Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 39 - ITO ANG KATIBAYAN NINYO

Chapter 39 - ITO ANG KATIBAYAN NINYO

"Ngayon lang ako sumang-ayon sa iyo. Dapat nga tayong magpunta sa istasyon ng pulis pagkatapos nito," tumatangong sambit ni Xinghe, "Kukuhanin ko na ang pruweba para sa iyo."

Pagkatapos noon ay umakyat na ito ng hagdanan.

"Tumigil ka diyan, saan ka pupunta?" hiyaw ni Wu Rong na napatayo sa kinauupuang sofa.

Mabagal na ipinilig ni Xinghe ang kanyang ulo habang nagsasalita, "Kinukuha ang katibayan. Ikaw ang humihingi sa akin noon. Inuusig ka na ba ng iyong konsensiya?"

"Natatakot ako na pagnakawan mo ako! Wala ka ng ipinagkaiba sa pulubi ngayon!"

Gusting-gustong sumagot ni Xinghe: Malapit na malapit na, sisiguraduhin ko na mas masahol ka pa sa pulubi kaysa sa akin.

"Mainam na sumunod ka sa akin kung natatakot ka, mainam na sumama na din ang dalawang security," sabi ni Xinghe at patuloy na naglakad paakyat sa hagdanan.

"Xia Xinghe, tumigil ka riyan!" sigaw ni Wu Rong at humabol kay Xinghe pero masyadong mabilis si Xinghe para sa kanya.

Nagkatinginan ang dalawang security, nagkibit-balikat, at nagpasyang sumunod.

Pakiramdam nila ay importante at kailangan ang kanilang presensiya. Hindi lingid sa kaalaman nila, ang kalmadong anyo ni Xinghe ay nagsilbing patunay na may kredibilidad ang kanyang istorya.

Ang destinasyon ni Xinghe ay ang dating study ni Xia Chengwen.

"Xia Xinghe, ano ang ginagawa mo?" dumating si Wu Rong makalipas ang ilang segundo. Hindi siya pinansin ni Xinghe at sumandal sa isa sa mga istante ng libro. Kumatok siya ng bahagya sa lumabas na pader at lumabas ang 30 centimeter rectangular indentation dito.

Inalis ni Xia Xinghe ang pekeng takip ng pader at may kinuha mula sa sikretong puwang na isang maliit na insurance case.

Mula sa nanunuyang anyo ni Wu Rong ay nagbago ito sa pagkaalarma habang pinanonood niya ang mga nagaganap.

Mabilis niyang nilundag para kuhanin ang case mula kay Xinghe ng humihiyaw, "Xia Xinghe, ibalik mo sa akin ang gamit ko!"

Parang nahulaan ni Xinghe ang gagawin nito kaya umilag siya. Dahil sa naiwasan siya ng kanyang target, tumama si Wu ROng sa istante na halos bumagsak sa lakas ng kanyang pagkakabangga. Napasimangot si Wu Rong habang hinihimas ang nasaktang balikat.

Lumakad ng malumanay si Xinghe sa dalawang security, at magalang na sinabi, "Nasa loob nito ang property certificate para sa villa na ito na ipinamana sa akin ng aking ama. Umaasa ako sa inyong dalawang mabubuting ginoo na sana ay maging saksi ko ngayon na mabawi ang bagay na dapat ay akin. Ang aking madrasta ay masyadong malupit sa akin na pinagtangkaan na noon ang buhay ko, lalo na ngayong unti-unti ng lumalabas at nasisira ang kanyang mga plano."

Pakiramdam ng dalawang lalaki ay naparangalan sila sa magalang niyang tono. Ang paggalang nila kay Wu Rong noon ay napalitan ng pag-iingat. Nakakatakot ang ideya na kahit hindi sabihin ng deretsa ni Xinghe kung paano pinagtangkaan ni Wu Ron gang buhay niya, naniwala sila dahil mayroong mga madrasta na gumagawa ng masasama.

Nanggagalaiti sa galit si Wu Rong pero alam niyang hindi niya dapat hayaang buksan ni Xinghe ang case na iyon.

Hanggang nananatiling sarado ang lagayan na iyon, nasa kanya pa din ang huling halakhak.

"Kayong dalawang tonta ay hindi dapat maniwala sa kasinungalingan niya! Lahat ng naririto sa bahay na ito ay akin! Isa siyang walang pusong babae na pumatay sa kanyang ama at ngayon ay nagbalik siya upang saktan ang madrasta niya, siya ang may masamang hangarin dito! Hulihin ninyo siya at ibalik ninyo ang case na iyan sa akin!"

Naghitsurang nababaliw na babae si Wu Rong sa pagsisikap niyang mabawi ang insurance case.

"Pakinggan mo nga ang sarili mo, nawawala ka na sa katinuan. Natutuliro ka na dahil sa case na ito. Sige, bibigyan kita ng huling pagkakataon para mapatunayan na sa iyo ang case na ito. Siguro alam mo kung paano itong buksan kung ikaw nga ang tunay na may-ari," nakangiting sambit ni Xinghe.

"Ako…" nauutal si Wu Rong at ang kanyang hitsura ang nagtulak sa dalawang security na maniwala kay Xinghe.

"Mrs. Xia, pakibuksan na ho ang case, agad ho naming papalayasin si Ms. Xia kapag iyo pong nagawa ito."

"Ikaw, manahimik ka!" malamig na sigaw ni Wu Rong, "Ako ang tunay na may-ari ng bahay na ito, ang mga tulad ninyo ay walang karapatan kundi sumunod sa akin. Ang sabi ko akin ang case na iyan at bawiin ninyo iyan para sa akin kung hindi ay isusumbong ko kayo sa management at ipapatanggal ko kayo ngayong araw ding ito!"