Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 30 - Chapter 30

Chapter 30 - Chapter 30

"Ano nalang gagawin mo pag hindi ako bumalik? Walang utang na loob!" ngumuso si Yan Xun at nagpatuloy, "Kumapit ka ng mabuti!"pagkatapos tapusin ang kanyang sasabihin, pinalo niya ang puwitan ng kabayo. Nang may halinghing, mataas na tumalon sa ere yung kabayo, sa ibabaw ng ulo ng lahat!

"Yan Xun!" nagalit si Zhuge Yue. Inayos niya ang kanyang kasuotan at sumigaw, "Ang lakas ng loob mong makialam sa problema ko!"

Ang mga kabayong pandigma sa Yan Bei ay kilala sa buong mundo na pinakamaganda; walang makapigil sa kanila sa kapatagan. Tumalikod si Yan Xun habang nasa likod si Chu Qiao at tumawa, "Ang bait mo naman Fourth Young Master Zhuge. Babalik na ako sa hilaga, hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Adios, sa susunod nalang na pagkikita natin!" pagkatapos niyang tapusin ang sasabihin niya, pinangunahan niya ang mga mandirigma ng Yan Bei at lumisan.

"Young Master!" gulat na napasigaw si Zhu Cheng, para lang makita ang may malalang sugat na si Zhuge Yue na nagpupuyos sa galit. Sinagi niya sa gilid ang bendang nasa leeg niya, nakasimangot na sumakay sa kanyang kabayo. Sunod-sunod niyang pinalo ang kabayo upang habulin ang grupo ni Yan Xun.

"Madali! Madali niyong sundan ang young Master!"

Ang hangin ng gabing iyon ay nagbubuhos ng malalaking nyebe. Si Yan Xun at si Chu Qiao ay sakay ng isang kabayo, na dumaan sa isang bakante, malawak at manyebeng kapatagan.

"Lass! Bumalik ka sa Yan Bei kasama ako!"

"Hindi!"

"hindi sagot ang 'hindi'." Tumawa ang binata. "Tignan natin kung saan ka makatakbo ngayon."

Ang tunog ng mga kabayo ay bumagabag sa katahimikan ng kapatagan. Habang umiihip ang hangin sa kapatagan, marami pang tunog ng mga kabayo ang maririnig sa likuran na parang kulog. Kinakabahang humawak sa kamay ni Yan Xun si Chu Qiao at sumigaw, "Baliw, may humahabol sa inyo sa likod?"

Walang pakialam na tinawanan lang ito ni Yan Xun at sumagot, "ayos lang yan. Malaki ang Yan Bei at mayaman sa resources. Hindi problema kung gustong humabol ng Wei Clan doon."

Mabigat ang mukhang napasimangot si Chu Qiao. Manaka-naka siyang lumingon sa likod, makikita ang mga pigurang papalapit ng papalapit. Alam niyang marami ang humahabol sa kanila. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, pinag-aralan ang kapaligiran at kinagalitan si Yan Xun, "Baliw ka ba? Alam mong hinahanap ka ng mga tao para patayin. Bakit ka pa rin bumalik?"

Napataas ng konti ang kilay ni Yan Xun. Inulit niya ang parehong linyang sinabi niya kanina, "ano nalang gagawin mo pag hindi ako bumalik?" namuo ang mga luha sa mata ni Chu Qiao. Tumingala siya, ang mga matang nakikita ang baba ni Yan Xun. Isa pa rin siyang bata pagkatapos ng lahat; ni hindi pa tumutubo ang balbas niya. Isa siyang aristokrata at hindi alam ang hangganan niya, walang muwang sa panganib ng mundo.

Nanag makitang malalim ang iniisip ni Chu Qiao ay tumawa at nag-usisa, "Anong nangyayari? Masyado ka bang natouch kaya naisip mo nang maging nobya ko. Hindi mo na kailangan. Sobrang bata mo pa. Sinong makakapagsabi kung ano magiging itsura mo paglaki? Ganito nalang, sundan mo ako, at tignan natin kung anong mangyayari."

"Traydor galing sa Yan Bei! Bumaba ka ng kabayo mo at sumuko ka na!" isang malakas na boses ang biglang narinig sa likod. Napatigil si Yan Xun. "Hay, mukhang may problema nanaman tayo." Nang sinabi niya iyon, wala siyang ibang nagawa kung hindi paluin ang kabayo niya para pabilisin ito.

