Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

REVENGE AND KARMA

🇵🇭MODERNAPROBINSYANA
14
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 14 chs / week.
--
NOT RATINGS
868
Views
Synopsis
"Hindi man ako makaganti sa lupa. Ako na mismo ang susundo sa kaluluwa ninyo sa impyerno. Ako magiging karma sa buhay ninyo!" Saad ng isang kaluluwang naghihinagpis, napatawa ito habang tumutulo ang luha. Napabangon na lamang si Sharlene sa masamang panaginip. Palagi siyang binabalikan ng bangungot na hindi niya maintindihan kung bakit, palagi niyang napapaginipan ang babaeng umiiyak. Nasapo na lamang niya ang kanyang noo at napabangon na lamang sa kanyang hihigan.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGO

"Maawa kayo! Maawa kayo! Pakawalan ninyo ako rito!" Sigaw ni Leah, habang kinakatok nito nang buong lakas ang ataul na pinaglalagyan niya.

 

"Maawa kayo! Maawa kayo!" Pagsusumamo niya, alam niyang may nakaririnig sa mga tinig niya sa labas ng ataul.

 

Madilim, masikip sa loob ng ataul, natatakot siya, natatakot siya na tanging siya lamang ang nakaririnig ng kanyang boses na nagsusumamo, mahina siyang humihikbi, dahil pinanghihinaan siya ng loob.

 

Naramdaman niya ang malakas ng pagbagsak dahil gumalaw ang buong katawan niya, nakatagilid siya, ayaw niyang mahiga.

 

Narinig ni Leah na may nagbabagsakan sa kanyang ataul, pinakinggan niya itong mabuti habang pumapatak ang kanyang luha.

 

May naririnig siyang tawanan, malayong - malayo ang distansya. May naamoy siya.

 

Lupa? Amoy Lupa! Sigaw sa isipan ni Leah.

 

Parang nakaluhod siya sa ataul noon. Kinakalabog na naman niya ito.

 

"Huwag ninyo itong gawin sa akin, ano ba ang kasalanan ko sa inyo! Please, please. Parang awa ninyo na!" Sumigaw na siya nang ubod - lakas. Hinihingal na siya, nawawalan na siya ng hangin.

 

Natatakot ako. Natatakot ako. Pinilit niyang huminga sa kanyang ilong.

 

Hindi pwede, hindi pwede. Kinakalmot ni Leah ang ataul, kahit man sumasakit na ang kanyang daliri noon, alam niyang nagdudurugo na ito.

 

Pero, hindi pa rin niya mabuksan, siniguradong hindi siya makatakas, siniguradong malilibing siya nang buhay.

 

Nawawalan na siya ng ulirat, nawawalan na siya nang hangin, tanging ang pagtulo lamang ng luha ang kanyang sandigan, sa lahat - lahat ng kanyang nararamdaman ngayon.

 

Bakit? Bakit? Ginawa nila sa akin ito? Naging mabuti akong tao. Naging mabuting asawa, naging mabuti sa lahat! Napapahikbi siya sa kanyang naiisip.

 

Tatanggapin ko na lang ba na naging kamatayan ko? Saan ba ako nagkamali? Pagtatanong sa kanyang sarili noon.

 

Mas lalong tumahimik ang paligid. Unti - unti na siyang nawawalan ng hangin sa baga, hindi na niya na naramdaman ang kanyang katawan, bumibigat na ang talukap sa kanyang mga mata.

 

Dumaloy ang luha niya sa kanyang mga mata.

 

Napasinghap na lamang si Sharlene at napabangon sa kanyang hihigan, habol - habol ang kanyang paghinga.

 

Napalunok siya sa kanyang laway, pinakiramdaman niya ang kanyang katawan, mahina niyang kinurot ang kanyang pisngi para maramdaman na buhay pa siya.

 

Madiin niyang pinikit ang kanyang mga mata, hinilot ang sentedo dahil biglang sumakit iyon. Napabaling siya sa gawi niya at nasilayan ang oras.

 

Malapit na palang mag - alas kuwatro ng umaga. Napabuntong - hininga siya, bumangon na rin siya para maghanda ng makakain nilang mag - iina, wala ang kanyang asawa ngayon, dahil abala ito sa trabaho sa kompanya. Pumunta na muna siya sa banyo, may wall mirror sila sa loob, naghilamos siya ng kanyang mukha.

