Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

May mga bagay na sadyang nakatakda na simula pa lamang, tulad ng ating relasyon sa pamilya pati na din ang ating kapalaran.

Sumalampak siya sa kanyang upuan at diretsong ininom ang alak at sinabay sa paglagok ang lahat ng kanyang iniisip.

Kararating lang ni Chu Qiao sa city gates ng makita niya ang mga tauhan ng Zhuge na may dala-dalang mga lantern at pasilip-silip sa kanilang paligid na may hinahanap. Nang mapansin siya ay napatakbo sila sa direksyon niya.

"Xing Er, sinabi ng young master na hintayin ka namin dito. Tara na at bumalik sa bahay." 

Natigilan naman si Chu Qiao. Base sa ugali ni Zhuge Yue, hindi niya inaasahan na uutusan niya ang kanyang tauhan para hanapin siya. Tumango siya bago sumakay sa karwahe na hinanda ng kanyang mga kasamahan.

Umandar ang karwahe tungo sa mataong lungsod. Sa di kalaunan ay unti-unti rin nawala ang ingay hanggang sa tanging katahimikan nalang ang meron. Sumandal si Chu Qiao at pumasok sa kanyang isipan ang trahedyang nasaksihan niya. Ang mga malulupit na tingin ng mga sundalo, ang matinding galit sa mga mata ng mga refugees at ang pagtutol ni Wei Shuye.

Walang naging saysay ang pagtutol niya kahit na mataas ang katayuan niya sa buhay. Kung ganoon paano pa si Chu Qiao, na isang batang babae lamang na kayang kaya nilang durugin? Kung lalabanan niya ang imperyo sa sitwasyon niya ngayon ay ipapahamak niya lang ang kanyang sarili. Para lang siyang insektong susubukan pahintuin ang isang sasakyan. Ang magagawa niya lang ngayon ay mag-ingat sa lahat ng ginagawa niya at patuloy na mabuhay habang humahanap ng oportunidad para gawin ang kanyang paghihiganti at lisanin ang lugar na ito kasama si Xiao Ba. Nais niya man baguhin ang ibang mga bagay pero ito lang sa ngayon ang makakaya niya. 

Mabagal ang pagtakbo ng karwahe. Nakaramdam si Chu Qiao na may hindi tama kaya binuksan niya ang bintana at pinag-aralan ang kanyang kapaligiran, "Hindi ito ang daan pabalik sa bahay. Saan niyo ako dadalhin?"

Hindi naman inaasahan ng alalay na ang isang katulad ni Chu Qiao ay may kaalaman sa mga direksyon. Ngumiti ito bago sumagot, "Nasa ibang courtyard ang young master, wala siya sa main residence."

Ikinataka naman ito ni Chu Qiao. "Courtyard? Aling courtyard?" maingat na taong ni Chu Qiao.

"Ang courtyard sa bandang kanluran ng lawa."

Nalungkot naman si Chu Qiao. Dahil sa naging trabaho niya sa nakaraan ay hindi niya maiwasan na maging maingat at pansinin ang malilit na bagay na nararamdaman niyang mali. Hindi siya sigurado kung totoo ang sinasabi nito, gusto niya lang makasiguro, "Hindi ko dala ang pinapakuha sa akin ng young master. Pumunta muna tayo sa bahay bago pumunta sa courtyard."

Nakangiti namang sumagot ang alalay, "Wag ka mag-alala, sbai ng young master na wala ka ng kailangan dalhin doon. Naghihintay siya sa courtyard kaya bilisan natin pumunta doon bago siya mag-alala."

Sumunod naman si Chu Qiao at sinara ang bintana. Napabuntong hininga naman ng malamin ang alalay bago ito ngumisi. Gayunpaman, sa sandaling napangisi siya ay naramdaman niya ang malamig na kutsilyo sa kanyang leeg. Sinamantala ni Chu Qiao na gulat ito at dinaganan siya. "Sino ka? Hindi ka naninilbihan sa fourth young master."

