Chereads / REVENGE AND KARMA / Chapter 7 - CHAPTER SIX

Chapter 7 - CHAPTER SIX

TAHIMIK silang nakatingin sa kawalan, tahimik silang nag – aantay kung sinong inaantay, nakakulong sila sa isang sildang hindi nila matatakasan, nakagapos ang kanilang kamay na hindi nakikita.

 

"Kailan tayo makalabas rito?" tanong ng isang babaeng kasama nila ngayon.

 

Hindi sumagot si Felicia, tahimik lang niyang tiningnan ang paligid kung nasaan sila ngayon, hindi ito nagpatumpik – tumpik na babalikan sila kapag pumanaw siya.

 

Matagal ng wala sa mundo si Leah, ngunit, dahil sa paghihiganti nagiging isa itong kaluluwang pabalik – balik sa mundo ng mga tao.

 

Ilang dekada na ba ang nakalipas? Napatanong sa kanyang sarili noon. Dati niyang nakausap at humingi ito ng tulong sa kanya, dahil may abilidad siyang makausap at makita ang nakaraan nito.

 

"Binabalikan mo ba ang nakaraan, Felicia?" may narinig siyang malumanay na boses, tiningnan niya ito, masaya itong nakangiti sa kanya.

 

Hindi siya sumagot sa katanungan na ibinato sa kanya. Tinitigan niya ito nang maigi.

 

"Hanggang kailan matatapos ang paghihiganti mo, Leah?" napatanong na lamang siya sa babae.

 

Mahina itong tumawa sa kanya. "Kailan?" nag – isip pa ito.

 

"Hanggang magsawa ako sa pagmumukha ninyo."

 

Umupo ito at naka – cross – arm silang tiningnan, ang kasootan nitong damit na nakapanluksa, ang mukha nitong punong – puno ng kasakiman, nakasoot ito ng sapatos na kulay itim rin.

 

Reyna ng kadiliman, ika nga. Paglalarawan sa kanyang isipan.

 

"Leah, nagmamakaawa ako, ilang dekada na kaming nakakulong rito, huwag kang mag – aalala, hindi namin kalilimutan iyong pangako namin sa iyo noon." Rinig niyang sabi ni Fredrick.

 

Patuya itong ngumiti sa lalaki, tumayo ito at lumapit sa kanila.

 

"Oh no, hindi na ako madadala sa awa mo, Fred," naglalambing pa ang boses nito. "Ubos na ubos na ang awa ko sa inyo, noong nabubuhay pa ako." Matalim itong tiningnan.

 

Tinitigan pa nito ang katabi ni Fredrick, si Angely na dahan – dahang ngumiti.

 

"Kasama mo naman ang minamahal mo, Fredrick." Sabi pa nito at nag – iisip – isip pa.

 

"Don't worry, your sister is okay. Alam mo namang hindi ko kayang manakit ng taong nabubuhay pa, nagmana talaga siya sa iyo, Angely." Patuya pa itong tumawa sa kaharap.

 

"Manang – mana talaga ang kapatid mong si Shiela."

 

"Huwag mong idamay ang kapatid ko rito, Leah." Paangil pang sabi ni Angely.

 

"As I said, dinalaw ko lang siya, wala akong ginawang masama sa kapatid mo." Napailing – iling pa ito.

 

"Bakit nadamay ako sa paghihiganti mo, Leah? Wala akong kinalaman rito." Sabat niyang sabi para maagaw ang atensyon ni Leah.

 

Tahimik lang siyang tiningnan at nakataas ang kilay na dahan – dahang ngumiti.

 

"Are you having an amnesia now, Felicia? Nakalimutan mo ba ang ginawa mo sa akin noon? Ang kaluluwa ko noong nais manahimik, subalit, binigo mo at, viola – nagkaganito ako ngayon." pabalik nitong tanong sa kanya.

 

Magsasalita na sana siya nang nagsalita ito.

 

"Alam kong madadamay ang pinalaki mong ampon, hindi ba?" napabuntong – hininga na lamang ito.

 

"Tao, tao, tao, talagang manggagamit ka para makatakas kayo rito."

 

"Huwag kayong mag – aalala, hindi kayo makatakas rito kahit anong gawin ninyo, hinding – hindi kayo makakatakas sa silda na iyan,"

 

"Sinabi ko na sa inyo noon, ako ang karma ninyo."

 

Unti itong nilamon ng kadiliman.

 

"Gumawa ka ng paraan, Felicia." Utos ni Fredrick sa kanya.

 

Napabuntong – hininga na lamang siya sa nag – utos sa kanya.

 

"Alam kong tutulungan tayo ni Sharlene, mag – antay lang tayo." Tanging nasabi na lamang niya.

 

Hindi na ito nagsalita pa.

