Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 31 - Chapter 31

Chapter 31 - Chapter 31

Nakakahipnotismo ang gabi. Ang makakapal na ulap ay nawala na at ang sinag ng buwan ay malinaw. Dahan-dahang binaba ni Zhuge Yue ang kanyang crossbow, nanatiling nakatayo doon ng sobrang tagal habang pinapanood na palayo ng palayo ang karwaheng galing sa Sheng Jin palace.

Ang mahabang gabi na ito ay matatapos na din.

Sumikat na ang araw. Pumasok ang sinag ng araw sa silid galing sa bintanang mataas na mataas, pinapakita ang mga alikabok na nasa hangin. Mahinang kaluskos ang maririnig sa likuran. Ang isang hindi nag-ukol ng pansin ay aakalaing galing ang tunog na ito sa dagang naglalakad sa damo.

Sumandal si Chu Qiao at pumikit, tapos ay umidlip. Ngunit sa likod niya, ang kanyang kamay ay bahagyang gumagalaw, gamit ang isang bato na kumukuskos sa pader.

Mabilis na sumikat at lumubog ang araw. Ang ingay sa labas ay unti-unting nawala. Ang maunlad na syudad ay binalot ng dilim. Ang mga bantay ay dalawang beses na nagpatrolya tapos ay humihikab na natulog. Gabing-gabi na ito at ang buwan ay mataas na ang sikat sa kalangitan. Thud, isang malaking clay bato ang bumagsak sa damo.

"Yan Xun..." isang mahinang boses ang mabagal na narinig, na nagtutunog malutong sa tahimik sa kulungan.

Tumalikod si Chu Qiao at tinignan ang katabing kulungan, nakakita siya ng isang binata na nakasuot ng puti, ang nakasandal sa kabilang dingding. Ang mga binti ay nakadiretso habang sya ay nakaupo sa madumi at tuyong mga damo, ang mata ay nakapikit na parang natutulog.

"Yan Xun," maingat na bulong ni Chu Qiao.

Bahagyang gumalaw ang pilik-mata ni Yan Xun. Binuksan niya ang mga mata at tinignan ang paligid. Nakita niya ang malinaw na mga mata ng bata sa harap niya. Sa sobrang tuwa, gumapang siya papunta sa butas, at pinuri ang bata, "Lass, ang talino mo."

"Ungas!" saway ni Chu Qiao, "Hinaan mo ang boses mo kung hindi may makakarinig sayo."

"Oh," ginaya siya ni Yan Xun at pinag-aralan ang paligid. Tumalikod siya at tumawa sa nakakatawang paraan, pinapakita ang kanyang mapuputing mga ngipin. "Lass, wag ka matakot. Magpapadala ang tatay ko ng sasagip sa atin. Hindi magtatangka ang mga ito na saktan tayo."

"mmm." Mapanglaw na tumango si Chu Qiao, nang hindi siya sinasagot.

Napasimangot si Yan Xun. "Hoy, hindi ka naniniwala sa akin?"

"Hindi ako magtatangka." Dumila si Chu Qiao at ngumuso. "sasagipin ka ng tatay mo. Wala akong mga kamag-anak na kayang gawin iyon."

Napatawa si Yan Xun. Ang mga mata ay kumislap na parang mga bituin sa kalangitan. "wag ka mag-alala. Hindi kita iiwanan. Pwede mo akong sundan sa hinaharap, poprotektahan kita."

May bumalot sa kanyang init. Ang walong taong gulang na bata ay tumawa at ngumiti ng maliwanag habang tumatango. "kailangan mo akong ilibre ng masarap pag labas natin. Nagugutom na ako eh."

"Walang problema," pangako ni Yan Xun. "maaari mong kainin lahat ng gusto mo. Pagbibigyan ko lahat ng mga kahilingan mo."

