Mabagal na lumipas ang oras at naka-ilang beses ng pumasok ang mga katulong sa silid ni Zhuge Yue. Sa wakas ay napatigil na siya sa paglalaro bago tumayo. Agad siyang tinulungan ng katulong na nasa tabi niya na i-suot ang pares ng deer leather boots. Nakasuot naman siya ng kulay pale blue at mabulaklak na robe na may bright red overcoat na gawa sa fox fur. Isang batang wala pang labing tatlong taong gulang, pero may itsurang di naaayon sa kanyang edad.
"Tara," ang sabi ni Zhuge Yue sa paglabas niya kasama ang kanyang mga alalay.
Sa harap ng kanyang tinitirahan ay maraming kabayo ang naghihintay. Dahil sa tagal dumating ni Zhuge Yue, ang ibang mga master ng mga Zhuge ay nakaalis na. Isa sa mga alalay ang naluhod sa sahig, bale-wala namang naglakad si Zhuge Yue at inapakan ang likuran nito bago sumakay sa kanyang kabayo.
Paalis na sila nang tumingin si Zhuge Yue sa mga alalay na nasa may pintuan bago ito nagtanong, "Xing Er, nakita mo na ba ang tanawin kapag may lantern festival?"
Hindi naman inasahan ni Chu Qiao na tatanungin siya kaya napa-iling nalang siya.
Tumango naman si Zhuge Yue bago sinabing, "Halika dito, isasama kita para makita mo."
Hindi naman agad naintindihan ni Chu Qiao ang nais iparating ni Zhuge Yue, ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakasagot. "Young Master, hindi ko po magagawa yan."
Nadismaya si Zhuge Yue at magsasalita sana nang maglakad si Chu Qiao at sinabing, "Sasakay nalang po ako sa ibang kabayo, marunong po ako."
Hindi naman naniwala si Zhuge Yue sa sinabi niya at tinignan ang maliit niyang pangangatawan. Kahit sino naman ay hindi maniniwala.
"Master, pahiramin niyo nalang po ako ng kabayo. Kayo ko po ang sarili ko."
Isang claret horse naman ang inilabas nila para kay Chu Qiao. Kahit na maliit ang kabayong ito, mas malaki pa rin ito kay Chu Qiao. Natawa sila nang mapansin na mas malaki pa ang binti ng kabayo kesa sa kanya.
Inikutan ni Chu Qiao ang kabayo ng dalawang beses bago niya inabot ang likod nito, pero sadyang mas malaki talaga yung kabayo. Sa loob-loob ni Zhuge Yue ay natatawa siya, tatawag na sana siya ng tutulong kay Chu Qiao ngunit sa ilang sandali ay mabilis na naka-akyat at nakasakay si Chu Qiao na ikinagulat naman ng lahat.
Tinignan ni Zhuge Yue ang batang may may nyebe na para bang isang snowball na pero diretsong nakaupo sa kabayo. Hindi niya napigilan ngumit bago siya tinapik ang kabayo niya.
Marunong mangabayo si Chu Qiao, kahit na sagabal ang maliit niyang katawan mabuti nalang at maamo ang kabayong binigay sa kanya. Matapos makita nitong naalis ang ibang mga kabayo ay agad na sumunod ito.
Walang curfew sa siyudad at dahil sa pinagdiriwang nila ang lantern festival buhay na buhay pa ang mga kalye at puno pa rin sila ng kasiyahan. Maghahapon na at nagsisimula ng dumilim. Maliwanag pa ang mga daan at may putukan pa rin na makikita. Sa mga gilid ng ilog ay makikita ang magandang repleksyon ng mga lumulutang na lantern sa kalangitan. Sa mga gilid naman ng daan ay makikita ang mga hugis dragon na pulang ilaw, ilan rin sa mga bahay ay binakante para pagtanghalan. Makikita kahit saan ang mga sayawan, variety shows, drama at sa mga tugtugan. Lumiliwanag ang kalangitan ng gabi dahil sa mga paputok habang patuloy pa rin ang bentahan ng mga alak, tabako, pagkain, damit, gulay, prutas, mga kagamitan sa bahay, bulaklak at mga paputok. Kahit anong hanapin ay tiyak na naroroon.
Kaliwa't-kanan naman ang tingin ni Chu Qiao habang nakasakay siya sa kanyang kabayo, pinagmamasdan niya ang mga nangyayari sa kanyang paligid.