Yung itim na baluti ay nagbibigay ng isang nakakaintimidang pakiramdam sa gabi. Mga nagmamadaling yabag ng kabayo ang mas naririnig sa bawat segundo. Malalaking mga kumpol ng nyebe ang makikita sa ere dahil sa mga kabayo, na para bang gumuho ang tumpok ng mga nyebe. Mabigat na nanginig ang lupa, para bang isang halimaw ang nagising at malapit nang makawala galing sa lupa.

"Kapit ng mahigpit!" ang ekspresyon ay biglang naging seryoso. Napasimangot niyang hingipitan ang kapit sa renda ng kabayo at sa isang malakas na sigaw, humalinghing ang kabayong pandigma. Itinaas nito ang mga paa sa ere at mas binilisan pa ang pagtakbo. Ang hangin ay dumadaan sa kanilang mga tenga na parang isang matalas na kutsilyo, at iniiwanan ang mga tao sa likod na humahabol sa anino.

"Haha!" ang mga mandirigma ng Yan Bei ay naglabas ng malakas at masayang tawanan, habang tinitignan ang mga gulat na mukha ng mga sundalo ng Wei.

Si Feng Mian, ang maliit na apprentice, ay tumawa at sinabing, "Prince, dapat ipakita natin sa kanila kung ano ang totoong kabayong pandigma na galing sa Yan Bei."

Tumawa si Yan Xun at sumagot, "Sige ba, bigyan natin sila ng makakapagbukas ng mga mata nila." Nang matapos niya sabihin iyon, ang mga mandirigma ng Yan Bei ay sabay-sabay na hinawakan ang renda ng kabayo nila, naglagay ng daliri sa kanilang bibig at naglabas ng isang high-pitch at malutong na sipol. Sa gitna ng pagkalito ng lahat, ang mga pandigmang kabayo na kabilang sa mga sundalo ng Yan Xun ay biglang tumayo sa dalawang paa, ang mga kiling ay lubos na pinalawak. Naglabas sila ng malakas na ungol na parang sa isang leon. Ang tunog ay umalingawngaw sa gabi, pinapakita ang hindi matutumbsang lakas at dominanteng uri. Sadyang nakakasakal nito.

Ang pandigmang kabayo ng mga royal troops ng Zhen Huang ay naglabas ng iyak ng paghihirap. Ang mga binti ay lumugso at bumagsak sa lupa. Walang dami ng palo ng mga general ang nakapagpatayo sa kanila ulit.

Naintriga naman si Chu Qiao.

"Sa Yan Bei, gumagawa kami ng kabayo sa pamamagitan ng pagcross-breed sa pinakamainam na babaeng kabayo na galing sa Tain Mu Mountain at mga ligaw na lobo. Hindi kapani-paniwala ang bilis nila at kaya rin tumawag ng pangkat ng lobo para makatulong sa laban. Ang mga piling kabayo sa Zhen Huang ay hindi pa nakapunta ng labanan; kaya natural na mamaluktot sila sa takot marinig lang ang tunog ng kabayo namin. Imposible para sa kanilang mahabol tayo." Tumatawang paliwanag ni Feng Mian

Sabay-sabay ulit na tumawa ang mga mandirigma ng Yan Bei. Pumagaspas sa hangin ang kasuotan ni Yan Xun. "Tayo na! Balik sa Yan Bei!" utos niya habang nakaupo sa kabayo niya.

Masayang nagtawanan ang mga mandirigma at sinabi, "Balik sa Yan Bei!" ang yabag ng mga kabayo ay dumadagungdong, at ikinakalat ang mga nyebe. Sa isang madilim na gabi, pinalo ng mga mandirigma ng Yan Bei ang kanilang mga kabayo, umalis sa lugar nang may karangalan.

Ngunit, sa oras na ito, biglang nakaramdam ng panganib si Chu Qiao. Ang pag-iingat na nalinang mula sa ilang taon ng mapanganib na trabaho, ang naglerto sa isip niya. Bago pa man niya maintindihan ang iniisip, biglang dumating, ang isang swish na tunog na tumagos sa dilim at sumipol palapit sa kanila nang may nakakaintimidate na awra.

