Chereads / REVENGE AND KARMA / Chapter 4 - CHAPTER THREE

Chapter 4 - CHAPTER THREE

SHARLENE, SHARLENE nagising si Sharlene dahil may tinig siyang naririnig na tinatawag ang kanyang pangalan. Inilibot niya ang kanyang paningin, napakunot – noo na lamang siya, may nahagip siyang isang taong nakatingin sa kanya.

 

"Lola?" kaagad siyang tumayo, hindi nagsalita ang kanyang lola, hindi ito nagsalita naglalakad lang ito. Sinasabi sa kanyang isipan na sundan na lamang ang kaluluwa ng Lola niya.

 

Nang sinundan niya ito napadpad siya sa malaking mansion, hinanap niya ang kanyang sinusundan, pero, bigla itong nawala sa kanyang paningin. Inilibot niya ulit ang paningin niya, nandirito siya sa isang silid, napakalaking silid at alam niyang malambot din ang hihigan nito.

 

May isang babaeng pumasok, masaya at nakangiti ito na napaupo sa gilid ng kama, nakahahalina ang taglay nitong ganda.

 

Napasinghap siya, dahil kilala niya ang babaeng nakikita niya ngayon. Umupo ito at masayang pinagmamasdan ang kaanyuan sa salamin, kinuha nito ang suklay, hindi pa rin mawala – wala ang kasiyahan nito sa mga mata. Buong suyong sinuklay – suklay nito ang buhok nito naririnig pa nitong nag – h- humming pa ito.

 

Napabuntong – hininga na lamang at agad bumalik sa hihigan at napahiga pa. Tila napalitan kaagad ang kanyang nakikita ngayon.

 

Malungkot ang mukha nitong malayo ang tingin, hawak – hawak nito ang tiyan, na tumutulo ang luha.

 

Bakit? Bakit, nagawa mo ito sa akin? Pati sa magiging anak natin hindi ka naawa. Pabulong nitong sabi na bumalisbis ang luha at narinig niya ang bawat paghikbi nito.

 

Kinurot ang puso niya noon, nasisilip na naman niya ang nakaraan sa isang babaeng nagngangalang Leah. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang pakay nito sa kanya. Nilamon siya ng kadiliman.

 

Nasilayan niya ang kanyang lola noon, kahit anong lapit nito sa kanya ay lumalayo ito sa kanya palagi. Nakatingin lang ito sa kanya na hindi nagsasalita.

 

"Lola, anong gusto mong gawin ko?" napatanong na lamang niya.

 

Hindi ito sumagot, tiningnan lamang siya nang mataman.

 

Bigla may isang iyak ang narinig niya, nagulat na lamang siya kaya naman napabaling ang kanyang tingin. Nakita niya si Leah at isang lalaking hindi niya kilala.

 

Hindi na ako masaya sa relasyon natin, Leah. Hindi mo ba nakikita? Nagbubulag – bulagan ka lang. Tanggapin mong ginamit ka lang para sa kapakanan natin isa't isa, hindi kita minahal. Iyon ang narinig ni Sharlene sa isang lalaking matalim na tinitigan si Leah.

 

Hindi ito sumagot sa sinabi ng isang lalaking kaharap nito.

 

Alam ko iyon, hindi ko lang mapigilan ang sarili kong mahalin ka. Look, pagmamahal lang naman ang hinihingi ko sa inyo, bakit hindi pa ninyo maibigay sa akin? Tanong naman nitong punong – puno ng kalungkutan.

 

Handa kitang patawarin sa mga nagawa mo sa akin, handa kitang tanggapin ulit, huwag ka lang mawala sa akin, handa kong ibigay ulit sa iyo ang lahat! Ang lahat – lahat! Nagmamakaawa akong huwag mong gawin na iwan mo ako. Nakita niya pang lumuhod ito.

 

Hindi nagsalita ang lalaking kausap nito, at iniwan si Leah na luhaan. Bilang isang babae, nakaramdam siya ng pagkasuklam at galit sa nakikita niyang nakaraan. Kahit hindi pa niya kilala ito, gusto niyang sampalin ang lalaking nang – iwan nito at bulyawan, pero, sino ba naman siya.

 

Nakaraan na iyon, hindi na iyon mababalikan, parang nangyari rin ito sa kanya, ngunit, hindi siya iniwan ng asawa niya, pero, ganoon din naman ang patutunguhan, napabuntong – hininga na lamang siya.

 

Nakaramdam siyang may yumuyugyog sa balikat niya, at mahinang tinatawag ang kanyang pangalan. Kaya naman, nagising siyang nakasandal sa isang pader, nilibot niya ang kanyang paningin, tumambad kaagad sa kanyang mukha ng kanyang dalawang kapatid na babae na Vivianne at Tashia.

