Miles POV
[Calming music playing in the background]
[Birds chirping]
Nagising ako sa alarm ng 6:00 am. Kalmado ako at hindi late ang gising. Yawn at nag-stretch [bones cracking].
Bumaba ako sa CR, papikit-pikit pa, at nag-toothbrush. Nakita ko sa salamin na yung suot ko ay uniform ko pa rin, pero nakalabas ang cleavage at naka-crop top, at may putik-putik pa. Bigla ko naalala na nag-inom pala kami kagabi, at kinakabahan ako na baka pagalitan ako ni Mama.
Agad ko tinapos mag-toothbrush, tapos maligo. Dahan-dahan akong umakyat sa second floor at inopen ang pintuan sa terrace. Narinig ko na andito si Mama sa labas, makikipag-chismisan. Napa-isip ako, bakit hindi siya galit? Bumalik na ako sa kwarto ko at chineck ang phone ko na nakacharge sa bedside table. Ngayon ko lang nabasa yung text ni Mama kagabi. Pinilit ko alalahanin kung ano nangyari, pagkatapos mabasa yung text ni Mama. Napa-sampal ako sa noo ko, "Shet!"
Agad akong bumaba, nag-panic, at tinignan yung lababo. Wala namang hugasin dito, baka nag-hugas na sila Ate. Patay talaga ako neto.
"Elsa!" Sigaw ni Mama. Kinabahan ako at agad pumunta kay Mama sa labas. May kasama siyang kapitbahay namin na si Ante Pinpin (Josephine). "Bakit po, Ma?"
"Ano oras ka nakauwi kagabi?" sabi ni Mama.
Kinakabahan ako at naalala ko na nang tingin ko sa phone kagabi, 8:53 pm na. Kung lumagpas ako ng 7:30 pm, patay ako.
"Se-seven twenty po, Ma," sabi ko, at tinignan ako ni Ante na parang may suspetsa.
"Oh, siguraduhin mo lang ah. Sige, mag-ready ka na at baka ma-late ka na naman," sabi ni Mama.
Bumalik na ako sa kwarto, nakasimangot. "Wala ngang pake sa first day of school ko, ni hindi nga lang ako ni-congratulate nung natanggap ako sa Crimson International School. Tapos magagalit pag-late ako makauwi?" sabi ko habang nilalagay ko mga gamit ko sa bag. Narealize ko bigla, bakit andito mga gamit ko sa sahig? Agad kong hinanap yung notebook ko na heart yung cover.
Bumaba ako, naka-ready na at dala ang bag. "Ma! May nakita ka bang notebook?"
Pumasok na din si Mama sa sala. "Andito, tinabi ko. Nakita ko nasa upuan sa sala pag-uwi namin."
Kinuha ni Mama galing sa bag na nakasabit sa pintuan. Buti na lang, hindi ito binasa ni Mama.
Agad ko itong kinuha mula sa kamay ni Mama at pinasok sa bag ko. "Thank you, Ma!"
Nag-almusal na ako at tinawag na ako ni Chris sa labas ng bahay.
Di kami nag-usap habang nag-co-commute, syempre madaming tenga.
Pagdating sa labas ng school, habang naglalakad papasok, tinanong ko si Chris, "Ano ba nangyari kagabi?"
"Wala ka ba talagang maalala?" sabi ni Chris.
"Mag-tatanong ba ko?" sabi ko.
"Nag black out ka kagabi..."
Kinakabahan ako, sana hindi nila nabasa yung nakasulat sa notebook.
Kinwento ni Chris ang nangyari.
----------------------------------------
Flashback
Chris POV
Suot na naming apat ang mga bag namin, at nilagay ko ang balikat ni Miles sa balikat ko at ganun din ginawa ni Haruto, habang si Riri naman ang nangunguna sa amin at dala-dala ang bag ni Juancho. Pinunta niya kami sa daanan papunta sa elevator. Pagdating namin sa harap ng elevator, andaming naka-pila, kaya tinanong ni Haruto si Riri, "Matagal pa ba tong pila, Riri?"
Sumagot si Riri, "Don't worry, we'll fit inside, Nerd."
Bumukas na ang elevator, at pumasok kami-mga 20-30 siguro kami, nagkasya naman, at malaking elevator ito. Isa lang ang gamit nila pataas at pababa, siguro dahil wala namang ibang floors.
Pagpasok namin sa loob, binigyan kami ni Riri ng bubble gum. Tinanggap namin ito kasi ang baho dito sa loob, amoy alak at yosi, habang si Riri naman ay nagsisinghot ng inhaler.