Kilala ang mga Zhuge at nirerespeto, kahit saan sila magpunta ay magbibigay daan ang mga tao. Nadaanan nila ang isang magarang gusali na may mga kakaiba at makulay na lantern tulad nalang ng mga hayop, halaman at bulaklak. Nakita naman ng may-ari na tumigil si Zhuge Yue sa tapat nila kaya agad siyang lumapit dala-dala ang isang malaking dragon na kulay ginto at pinuri si Zhuge Yue.
Hindi naman pinansin ni Zhuge Yue ang mga sinasabi niya at bigla nalang siyang tumuro. "Dalhin mo iyon sa akin."
Tinignan naman nito kung ano ang tinuturo niya at nakita ang isang kulay puting snow rabbit lantern. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa pinili ni Zhuge Yue.
"Para sayo." nakangiting abot ni Zhuge Yue kay Chu Qiao ang lantern. Isang ngiting napakadalang makita sa kanya.
Wala sa sariling inabot ito ni Chu Qiao, sa gulat ay nakalimutan niya rin na magpasalamat.
Wala na ang ngiti sa mukha ni Zhuge Yue at parang balewala lang sa kanya ang nangyari. Nakatingin naman ang halos lahat kay Chu Qiao at iniisip kung ano ang nasaksihan nila.
Hindi naman malaman ni Chu Qiao kung ano ang mararamdaman niya dahil talagang tinuring siya bilang isang bata.
Maganda ang disenyo ng rabbit lantern na binigay sa kanya. Puting puti ito at pulang pula naman ang mga mata, dahan-dahang tinapik ni Chu Qiao ang bibig nito na ikinagulat niya dahil sa lumabas ang dila nito na gawa sa kulay pink na laso.
Sa sandaling iyon, isang mahinhin na tawa ang narinig ni Chu Qiao. umikot siya at tiningnan ito ngunit isang makulay na payong ang humarang sa kanyang paningin. May iba't-ibang klase ng carts tulad nalang ng golden dragon, makulay na phoenix, jade butterflies, snow foxes, mga engkantada at diyosa pati na rin ang iba't-ibang klase ng bulaklak. Halos mahilo si Chu Qiao sa pagtingin dito. Nagdagsaan ang mga tao pati ang kani-kanilang karwahe na nagpapaliwanag sa kanilang daan.
Sa wakas ay natapos na ang parada at makikita na ang kabilang bahagi ng daan. Puno na ng nyebe ang na-frozen na lawa, at sa may gilid nito ang isang willow tree na puno rin ng nyebe at nagye-yelo na ang mga dahon. Isang itim na kabayo ang naroroon kasama ang isang binatang lalaki na may suot na green robe at naka-kros ang kamay. Nakasandal siya sa puno habang diretsong nakatingin at nakangiti.
Isang malakas na pagsabog ang bigla nilang narinig at ang lahat ay napatingin sa taas. Nakita nila ang magarbong firework display na tila mga engkantadang sumasayaw sa kalangitan. Isang pasaway na bata ang naghagis ng paputok sa paa ng kabayong sinasakyan ni Chu Qiao at dahil unang beses palang nitong nakalabas, sa sobrang takot ay tumakbo ito paalis.
Nakita ng binata ang lahat nang nangyari kaya minadali niyang sumakay sa kabayo niya at pinapunta sa direksyon na pinuntahan ng kabayo ni Chu Qiao.
Nagulat naman ang mga tauhan ng mga Zhuge pero bago pa man sila makasaklolo ay nagkahiwalay na sila sa dami ng tao.
Nais sanang sumunod ni Zhuge Yue pero napigilan siya ng kanyang mga tauhan niya. Sa galit niya ay hinaplit niya ang mukha nito. Balak niya pa sanang pumunta kaso naging magulo na sa dami ng tao at hindi na makita si Chu Qiao.
Mabilis na tumatakbo ang kabayo ni Chu Qiao kasabay ng malakas at malamig na bugso ng hangin. Habang tumatagal ay nagiging tahimik hanggang sa yabag ng takbo nalang ng kabayo ang tanging maririnig. Masasabing maliit ang kabayong ito pero hindi mapagkakaila na isa ito sa mga superior breed at talagang mabilis ito. Mahigpit na kumapit si Chu Qiao sa kanyang kabayo at masinsing inaral ang paligid niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siya, sa liit ng pangangatawan ni Jing Yue Er hindi nito kakayanin kapag nalaglag siya lalo na't napakabilis ng takbo ng kabayo. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makaalis.
Sa di kalayuan ay maririnig ang mabilis na yabag ng takbo ng kabayo. May nakahabol kay Chu Qiao at sinasabayan ang takbo ng kabayo niya.
