bawat gilid ay nagdalawang-isip, ang mga bewang ay bahagyang nakayuko. Hindi nila alam kung anong nangyari sa kanila. May libong piling mga sundalo, ngunit wala sa kanila ang nagtangkang lumapit sa binatang may nababaliw na tingin. isang papatay na awra ang naiwan sa hangin, inaanaya ang mga buwitre na nagpapaikot-ikot sa himpapawid, naghihintay na sunggaban ang napakasarap na pagkain sa ibaba.
Ang may magaan na tunog, parehong paa ng binata ang nakatapak sa huling baitang ng platform. Sa isa pang tapak, ay nasa platform na siya. Sa oras na iyon, narinig ang malamig na boses ni Meng Tian, "Prince Yan, nandito ka ba para kilalanin ang mga kriminal?"
Dahan-dahang itinaas ni Yan Xun ang kanyang ulo. Isang patak ng sariwang dugo na pagmamay-ari ng hindi kilalang tao ang tumulo sa kanyang chiseled na panga. Sumagot ang binata sa kanyang mababa at paos na boses, "Umalis ka sa dadaanan ko!"
Isang malakas na tunog ang sumabog. Kahit na tag-lamig, ay mayroon pa ring kulog! Kumalat ang nyebe sa ihip ng hangin. Itinaas ng binata ang kanyang puno ng dugong espada, at malamig itong itinutok kay General Meng Tian. Isang salita lamang ang sinabi niya, "Scram!"
Thud, biglang tumalon sa ere ang heneral, at sinipa ang dibdib ng binata. Sa sandaling iyon, napaatras si Yan Xun, bumaliktad sa ere, at dumura ng dugo. Mabigat siyang bumagsak sa batong platform.
"Yan Xun!" sigaw ni Chu Qiao, sumugod pasulong hawak ang espada. Ang mga sundalo ay nagbitiw sa kanilang kawalan ng isip sa sandaling iyo, mabilis na pinalibutan siya. Pagkatapos ng lahat, siya ay maliit at mahina, dahilan upang hindi siya makapalag sa maraming tao na iyon. Marami na siyang natamong hiwa sa kanyang paa pagkatapos lamang ng ilang laban. Nang mabaluktot ang kanyang katawan, siya ay hindi na makagalaw dahil sa mahigit sampung espada na nakatutok sa kanyang leeg.
"Yan Xun!" sigaaw ni Chu Qiao sa kawalan ng pag-asa. Ang kanyang mga mata ay mapula at ang mga kamay ay pinipigilan sa kanyang likod, ginagawa na hindi siya makawala.
Mabilis na lumipas ang oras sa gitna ng katahimikan. Walang tigil sa pag-ihip ang malakas na hangin. Lahat ng nasa gilid ng Zheng Huang City ay napigil ang hininga, nakatingin sa binatang puno ng mantsa ng dugo ang kasuotan. Pagkatapos ng hindi malaman kung mahaba o maikling oras, yung binata, nakahandusay sa sahig, ang marahang ginalaw ang daliri. Malakas niyang hinawakan ang manyebeng lupa sa ilalim niya. Tumayo siya sa kanyang mga paa, bawat tapak, at may matigas ang ulong tingin. Hawak ang kanyang espada, medyo sumusuray siyang naglakad papunta sa platform.