Napahinto ng saglit ang pagtibok ng puso ni Chu Qiao. Sapagkat ay makukuha niya pa rin talaga ang nararapat niyang kaparusahan pagkatapos ng lahat. Ngunit hindi niya inasahan sumunod na sinabi ni Zhuge Yue, "Sundan mo si Zhu Cheng mamaya at humanap kayo ng gwardia na magtuturo sayo sa pangangabayo."
"Ah?" Parehong natigilan si Chu Qiao at Zhu Cheng.
Tumaas ang matalas na kilay ni Zhuge Yue at napasimangot siya nang bahagya, taimtim niyang sinabi na may bakas ng pagkainip sa kanyang mukha, "Bakit? May problema ba?"
"Wala pong problema, wala pong problema." Labing pitong taong gulang na si Zhu Cheng ngayong taong ito at bata palang siya ay sinusundan niya na si Zhuge Yue. Kaya alam niyang ginagawa ni Zhuge Yue ang mga sinasabi niya. Sumagot naman si Zhu Cheng, "Dadalhin ko po agad si Miss Xing Er doon."
Nagtataka namang tumingin si Zhuge Yue kay Zhu Cheng. "Kaka-walong taon palang ni Xing Er… Bakit mo siya tinatawag na 'Miss'?"
"Tama po, tama po. Dadalhin ko si Xing Er… Xing Er…" Nahirapan ang matalinong si Zhu Cheng sa paghanap ng titulo na nababagay sa bata. Nagkanda-utal-utal siya nang matagal, ngunit wala rin itong pinatunguhan.
Naiinip na iwinagayway ni Zhuge Yue ang kanyang kamay at mariing sinabi, "Sige. Layas. Ituwid ninyo ang inyong mga likod kapag naglalakad, baka isipin ng ibang tao na kuba ang lahat ng mga tauhan ng Qing Shan court.
"Opo, opo."
Bumalik si Chu Qiao sa orihinal niyang posisyon. Napakaganda niyang tignan sa suot niyang bestidang kulay dilaw, na may vest na yari sa balat ng fox. Yumuko siya kay Zhuge Yue at mahinang sinabi, "Nagpapasalamat po ako sa inyo fourth young master."
Bahagyang ikinampay ni Zhuge Yue ang kanyang kamay nang hindi man lamang siya tinitigan.
Lumabas sina Chu Qiao at Zhu Cheng ng hall. Nagdududang tumingin si Zhu Cheng sa bata at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Sinabi niya na may halong pagtawa, "Miss Xing Er, tara na?"
Ngumiti si Chu Qiao at hindi pinapansin si Zhu Cheng habang naglalakad palabas ng court.
"Miss Xing Er, narito naito ang mga taong pinili ko para sayo. Bihasa sila sa pangangabayo, ikaw na ang bahalang mamili." Nakatayo silang lahat, kabilang na sina Chu Qiao at Zhu Cheng, sa may paanan ng horse riding hill. Bahagyang itinaas ng walong taong gulang na bata ang kanyang ulo at sinuri ang grupo ng mga matitipuno at matitikas na kalalakihang nakatayo sa kanyang harapan. Karaniwang mainitin ang ulo ng mga ito sa mga katulong, ngunit sa pagkakataong ito, nakatayo ang mga lalaking ito nang may paggalang at ngiti sa kanilang mga mukha. Kung hindi mo alam, marahil mapapaisip ka na ganito talaga sila kababait.
Maliliit ang naging hakbang ni Chu Qiao, isa-isa niyang nilalagpasan ang mga kalalakihan. Nang biglang nagliwanag ang kanyang mata. Huminto siya at matagal na tumitig sa isang lalaki, isang ngiti ang kumawala sa kanyang mukha. Itinuro niya ang lalaking mukhang natataranta, bago sinabing, "Siya ang gusto ko."
"Miss Xing Er." natatawang pagbibigay puri ni Song Lian, hindi maitago ng kanyang ngiti ang kanyang pag-aalala.
Ang batang babaeng nakatayo sa burol ay may kumikinang na mga mata.
"Pumili po kayo ng kabayo."
