Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Alyjah

Date me!

Langya! Paulit-ulit na nagplay-play sa isip ko ang sinabi kong iyon kay Yssa. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa alak na nainom ko o ano. Basta ang alam ko malungkot ang mag-isa. At sa tuwing nakikita ko siya, nabubuhayan ako ng pag-asa. Punong-puno kasi siya ng buhay na para bang walang problema.

I just want to help you. Tang-ina! Paanong pagtulong iyong proposition ko? Kaya lang, hindi na masama. Matutulungan ko naman talaga siya. Nakikita ko naman siya na walang panahon sa pag-ibig kaya magkakasundo kami. May maibalandra lang akong babae sa buhay ko kila Heron at Aiden.

Kung sana kasi nakakalapit at nakilala ko ang babaeng nakamaskara, e 'di sana sa kanya ko naibubuhos ang lahat ng atensiyon na meron ako. Sa kanya ko lang nararamdaman ang pagseseryoso na wala ako sa ibang babae. Hindi ko na alam kung epekto ba ito nang dahil sa ginawa ni Papa kaya ganito ako mag-isip.

Iyon lang, buwan na rin ang nakalilipas pero hanggang tingin at pantasya na lamang ako sa kanya. Hindi na naulit na makalapit ako dahil mas hinigpitan ang pagbabantay sa kanya.

Nasa Condo na ako ni Aiden. As usual, mag-isa na naman ako dahil nasa business trip ito. Si Heron naman, hindi mo mahagilap lalo na kapag may babaeng kita ang hinaharap.

Naupo ako at binuksan ang telebisyon. Hindi ako gutom dahil busog naman ako sa alak at pulutan kahit pa madaling araw na at walang kinain kaninang hapunan. Busog rin ang mga mata ko sa panonood kay Yssa habang nagtatrabaho ito.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang maalala ko ang lambot ng kanyang katawan. Ang bango niya pang amuyin at talagang napakakinis. Kaya siguro nasabihan ko siyang i-date ako dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid niya sa akin nang magkalapit kami kanina at muntikan na siyang mabuwal. Kahit sabihin kong no string attach, nakakalibog pa rin.

Ipinilig ko ang aking ulo. Kung ano-ano na lang talaga ang tumatakbo sa kukote ko. Nang tumambad sa aking paningin ang litrato ng isang tao sa balita.

Business tycoon Lauro De Silva, successfully launce a new business empire!

Sabi roon. Nagtayo na naman kasi ang magaling kong ama ng isang negosyo na makakatulong sa mga mababang tao at mga nahihirapang maghanap ng trabaho. Pwede raw ang kahit walang napag-aralan kasi ipro-provide raw ang training.

Kita mo naman ang ama ko, santo-santohan. Kunwaring mabait! Hindi lang nila alam kung gaano kaitim ang budhi niya. Na isa lamang pagpapanggap ang lahat ng ginagawa niya. Para takpan ang mga masasamang bagay. Lalo na ang nagawa niya sa ina ko.

Napahigpit ang hawak ko sa remote control. Hanggang ngayon kasi wala pang balita mula sa imbestigador na inupahan ko. Tuloy hindi ko maisakatuparan anuman ang balak ko.

Pinatay ko ang telebisiyon dahil mukha ng ama ko ang naroon. He's not a good father to me. Lagi siyang wala sa tabi ko. Panay lang siya trabaho. Si Mama lang talaga ang naroon sa tabi ko. Si Mama ang parang tumayong ama at ina ko kahit masasabing may tao naman na dapat nandoon dahil physically, nasa tabi-tabi lang siya. Yes, he can provide our needs. Masagana ang buhay naming mag-ina dahil ginagawa niya ang lahat para mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Pero para sa akin, hindi iyon kailanman naging sapat!

Ang pera ay nawawala, ang nasa tuktok ay bumabagsak! Ang kasikatan ay kumukupas. Pati nga ang kaibigan ay nagagawa ka pang talikuran!

Pero ang pamilya, kung inalagaan mong mabuti. Kung mas pinaikot mo ang mundo mo sa pagiging buo nito, ano man ang mangyari, bali-baliktarin man ang mundo mananatili sila sa tabi mo. Hindi ka iiwan at sila ang tangi mong makakapitan sa oras ng kagipitan.

Pero ang ama ko! Mas minahal ang materyal na bagay at ang kamunduhang dala ng ibang babae kesa ang alagaan kaming mag-ina. Kaya hindi ako masisisi ng iba kung bakit ganoon na lamang ang pagkasuklam ko sa kanya.

Walang kuwenta ang ama ko. Sa iba lang siya may kuwenta. Sa trabaho at sa babae niya.

Kating-kati na akong pahirapan ang babaeng iyon. Kating-kati na akong iparanas ang naranasan ni mama sa kanya.

Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha. Hindi na talaga magiging maayos ang buhay ko. Kahit gustuhin kong baguhin ito nilalamon ako ng isang nakaraan na kahit gusto kong takasan ay pilit akong hinahabol.

Kaya rin siguro nahuhumaling ako sa babaeng nakamaskara dahil nararamdaman kong may madilim din itong nakaraan. Kaya siguro nagtatago na lamang sa maskarang iyon. Pakiramdam ko, sa kanya maaring mabago ang pananaw ko. Sa kanya, maaring makalimutan ko ang lahat.