"Subukan mong humingi ng tulong at baka maisipan kong tulungan ka!" sabi ng lalaki ngunit sa lakas ng hangin ay hindi ito narinig ng buo ni Chu Qiao. Hinarap naman ni Chu Qiao ang lalaking mukhang natutuwa pa sa sitwasyon niya. Masama niya itong tinitigan at ni minsan ay makikita ang takot sa kanya.
"O kaya naman ay sabihin mo sa akin kung anong ibig sabihin ng ginawa mo ng nakaraan."
Bumagal na sa pagtakbo ang kabayo ni Chu Qiao dahil malalim na ang nyebe sa parte ng tinatakbuhan nito.
Wala ng oras dapat pang sayangin, bumitaw si Chu Qiao sa pagkakapit niya. Tinulak niya ang kanyang sarili at tumalon papunta sa direksyon ng binatang lalaki.
Tumilapon ang katawan ni Chu Qiao sa lalaki, sinubukan naman ng binata na patigilin ang kabayo pero huli na siya. Pareho silang nalaglag sa lupang puno ng nyebe. Hindi ito napansin ng kabayo ng binata na patuloy pa rin sa paghabol sa maliit na kabayo hanggang sa hindi na sila makita pa.
"Flurry!" tawag ng binata sa kabayo niya ngunit nabigo siya. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili, ngunit wala din itong silbi.
"Ano pang silbi ng kabayong yan kung hindi niya man lang napansin na nalaglag na pala yung amo niya? Dapat dinadala na yan sa slaughter house." Sabi ni Chu Qiao na nagpapagpag ng kanyang damit, masaya na wala siyang problema o kahit anong galos.
Naiinis namang humarap si Yan Xun sa kanya, "Mahalaga sa akin si Flurry dahil bigay pa siya ng tatay ko nung nangangaso siya sa Yan Bei! Ni hindi pa nga nagtagal sa akin yun ng higit pa sa kalahating buwan, at hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Anong masama doon? Ikaw dyan ang malakas ang loob na tumalon kaya wala na ang kabayo ko, sino sa tingin mo ang kailangan parusahan?!"
"Hindi ko naman sinabi na sundan mo ako. Walang kinalaman sa akin ang hindi mo pagbabantay sa kabayo mo." angil naman ni Chu Qiao.
"Tignan mo nga, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan."
Tinitigan ni Chu Qiao ang binatang lalaki na may mataas na posisyon at kilala bilang 'Royal Highness Yan', inirapan niya ito bago talikuran at naglakad pabalik.
Hindi naman inaakala ni Yan Xun na aalis nalang ito ng ganon ganon lang. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang hinahabol siya.
"Malamang pauwi ng bahay. Sa tingin mo ba matutulog ako dito?"
Mataas na ang mga naimbak na nyebe. Sa mababaw na parte ng daan ay hanggang tuhod lang ito ni Chu Qiao pero sa mga matataas sa nasa hita na niya. Magkasabay silang naglalakad at napansin ni Yan Xun ang hirap sa paglalakad ni Chu Qiao, dahil dito ay nawala ang inis niya sa pagkawala ng kabayo niya. Napangiti siya habang naglalakad at matapos ang ilang hakbang ay napalitan ito sapagkat natumba siya sa lapag.
May narinig na crack si Chu Qiao at alam niyang hindi maganda ito. Sinubukan niyang tulungan tumayo si Yan Xun pero mas malaki at mas mabigat sa kanya si Yan Xun kaya natumba nanaman sila.
"Oy… anong pakiramdam mo?" tumayo si Yan Xun, nakita niya ang maliit na kamay ni Chu Qiao at hinila ito palabas. "Hindi ka pa naman patay di ba?" sabi niya habang inaalog ang ulo nito.
"Bitiwan mo ko." sabi ni Chu Qiao na nakasimangot. Sinubukan niyang igalaw ang binti niya pero masakit ito kaya mas lalong nalukot ang mukha niya.
"May bali ka?" nag-aalalang tanong ni Yan Xun.
"Hindi ako mamatay." sabi ni Chu Qiao bago tumingin pataas. Hindi naman ganon kalayo ang snow cave. "Kaya mo pa bang umakyat?" tanong niya kay Yan Xun.
"Kung nasa lupa tayo, kakayanin kapag tumalon ako kaso malambot dito, lulubog lang tayo."
"Mamatay naman tayo dito sa lamig." bulong ni Chu Qiao at tumayo, "Tungtungan mo ako at umakyat pa taas, humingi ka ng tulong para iligtas ako dito."