Miles' POV
Pagkatapos magsalita ng announcer, biglang may sumigaw mula sa isang grupo ng walong lalaki.
"YOU SHUT UP, MONKEY!" sigaw ng isa, sabay nagtawanan ang buong grupo nila.
Mukhang walo nga silang magkakasama, kasama siya.
Napikon ang announcer at agad nagsalita gamit ang megaphone, "IMMA WHIP YOUR ASS AFTER THIS MATCH, LIL BOI!"
Umamba ang lalaking sumigaw, mukhang handang lumapit at makipagbasagan, pero inawat siya ng apat sa mga kasama niya.
Biglang nagsalita ang isang lalaking nasa likod-may dalawang lalaki sa harapan niya. Siya mismo ay naka buzzcut, may piercing sa kilay, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa habang may lollipop sa bibig.
"Break the rules, and we'll ditch you, Gae-Sae-Kki."
Mukhang Koreano ang nagsalita.
Hindi nagustuhan ng lalaki ang sinabi at sinubukan niyang sapakin ang Koreano, pero nasalo ito ng isa sa dalawang lalaking kasama nito.
Dumikit sa tenga niya ang isa pang kasama at pasigaw na bumulong, "BALIW KA NA BA? SINIRA MO YUNG RULES! LUMABAS KA DITO KUNG AYAW MONG MAPANO!"
Hinawakan siya sa balikat ng dalawang lalaki, hindi makagalaw ang mga kamay niya, at kasunod pa ang dalawa pang kasama. Sila yung apat kanina na umawat.
Pinalabas na nila ito habang sumisigaw, "PAG KAKALAT KO TONG LUGAR NA 'TO, TANGINA NYONG LAHAT!"
Tumawa lang ang mga tao, at may sumagot pa ng, "DI KA NA MAKAKABALIK DITO, TANGA!"
Napatingin ako kay Riri at tinanong, "Okay lang ba 'yon?"
Mukhang wala lang sa kanya. "That happens a lot. You'll get used to it."
Si Haruto naman, tahimik lang na nakatingin buong oras, halatang kinakabahan at nanginginig.
Tumingin si Riri kay Haruto at may halong pang-aasar na sinabi, "Keep hugging Juancho's bag and you'll be safe."
Napatingin si Chris kay Haruto. "Pwede ako naman pa-hug diyan?"
Announcer:
"Is the friendship drama over? Let's start this shit!"
Tumayo na si Ethan at Kiko at lumapit sa isa't isa sa gitna ng boxing ring.
Announcer:
"You all know how this goes-no refs, no stoppages, just pure f*cking carnage!"
"This ain't for the weak-this is for those willing to risk it all!"
"Fighters, this is your last chance to back out-'cause when that bell rings, there's NO TURNING BACK!"
"Place your bets, hold your breath, and get ready to watch someone go down!"
"Fighters... FIGHT!!!"
Bell rings
Ethan's POV
Napansin kong gumalaw ang left hand niya-mukhang bibigyan niya ako ng jab sa mukha. Agad akong umilag. Nakita kong susubukan niya akong sapakin sa liver, pero nailagan ko rin. Nakabwelo ako ng kaunti-open ang chin niya, kaya bibigyan ko ng...
---
Miles' POV
Announcer:
"THAT'S IT! THAT'S FCKING IT! HE AIN'T GETTING UP-THIS FIGHT IS DONE!!!"
"FIRST ROUND, SAME STORY-THIS GUY IS A MONSTER!!"
"SOMEONE CALL A FCKING MEDIC-THIS MAN JUST GOT HIS SOUL PUNCHED OUT OF HIM!!"
"WHO THE HELL CAN STOP THIS GUY?! ANOTHER ROUND 1 BODYBAG!!!"
Dinuraan ni Ethan ang mukha ng kalaban niyang knocked out bago siya lumabas ng ring at bumalik kung saan siya nanggaling kanina.
Nagsimula nang magkuhaan ng pera ang mga nagpustahan, habang yung iba namang natalo ay nagsitakbuhan-hinahabol sila ng mga nanalo sa taya.
"T*NGINAMO, TAKBO!" sigaw ng isa habang binabato ng bote ng alak ang isang tumatakas.
Nagulat kami sa tunog ng mga nababasag na bote at malalakas na sigawan. Nagtaklob kami ng ulo-bukod kay Riri, na parang wala lang nangyayari.
Tumingin sa akin si Chris at sarcastically umamba na kunwari tatakbo.
"Hoy!" singhal ko.
"Joke lang," natatawang sagot niya. "Libre na kita pauwi, hinatid naman ako ni Juancho kanina."
"Talaga, teh? Eh, talo ka sa bet," sabi ko habang napangiti nang kaunti.
Tumingin sa amin si Haruto, parang natutuwa rin sa nangyayari.
Tumingin si Riri sa amin na nakangiti, proud na proud. "Fun, right?"
"Pack your things up, we're going to see Juancho."
Sinuot na namin ang mga bag namin at tumayo.
Napangiti ako bigla-naimagine ko si Juancho, nakahubad ng top, kumakain ng hotdog. Tumingin siya sa akin at tinanong, 'Gusto mo ba ng hotdog ko?'
Biglang kumaway si Ethan sa harap ng mukha ko. "Miles? Miles? Miles!"
Tinarayan ko siya. "Oh, bakit ba?! Andito ka na naman?"
Napatingin si Chris sa amin, parang tang*-ewan ko ba, bakit kinikilig tong hayop na 'to sa engot na 'to.
Sabi ni Ethan, sobrang yabang, "Ano, crush mo na ako? Punta ka ulit next fight ko ah, sabihan lang kita sa classroom."
Inarapan ko lang siya at naglakad na kami palabas ng boxing room.
Tinignan lang niya kami habang palabas, di na sumunod. Naka-smile siya, sobrang confident habang pawis na pawis at may hawak na tubig.