Hindi namamalayan, makapal na ulan ng nyebe ang bumuhos sa labas. Ang mga snowflake ay pumapasok sa itaas na bintana, kasama ang malamig na hangin. Nang bubuksan na ni Chu Qiao ang bibig niya, nanginig siya at nakaramdam ng ginaw sa kanyang katawan. Nang makita ito ni Yan Xun, idinikit niya ang mukha sa butas. Nag-umpisa siyang kabahan nang makitang manipis lang ang suot nitong damit, ang mukha ay maputla at ang labi ay nag-umpisang maging purple sa lamig.

"Nilalamig ka ba?"

"Ayos lang ako."

"Ang konti ng suot mo. Halos mamatay ka na siguro sa lamig." Tumayo bigla si Yan Xun at tinanggal ang kapang suot niya. Naupo siya at tinangkang ipasok ito sa butas. Ngunit, masyadong makapal ang kapa; kahit ang manggas nito ay hindi makapasok sa butas. Tinulak pabalik ni Chu Qiao ang kapa sa kanya at sinabi, "tigilan mo nga yan. Baka malaman pa nila."

"ano naman kung malaman nila?" singhal ni Yan Xun. "hintayin niyo lang na makalabas ako. Wala akong patatakasan kahit isa sa kanila." Pagpapatuloy niya.

"saka mo na sabihin yan pag nakalabas tayo ng buhay dito." Nanunuyang sagot nito dito, at may panghahamak na tingin.

"Maghintay ka lang at makikita mo din." Nanunuya at galit nitong saad.

Mas lumamig pa ang kulungan habang nagtatagal. Sumandal si Yan Xun sa pader nang bigla niyang sinabi, "Lass, iabot mo kamay mo."

"Oh?" tuliro si Chu Qiao. "Ano?"

"yung kamay mo," saad ni Yan Xun, habang sumesenyas. "ilapit mo kamay mo dito."

Napasimangot si Chu Qiao. "ano gusto mong gawin?"

"wag ka nang magtanong pa." Walang pasensyang saad nito. "gawin mo nalang kung anong inuutos ko sayo."

Mahinang bumulong si Chu Qiao sa sarili niya at inilapit ang kamay kay Yan Xun, na maptla dahil sa lamig. Ipinasok niya ito sa maliit na butas. Maharahan siyang nagtanong, "Anong iniisip mong gawin?" naramdaman niyang may humawak sa kasing ng yelo niyang mga kamay. Ang mga kamay ng binata ay mas malaki sa kanya. Hinawakan ni Yan Xun ang kamay nito habang binubugahan ng mainit na hininga ang mga palad nito. Ang mga mata niya ay nagningning. "bumubuti na ba pakiramdam mo? Hindi ka na ba masyadong nilalamig?"

Nakakahipnotismo ang gabi; ang malamyang sinag ng buwan ay malamig, katulad ng nyebe. Ang pag-ulan ng nyebe sa labas ay mas lualakas; ang mga snowflakes ay pumapasok sa bintana patungo sa kulungan, at kumakalat sa sahig.yung batang nakasandal sa dingding ay natigilan saglit; namuo ang luha sa mga mata. Tumango siya ng malakas, ngunit napagtanto na ang lalaki sa kabila ay hindi makikita ang pagtango niya. sumagot siya na labas sa ilong, "Mmm."

"Haha," napatawa si Yan Xun. "Lass, anong pangalan mo? Narinig ko ang fourth young master ng Zhuge family na tinawag kang Xing'er. Yun ba yung totoo mong pangalan?" tanong niya.

"Hindi." Mababa ang boses na sagot ng bata. Binalot ng init ang kamay niya, dahilan upang mas dumaloy ng maayos ang dugo niya. sumandal siya sa dingding at marahang sinabi, "Ang pangalan ko ay Chu Qiao."

"Chu?" naguluhan si Yan Xun. Wala sa isip niyang naitigil ang ginagawa niya. "Hindi ba ikaw ang anak ni Official Jing Yidian? Bakit Chu ang apelyido mo?"

"Wag mo na tanungin," mahina ang boses ng bata, pero mababakasan pa rin ito ng kaunting kataimtiman. "Yan Xun, walang nakakaalam ng pangalan ko. Ikaw pa lang ang sinabihan ko. Tandaan mo lang ito pero wag mong sasabihin sa iba."

