Chereads / My Type of Man / Chapter 9 - Kampai to Blackout

Chapter 9 - Kampai to Blackout

Andito na kami sa labas ng isang malaking lugar na may kumikislap na dilaw na sign na umiilaw at pumipitik-pitik, nakasulat dito ang "Underground Lounge."

"Like A G6" by Far East Movement is now playing,

May DJ na naka-set up sa kanyang equipment-grabe, parang legit na bar. Ang daming tao, may flickering neon lights, nag-iinuman, nagsasayawan, may lalaking nagbibigay ng lap dance sa kapwa lalaki, may babaeng nakikipaglaplapan sa kapwa babae, at malakas ang tugtog.

Kinakabahan ako-baka pilitin nila akong uminom. Ayoko, baka bumagsak pa ako sa grades.

Chris' POV

Shet, gusto ko dito.

Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng pogi. Pero wala.

Puro shonget.

Miles' POV

May babaeng naka-showy na damit, maganda ang buhok, at naka-heels na lumapit kay Riri. Hinila siya neto at nagsabing, "Where were you? You weren't replying to our messages."

Nilabas ni Riri ang phone niya at nakita niyang may 8 messages at 3 missed calls sa kanya. Binulsa niya ulit ito at nagtanong, "Where's Juancho? He asked me to bring these losers here."

"He's not at the boxing room? 'Cause he ain't here," sagot ng kaibigan ni Riri.

"He's definitely being weird." sabi ni Riri.

"What about the drinking competition? Is it cancelled?" sabi ni Riri.

"No, it was just rescheduled for June 8, next week's Sunday," sabi ng kaibigan ni Fiona.

Naisip ko na bahala na kung cancelled, balik na lang kami next week. Sasabihin ko na sana kay Chris na uwi na kami ng biglang...

"Forget Juancho and let's have fun." Hinila nito si Riri at umalis na sila.

Nakatayo lang kaming tatlo, parang mga naliligaw, habang papalayo si Riri. Biglang sumigaw yung babaeng humihila kay Riri, "Hey?" sabay senyas gamit ang kamay na parang sinasabing, "Come over here."

Sumunod kaming tatlo sa kanila, nagkadikit-dikit kami. Kumapit si Chris sa balikat ko, habang si Haruto naman ay sobrang dikit sa akin, mahigpit na hawak ang dalawang bag niya at mukhang takot na takot.

May ilang taong tumingin sa amin-hindi lahat, pero syempre, nakakakilabot pa rin.

Pina-upo kaming apat sa bar stool sa harap ng bar at binigyan kami ng alak ng isa sa kasama ni Riri. Nag-hand sign si Riri na stop at sinabi niya sa kaibigan niyang, "Ask them first, Fiona."

Sumagot etong si Fiona, "1 round is on me, whaddya say?"

Pasagot ako, "Baka magal--" Hindi ko natapos ng bigla tinakpan ni Chris ang bunganga ko at sinabi na, "O sige, saken next round."

Wala na akong choice at umayos na lang ako ng upo ng nakasimangot. Nilapag na ang beer sa lamesa namin. Nagulat kami ng biglang uminom si Haruto. Nandidiri siya sa lasa neto pero nilaklak niya ang isang beer.

Na-impress si Fiona at sinabi, "And that's how you do it."

Sumunod na si Riri, parang wala lang sa kanya.

Sumunod naman si Chris at nilaklak din ang beer niya. Napa-pikit-pikit siya sa tapang at nag-burp pagkatapos sabay tingin sa'kin, "Inom or stay virgin FOREVER."

Agad ko nang ininom ang beer ko habang nakapikit sa sobrang pait. Pag-ubos ko neto, sabay kaming tatlo na nilapag ang baso. "Isa pa!"

Napangiti si Riri at naka-cross legs habang upo. Habang nilalagyan ni Fiona ng alak ang baso namin, napa-tanong ako kay Riri, "Araw-araw ba gan'to dito?"