"Sharlene, will save us." Sabi pa niya na buong – buo ang loob na tutulungan siya ni Sharlene.

 

Kahit hindi niya totoong apo ang pinalaki niyang bata noon, alam niya ang ugali ni Sharlene, handa nitong gawin para sa kanya.

 

"Ah, naamoy ko ang kasakiman mo ngayon, Felicia." Lumitaw bigla si Leah na nakangiti sa kanya.

 

"Naamoy ko talaga ang kasikaman ninyo, alam kong nag – aantay lang kayo ni Felicia na maging isang kaluluwa, hindi ba?" napatawa pa ito nang mahina sa kanila.

 

Nakaramdam sila ng isang mainit na singaw na nagmumula sa lupa, nakaramdam si Felicia na hinahabol na niya ang kanyang paghinga, kahit kaluluwa na siya ay nakaramdam pa rin siya ng takot nito.

 

"L--- Leah, tigilan mo n – na ito." iyon ang narinig ni Fredrick na tinitingnan si Leah.

 

Unti – unting lumiliit ang silda nila noon, unti – unting nawawalan siya ng hangin sa kanyang baga, hinahabol na nila ang bawat paghinga nila.

 

Tagaktak ang pawis nila, at napahiga silang tatlo na parang sinisilid sa kabaong.

 

"Hindi pa nalibing ang katawan ko sa lupa, ililibing mo na naman ba ako?" tanong naman niya kahit nahihirapan siyang huminga noon.

 

Ngumiti lang ito sa kanya, at tumawa ito, nagagalak itong naghihirap sila sa kamay nito.

 

"H – hindi ka makakapasok sa langit, babagsak ka sa impyerno!" sigaw niya rito na nilalabanan ang hindi niya makita noon.

 

"Langit?" napatawa na naman ito sa kanya. "Akala ninyo siguro na mapupunta kayo sa langit? No, my dearest friends, babagsak at babagsak kayo sa impyerno."

 

Tiningnan sila nang matalim na tingin at naging seryoso ang mukha nito.

 

"Sinabi ko na sa inyo noon, susunduin ko ang kaluluwa ninyo sa impyerno."

 

"Maglalaro tayo rito, kagaya ng paglalaro ninyo sa buhay ko noon."

 

Mapupugto na ang kanyang paghinga, mawawalan siya ng ulirat, may bigla na lamang bumagsak sa kanyang katawan, isang matulis na bagay.

 

Patay na ako, hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong sakit. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

 

"Ah!" umalingawngaw ang sigaw ni Angely.

 

"Ang init! Ang init! Ayoko na!" tila sinusunog ito dahil nagpupumiglas ito na may tinatakasan, nag – aapoy ang buong katawan nito, sumisigaw ito dahil sa nararamdaman sa katawan.

 

Tiningnan niya ang kanyang sarili, nakakita siya ng dugo sa kanyang kamay, natatakot siya, may mga larawan siyang nakikita.

 

Mga larawan na pilit niyang kinakalimutan. Nakikita niya ang batang si Sharlene, nagtatago ito na may tinatakasan, nakita niya ang humahabol nito, kundi, siya, nakahawak siya ng isang pamalo noon.

 

"Oh, what a passionate grandmother you are, tingnan mo nga naman, ang isang batang paslit ay inaagrabyado mo noon." napatawa pa itong tiningnan siya nang makahulugan.

 

"I bet," pabulong nitong sabi "Hindi na naalala ng batang iyon ang pagmamalupit mo sa kanya. Hayaan mo, ipapaalala ko ulit sa kanya." Napatawa ito.

 

Ang bawat pagpalo at pagmamalupit niya sa bata ay nararamdaman niya, hindi niya inaakalang nasasaktan niya nang ganoon si Sharlene noong bata pa ito, dahil ampon ito sa kanyang anak, hindi niya ito kinikilalang apo, lahat ng galit niya sa mundo noon, sinasalo ni Sharlene, sinasalo ng isang batang walang kalaban – laban.

 

"P --- Patawarin mo ako." Pabulong niyang sabi, lamog na ang kanyang katawan at umiiyak siya.

 

Nakarinig siya nang malakas na pagtawa.

 

"Hindi pa tayo tapos, nagsisimula pa lang tayo, Felicia, ngayong nandito na kayong tatlo hindi na malungkot ang magiging palasyo ko." Sabi pa nito.

 

Bumagsak ang kanyang katawan, hindi niya maramdaman ang bawat kalamnan niya, hindi niya.

 

Tiningnan niya ulit ang paligid na ngayon, hindi siya dapat sumuko, kailangan makalaya siya rito, papalihim siyang nakatingin kay Leah na nakaupo at nakatingin rin sa kanya, nakangisi ito sa kanya.