Pagdating namin sa taas, at pag-bukas ng elevator, napatanong ako kay Riri, "Akala ko sa school labas natin?"
"Are you dumb or acting one?" Tumawa si Haruto, at sinenyasan ko siya ng kamao. Natakot siya at pinigilan ang tawa.
"...We are at the hidden tunnel at the forest behind our school."
"Holy shit, parang The Da Vinci Code level shit 'to!" sabi ni Haruto.
Tunnel ito na madilim at medyo maliwanag, pero hindi makita kasi parang nakatago ang tunnel sa overgrown na damo at mga sangga ng puno. Naglakad na kami paalis sa gubat, kasama pa din si Riri, at sumakay kami. Pagbaba namin sa kanto, nagulat ako na dito din bumaba si Riri sa sinasakyan namin ni Miles na jeep at tricycle. Sabi ko, "Oh, dito ka din pala, Riri?"
Andito na kami sa pedestrian lane. Sabi naman ni Riri, "Yes, Juancho's house is right there," tinuro niya yung malaking bahay na malapit-lapit na sa sakayan ng tricycle.
Sumagot naman ako, "Ay, sige, dito na din kami, Riri. Bye, thank you!" Nag-greenlight na at tumawid na kami.
Andito na kami sa harap ng bahay nila Miles, at kanina pa nagdo-doorbell. "Baka walang tao dito?" sabi ni Haruto.
"Ay shunga, tama pala, nag-text nanay niya na umalis sila. Paano to?" sabi ko.
Kinapa ni Haruto ang bulsa ni Miles gamit yung kamay na hindi hinahakbayan ni Miles. Wala to sa right, kaya kinapa niya naman sa left na bulsa. Nakuha niya yung susi, at inalis ni Miles ang hakbay niya sa akin at sumakay sa likod ni Haruto.
Inabot sa akin ni Haruto yung susi, at binuksan ko yung pinto. Pumasok na kami, pumunta ako sa sala, nilapag ang bag ko para maghugas. Nakasunod lang sa akin si Haruto at sinabi niya, "Asan kwarto ni Miles?"
Sinabi ko naman, "Sa taas, pag-akyat mo sa hagdanan, kwarto niya agad nandiyan." Umakyat na si Chris at hinatid si Miles.
May narinig akong kalabog na para bang may nalaglag na galing sa taas, bumaba na siya habang ako ay naghuhugas pa din. Umupo siya sa sala at may binabasa. Habang naghuhugas ako, tinanong ko siya, "Ano binabasa mo, Haruto?"
Sinabi naman ni Haruto, "Ah, wala, nagrereview lang ako."
"Ang dami naman nilang hugasin. Jusko, kawawa talaga tong si Miles," sabi ko.
"Gusto mo ako naman jan?" sabi ni Haruto.
"Wow, gentleman, kung kailan patapos na ako," sabi ko.
"Tapos na ko, tara na, Haruto." Bago pa ako makalingon, may parang tumunog na hinagis.
Agad sinuot ni Haruto yung bag niya at nauna na lumabas.
"Ano, okay ka lang ba, Haruto? Kaya mo ba umuwi mag-isa? Ako dito lang ako."
"Ah, okay lang ako, see you tomorrow, Chris?"
End of Flashback
----------------------------------------
Miles POV
"Ahh, thank you Chris ah sa paghahatid at paghuhugas, kaya lang din naman ako uminom kasi kasama kita."
Kakapasok lang namin sa school at magse-separate ways na. "Ano ka ba, wala 'yon teh, sabay uwi maya ah?"
Andito na ko sa hallway nang bigla akong may narinig sa likod ko. "Miles!" Tumingin ako at nakita ko na si... "Uy, Riri!"
"How's last night? You completely blacked out."
Shet, nakakahiya. "Masaya naman."
"Naman? You're bad at lying. Come with us next week, okay?"
"Okay," shet. Napa-oo nanaman ako. Putangina naman, Miles. Basta wag ka lang uminom.
Papasok na kami ng room ni Riri, at una kong nakita yung mayabang na mukha ni Ethan. Kinindatan ako ni Ethan habang pinapaikot ang lapis. Tinarayan ko to at dumiretso na sa upuan ko. Tumingin ako sa seat 24 kung saan naka-upo si Juancho. Wala pa din siya.
Tinanong ko katabi ko na seat si Riri, "Nahati mo ba bag ni Juancho? Hindi ba siya papasok?"
"It's his brother that opened the gate and got his brother's bag. He said thank you but seemed sad, so I didn't ask any questions."
Bell rings
Teacher: Ms. Angela Cruz
Good morning, section Ruby.
Nakatingin ako sa upuan ni Juancho at wala talaga siya.