Chereads / My Type of Man / Chapter 5 - Two Dickheads

Chapter 5 - Two Dickheads

Miles' POV

Hinakbangan namin ang warning signs na may nakasulat na "DO NOT CROSS."

Niluwa ni Riri yung bubblegum niya at dinikit sa wall. Ngayon ko lang napansin na ang dami palang bubblegum na nakadikit sa entrance wall dito.

Pumasok na kami sa entrance. Hindi ito pintuan-kundi kurtina lang. Pagpasok namin, may dalawang bodyguard na nakatayo doon. Medyo madilim pa rin at napakatahimik.

Pareho silang matangkad at malalaki ang katawan, naka-black polo shirts, black pants, at black shoes. May suot silang walkie-talkies sa tenga-o kung ano man 'yon-at may pistols pa sa waist nila.

Wow, ang bigat ng security. Ano bang meron dito?

Chris' POV

Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Ang hot nila.

Kinindatan ko sila at nag-lip bite.

Lumapit silang dalawa nang sobrang lapit, at nagulat ako nang ni-head-to-toe din nila kaming tatlo.

Humarap si Riri sa isang guard, kinuha ang lollipop mula sa bulsa niya, at idinikit iyon sa chest ng guard.

"Riri," sabi niya, walang effort, pero parang may ibig sabihin.

Nagtinginan ang dalawang guards. Tapos, bigla silang nag-make way.

Miles' POV

Ay, taray! Password?!

Paglagpas namin sa guard

Lumapit ulit ang guard at nauna sa amin, saka sinabi:

"Maaga magsasara ang labasan dito. First day pa lang."

Nagkatinginan kami ni Chris. San kami lalabas?!

binuksan ni Riri ang lollipop at sinipsip ito. May isa pang pintuan doon, at pag bukas niya, may hagdang pababa na mahaba. Bumaba na kami at habang bumababa, unti-unti naming naririnig ang halo-halong ingay-sigawan, cheer ng mga tao, may mga nagmo-moan pa nga, at ang lakas ng tugtugan.

Nagtataka ako kung anong klaseng party ba ito. Nakatakot ako at the same time, excited. Si Chris naman, mukhang excited lang, ang haba ng hagdan na ito at hinihingal na kami. Pagdating namin sa dulo, may hallway na at pintuan. Andami kong gustong itanong nang biglang sinabi ni Riri na...

"Shit, my bag! I'll go get my bag and Juancho's bag. Chris, can you come with me?..."

Kumapit si Chris sa balikat ni Riri agad-agad. Halatang takot dito.

Tumingin naman sa akin si Riri. "Stay right here, okay? We'll be right back."

WHAT?!

Bago pa ako makaangal, nagmamadali na silang umalis, kaya naiwan akong mag-isa.

Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto, hawak ang bag ko ng dalawang kamay. Wala akong ibang magawa kundi tumingin sa paligid.

May mga water pipes sa ceiling, at may tumutulong tubig. Flickering at broken lights. Mga lumang surveillance cameras na sirang-sira na.

Ang daming tao sa underground hallway na 'to. May mga naglalaplapan sa gilid. Isang lalake ang tumitingin sa akin habang hinahalikan niya yung babae. Napairap ako at umiwas ng tingin.

Sa isang sulok, may isang lalake na naka-pin to the wall yung babae.

Ano 'to, Wattpad?!

May ilang grupo naman sa tabi:

"Pasindi."

([lighter flicks] -sinindihan ang yosi-)

"Oh, pahits ah."

PUTANGINA, ANG AWKWARD DITO.

Wala pang isang minuto pero feeling ko ang tagal ko na dito.

Shet, bilisan niyo please.

Miles' POV

May tatlong lalaking naglalakad sa gitna ng hallway. Habang palapit sila, parang... namumukhaan ko yung nasa gitna?

Nagyo-yosi siya habang naka-slick back ang buhok, naka-open button ang uniform, at... eyeliner?!

Magtanggol?

Ibang-iba itsura niya dito! Pare-parehas sila ng look ng dalawang kasama niya-malinis ang style, pero wala lang eyeliner yung dalawa.

Bigla niyang pinitik ang yosi niya sa isang grupo. Tumama sa mukha ng isang lalaki, pero hindi man lang pumalag yung tinamaan.

Kinawayan niya ako.

"Yo, first timer."

Lumapit siya sa akin at biglang humakbay.

Samantalang yung dalawang kasama niya... "Ihi muna kami, bro."

Seryoso?! Umihi lang sila sa labas?!

Inalis ko agad yung kamay ni Ethan.

"Close?"

Bigla siyang yumuko at lumapit sa mukha ko.

Nanlaki ang mata ko at... napalunok ako.

Bumulong siya, dumikit ang labi niya malapit sa tenga ko.

"Why don't I tour you habang wala pa kasama mo?"

Napaatras ako. Dumikit ako sa wall. Tinaas niya yung kamay niya sa wall.

INIWAS KO MUKHA KO AT PIKIT-MATA AKONG NAPASALAMIN SA GILID.

Ethan's POV

Nakakapit pa rin siya.

Humarap ako sa kanya, hinawi ko ang buhok niya pakanan, tapos bumulong sa kaliwang tenga niya.

"Ginagawa mo?"

Miles' POV

Pagdilat ko, tinignan ko siya nang masama.

"Assuming ka? Ang BAHO kasi ng hininga mo!"

[Laughs sarcastically]

"Bat di mo nalang tinakpan ilong mo?"

"Ano, ayaw mo? I-tour kita?"

"Neknek mo!"

Kapal ng mukha neto!

[Rolled eyes]

Pumasok na yung dalawang lalake na umihi kanina habang sinasara ang mga zipper nila.

Biglang tinakpan ni Ethan ang mga mata ko.

"Ano ba kayo, may virgin dito."

Inalis ko yung kamay niya.

"Ano ba, umalis na nga kayo!"

Ngumisi lang siya, tapos may kinuha sa bulsa niya-isang note.

Biglang linagay sa bag ko.

"Here's my number. You can call me whenever you want."

Miles' POV

Naglakad na sila palayo habang sinisindihan nung isa ang yosi ni Ethan.

Pinunit ko yung binigay niyang number at hinayaan kong mahulog sa sahig yung mga piraso.

Biglang dumating sila Riri at Chris, hingal na hingal.

"Why us, Section Ruby?! We the building with no escalator!"

Hinihingal na reklamo ni Riri habang pinapaypayan ang sarili niya.

Napansin ni Chris yung pinunit kong papel sa sahig. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Uy, ano nangyari sa'yo, Miles? Okay ka lang ba?"

"Tsk, bakit ba kasi ang tagal niyo?"

"Teh, FOURTH FLOOR tayo!"

Napatingin si Riri sa direksyon nina Ethan-yung papalayo nilang grupo. Nanlaki mata niya.

"Wait-how do you know Batman?"

"Batman?" Confuse Kong Mukha

"Ethan, Ethan."

Binigay ko yung short version kung paano kami nagkakilala.

Pagkatapos kong magkwento, napahawak si Riri sa noo niya.

"Damn, Miles. You already met TWO champions here. Both Juancho and Ethan are champions! And by the end of the semester, they'll compete for the title."

Champion? Title?

Napakunot-noo ako. Ano to, UFC?!

Mukhang wala namang naintindihan si Chris sa usapan, pero masaya siyang pumalakpak.

"That's my Miles! Get it, girl!"