Sa isang segundo, bago pa makakilos ng maayos si Chu Qiao, sinuntok niya ang sikmura ni Yan Xun. Umaray sa sakit si Yan Xun, at napayuko bilang reflex. Nang papagalitan na niya dapat ang walang utang na loob na si Chu Qiao, isang palaso ang tumusok sa kanyang kaliwang balikat, ang dulo ay tumagos sa kabila. Lumabas ang dugo sa sugat niya dahil sa lakas ng tama sa kanya at dahilan para malaglag siya sa kabayo niya tungo sa manyebeng lupain!

"Yan Xun!" sigaw ni Chu Qiao. Hinawakan niya ang renda ng kabayo, at sinubukan patigilin ito, pero hindi siya pinansin nito at patuloy sa pagtakbo. Nataranta si Chu Qiao na tumalon sa kabayo patungo sa ere. Nang sumirko paharap, lumapag siya ng maayos sa lupa. "Yan Xun!" hinawakan ni Chu Qiao ang balikat niya. "Ayos ka lang?" tanong niya.

Napasimangot ang binata, malamig na ekspresyon ang makikita sa mukha. "Ayos lang ako. Hindi ako mamamatay."

Nang may isa pang swoosh, isa nanamang palaso ang lumipad papunta sa kanila. Naramdaman ni Chu Qiao na galing ito sa ibang direksyon, itinaas ang kanyang espada upang harangan ang palaso. Nagspark ang pagdikit ng palaso sa espada ni Chu Qiao dahil sa lakas ng pwersa nito dahilan upang magliwanag saglit ang madilim na paligid.

"Ibaba niyo ang sandata niyo!" maraming mababang boses ang sabay-sabay na nagsalita. Hindi mabilang na mga sundalo, madaling sabihin na nasa libo ito, ang umahon sa galing sa manyebeng lupa. Lahat sila ay nakasuot ng puti, at ikinukubli ang mga sarili sa nyebe. Hindi nakakapagtaka na walang naramdamang panganib ang mga kabayong pangdigma nung dumaan sila. Maraming espada ang nakatutok sa kanila, ginagawang imposible na makatakas.

Matinding labanan ang maririnig sa hindi kalayuan. Makikita na ang mga mandirigma ng Yan Bei ay hindi nakababa ng oras at mabigat na napapalibutan ng mga royal troops.

Isang binatang nakasuot ng itim ang lumapit mula sa pangkat ng tao. Ang kasuotan sa loob ng kayang kapa ay may gintong dragon na nakaburda. Ang matalim tignan na kuko ng dragon ay makikita sa kanyang kwelo, lumilitaw na nakakaintimida at maharlika sa ilalim ng maliwanag na siklab ng mga apoy.

Kalahating sumulyap at suminghal si Zhao Che, "Sinasabi ko na nga ba na walang tamang magagawa ang pamilya Wei."

Matatalim na espada ang nakatutok sa kanilang leeg. Ang mga espada ay may purplish-golden flower na logo na nakaimprinta dito, ang simbolong para lamang sa Sheng Jin palace. Ibig sabihin ay gwardiya sila ng imperyo. Si Zhao Che, ang seventh royal prince, ay tinignan si Yan Xun sa mata at tinatantya si Chu Qiao, na nag-utos, "dalhin sila pabalik."

"Seventh Royal Highness." Isang gwardya ang naglakad pasulong, paonti-onting tumingin sa mga mandirigma ng Yan Bei na nananatiling abala sa laban. "Pano yung iba?"

Napataas ang kilay ni Zhao Che at suminghal. "Ang mga taong iyon ay hindi sumunod sa royal orders at pinagtaksilan ang kanilang bansa. Anong saysay ang buhayin sila?"

Ang mga gwardya na naramdaman ang gustong ipahiwatig ni Zhao Che ay nagsigawan, "Patayin silang lahat!"

Sigaw ng pagsang-ayon ang maririnig sa hindi kalayuan. Sa isang iglap, mga palaso ang lumilipad papunta sa kung nasaan ang mga mandirigma ng Yan Bei. Kanina lang, masaya pa silang nagsisigawan. Ngunit, walang buhay na silang nakahiga sa lupa ngayon, ang mga bangkay nilang bumabagsak sa lupa.

