Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Ikinagalit naman ni Yan Xun ang sinabi niya kaya nakatanggap ng sipa si Feng Mian habang nakasakay siya sa kanyang kabayo. "Tanga! Sige! Sabihin mo nga ulit ang sinabi mo!"

Napasigaw naman sa sakit si Feng Mian. Agad siyang tumalikod tumakbo papunta sa bahay ng mga Zhuge. Hindi niya na binalak sabihin pa ang mga nasabi niya.

Naghahabol ng hininga si Yan Xun sa galit niya. Napansin niyang nakatitig ang mga tauhan niya kaya sinigawan niya ang mga ito, "Gagawin ko ang gusto ko!"

Dali-dali naman nilang inalis ang tingin nila kay Yan Xun. Iisa lang ang nasa isip nila, labing tatlong taong gulang palang siya kaya normal lang kung ganito ang inaakto niya.

Gabi na ng makarating si Chu Qiao sa bahay ng mga Zhuge. Ikinagulat ng bantay nang makita niya si Chu Qiao, dahil alam niyang ito ang pinapaburan ng young master sa lahat ng tagapagsilbi sa Qing Shan Court. Hindi niya na ito pinahirapan pa at binigyan niya ng lantern para makita niya ang daan. 

Napakalamig tignan ng bahay nila, wala ng maririnig na kahit ano sa oras na ito di gaya tulad sa umaga na puno ng saya. Ngayon ay nagmistulang kulungan ito na sadyang napakalamig. Pa-minsan minsan ay maririnig ang iyak ng mga jackdaws na agad ding nawawala dahil pinapana nila ito. Hindi nila hinahayaan na may kahit anong ingay ang maririnig lalo na at tulog ang mga masters, kahit na sa hayop pa galing ito.  

Nang malagpasan ni Chu Qiao ang matataas na dingding ng Lan Shan Court, nakarinig siya ng mga iyak. Parang galing ito sa isang babaeng tagapag-silbi na nagtatago sa kabilang parte ng dingding na umiiyak dahil nagkamali at pinapatawan ng parusa.

Natigil siya sa paglalakad. Makikita ang maliit niyang anino sa pulang pader dahil sa sinag ng malaking bilog na buwan sa kalangitan. Ang anino niya ngayon ay mas payat at mas matangkad, bigla niyang natandaan ang nakaraan kung saan ay may matangkad siyang pangangatawan. Nakaramdam siya ng matinding pagkalungkot, marahil ay maari siyang magising sa lahat ng ito at malaman na isa lamang itong panaginip. Kung panaginip lang ito ay hindi na mangyayari lahat ng nasaksihan niya. Ang mga namatay, ang dugo na dumanak at ang luhang tumulo sa pait at pighati....

Hindi tumigil ang iyak mula sa kabila. Dahil maliit lang siya, hindi niya magawang akyatin ang pader. Paano niya magagawang magpasaya ng iba kung siya mismo ay puno ng sakit at kalungkutan? Tulad nalang ng mga patay na katawan na nakalibing sa lupang natabunan na ng nyebe. Ang kawalan niya ng pag-asa ay hindi makakatulong sa sitwasyon.

Hindi niya inaasahan na bukas pa ang pinto ng Qing Shan Court. Balak niya sanang matulog sa silid ng mga firewood kaya di nagulat siyang bukas pa ang pinto. Alam ni Zhuge Yue kung paano niya aalagaan ang kanyang sarili. Kung hindi siya nag-aaral sa General Academy Hall, ay malamang nasa bakuran siya at pinagmamasdan ang mga bulaklak o umiinom ng tsaa at nagi-insenso. Pinapahalagahan niya ang tulog di gaya ng iba na madalas ay nagsasaya sa buong gabi kasama ang mga babae.

Maingat siyang pumasok sa courtyard nang mapansin ang ilaw na mula sa isang lantern ang papalapit sa kanya. Hinawakan agad ni Huan Er ang kamay ni Chu Qiao bago pabulong na nagsalita, "Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinihintay."

"Nagulat ang kabayo ko kaya nagtatakbo sa kung saan. Kakabalik ko lang. Nasaan ang Young Master? Bakit hindi nakasara ang gate?"

"Maswerte ka." agad na nabuo ang ngiti sa mukha ni Huan Er, "Nasa study room ang young master at nagbabasa. Magdamag na siyang nadoon at sinabihan niya akong wag isara ang pinto. Hindi pa siya natutulog kaya hinihintay rin kita dito."

Tumango si Chu Qiao bago naglakad papunta sa silid ni Zhuge Yuee na agad naman pinigilan ni Huan Er at sinabing, "Hindi maganda ang mood ng young master pagbalik niya. Hindi ko alam kung sino ang gumalit sa kanya. Late na kaya bukas na natin pag-usapan. Hindi naman sinabi ng young master na pumunta ka sa Xuan Hall kaya magpahinga ka na. Ako na magsasabi sa kanya na nakabalik ka na."

