Chereads / REVENGE AND KARMA / Chapter 10 - CHAPTER NINE

Chapter 10 - CHAPTER NINE

NAGBIHIS si Vivianne para makapunta sa huling lamay ngayon sa kanyang lola, hindi siya pumunta noong nakaraang araw dahil masama ang pakiramdam niya at hindi niya maintindihan ang bawat bangungot na kanyang nakikita kapag pinipikit niya ang kanyang mata.

 

Napabuntong – hininga rin siya dahil palaging nagkwento ang kapatid niyang si Tashia, ayaw niyang makialam sa relasyong napasukan ni Sharlene. Pero, ayaw niyang bitbitin ang konsensya kung palaging nakatikom ang bibig niya sa kanyang napapansin sa asawa nito pati na sa itinuring nitong kaibigan na si Shiela.

 

Nauna na ang kanyang kapatid dahil tutulong pa ito sa bahay, saka, hindi rin ito nakauwi kagabi dahil doon na rin ito nagpahinga. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin, nakasoot lamang siya ng white shirt and naka – pants lang simpleng datingan, tinalian niya ang kanyang buhok, pagkatapos, umalis na rin siya.

 

Nakaramdam siyang may sumusunod sa kanya, kaya naman, napalingon na lamang siya, wala namang nakitang kakaiba si Vivianne, kaya naman, nagpatuloy siya sa paglalakad, tahimik siyang nag – aabang ng masasakyan, nagdadalawang – isip siya kung mauuna ba siya sa simbahan.

 

Kailangan kong makabawi sa kanila. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, kaya naman, doon na lamang siya sa bahay at sasama sa paghatid patungong simbahan para mamisahan ito. Nakapara kaagad siya ng sasakyan noon.

 

Mabilis naman ang byahe dahil wala naman masyadong tao ang sumasakay ngayon, kaya nakarating kaagad siya sa kanyang destinasyon, agad siyang nagbayad, bago pa lamang siya nakababa sa sasakyan ay sumalubong kaagad sa kanyang tingin na nagpapa – arko ng kilay niya.

 

Wala siyang sabi – sabing dumaan at sabay tikhim para maagaw niya ang atensyon ng dalawa, napansin pa niyang nagulat pa ito sa kanyang ginawa, tinitigan niya lamang ang dalawa at walang sabing naglakad patungo sa loob. Nakita niyang marami – raming tao na nandoon sa bahay ni Sharlene.

 

Agad niyang nakita si Sharlene at si Ashley kinarga lamang ito, nandoon lang siya sa malayo na nakatanaw, saka, naghihintay siya kung anong maitutulong niya kay Sharlene.

 

Syempre, may kapalit. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Napansin niya si Tashia, kaya naman lumapit siya sa kanyang kapatid.

 

"Buti nakaabot ka." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.

 

Tumango na lamang siya "Anong maitutulong ko?" tanong naman niya.

 

Hindi ito sumagot, nakahanda na ang lahat at magsisimula na rin ang seremonya para sa paghatid sa hulung pahingahan ng kanyang lola.

 

Nakaabot na rin sila sa simbahan, hindi niya inaasahang dadagsa ang maraming tao. Napaupo siya sa sulok, may napansin siyang nakaagaw sa kanya noon.

 

Isang babaeng nakasoot ng damit panluksa, mas lalo pang nagulat si Vivianne na kakaiba ang ngiti nito na tila nagbabadya ng masamang pangitain. Kinikilabutan siya sa kanyang buo niyang katawan. Kaya naman napahaplos – haplos siya sa kanyang braso na tumatayo ang kanyang balahibo sa katawan.

 

Pinipilit niyang balewalain ang nakikita niya, naramdaman niya lang niyang tinapik siya ng kanyang kapatid noon.

 

"Ayos ka lang, parang nakikita ka ng multo ah?" tanong naman ni Tashia sa kanya.

 

Umupo ito sa kanyang tabi.

 

"Tash," mahina niyang tawag sa kanyang katabi.

 

Napatingin na lamang ito sa kanya nag – aantay kung may sasabihin pa ito. "Nakikita ko na naman."

 

Kumunot ang noo ni Tashia na tiningnan siya nang makahulugan.

 

"Iyong kwinento ko sa iyo? Noong nanaginip ako ng isang babaeng nakadamit panluksa? Nandito siya." Sabi naman niya.

 

"Ate, lahat tayo nakasoot ng damit panluksa."