Nagalit si Chu Qiao. Maririnig ang hindi mapigilang pagmumura ni Feng Mian sa gilid niya, ikinuyom niya ng mahigpit ang mga kamay niya, at malamig na tumitig kay Zhao Che na nakasakay sa kabayo nito. Sa pagkakataon ito, ang hukbo ng imperyo galing sa Sheng Jin palace ay lumapit. Bahagyang nagpumiglas ang bata, dahilan para mahuli ang atensyon ng royal prince.

Tinatantya siyang tinignan ni Zhao Che at bahagyang napasimangot. Mukha siyang pamilyar ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. "Patayin lahat ng walang kinalaman," saad niya.

"Wag kayong magtangka!" tumakbo palapit si Yan Xun, yakap ng mahigpit si Chu Qiao at walang takot na tinignan ang binata sa mata.

Napatigil si Zhao Che; napalitan ng tawa ang galit niya. "Hindi mo alam ang limitasyon mo. Sa yugtong ito, iniisip mo pa rin bang ang sarili mo bilang prinsipe ng Yan Bei?" sagot niya dito.

Malamig na nagsalita si Yan Xun, "Zhao Che, kung ipagpapatuloy mo ito, sigurado akong pagsisisihan mo ito."

Sumimangot at suminghal si Zhao Che. "gusto kong makita kung paanong ikaw, isang nahuling hayop, ay sisiguruhin na magsisisi ako. Gawin nyo na!"

Piling mga sundalo sa magkaibang direksyon ang nagtaas ng espada at lumapit sa kanila. Inilabas ni Yan Xun ang dagger niya at itinutok sa puso niya. Ang tingin ng mga mata niya ay makikitaan ng matibay na pasya.

"Tigil!" nagulat si Zhao Che ay di makapaniwalang napasimangot. Ang mga mata ay pinag-aralan ang bata simula ulo hanggang paa, bago sinabing, "Yan Xun! Kakaawaan ko ang karangalan mo ngayon. Dalhin sila pabalik!" ang mga sandata nila ay inalis sa kanila, at pareho silang ikinulong sa isang karwahe na naihanda.

Mahigpit na niyakap ng binata si Chu Qiao. Ipinahinga niya ang ulo niya sa dibdib ni Yan Xun. Ang dugong mula sa sugat ni Yan Xun ay tumutulo sa kanyang leeg, at humahalo sa damit ni Chu Qiao.

"Yan Xun," bulong ni Chu Qiao, "kamusta ka?"

"Lass, nadamay pa kita."

Nalungkot si Chu Qiao. Umiling siya at sinabing, "wag mong sabihin to. Tayo ay..."

"Wag ka mag-alala!" biglang singit ni Yan Xun kay Chu Qiao at malaki ang pananalig niyang sinabi, "poprotektahan kita."

Nanigas ang katawan niya at siya'y natigilan. Hindi katagalan, sa wasak-wasak na kubong lagayan ng kahoy, may nagsabi din sa kanya ng parehong mga salita at parehong pagkaseryoso.

"wag ka matakot Yue'er. Poprotektahan kita."

Umiihip ang hangin, malamig na para magyelohin ang dugo ng isa. Nawalan na ng maraming dugo si Yan Xun; ang katawan niya ay malamig at hindi matigil sa panginginig. Inabot ni Chu Qiao ang payat niyang mga braso at niyapos ng mahigpit si Yan Xun. Tumingin siya sa kaliwa, at may makikitang maliit na burol sa hindi kalayuan. Ang makakapal na mga ulap ay unti-unting nawawala, dahilan para makadaan ang sinag ng buwan na lumiliwanag sa lupa. Isang binata ang nakasakay sa kanyang kabayong pandigma. Mayroon itong crossbow na nakaharap sa kanya ang pagkakahawak. Ang sugat sa balikat ni Yan Xun ay gawa ng taong ito.

Kahit na malayo ang agwat nila, nakikita pa rin ni Chu Qiao ang tindig at kilay ng lalaki. Niyakap niya si Yan Xun, kung saan mas lumalamig pa ang katawan, nang mahigpit. Kinagat niya ang ibabang labi at kinuyom ang maliliit na kamao na nasa likod ng binata.