Flashback
Juancho's POV
Sinuot ko na ang full black suit ko at bumaba na sa sala.
Lumapit ako kay mama, na naka-wheelchair sa sala.
"Ma, I'm gonna go."
"O sige, mag-ingat ka, ah. Ingatan mo din yang motor at kukunin na din 'yan."
Tinapik ko siya sa balikat para mag-assure, tapos lumabas na ako.
Kinuha ko ang helmet ko at pinasok ko ang bag ko sa likod ng motor. Habang inilalabas ko ang motor, may narinig akong babaeng sumigaw.
"Crimson International School po," sabi nung babae sa kabilang sidewalk, may kasama siyang lalaki.
"Di abot tricycle, iha."
Hindi siya pinasakay ng tricycle. Balak ko silang isakay sa motor ni papa bago pa ito makuha, kaya hinintay ko munang mag-red light para makatawid sila.
Patawid na sila, kaya sinuot ko na ang helmet ko at pinaandar ang motor.
Pagkatawid nila, huminto ako sa harap nila.
"Get on my back," sabi ko.
Di sila makapaniwala na sila yung sinasabihan ko, e wala namang ibang tao.
"Yes, get on already. We're late."
Sumakay na yung lalaki at yumakap sa akin.
Bakla ata 'to.
"Ano beh, hindi ka ba sasakay?" tanong niya sa babaeng kasama niya.
"Ay, una na kayo, Chris. Mag-tricycle at jeep lang ako para makabisado ko," sabi nung babae.
Inandar ko agad ang motor.
Di ako makapaniwala na may babaeng nag-decline sa akin.
Habang umaandar—
"Hindi ba tayo mahuhuli? Ikaw lang naka-helmet," sabi ni Chris.
Hindi ko siya pinansin. Since sa shortcuts naman kami dadaan, alangan namang may huli.
Pagdating namin sa school, hinubad ko ang helmet ko at bumaba na kami ni Chris.
Kinuha ko ang bag ko sa likod ng motor at pinasok ko ang helmet dito.
Chris POV
Pagdating namin, inaalis na ang mga bulletin board kung saan nakasulat ang mga estudyanteng per section na makikita mo pagpasok sa entrance.
Nakanganga ako, hindi alam ang gagawin, habang itong lalake naman ay dumiretso lang. Sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa registrar's office.
"Juancho Alfonso Estrella, Section 1, last year," sabi ni Juancho sa babaeng nasa registrar.
Nakatulala lang yung babae sa kanya, parang nakakita ng multo.
"Hey? What section am I?" tanong ni Juancho, halatang may inis sa tono niya.
Nag-shake ng ulo yung babae, tila nawala sa sarili bago sumagot. "Sorry, Ruby, Building 2 po, 4th floor, sa pinakadulo."
"What about Audrey Valdez? What section is she?"
"Audrey... Audrey... Ah, eto. Same section kayo."
Ako naman ang nagtanong sa registrar. "E-excuse me, anong section po si Chris Esquivel?"
"Transferee? Quartz, Building 1, pinakadulo."
Magka-opposite direction kami ni Juancho. Habang naglalakad kami papunta sa kanya-kanyang building, napalingon ako sa kanya. Nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin.
Bigla siyang lumapit.
Juancho's POV
Iniisip ko kung i-invite ko ba itong si Chris para mai-invite niya rin yung kasama niyang babae. Hindi ko pa rin makapaniwala na nag-decline yung babaeng 'yon na sumakay sa motor ko. "Heh."
Lumingon ako para i-check kung malapit pa ba si Chris. Nakita ko siyang malapit pa kaya nilapitan ko siya.
"Hoy, are you interested in going to my competition?"
"S-sure."
"Just go to my section after class. Riri will guide you. Also, you can invite your friend if you want."
Tumalikod na ako at dumiretso na papunta sa room.
Chris POV
Lunch break na. Kakatapos ko lang kumain at magcha-chat na sana kay Miles.
Real Sister
Me: Typing...
Miles: Chris, I made a huge mistake! Napa-oo ako sa invitation, bakla!! In-invite ako nung katabi ko sa seat. Competition daw ni Juancho mamaya.
I-invite ko sana siya, kaso invited na pala siya!
Agad kong niligpit ang baon ko at tumakbo papunta sa section nila Juancho, assuming na kaklase niya 'to kasi invited na rin siya. Section 1 si Miles simula grade 1, kaya malamang doon pa rin siya.
Andito na ako sa Building 2. Shet, wala palang escalator dito.
Tumingin ako sa hagdanan pataas. "PUTCHA."
Pagdating ko sa 4th floor, tumakbo ako hanggang dulo. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Miles doon.
End of Flashback