Muli kong tinawanan ang sarili. Nang marinig ko ang patunog ng aking selpon. Nagdalawang-isip akong sagutin iyon dahil hindi nakarehistro ang numero.

"Hello," mahina kong bati. Walang sumasagot pero naririnig ko ang marahas na paghinga. Binigyan ko ito ng pagkakataon na magsalita kaya nanatili akong tahimik.

Pero isang minuto na ang nakakalipas, wala pa ring nagsasalita. Papatayan ko na sana ng makarinig ako ng paghikbi.

"Hello? Kung sino ka man mag..."

"Ali," napalunok ako sa boses na narinig. Hindi ako puwedeng magkamali kung sino iyon.

"Yssa?" Pagkukumpirma ko. Mas lalong lumakas ang hikbi at may kasama na itong iyak ngayon. Napatingin ako sa relo ko. Ika-tatlo ng madaling araw pa lamang. Bakit ito napatawag at bakit umiiyak?

"Ali, kailangan ko ng tulong," sabi niyang namamaos na rin ang boses sa kabilang linya. "Nasa presinto ako, please."

Marahas akong napabuntong hininga. Napaisip ako kung anong gulo na naman ang napasok niya. Lagi na lang napapahamak. May magnet talaga ito sa gulo. Gusto ko tuloy tanungin kung may balat ba siya sa puwet!

"Saang presinto? Pupuntahan kita!"

Nang makuha ko ang address. Nagbihis lang ako at pinuntahan na siya. Nadatnan ko siya sa isang kalagayang hindi man lang pumasok sa isip ko.

Punit ang kanyang damit. Gulo ang buhok at wala siyang suot na anuman sa paa. May pasa rin siya sa pisngi. Agad tuloy akong napasugod sa kinauupuan niya dahil sa pag-aalala.

"Sinong may gawa nito sa iyo?" Galit kong tanong nang makalapit. Ang pinakaayaw ko sa lahat, binubugbog ang babae. Hindi ko na tinanong kung ayos lang siya dahil kita naman ng dalawang mata ko na hindi maayos ang kalagayan niya.

Tumingala siya sa akin at tuluyang humagulgol. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak. Hinaplos ko ang kanyang likod.

Nang may bumungad na dalawang pulis at may kasama silang isang matandang lalaki na nakaposas. Parang kagagaling lang ng mga ito sa silid kung saan ang interogation room.

"Anak!" Tawag ng matanda. Agad na lumayo sa akin si Yssa at lumingon sa nagsalita. Agad siyang tumayo at tinakbo ang namamagitang espasyo sa kanila ng matandang lalaki. Doon ay nag-iyakan na ang dalawa. Sa hinuha ko, ama ni Yssa ang matandang lalaki. Parang may kapansanan pa ito.

Pinanood ko sila. Hindi ko akalaing makikita ko si Yssa na mahina. Napakalakas kasi ng aura nito na para bang walang problema. Mukhang nagkamali ako sa pagkilatis sa kanya.

Sa pananatili ko roon. Napag-alaman kong napatay ng kanyang ama ang nanay niya nang tangkain nitong sunugin ang bahay nila. Ang matindi pa, hindi rin nila nailigtas ang bahay na meron sila. Nasunog rin ito kasama ang kanyang ina.

Ngayon nakatayo ako malapit kay Yssa. Kausap niya ang kanyang ama at nakapagitan sa kanila ang rehas.

"Self defense ang nangyari tay, may laban tayo," rinig kong saad niya sa ama. Pero nang mapatitig ako sa mata ng matanda, hindi mababakasan ng anumang buhay. Parang walang pag-asa.

"H-ayaan mo na ako rito anak. Wala tayong pera para ilaban pa ito. Unahin mo si Ashley." Pautal-utal at hirap magsalita na saad nito. Ngumingiwi pa ang labi nito kapag nagsasalita.

Napalunok ako. Kumplikado nga ang buhay ni Yssa. May kapatid pa siya na nadala sa hospital dahil sa nahirapang huminga dahil sa sunog.

"Iho," tawag sa aking ng kanyang ama. Napalapit ako sa kanila. Inabot nito ang kamay ko at matamang tumitig sa mga mata ko.

"Ikaw na ang bahala sa mga anak ko, iho. Huwag mo sana silang pabayaan," pakiusap nito. Tinanguhan ko siya kahit pa alam kong napilitan lang si Yssa na ako ang tawagan. Nasunog kasi ang cellphone niya at tanging ang card na binigay ko ang hawak niya na nakalagay sa jacket na kanyang suot. Wala siyang nagawa kundi tawagan ako.

"Pa..." protesta ni Yssa. Napailing na lamang ako dahil pinipilit na naman nitong magpakatatag.

"Anak, kailangan ninyo ng tulong ni Ashley. Nararamdaman kong mabait ang ginoong ito."

Pilit akong napangiti. Kung alam lang ng matanda kung gaano kabaho ang pagkatao ko. Baka itulak pa niya palayo ang anak niya sa akin.

"Ako na po ang bahala sa kanila. Pangako po hindi ko sila pababayaan."

Ngumiti ang matanda sa akin. Namura ko naman ng palihim ang sarili ko. Gusto kong paduguin ang bibig kong hindi makontrol ang sinasabi.