"Hehe," isang mababa at namamaos na tawa na nagmula sa gilid. Isang pinalamutiang karwahe ang lumabas na makapal na kagubatan. Sa loob ay may isang matanda na may nakakasilaw na damit. Tumawa siya at pinuna ang alalay na nasa gilid na tumango at yumuko biglang pagbibigay pugay sa kanya, "Kahanga-hanga, ganyan na ang ugali mo sa edad mong yan. Hindi rin masama ang itsura mo. Gagantimpalaan kita."

Si Zhu Shun na natuwa sa pagpuri sa kanya ay masayang sumagot, "Isa po ito sa mga tungkulin ko, Grandmaster. Kung bibigyan ako ng pabuya ng Grandmaster ay nangangahulugang hindi mo pa po tanggap ang katapatan ko.

Tumawa naman ang matanda at inutusan ang dalawang alalay niyang nasa kanan at kaliwa niya, "Dalhin niyo pabalik ang babaeng to sa bahay." Sinunod naman agad ito at lumapit papunta kay Chu Qiao.

Sa sandaling iyon, maraming bagay ang pumasok sa isip ni Chu Qiao. Alam niyang kaya niyang gamitin ang pagkakataong ito para makatakas dahil wala naman silang alam sa abilidad niya. Pero kapag ginawa niya ito magtataka ang lahat lalo na si Zhu Shun. Kahit na swerte siyang makatakas, walang alinlangan na madadamay si Xiao Ba na nakakulong pa rin sa bahay. Kung hindi naman siya tatakas, mapapasakamay naman siya ng matandang hukluban na ito. Sa oras na iyon, papaanong magagawa ng isang batang walong taong gulang ang labanan ang isang hukbo ng mga Zhuge.

Tatakas ba siya o hindi?  

Pinag-iisipang mabuti ni Chu Qiao kung ano ang dapat niyang gawin. Paano kaya kung labanan niya ang matandang ito sa sarili nitong plano bago siya tapusin?

Mabilis na napalibutan si Chu Qiao at akma nilang kunin ang patalim na hawak hawak niya.

"Sandali lang!" ang lahat ay napatingin sa direksyon ng boses ngunit ang nakita nila ay ang pagdating ng batalyon ng mga itim na war horses. Ang isa sa mga binatang nakasakay sa kabayo ay napakagwapo sa suot niyang green na robe na may puting fur. Sumipol siya ng malakas bago patuloy na umabante.

Maririnig ang mga halinghing ng mga kabayo pati na rin ang mainit nilang hininga na makikita ng dahil sa lamig. Kasama ang kanyang mga bantay at mga alalay, masamang tinitigan ng binata ang madla. Kalmado ang boses niya at kita sa kanya ang karunungan na hindi naaangkop sa kanyang edad. Sa mababang boses niya ay bumati siya, "Ang tagal na nating hindi nagkita, Mister Zhuge."

Tinitigan niya ang binata sa kanyang harap na halos nakapikit na ang mga mata. Natawa ang Grand Master Zhuge na kita ang kanyang naninilaw na ngipin. "Ito pala ang Prince Yan Xun na mula sa Yan Bei. Anong ginagawa mo sa labas at binabaybay ang napakalakas na hangin sa mga oras na ito imbis na nagpapahinga ka sa iyong tinitirahan?

"Maraming salamat sa pag-aalala, Mister Zhuge. Paano ako mahimbing na makakatulog kung kayo nga ay naririto ngayon at pinagmamasdan ang mga ilaw sa oras na ito? Lantern Festival ngayon at ang lahat ay nagkakasaya. Lumabas lang ako para sulitin ang pagdiriwang na ito."

"Oh? Kung sa gayon ay hindi na kita aabalahin pa. Bumalik na kayo sa bahay." utos niya sa kanyang mga tauhan.

"Teka lang!" agad na hinarangan ni Yan Xun ang daraanan ni Master Zhuge bago natatwang ituro si Chu Qiao at sinabing, "Mister, pwede ka pong umalis pero iiwan mo ang batang yan."

Nagtaka naman ang matanda sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin, your Royal Highness?"