Napatigil si Yan Xun, ngunit napagtanto niya na baka isa ito sa mga itinatagong sikreto ng pamilya niya. Bigla siyang nakaramdam ng saya at kaluguran. Sa pagsabi sa kanya ng itinatagong sikreto ng niya, ibig nitong sabihin ay nakita na siya nito bilang isang katiwala? Inilagay ni Yan Xun ang kamay sa dibdib at nangako, "mmm, wag ka mag-alala. Hindi ko ito sasabihin kahit ikamatay ko pa."

"ano naman ang itatawag ko sayo?" napasimangot ang binata. "pwede ba kitang tawaging Xiaoqiao?"

"Hindi," biglang naisip ni Chu Qiao ang magandang babae ng Eastern Wu noong panahon ng Three Kingdoms, na ang pangalan din ay Xiaoqiao. Tinutulan niya ito, "Wag mo akong tawaging ganyan."

"bakit?" nagsuspektang tanong ni Yan Xun, "AhChu nalang ang itatawag ko sayo?"

"um..." matagal itong pinag-isipan ni Chu Qiao at tumango rin kalaunan," sige. Pwede mo akong tawaging ganyan."

Masayang napasigaw si Yan Xun, "AhChu!"

"Mmm."

"AhChu!"

"Narinig kita."

"AhChu! AhChu!"

"tapos ka na ba?"

"AhChu! AhChu! AhChu!"

...

"AhChu, yung isang kamay mo."

Sumunod si Chu Qiao, binawi yung kamay na mainit na at iniabot yung isa pa niyang kamay. Hinawakan ni Yan Xun yung kamay niya at hiningahan ng maiinit na hininga bago napagtantong malamig na rin ang pareho niyang kamay. Tinanggal niya ang itaas na butones ng damit niya, makikita ang kanyang dibdib, bago inilagay ang kamay ni Chu Qiao sa loob ng kanyang kasuotan.

"Aiya!" napasigaw sa gulat si Chu Qiao, at sinubukang bawiin ang kamay.

"Haha," tawa ni Yan Xun, at hindi pinapakawalan ang hawak niya. "may maganda ka nang deal niyan. Hula ko nangingiti ka na sa loob-loob mo."

"Morals!" singhal ni Chu Qiao. Ang kamay ay nakalagay sa dibdib ng binata. Sa tahimik na gabi, ramdam niya ang malakas na tibok ng puso ni Yan Xun. Mapayat ang binata, ngunit ang kanyang katawan ay matipuno sa madalas na pangangabayo at pag-aaral ng martial arts. Ang kanyang dibdib ay matipuno.

Mahigpit na hinawakan ni Yan Xun ang kamay ni Chu Qiao, habang nakasandal sa dingding at nakaupo. Marahan siyang nagpatuloy, "AhChu, pagkatapos ng lahat ng ito, sumama ka sa akin pabalik sa Yan Bei. Hahanap ako ng gagawa sa mga kailangan mo pang gawin. Magulo ang mundong ito. Saan ka makakapunta bilang isang maliit na bata lang? Baka maapi ka lang ng mga masasamang loob. Kahit na mukha kang mabagsik, hindi ka pa nakakaharap ng talagang masamang tao. Sa pagkakataon nakakilala ka ng ganoong tao at wala ako sa tabi mo, siguradong matatalo ka."

Nakasandal lang si Chu Qiao sa dingding. Ang tuyo at lantang damo ay nasa paanan niya. Ang nyebe ay naaanod sa harap niya. Napatingin siya sa malayo, pero ang kanyang mga mata nakatingin lamang sa kung ano ang nasa harap niya. Saan niya balak pumunta? Siguro, maski siya ay hindi alam ang sagot.