Tumango nalang si Chu Qiao at sinabing, "Okay." Tumalikod siya at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Tumakbo naman si Huan Er papunta ng Xuan Hall, sandali lang siya doon bago umalis.

Isa si Chu Qiao sa mga maidservants ng Xuan Hall at mataas ang posisyon niya. Malapit ang kwarto niya sa main yard. Sa pagllakad niya papalapit sa kwarto niya ay namatay na lahat ng ilaw, bago pa man niya mabuksan ang pintuan niya ay nabalot na siya ng kadiliman.

Natulala si Chu Qiao, sumilip siya pabalik sa kwarto ni Zhuge Yue. Sa pagpatay ng huling ilaw ay natulog na ang lahat ng mga tao. Matagal na nakatayo si Chu Qiao sa pasilyo. Sa pag-ihip ng hangin, kinibot ni Chu Qiao ang ilong niya na tila naamoy niya ang amoy ng dugo mula sa lupa.

Binabangungot si Zhuge Yue matapos niyang ipikit ang mata niya. Paggising niya ay ikatlong tunog na ng drum.

Sa mga oras na iyon ay akala niya ay nananaginip siya. Sa panaginip niya ay may masarap na simoy ng spring at napakagandang puno ng peach blossom. Ang banayad na haplos ng kanya ina habang sinusuklay ang buhok niya. Ngunit sa ilang iglap ay nagising siyang bigla. Naupo siya, at ang suot niya ay basang basa ng pawis. Hindi nakasara ng husto ang bitana niya kaya't pumapasok ang malamig na hangin. Ang lalagyan ng tsaa sa gilid niya ay malamig na. Ilang piraso ng osmanthus cake ang nasa maliit na blue at white na porcelain dish. Maamoy ang halimuyak nito kahit na malayo sa kanya. Hindi niya na nais bumalik sa pagtulog kaya sinuot niya ang kanyang coat at kinuha ang kanyang flute bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. 

Mahimbing ang tulog ng mga tauhan niya na hindi nagising sa mga kilos niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa binuksan niya ang pinto. Malamig ang gabing ito, sa pagpunta niya sa silangang bahagi ng courtyard ay humarap sa kanya ang malaking plum plantation na may naghalong kulay pula at puti na siyang nagkakalat ng nakakahalimuyak na amoy sa hangin.

Sa ganitong oras lang nagiging tahimik ang mansion. Walang kaingay ingay na parang siya lang ang tao sa buong mundo. Nakita niya ang isang pavilion sa taas kaya pinuntahan niya ito at sinundan ang stone path na papunta doon. Nagyeyelo pa ang daan kaya madulas ang kalupaan. Mabagal siyang naglalakad na para bang nag-iingat pero lumilipad naman ang isip niya.

"Fourth Young Master?" tinaas niya ang kanyang ulo at nakita ang maliit na batang babae sa itaas ng puno malapit sa pavilion at nakaupo sa sanga nito. Suot suot niya ay kulay jade na robe na may snow white camel fur. Ang bilog at maitim niyang mata ay nakatitig sa kanya habang ang paa nito ay sumasayaw sa hangin.

Tumaas ang kilay niya bago siya nagtanong, "Bakit ka nandito?"

"Hindi po ako makatulog." Nabigla naman si Chu Qiao na makita si Zhuge Yue ng ganitong oras. Matapat niya namang tinanong ito, "Hindi ka rin po ba makatulog, Fourth Young Master?"

Hindi siya sinagot ni Zhuge Yue na naglalakad papunta sa pavilion.

Ang bahay ng mga Zhuge ay orihinal na itinayo sa hillside. Napakaganda ng tanawin at kitang kita dito ang kabuuan ng Zhen Huang. Ang sinag ng buwan ang siyang bumabalot sa bawat sulok ng lungsod. Nagmistulang napakaamo ng lugar na ito ng dahil sa buwan. 

Tinignan niya ang likuran ni Zhuge Yue, pakiramdam niya ay nawawala na siya sa kanyang sarili. Dama niya ang pagod matapos ang mga nasaksihan niya ay kapayapaan naman natanggap niya. Sumandal siya sa puno at patuloy pa rin sa pagtitig sa binata. Pinapanuod niya kung paano hanginin ang damit nito na para bang isang paru-parong lumilipad sa alapaap.

"Fourth Young Master, nawala ko po ang kabayo." 

Hindi naman sumagot si Zhuge Yue sa kanya, na para bang hindi rin niya ito napansin. Nasa kamay niya pa rin ang flute pero hindi naman niya ito ginamit. Nandoon lang siya, tahimik na nakatayo. Ilang minuto lang ay naglakad na rin siya pababa.

Nang makitang paalis na siya ay bumaba na rin si Chu Qiao sa puno para sundan siya. Kaso nga lang ay may mali siyang apak kaya nadulas siya. Sa pagkagulat at pagtataka ay napakapit siya sa sanga ng puno na siyang bumutas sa damit niya. Nasugatan rin siya at dumaloy ang dugo dito. 