 

Lumilitaw pa rin sa isipan niya ang babaeng kanyang napaginipang umiiyak, ang inosente nitong mukha na dumadaloy ang luha sa pisngi, agad niyang pinilig ang kanyang ulo para makalimutan iyon.

 

Ilang araw ng pabalik - balik ang panaginip niya, hindi niya mawari kung bakit nagpapakita ito sa kanyang panaginip. She's clueless, hindi niya kilala ang babae, tanging pangalan lamang ang alam niya.

 

Leah. Banggit sa kanyang isipan. Iyon lang ang pangalang paulit - ulit na sinasabi sa diwa niya kapag napapaginipan niya ito.

 

Huwag ka ng makialam pa, Sharlene, mind your own business. Paalala sa kanyang isipan. Tiningnan niya ang kaanyuan niya sa salamin, agad siyang lumabas pa para diresto sa kusina at makahanda na kanilang agahang mag -iina.

 

Simpleng buhay na mailarawan ang kanyang katayuan sa buhay, siya ay nagtuturo sa mataas na paaralan, isang Junior High School at Senior High School ang kanyang tinuturuan sa pribadong pamantasan.

 

Normal na buhay lang ang meron siya, mayroon siyang asawa na minsan lang nakakauwi sa kanilang tahanan, naiintindihan naman niya iyon, dahil para rin naman ito sa kinabukasan ng kanyang anak. Maituturing na nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw at nakakaluwag - luwag din na makakabili ng kanilang pang - araw - araw na pangangailangan.

 

Binalingan niya ang oras, malapit ng mag - alas - singko ng umaga, kailangan na niyang gisingin ang munting nagbibigay - buhay niya, kundi ang kanyang anak na si Ashley, limang talong gulang na kasalukuyang nag - aaral ng daycare sa pamantasang kanyang tinuturuan.

 

"Ash, gumising ka na," mahina niyang tinapik ang kanyang anak na babae.

"Ma, morning." agad bati nito.

 

"Good morning, wake up na, ligo na tayo? Para maaga tayong makarating sa school?" Tanong niya sa bata.

 

Tumango ito at agad itong bumangon sa kanyang hihigan, agad niyang kinuha ang tuwalya nila para sabay na silang maligong mag - iina.

 

Iyon lang naman ang paulit - ulit na takbo ng kanilang buhay. Matapos maligo, agad naman siyang naghain na kakainin at babaunin nila sa paaralan. Sabay na silang nag - agahan.

 

"Ma, kailan uuwi si Papa?" tanong ng kanyang anak.

 

Napabuntong - hininga na lamang siya, hindi niya masagot - sagot ang katanungan nito, dahil, hanggang ngayon, hindi nagre - reply sa text o hindi niya ma- contact kapag tatawagan ito sa phone.

 

"Hindi ko pa nakausap ang Papa mo, pero hayaan mong uuwi rịn iyon kapag natapos na ang trabaho niya." Malumanay niyang sagot sa kanyang anak.

 

Napabuntong - hininga na lamang si Ashley, pero ngumiti pa rin ito sa kanya. Kumain na rin ito, nagpapasalamat siyang binigyan siya ng isang anak na matiisin.

 

Agad siyang silang nag - abang ng masasaksyan patungo sa pinagtatrabahuan niya at sa paaralan ni Ashley. Pumara siya kaagad ng jeep, hindi pa punuan ang laman nito, kaya pinaupo niya ang bata sa kanyang tabi noon. Makalipas ang ilang minuto, natanaw niya kaagad ang gate ng paaralan. Marami - rami na ring mga mag - aaral ang pumapasok na ganito kaaga. Maya - maya na muna niya ihahatid ang kanyang anak sa classroom, dahil alas otso pa ng umaga magsisimula ang klase nito.

 

Nasa faculty siya at inilagay ang kanyang mga gamit noon. Habang abalang - abala siya sa pag - aayos ng gamit, biglang tumunog ang phone niya, napakunot naman ang kanyang noo.

 

Agad niyang sinagot ito.

 

"Hello," bati niya sa kabilang linya.

 

"Patay na si Lola." agad bungad na sabi nito sa kanya.

 

Nagtagpo ang kanyang kilay sa balitang kay - agang sumira sa kanya.

 

"Hindi rin namin alam kung bakit namatay si lola." Sabi pa nito sa kabilang lina.

 

Hindi siya sumagot pa at napaupo na lamang sa kanyang upuan.