Nagpatuloy si Yan Xun nang hindi sumagot si Chu Qiao. "Hindi ko alam kung bakit, pero nagkaroon ako ng kagustuhan na tulungan ka. Nung una kitang nakita sa lugar ng pangangaso, napaisip ako na interesante ang batang ito; sobrang liit pero sobrang mabangis. Hindi ko magawang patayin ka. Ilang taon na akong nasa capital ngunit ngayon lang ako natalo kay Zhao Che. Naiinis ako tuwing naiisip ko iyon."

Isang tunog ng tambol ang maririnig sa kulungan, na nagsasabing isang oras nalang bago ang hatinggabi. Malayo at mapanglaw ang tono ng boses ng binata. "AhChu, magandang lugar ang Yan Bei. Ang kaguluhan ay malayo at kakaunti doon. Sa tag-init, maraming damo ang pumapalibot doon. Ang aking ama, nakakatandang kuya, third brother at ako ay laging nangangaso ng mga ligaw na kabayo sa Huo Lei Plains. Bata pa ako noon, mga pito o walong taon gulang. Hindi ako makasakay sa malaking kabayo, kaya pinapasakay ako ng kuya ko sa anak ng mga hinuhuling kabayo. Madalas akong nagagalit sa kanya kasi pakiramdam ko minamaliit niya ako. Ngunit, naintindihan ko na takot lang siyang masaktan ako. Ang third brother ko ay ang pinakamainitin ang ulo at lagi akong inaaway. Pag nagagalit siya, iaangat niya ako sa ere at tatakutin na ibabagsak ako. Tapos lalapitan kami kaagad ni second sister ko at papaluin ang third brother ko gamit ang pamalo. Tapos ay mag aaway na sila. Kahit na malakas ang third brother ko, hindi siya nanalo sa second sister ko. Minaliit ko siya noon. Ngayon na naiisip ko iyon, ayaw lang niya sigurong kalabanin ang second sister ko."

"pag dumadating ang tag-lamig, isang buwan na matindi ang pagbagsak ng nyebe. Aakyat kami ng Shuo Bei Highlands. May malawak at matatarik na lugar doon, at marami ring hotsprings. Ang nanay ko ay galing sa Tang Empire. Hindi niya matagalan ang lamig sa hilaga. Dahil na rin sa mahina niyang kalusugan, kalahating taon niya sa palasyo ay inilalagi niya sa tabi ng hotsprings. Madalas kaming tumatakas ng paaralan sa likod ng aming ama para lang bisitahin si ina. Sinong makakaalam na pagdating namin sa palasyo, naghihintay na ang aming ama doon?"

Sa ilalim ng maliwanag na gabi, ang mukha ng binata ay makikitaan ng pagkamalumanay na hindi pa nakikita ni Chu Qiao dati.

"AhChu, ang Yan Bei ay hindi tulad ng capital kung saan ang mga magkakapamilya ay naglalaban-laban; walang tigil sa papaplano at pagbabalak para sa sariling kapakanan. Sa capital, makakakita ka ng mapanirang sayaw at mga nagugutom na mamamayan sa paligid. Sa Yan Bei, halos walang gulo at walang mga takas. Lahat ay may sapat na pagkain at ang mga alipin ay makakapamili kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Ahchu, sundan mo ako pabalik sa Yan Bei! Magkakaroon ka ng magandang buhay doon. Pag nasa tabi mo ako, wala nang mang-aapi sayo. Wala nang tututok ng palaso sayo ulit. Dadalhin kita sa Huo Lei Plains para mangaso ng mga ligaw na kabayo, at sa kabundukan para bisitahin ang aking ina. Siya ay napakamalumanay na tao. Siguradong magugustuhan mo siya."

Ang hangin ay tahimik, at tanging pagsasalita lamang ng binata ang pumupuno sa hangin. Ang may manipis na damit na bata ay biglang nakaramdam ng init sa loob niya. tumingala siya at parang nakikita na rin ang Yan Bei na malinaw na inilalarawan ni Yan Xun. Nakikita niya ang berdeng damuhan, ang kasing-puti ng nyebeng kabundukan, ang langkay ng mga tumatakbong ligaw na kabayo at ang masasaya at walang pag-aalinlangang tawa ng mga kabataan.