Huminto naman sa paglalakad si Zhuge Yue at tinignan ang parang unggoy—mali, isang bata—na nakasabit sa sanga ng puno. Tumigil naman siya at nag-isip bago inihanda ang kamay niya.

Hindi ito inasahan ni Chu Qiao kaya nagtataka siyang nagtanong, "Fourth Young Master, anong ginagawa mo?"

"Tumalon ka," sagot naman ni Zhuge Yue.

"Ah?" matagal din siyang nag-isip bago mapagtanto ang intensyon nito. "Okay lang Young Master, kaya ko pong bumaba mag-isa," madaling sabi naman ni Chu Qiao.

Kumunot naman ang noo ni Zhuge Yue na naiinip na, at matigas na sinabing, "Bumaba ka na."

Hindi naman ito matanggihan ni Chu Qiao kaya bumitiw na siya sa sanga. Ilang sandali lang ay nasa braso na siya ni Zhuge Yue na parang isang maliit na pusa.

"Tara na." Binaba siya ni Zhuge Yue at naglakad paalis na agad namang sinundan ni Chu Qiao. Napapalibutan sila ng plum trees at puno ang sahig ng mga bulaklak nito. Naglalakad sila sa malambot at puting snow na siyang nag-iiwan ng bakas ng kanilang mga paa.

Pagbalik nila sa Qing Shan court, lahat ng mga tauhan ay gising na at tarantang hinahanap silang dalawa. Hindi na sinabi ni Zhuge Yue kung ano ang ginawa niya at dumiretso nalang pabalik ng kwarto niya. Pinuntahan naman ni Huan Er si Chu Qiao para tanungin ito. 

Habang nag-uusap sila ay may isang katulong na lumapit at sinabing may sakit ang young master at tumawag na sila ng doktor. Lahat ng tao sa Qing Shan court ay naging okupado sa kani-kanilang mga gawain. Si Huan Er at ang iba pang katulong ay labas pasok sa silid ni Zhuge Yue para ihanda ang mainit na tubig at palitan ang mga tuwalya hanggang sa dumating ang doktor at nagbigay ng dapat niyang inumin. Pagkatapos lang nito sila nakahinga ng maluwag.

Nakakain na si Chu Qiao ng hapunan at naghahanda na para matulog nang marinig niyang may kumatok sa pintuan niya. Pagbukas niya ay nakita niya si Huan Er sa labas at nakatayo kasama ang isang matandang lalaki. "Xing Er, sabi ng young master ay nasugatan ka daw. Ipatingin na natin yan dahil may doktor rin naman na nandito."

Natahimik si Chu Qiao ng ilang sandali bago lumapit sa doktor at pinatignan ang sugat niya. Pagkatapos itong matignan ng doktor ay nagsalita si Huan Er, "Sabi nga pala ng young master na magpapahinga siya bukas kaya hindi na natin kailangan bumangon ng maaga."

Tumango naman si Chu Qiao bilang pagsangayon, kaya masayang umalis si Huan Er.

Sa sumunod na araw, ang unang ginawa ni Chu Qiao ay puntahan si Zhuge Yue ngunit pagdating niya sa silid nito ay wala siya. Alam niyang siya ang nakawala ng kabayo at kailangan niyang mabigay ng dahilan para dito. Lumabas siya para sana magtanong kung nasaan si Zhuge Yue ngunit nakita niya itong naglalakad sa courtyard na may suot ng isang set ng golden armor at may hawak na espada. Nakikipaglaban siya sa mga tauhan niya. Ito ang unang pagkakataon nanakita niya si Zhuge Yue na ganito. Sa likod naman niya ay naroroon si Zhu Cheng na nakasunood.

Nagmamadali namang lumapit si Huan Er at ang ibang mga katulong para pagsilbihan si Zhuge Yue, binigyan nila ito ng tsaa at nagsimulang sindihan ang insenso, pinunasan nila ang kamay nito at hinanda ang pampaligo niya.

Nakatayo lang si Chu Qiao sa gilid habang hinihintay na maupo si Zhuge Yue bago lumapit sa kanya at umamin, "Fourth Young Master, nawala ko po ang kabayong pinahiram niyo sa akin."

"Um." Pagpupuna ni Zhuge Yue sa kanya bago inumin ang tsaa na inabot ni Huan Er sa kanya. Pagkatapos ay inutusan niya ang iba pang mga tagapag-silbi, "Kumuha kayo ng dalawang palayok ng cymbidium na pinadala kahapon at tanggalin niyo nga itong incense burner, hindi ko gusto ang amoy."

Agad naman nilang sinunod ang utos niya. Tumayo si Chu Qiao sa pwesto niya. Dahil wala namang plano si Zhuge Yue na parusahan siya hindi na niya ito inungkat pa. Nang pinaplano niyang tumakas, binaba ni Zhuge Yue ang tasa niya at tinuro siya bago sinabing, "Sandali lang, Xing Er."