Sumagot si Riri habang hawak niya ang baso na nilalagyan ni Fiona ng beer, "Usually, there's more people here every Sunday and a few Mondays to Saturdays since they're busy with their school projects, reviews, etc. But it's not every Sunday, ha? When there are a lot of assignments or exams coming up, almost no one is here except for depressed-ass people and those who failed in their subjects. These people here might look like they can't have a future, but it's actually crazy unbelievable that almost all of us here are actually academically smart."

"So, hindi na pupunta dito bukas since wala naman ng event at medyo magiging busy na?"

Nakatingin lang si Haruto at puro nod, lasing na ata 'to.

Habang si Chris naman ay napatingin lang sa baso niya na parang tanga.

"Damn right, Miles. That's why you should forget about being sober and just chug it all up."

Sabay-sabay kaming uminom ng second round.

Nilapag ulit namin ang baso at tumingin kaming tatlo kay Haruto.

Kinakabahan si Haruto at sumagot, "Sige na, sagot ko kahit ilang rounds pa."

Sumigaw kaming tatlo ni Riri, Chris, at Fiona, "WOOOOOOO!!!!"

Nag-taka si Haruto at tumingin kay Fiona, "Wait, hindi ka naman kasali, ah?"

"Di ka MAKAKABALIK DITO, sige ka," sabi ni Fiona.

"Sige na nga, putcha na 'to," sabi ni Haruto.

Nilagyan na ulit ni Fiona ang mga baso namin pang 3rd round na.

"Kampai," sabi ni Haruto, at nag-cheers kami. Ininom ulit namin 'to ng sabay-sabay at nilapag sa lamesa ng malakas.

Haruto's POV

Pagkatapos namin inumin yung round 3 at nilalagyan na ulit ng baso namin for round 4, bigla akong niyakap ni Miles. Di ako makatingin sa kanya at ang bilis ng tibok ng puso ko. Sinabi niya, "THANK YOUU HARUTO..." Kinakabahan ako. Feel ko na lumapit siya sa cheeks ko, kiniss niya ako sa cheeks, "YOU'RE THE BEST." Inalis ko na yakap niya at umayos na ulit siya ng upo. Tumingin ako sa mukha niya at napansin ko na sobrang ganda niya pala. Ang lakas ng heartbeat ko, para bang buong katawan ko ay nag-beat.

Chris's POV

Nagulat ako nang nag-Tagalog si Fiona, kaya tinanong ko siya, "Ay, nagtatagalog ka pala teh? Akala ko hindi, kasi English ka kanina."

"Nag-English lang ako kasi mas comfortable si Riri jan."

"Ooh, kaya pala," sabi ko.

Pagkatapos ng ginawa ni Miles kay Haruto, napansin ko na lasing na siya. "Miles, hanggang round 5 ka na lang, ha?"

"Kaya ko pa hanggang round 8."

Miles's POV

Feel ko na nakatingin sakin si Haruto, kaya napatingin ako. Nahuli ko siyang nakatitig at bigla siyang umiwas sabay diretso inom sa beer niya. Napa-sabi ako ng, "Uy," kasi bigla siya nauna uminom. Sabay sumunod kaming tatlo pag inom.

Chineck ko phone ko kung anong oras na. Hala, shet, 8:56 pm na pala. Ano gagawin ko neto?

Chris's POV

Chineck ni Miles phone niya at bigla nalaglag ulo niya sa lamesa. Kinuha ko phone niya sa kamay niya at nakita ko na 8:56 pm na at meron siyang text kay tita Jiji na:

Mama Kong Bochog: Elsa, alis kami ni papa mo at nila ate mo. Hugasan mo yung iniwan naming plato jan ah. Mga 11:00 pm or 12:00 am pa ata kami makakauwi.

"Shet, anong oras na pala?" Agad akong tumayo at sinabihan ko si Haruto, "Haruto, tulungan mo ko dito. Patay tayo sa nanay neto pag nakauwi." Ininom ni Riri ang last shot niya at sinabi na, "Follow me if you don't want to be late."

Bago pa kami makaalis, sinabi ni Fiona, "Alright, that's enough fun for one night. Come back next week if you can keep up. Riri, try not to lose these new strays before then."