Sinuri ni Chu Qiao ang mahigit sampung kabayo sa kanyang harapan nang makita niyang hindi nakakabit ang mga horshoes ng mga ito. Malinis ang kanilang mga balahibo, halatang alagang-alaga sila simula nang pagkabata at hindi pa nakipagsapalaran sa labas. Nagpalakad-lakad ang bata sa nyebe, iwinagayway ang kanyang latigo, at pabirong nagsabi, "Ayoko ng mga ito. Gusto kong sumakay sa malaking kabayo."
Handa na sanang pumagitna ang mga tagapagsilbi na nakatayo sa gilid ngunit agad silang pinigilan ni Song Lian. Tumango siya at yumuko habang sinasabi, "Kung ang gusto ni Miss Xing Er ay malaking kabayo, walang problema. Kumuha ang ila sa inyo ng mga kabayo. Tandaan niyo, kailangang malaki sila."
Sinadya ni Song Lian na bigyang-diin ang salitang "malaki". Naiintindihan naman nila ang nais niyang sabihin kaya umalis ang dalawa para kumuha ng mga kabayo. Sa ilang sandali lamang, limang malalaking kabayo ang kanilang na dinala.
Saglit lang tinignan ni Chu Qiao ang mga ito at napagtantong masyado nang matatanda ang mga kabayo. Napaisip siya kung magiging problema ba ang bilis nito, ngunit hindi na siya nagpahayag ngmga tanong niya. Bumaling siya at sinabi kay Song Lian, "Mukhang malalakas ang mga kabayong ito. Bata pa lamang ako at hindi pa ako nakasakay sa ganito kalaking kabayo. Guardian Song, bakit hindi ikaw ang magpakita at magturo sa'kin?"
Sa sandaling iyon, napakunot ng noo si Song Lian, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang mukha.
Nagtataka namang sumumbat si Zhu Cheng, "Bilis! Wag mong sabihin sakin na hindi ka marunong mangabayo? Kung ganon bakit masyado kang atat na sumunod sa kanya ngayon ngayon lang?"
Dahil hindi masabi ni Song Lian ang kanyang mga hinaing, isinaisip niya na lamang, kung alam ko lang kung sino ang paglilingkuran ko, hindi na sana ako pumayag kahit na bugbugin pa nila ako hanggang sa kamatayan. Nag-aalinlangan siyang naglakad papunta sa harapan ng puting kabayo, iniabot ang kanyang kamay, at tinapik ng dalawang beses ang ulo ng tila pagod na kabayo. Dahan-dahan siyang tumapak sa tuntungan. Natatakot siya na baka matumba ang kabayo kung gagamit siya ng kahit na katiting na puwersa.
Mas malakas ang kabayo kaysa sa inaakla niya. Bagaman nakadaretso ang mga apat na paa nito, hindi ito pumalya. Napabuntong-hininga si Song Lian at tumatawang nagsalita, "Malakas ang pag-ulan ng nyebe ngayong araw. Dahil bata pa lamang si Miss Xing Er, pag-aaralan muna natin ngayon kung paano sumakay sa kabayo, at sisimulan natin ang pangangabayo bukas."
Tatango na sana si Zhu Chen bilang pagsangayon nang bigla biglang tumakbo pasulong si Chu Qiao at malakas na hinampas ang pigi ng kabayo. Masigla siyang tumugon, "Huwag kang puro salita! Umikot ka muna ng isang beses!"
Kasabay ng malakas na tunog ng kanyang hampas, hindi lamang nanatiling nakapirmi ang kabayo, bumigay ang mga paa nito at natumba ito sa sahig. Tumalsik si Song Lian at bumaligtad sa ere bago bumagsak na una ang ulo sa nyebe.
Natatarantang napatakbo naman ang mga alalay papalapit kay Song Lian. Nang makita ni Zhu Cheng ang kabayo na halos kapos na sa paghinga, napakunot ang kanyang mga noo at mapangutyang nagkomento, "Ito na ba ang pinakamahusay na kabayo? Sa tingin ko ay hindi niyo sineseryoso ang mga utos ng Fourth young master."
"Hindi ko po magagawa yun," wika ni Song Lian na gumagapang patayo. "Ni hindi sumagi sa aking isip ang ideyang iyan. Dahil lamang sa bata pa si Miss Xing Er kaya hindi kami ninais na kumuha ng isang bihasang war horse."
Tumango si Zhu Cheng at nagsalita, "May punto ka nga. Xing Er, bata ka pa, magsimula muna tayo sa maliit na kabayo, ayos lang?"