"Nagulat niya ang kabayo kong si Flurry kaya ngayon ay nawawala ito. Gusto ko lang ibigay ang nararapat sa kanya."

Nang marinig niya ang rason ni Yan Xun ay napangiti siya, "Kung ganon ay bibigyan nalang kita ng kapalit na kabayo."

"Ang kabayong yun ay galing pa sa Western desert na bigay ng hari ng Yan Bei! Magandang kabayo ito, kakayanin mo bang palitan ito?"

"Manahimik ka, Feng Mian!" pagpapagalit ni Yan Xun sa page boy sa likod niya. Ang mga Zhuge ang nasa pinakataas ng imperyo. Ang head ng mga Zhuge ay isa rin sa mga seven elders ng Grand Elder's Council na may kayamanan at impluwensyang walang kapantay. Wala silang hindi kayang palitan. Pero kahit ganon ay iba pa rin ang mga koneksyon natin sa mga kadugo. Si Flurry ay inalagaan mismo ng ama ko at pinadala sa Zheng Huang galing pa sa malayong lugar. Hindi ito tulad ng mga tipikal na war horse kaya hindi ko mapapalampas ang ginawa niya. Sasama sa akin ang batang yan."

"Prince Yan…"

"Wala ka ng dapat pang sabihin pa, Mister Zhuge," pagputol ni Yan Xun sa matanda. Taas noong sinabi ni Yan Xun, "Mister Zhuge, sa katayuan mo ay hindi mo kinakailangan na ibaba ang iyong sarili para lang sa isang aliping tulad niya. Tungkol sa bagay na ito, ako na mismo ang kakausap sa fourth young master ng mga Zhuge. Kunin niyo siya."

Ang mga personal attendant ng mga Yan ang mismong lumapit; isa sa mga malaking katawan ang tumulak sa alalay ni Master Zhuge na siyang dahilan para muntikan siyang matumba. Kinuha nito si Chu Qiao at gamit ang isa niya lang na kamay ay hinanada niyang isakay si Chu Qiao sa kabayo.

Nang makita ni Zhu Shun na nanggagalaiti ang matandang Master Zhuge, ay lumapit siya kay Yan Xun. Tinapik niya ang saddle at nagmakaawa, "Your Royal Highness, pagusapan po natin ito..." 

Kasabay ng tunog ng latigo ay nakatanggap ng sipa si Zhu Shun sa kanyang baba galing kay Yan Xun. Natumba ang matabang katawan ni Zhu Shun sa sahig at namimilipit siya sa sakit. Napadura siya ng may dugo kasama ang dalawang naninilaw niyang ngipin sa harap.

"Sino ka ba para gawin yan sa harap ko? Hindi mo ba alam ang mga limitasyon mo?!" sigaw ni Yan Xun kay Zhu Shun.

Nagulat si Zhu Shun bago nagmamadaling lumuhod at nag-kowtow. Sa buong Xia Empire, hindi kinakailangan ng mga kabilang sa royal family ng rason para pumatay ng kahit na sino.

Tinaas ni Yan Xun ang latigo niya at tinutok ito kay Zhu Shun, bago sinabing, "Pagbibigyan kita dahil kay Mister Zhuge. Kapag inulit mo ito sinisiguro ko sayong papatayin kita kahit sa harap pa ng head ng mga Zhuge."

Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya na tinapunan ng tingin ang matanda at basta nalang sinabing, "Tara na!"

Sumakay sa kani-kanilang mga kabayo ang mga tauhan ni Yan Xun. Kasabay ng pagbagsak ng nyebe ay tuluyan na rin silang nawala. 

Namumula at nanginginig sa galit ang matandang si Master Zhuge. Gumapang papalapit si Zhu Shun na nanatiling nakaluhod. Niyakap niya ang paa ni Master Zhuge at nagmakaawa, "Grand Master, wag po kayong magalit! Hi…"

"Layas!" sigaw ng matanda. Sinipa niya sa dibdib si Zhu Shun bago sinigawan, "Wala kang kwenta!" Pagkatapos ay sumakay siya sa karwahe at tuluyang umalis.

