Miles POV
Nag-uwian na kami, at tinuro sa akin ni Chris kung saan ang bahay ni Juancho. Sobrang laki ng bahay nila-mansion ata 'to-pero walang kotse.
Andito na ako sa harap ng bahay at nag-babye na kay Chris. "Bye, Chris."
"Bye, Miles."
"Miles!!" sigaw ni Mama habang naglalaba ng mano-mano.
Lumapit ako. "Bakit po, Ma?"
"Maghugas ka diyan para makaluto na ako," sabi ni Mama.
"Si Ate pala, Ma?" tanong ko.
"Pagod sa trabaho ate mo," sagot niya.
"Si Kuya Ken pala? (Asawa ng ate ko)," tanong ko ulit.
"Busy sa trabaho 'yon. Saka kung hindi man pagod, kaya maghugas ka na diyan. Dami mong satsat, wala ka na ngang ginagawa-kwarto, school ka lang," sabi ni Mama.
Lumapit si Jax sa akin (anak ng ate ko). "Tita, where's my pasalubong?"
Binigay ko sa kanya 'yung mani na galing sa bulsa ko, nabili ko kanina sa daan.
Umalis na si Jax at nag-cellphone sa sala.
Hinubad ko na ang bag ko, nagbihis, at nagsimulang maghugas nang nakasimangot.
"Di ka pa ba tapos diyan, Miles? Pauwi na papa mo," sabi ni Mama.
"Patapos na po," sagot ko nang tamad.
Natapos ko na ang paghuhugas at umupo muna sa sala, magpo-phone sana.
Pumasok si Mama. "Magluluto na ako, Miles. Magsaing ka na."
Tumayo na ako agad pagkatapos kong umupo at nagsaing.
Nakauwi na si Papa. Hinubad niya ang bag niya at umupo sa sala, halatang pagod.
Galing siya sa trabaho niya-motor repair, replacement parts, and accessories.
Nang matapos na lahat bago dumating si Papa, agad naming ni-ready ni Mama ang pagkain sa lamesa.
Kinakalabit ko si Papa. "Pa, kain na."
Mama's POV
"Jax, tawagin mo nga si Mama at Papa mo. Sabihin mo, kain na tayo."
"Okay, Nanay," sagot ni Jax.
Bumaba na sina Darling at Kenneth galing sa taas.
"Ano ulam, Ma?" tanong ni Ken habang binubuksan ang casserole.
"Uy, paksiw! Sarap," sabi ni Ken.
"Wow," sabay sabi nina Dar at Jax.
Lumabas si Ken para bumili ng soft drinks.
Pagbalik niya, sinabi niyang, "Tara, kain na."
Tumayo kaming lahat at nagdasal, si Ken ang nag-lead ng prayer.
Pagkatapos naming kumain, nagtrabaho ulit si Papa pero sa labas lang ng bahay.
May mga clients siya na pumupunta dito gabi-gabi para magpaayos ng motor.
Miles' POV
Tapos na kaming kumain at nasa kwarto na ako.
Umiiyak.
DAY 3
Alarm ringing.
Habang nagto-toothbrush, napansin kong gulong-gulo ang buhok ko at namamaga ang mga mata ko kakaiyak.
Pagkatapos mag-ready at kumain ng almusal...
"Miles, naka-ready na baon mo sa lamesa, ha? Nasa ref 'yung gatas mo," sabi ni Mama habang papunta sa labas para makipag-chismisan kay Ate Pinpin.
Kinuha ko na ang baon ko.
"Miles!" tawag ni Chris. Lumabas na ako, at habang naglalakad kami, tinanong niya ako-
"Kaya pa ba, teh? Namamaga na naman mata mo... Parehas na naman ba 'to last year?"
"Ganun pa rin... Di naman na ata magbabago nanay ko."
"Sabi ka lang, teh, ha? Andito lang ako."
"Salamat, Chris, ah."