 

"Tashia, nakadamit pang – itim siya." Tiningnan niyang muli kung saan niya nakita ang babaeng nakapanluksa. Bigla itong nawala sa kanyang paningin, kaya naman, nilibot niya ang kanyang paningin para hanapin iyon.

 

"Ate." Napabuntong – hininga na lamang si Tashia.

 

Napasinghap na lamang siyang may katabi si Tashia, iyon ang babaeng nakita niya kanina, nasilayan niya ang mukha nito, nakangiti ito sa sa kanya na kakaiba.

 

Shh, huwag kang maingay. Narinig na lamang niya.

 

Nababalot ng misteryo ang pagkatao nito, makikitang may maganda itong mukha, kahit man, napupuno ito ng mga sugat – sugat, tumayo ito may dala – dala itong kumpol ng rosas na nalalanta.

 

Nandito lang ako para makiramay sa lola ninyo. Ngumiti pa ito sa kanya.

 

Hindi siya makapangusap noon, dahil alam niyang hindi tao ang nakakausap niya kundi isang ligaw na kaluluwa. Nakita pa niyang tumayo ito, napansin niya ring nilalabas na ang kabaong sa simbahan at ihahatid na ito sa sementeryo.

 

Bigla na lamang nawala ang babae sa kanyang paningin, kaya napakurap – kurap siya.

 

May yumuyogyog sa kanya, kaya naagaw ang atensyon niya. Nandoon siya nakaupo na katabi si Tashia.

 

"Ate, huwag mong pilitin ang sarili mo, kailangan mo ng magpahinga." Iyon lang ang narinig niya kay Tashia.

 

"Anong nangyari sa akin?" napatanong na lamang niya dahil naguguluhan siya.

 

"Kanina pa kita kinakausap, nakatulala ka sa parang." Napabuntong – hininga na lamang ito.

 

"H --- ha? Kausap –" naputol iyon nang magsilabasan na ang mga tao sa simbahan.

 

Napailing – iling na lamang siya.

 

"Tayo na." tanging sabi ng kanyang kapatid.

 

Napatango na lamang siya noon. Sumakay na rin sila ng sasakyan, mabagal ang pagpapatakbo dahil naghahatid sila ng patay at isa itong kultura na hindi madaling tibagin.

 

Nandoon na rin sila sa sementeryo. Marami siyang mga luhang nasaksihan na tumutulo sa pagkamatay ng kanilang lola, nalulungkot rin siya, kahit man, hindi siya naging malapit nito, nagiging mabuti itong lola sa kanila.

 

Lola, napatingin siya sa kabaong nito, nandoon na naman ang babaeng nakita niya, tahimik itong minamasdan ang nag – uumpukan nito. Nilagay nito ang rosas na lanta, at umalis. Naglalakad ito sa hangin na nag – iiwan ng bakas na isang malapot na putik na hinahaluan ng isang dugo.

 

Napalunok na lamang siya sa kanyang nakita.Pakiramdam niya'y nakatingin ito sa kanya, biglang bumigat ang katawan niya na tila magkakaroon siya ng trangkaso. Pero, tinapos niya iyon. Balik sila sa bahay matapos ang pagpapalibing nito.

 

Kaharap niya si Sharlene, nakasoot ito ng puting damit, hindi pa ito nakabihis, nalulungkot pa rin ang hitsura nito. Karga – karga niya si Ashley noon na nakatulog dahil sa pagod at pag – iyak dahil wala na itong maituturing na lola.

 

May iniabot si Sharlene sa kanya ng isang sobre. Ngumiti ito sa kanya, bago niya ito tanggapin ay kinarga ni Sharlene ang bata sa braso nito.

 

"Sabihin mo lang sa akin kapag kulang, Vivianne." Mahina nitong sabi na nakangiti sa kanya.

 

Hindi na niya binilang ang pera na nakapaloob sa sobre, binigyan din naman si Tashia ng sobre.

 

"Maraming salamat sa inyo." Tanging sabi na lamang nito sa kanila.

 

Tumango na lamang siya. Mabigat na ang kanyang katawan at kailangan na niyang magpahinga.

 

"Aalis na po ako." Pagpapaalam niya sa kanyang kausap.

 

Tumango lang ito, sumabay na rin si Tashia sa kanya, dahil napagod na rin ito sa mga inaasikaso nila ngayon.

 

Naglakad na sila papalayo nang tiningnan niya si Sharlene, muntik na siyang makasigaw nang may isang babaeng nakangiti sa kanila, habang hinahaplos – haplos ang buhok ni Ashley, kaya agad niyang binawi ang tingin at diretso ang kanyang lakad na walang salita.