Patuloy pa rin ang pag-ulan ng nyebe at tanging katahimikan na lamang ay bumabalot sa mga daanan na kung kaya't mas naging kapansin-pansin ang main street na napakaraming tao.

Tumigil ang kabayo ni Yan Xun sa tabi ng lawa. Ang kaninang seryosong mukha ni Yan Xun ay napalitan ng ngiti at tumatawa, "Paano ba yan, niligtas nanaman kita."

Tumaas naman ang kilay ni Chu Qiao, kahit na tahimik siya ay mahahalata naman ang nais niyang sabihin na hindi ako humiling ng tulong mo.

Nainis naman si Yan Xun at bumulong, "Mahirap ba sabihing salamat?"

Tinignan lang siya ni Chu Qiao bago planong umalis.

Natigilan naman si Yan Xun at dali-daling hinarangan ang daan niya. "Anong gagawin mo?"

"Malamang, babalik sa bahay ng mga Zhuge," taas kilay niyang sagot.

"Babalik ka pa rin doon?" nag-aalalang tanong niya, "Hindi ka titigilan ng siraulong tagapag-silbi na yun! At kilala ang matandang yon sa mga pinaggagagawa niya sa buong Zhen Huang! Atat na atat ka na bang mamatay?"

Tinulak naman siya ni Chu Qiao bago sinabing, "Wag kang makialam."

Hindi naman siya binitiwan ni Yan Xun at mas lalong humigpit ang kapit niya habang sinasabi, "Anong ibig mong sabihin? Niligtas kita pero ito ka't nagmamatigas. Ano bang nakita mo kay Zhuge Yue na handa kang balewalain ang kaligtasan mo?"

Tinaas ni Chu Qiao ang ulo niya, dismayado dahil handa siyang ipagsapalaran ang lahat ngunit nabigo at hindi niya napatay ang matanda. Tinanggal niya ang kamay ni Yan Xun at tinitigan siya, "Sinabi ko bang tulungan mo ko? Itabi mo nalang ang kabaitan mo sa sarili mo, hindi ko matanggap."

Nagaapoy naman sa galit ang mata ni Yan Xun. matapos makita na tuluyang nawala ang katawa ni Chu Qiao, sumigaw siya na parang batang nagmamaktol, "Nakakatawa! Hindi na nakakapagtaka kung bakit ka nila ginaganyan! Kapag tinulungan nanaman kita hindi na Yan ang apelyido ko!"

Hindi na siya binigyang pansin ni Chu Qiao at tuluyang nawala sa kalagitnaan ng madla. Lumapit si Feng Mian at tinignan si Yan Xun. Nakita niyang pulang pula ang mata nito at naluluha ng dahil sa galit. Natigilan naman siya. Maraming tao ang pinadala ng imperyo para tulungan ang mga kalapit na teritoryo at protektahan ang Zhen Huang, ang capital. Ngunit, para ma-kontrol ang mga feudal lords na ito ay dinakip nila ang mga anak nito na siyang naging hostage sa capital. Nanirahan ang mga batang ito sa gitna ng mga pakikibaka ng matatanda para magkaroon ng kapangyarihan, kung kaya't bata pa lang ay matatanda na sila mag-isip. Ito ang unang beses na nakita ni Feng Mian ang kanyang master na magpakita ng saya at galit sa ibang tao tulad ng iba ay para siyang isang normal na bata.

"Royal Highness, babalik na po ba tayo?"

"Hmm!" kapansin-pansin ang galit sa tono niya. Sumakay siya sa kanyang kabayo at bumalik sa tirahan ng mga Yan.

"Feng Mian," salita muli ni Yan Xun na hindi pa nakakadalawang hakbang, "Pumunta ka sa mga Zhuge at sabihin mong nakita ko na si Flurry. Sabihin mo rin na wag nilang pahirapan yung bata."

"Ah?" nanlaki ang mata ni Feng Mian sa gulat. "Your Highness, hindi ba't sinabi mong hindi na 'Yan' ang apelyido mo kapag tinulungan mo siya ulit?"