---
Pagdating sa school at pagkatapos mag-ring ng bell, napansin kong wala pa rin si Juancho sa upuan niya.
---
DAY 5 - June 6
Umabot na ng Friday, pero ganun pa rin.
Wala pa rin si Juancho.
---
Day 6 - June 9, Monday
"Alis na kami, Ma!" sabi ko habang kasama si Chris, naglalakad palayo sa bahay.
"O, sige," sagot ni Mama.
"Mahal ka ba ng nanay mo, teh? Di naman ganun kahirap sabihin na 'Ingat,'" sabi ni Chris.
"Ewan... Basta mahal ako ni Papa," sagot ko.
"Basta, open lang palagi bahay namin sa'yo, Miles, ha," sabi ni Chris.
"Ano ka ba, kayo na nga nagpapaaral sa'kin," sabi ko.
"Ano ka ba, Miles? Parang kapatid na kita, syempre parents ko, parents mo rin."
"Salamat talaga, Chris, ah," sabi ko.
Sumakay na kami ng tricycle.
---
Pagkababa namin, naghihintay na kami ng jeep.
May isa pang tricycle na huminto sa harap namin.
May isang lalaking bumaba at nag-abot ng bayad...
Kinabig ako ni Chris at pinatingin sa lalaki.
Tinuturo niya ito.
"Hindi ba si Juancho 'to?"
Nanliit ako ng mata at hinintay siyang lumingon.
Lumingon siya at tumingin lang sa amin, tapos tuloy lang sa pagpasok ng pera sa wallet.
Tumayo kaming tatlo sa sidewalk, pare-parehas naghihintay ng jeep.
Nagyo-yosi lang si Juancho.
Ang awkward dito.
Panay tingin pa si Chris kay Juancho na parang tanga.
Kinalabit ko si Juancho sa balikat.
Tiningnan niya ako mula sa taas-matangkad kasi siya.
Na-intimidate ako sa mukha niya at di ako nakapagsalita.
Pinitik na niya ang yosi niya, sabay sakay sa jeep na kakahinto lang.
Di ko napansin na may jeep na pala sa harap.
Sumakay na rin kami ni Chris.
---
Nasa room na ako at Lunch break na.
Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa CR-sumakit kasi tiyan ko.
Pagkaupo ko, may narinig akong dalawang pinto na nagbukas...
---
Riri's POV
Tapos na kami umihi ni Fiona sa CR at nag-hugas na ng kamay.
"So, Juancho is back? He will definitely go to the competition later, right?" sabi ni Fiona.
"Juancho doesn't seem like himself. I tried talking to him, but he just grabs his food and goes outside," sabi ko.
"He's not even boxing. It's just a fucking race on an empty highway, plus his dad's car is better than anyone else's here."
"Let's just give Juancho some time. Maybe he's having a hard time."
"Hard time doing what? Drugs and shit?" [Chuckles] sabi ni Fiona.
"Can you just shut up? You're hot when you're mean like that, but I think Juancho is really having a bad time," sabi ko.
Lumapit sa akin si Fiona, hahalikan niya sana ako nang biglang-
Miles POV
Shet shet shet, tutunog ata tae ko...
[Loud pooping noise]
Riri's POV
"EWWW!" sabi ko habang patakbo na ako palabas.
"YUCKK!" sabi ni Fiona habang nakatakip ng ilong.
Miles POV
Lumabas na yung dalawang babae at nag-sara yung pinto ng malakas.
Shet, alam kaya nila na ako 'yon?!?
Teka, si Riri at Fiona ba 'yon? Sila ba?
Nag-flashback sa akin kung paano ako tinitigan ni Riri at nung pinasok niya kamay niya sa chest ko...
Shet!!
Bell Rings
Agad ako nag-chat kay Chris.
Me:
Chris, sino nag-invite sa'yo sa school underground last week? Si Juancho ba or si Riri?
Chris:
Typing...