 

"Ate, magpahinga ka na muna." Agad sabi ng kanyang kapatid.

 

Naramdaman niyang nahihilo siiya, kaya nasapo niya ang kanyang ulo at dahan – dahan siyang tumayo para hindi siya matumba. Inalalayan na lamang siya ni Tashia patungo sa loob ng bahay. Pinaupo na muna siya sa couch na nandoon sa loob.

 

"Maiwan na muna kita, ate." Pagpapaalam sa kanya ni Tashia.

 

Tumango na lamang siya. "Salamat, Tash." Iyon lang ang sabi niya. Agad itong umalis at pumunta na inaayos ang libing ng kanilang Lola.

 

Hindi niya nakita ang magulang niya.

 

Napabuntong – hininga na lamang siya.

 

Hindi na akong aasa na pupunta ang mga iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili kung kaya na ba niyang tumayo para makapunta sa kanilang kwarto kung nasaan nagpapahinga ang kanyang anak na si Ashley. Napakapit siya sa grills ng bintana, para kung nahihilo man siya'y may pansuporta siya.

 

Matagal – tagal siya na nasa ganoong posisyon, nang hindi na siya nahihilo, minasdan niya ang mga bisitang nagsidatingan sa labas ng kanilang bahay, unti – unti na ring dumarami ang kanilang mga bisita.

 

May nakaagaw ng pansin sa kanya, agad nagtapo ang kanyang kilay at napakunot – noo sa isang bisita. Nakasoot ito ng panluksa na damit, hindi niya maaninag ang mukha nito, dahil nakatalikod ito sa kanya.

 

Mas lalo siyang nagtaka dahil wala man lang pumapansin rito kung anong kasootan nito. Pinagmasdan na lamang niya ito kung anong gagawin nito. Ngayon niya lang napansin na may dala – dala itong isang kumpol na rosas ngunit, nalalanta na ito. Biglang may gumulo sa kanyang isipan na nagkakaroon siya na pamilyar na pangyayari na nakita na niya ang rosas na iyan, hindi niya lang maalala kung saan.

 

Naglakad ito patungo sa kabaong ng kanyang lola, nabigla na lamang siyang nilagpasan ito ng isang bisita na kung saan nakabangga ito. Napatulala siya, ang babaeng nakasoot ng panluksa ay naglalakad ito sa hangin, sa bawat pagtapak nito sa hangin ay nag – iiwan ito ng bakas.

 

Hindi niya maintindihan, ang nahagilap lang sa kanyang paningin ay isang dugo na humalo sa putik, nagtayuan ang balahibo niya sa kanyang katawan, hinaplos ng malamig na hangin ang kanyang batok na dahilang napahawak siya nito.

 

Nagsasabi siyang masama ang pakiramdam niya sa bisitang nakikita niya ngayon, natatakot siyang humakbang papalabas. Kaya tiningnan niya lamang ito kung anong gagawin.

 

Huminto ito sa kabaong ng kanyang lola, inilagay doon ang rosas, tila may binubulong ito, napansin niyang napangisi ito pagkatapos ang pagbulong nito sa kabaong. Napasinghap siya nang masilayan niya ang mukha nito, isang babae na walang mukha, alam niyang tumitig ito sa kanya kahit wala itong mga mata, ay naramdaman niyang tinitingnan siya sa gawi nito.

 

Ngumisi ito nang makahulugan sa kanya, pinapakalma niya ang kanyang sarili na huwag unahan ng emosyong gusto ng kumawala. Nanginig ang kanyang kamay.

 

"Ma?" tawag nito.

 

Napalingon siya baka si Ashley ang tumawag sa kanya.

 

"Bakit ---" napatigil siya nang masilayan ang tumawag sa kanya, isang batang nakasoot ng pandamit sa ospital na kung saan kaedaran ng kanyang anak.

 

Biglang napalitan ito ng mukha ng kanyang anak na si Ashley.

 

Mama. Tawag nito sa kanya.

 

Napasinghap siya, nabigla na lamang siyang nandito siya sa couch nakatulog.

 

Binangungot na naman ba ako? Napatanong sa kanyang isipan. Naririnig niya ang kwentuhan ng kanilang mga bisitang nakikiramay sa kanila.

 

Tiningnan niya ang kanyang sarili, hindi pa siya nakabihis, nawala na rin ang pagkahilo niya, dahilan na nakatulog siya sa couch. Agad siyang pumunta sa kanilang kwarto, nandoon, mahimbing na natutulog ang kanyang anak.

 

Napaupo siya sa gilid na minamasdan ang mahimbing na natutulog niyang anak. Agad siyang nagbihis para harapin ang mga bisitang nasa labas.

 

Hindi na niya maintindihan ang kanyang panaginip na nagiging bangungot sa kanya.