"Kung ni kuya Zhu Cheng na sumakay ako sa maliit na kabayo, susunod si Xing Er." Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang ulo, kita ang kanyang mapupulang pisngi at ang kanyang pares ng pakurbang mga mata. Sa isang salita ay napakaganda niya.
Nabuhayan ng loob si Zhu Cheng. Pero napalitan ito ng galit paglingon niya kay Song Lian. Galit niyang inutusan ito, "Dalian niyo at kumuha kayo ng kabayo!"
Dinala naman ni Song Lian pabalik ang kabayo habang iika-ika. Sa gitna ng pagpapaalala ni Zhu Cheng sa kanya, tinulungan niya si Chu Qiao na sumakay ng kabayo. Tumingin siya pababa, at ngumisi, bago nakiusap, "Kuya, hindi pa rin ako marunong sumakay ng kabayo. Tulungan mo akong alalayan ang kabayo sa may daanan at mabagal tayong umikot ng isang beses."
Seryosong ninanais ni Song Lian na gawin ito at maagap siyang tumango. Masunurin naman ang kabayo at mabagal itong sumusunod sa likuran ni Song Lian. Ilang sandali lang, nagawa nilang maglakad ng isang daang hakbang. Tumingin pataas si Song Lian at ngumiti, "Miss Xing Er, sana ay ayos na sayo ang kabayong ito? Bagong panganak lamang ito. Hindi ko ito binigay sa ikapitong binibini ng hingin niya ito. Pero kung ito ang nagustuhan mo, maaari kong ibigay ito sayo."
"Paano ko naman magagawang kunin ang nagugustuhan ng ikapitong Binibini? Hindi ito karapatdapat."
Napakagat naman si Song Lian at natatawang tumugon, "Miss, ano ang sinasabi mo? Anak man siya ng old master, mas mababa pa rin ang kanyang katayuan kumpara sa Fourth young master. Pinapaboran ka ng Fourth young master kaya mas mataas ang katayuan mo sa kanila."
"Ganon ba?" Bahagyang ngumiti ang bata at nagsabi, "Hindi ko alam na masyadong mataas na pala ang aking katayuan. Kamakailan lang, nasa awa mo pa ako."
Biglang namutla si Song Lian.
Binigyan ni Chu Qiao ng nakakasindak na tingin si Song Lian bago kumuha ng pana na nakasabit sa braso nito, mabilis at walang pakundangan niya itinarak ang pana sa pigi ng kabayo. Nagulat ang kabayo at napahalinghing ito ng malakas. Sinipa nito si Song Lian sa isang tabi at umarangkadang tumatakbo! Natataranta, napahiyaw ang bata, "Guardian Song! Anong ginagawa mo?"
Nataranta si Zhu Cheng at ang ibang mga nakakita sa nangyari. Napasigaw sila at dali-daling sumunod upang habulin ang mga ito, ngunit wala ni isa sa kanila ang may kakayahang habulin ang halimaw. Nagkunwari si Chu Qiao na natataranta, nilibot niya ang kanyang mata para maghanap ng ligtas na pagbababaan.
Sa sandaling iyon, isang dilaw na kabayo ang biglang dumating sa di kalayuan. Nakasakay sa kabayo at mabilis na papalapit sa kanila si Zhuge Yue na nakasuot ng embroidery gown na kulay dark purple, hindi maganda ang tingin nito. Mabilis niyang isinaksak ang kanyang espada sa pagitan ng mata ng kabayo. Nagpupumiglas ito sa sakit at nagsimulang sumipa, nakatayo ito gamit ang dalawa nitong mga paa. Kasabay niyon, isang latigo ang lumipad paharap at umikot sa baywang ni Chu Qiao na siyang humila sa kanya pababa mula sa kabayo.
"Haha, muntikan na 'yon." Matipunong nakagayak si Yan Xuan ng isang pristine green robe, ngumiti siya at kinuha si Chu Qiao papunta sa kanyang mga bisig. Waring mapanlinlang ang kanyang tinig, nagpapahiwatig na alam niya ang lahat.
Kinuha ni Zhuge Yue mula sa pigi ng kabayo ang pana at bumaling kay Song Lian nang may masamang tingin. Inutusan niya ang mga tauhan niya, "Dalhin niyo siya at ibigay kay Zhu Qi sa hukuman."
Dalawang guard ang agad na sumugod at tinali si Song Lian.
Nagmakaawa ang lalaki, "Fourth young master, hindi…"
Sa isang kisap-mata, mayroong malakas na tunog. Sumugod si Yan Xun at sinipa ang mukha ni Song Lian, na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang kakayahang makapagsalita dahilan sa pagkatanggal ng karamihan sa mga ngipin niya. Bahagyang napataas ang kilay si Zhuge Yue, ibinaling ang kanyang ulo at tumingin kay Yan Xun, na nagtataka.
"Matagal na dapat pinugutan ang ganitong klase ng alipin sa tirahan ng mga Yan. Paano siya magkakaroon ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili?" Tumawa si Yan Xun at nagwika, "Fourth Childe Zhuge, masyado kang mabait. Hindi ko nais manghimasok sa mga plano mo. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko."
Taimtim namang sumagot si Zhuge Yue, "Wala 'yon. Tunay ngang mahusay ka Prince Yan. Bakit hindi ko ito napasin noong pareho pa tayong nag-aaral sa General Academy Hall."
Kumampay si Yan Xun at tumawa, "Simpleng kasanayan lamang iyon. Paano naman ito maikukumpara sa sining ng pakikipaglaban sa iyong isipan?"
Hindi tumugon si Zhuge Yue. Sa isang kampay ng kanyang kamay, dinakip ng mga tauhan niya si Song Lian, na lubhang nagdurugo ang bibig.
"Prince Yan, maraming salamat sa pagbalik sa nawawala naming kabayo ngayon. Ngunit maaari mo namang ipagawa ito sa mga tauhan mo imbis na ikaw pa mismo ang nagdala. Gusto pa sana kitang imbitahan na damayan ako sa pagkain pero alam kong marami kang ginagawa. Hindi na ako mamimilit pa. Zhu Cheng, ihatid mo palabas si Prince Yan."
Walang interes namang tumawa si Yan Xun, nakipagpalitan ng ilang salita kay Zhuge Yue, bago naghandang umalis. Nang papaalis na siya, nadaanan niya si Chu Qiao at bumulong sa tainga nito. "Wala ka talagang awa, may pinahamak ka na namang iba."
Natigilan si Chu Qiao. Tinignan niya si Yan Xun na naglalakad palayo na may ngiti sa kanyang labi. Tuwid ang postura nito at kalmado ang kanyang mukha. Mukha siyang matanda. Paanong naging siya ang prinsipe na nakilala niya na may ngiti sa kanyang mukha?
"Xing Er," isang malalim na boses ang biglang niyang narinig mula sa kanyang likuran. Humarap siya at nakita ang nababahalang hitsura sa mukha ni Zhuge Yue. "Sumama ka sa akin pabalik," sabi niya.
Napabuntong-hininga si Chu Qiao. Minamalas siya ngayon na talagang nabunyag siya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para malabasan ang sitwasayon niya ngayon. Nalulumbay siyang sumunod sa likuran ni Zhuge Yue. Nagsimula siyang mag-isip ng mga dahilan tulad nalang nang pang-aapi sa kanya sa nakaraan, ngunit hindi niya nakita ang tingin sa mga mata ni Zhuge Yue. Sa gitna ng kalungkutan, ay makikita ang sense of pride sa kanyang mata, pero walang makapagsabi kung ano nga ba talaga ang ipinagmamalaki niya.
Matagal na natahimik ang buong silid. Patuloy sa marahang pag-ihip ang simoy ng hangin sa labas ng bintana. May bahagyang halimuyak na nanggagaling sa cymbidium na nakapatong sa ibabaw ng jardinière. Nanatiling walang kibo ang bata habang nakatayo siya. Ngunit mahabang oras na ang lumipas, matagal na para masabing tulog na ang ibang tao. Hindi na siya nakatiis pa, at napasilip siya sa itaas, at nakasalubong ng kanyang mata ang isang pares na itim na mga mata.
Hindi na makapagpanggap si Chu Qiao na wala siyang nakita. Binasa niya ang kaniyang mga labi at mahina na tumawag, "Fourth young master."
"Nabuo mo na ba ang kasinungalingang sasabihin mo?" Hawak ng binata ang tasa ng tsaa na dahan-dahan niyang iniinom bago malumanay na nagsalita.