Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

"Saan kayo ngayon titira?" Tanong ni Aiden habang nasa veranda kami at naninigarilyo.

Napaawang ang bibig kong napabaling ang tingin sa kanya. Shit! Hindi ko napaghandaan ang bagay na iyon. Nagsalubong ang kilay ni Aiden sa akin.

"Don't tell me..."

Tumango ako. Hindi naman puwede kay Aiden kami makitira. Bakit kasi ako padalos-dalos kaya problema ngayon kung saan kami titira.

Napailing si Aiden sa akin at muling bumuga ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo.

"Hindi ba may bahay kayo sa Villa Claritas. Bakit hindi kayo doon," suhestiyon niya.

Bumuntong hininga ako. Wala nga si Papa doon. Tanging ang mga taong pinagkakatiwalaan lang ang naroon para maglinis at magbantay. Ang magaling kong ama ay may sariling Condo na inuuwian, kahit noon pa man.

Kaya lang ay ayaw ko na sanang umuwi doon dahil maalala ko lang ang aking ina. Mas lalo lamang akong malulugmok sa lungkot.

"Hindi ka naman na siguro malulungkot dahil nandiyan na ang asawa mo at kapatid niya," sabi ni Aiden na tila ba nabasa nito ang iniisip ko. Tinapik pa niya ako sa balikat. "Sana lang hindi ka magsisisi sa ginawa mong pagpapakasal agad." tumawa ito at sumulyap kung nasaan sina Yssa at kapatid nito. Nakahiga na ang mga ito sa kama at pinapatulog na ni Yssa o Ely ang kanyang kapatid. Yssa ang gamit niya sa club pero Elyssa o Ely ang gusto niyang itawag sa kanya.

"Akala ko ikaw ang huling magpapatali pero tignan mo nga naman ikaw pa ang nauna at mabilisan pa! Nadale ba? Buntis?" Nakangising tanong niya.

Inambahan ko siya ng suntok. Natatawa niyang isinalag ang kanyang braso para protektahan ang kanyang mukha.

"Akala mo hindi ko alam na iba ka makatira ng babae. Sabagay kasalanan namin kasi pinatikim ka namin ng sobrang sarap na putahe!" Hirit pa nito habang napapatawa.

Animal talaga itong lalaking ito. Buti na lamang at hindi kami naririnig sa loob, kung hindi baka ngayon pa lang matakot na at layasan ako ni Ely.

Muli akong tumanaw sa kalangitan. Madilim na ang gabi at tanging ilaw na lang ng iba't ibang gusali ang makikita. Ang ingay ng mga sasakyan ang maririnig.

"Pero seryoso bro, nagpakasal ka kay Ely. Ibig bang sabihin hindi ka na maghahabol sa babaeng nakamaskara?"

Napasandal ako sa veranda pagkatapos kong patayin ang sigarilyo sa ashtray. Malalim na nag-isip.

Samantalang nagsinding muli si Aiden ng pangatlong stick ng sigarilyo nito.

"Hindi ko kayang abutin ang babaeng nakamaskara," amin ko. "Kahit gaano man ako kahumaling sa kanya, alam ko naman ilugar ang sarili ko." Napabuga ako ng hangin at muling sinulyapan ang nasa loob na dalaga. "Sumubok na ako ng ilang beses. Tama na siguro iyon," amin ko. Akala ko kasi madali lang na mapalapit sa babaeng kinahumalingan ko ng ilang taon. Naipangako ko pa sa sarili na magiging akin siya. Ngayong nakatali na ako ay ititigil ko muna ang balak na pakikipaglapit dito. Hindi ko nga lamang maipapangakong hindi siya puntahan at panoorin.

Napatango lamang si Aiden at hindi na muling nagsalita. Ilang sandali lang ay nagpaalam na ito. Inihatid ko siya sa pinto ng kuwarto.

"Paano pala kayo makakapag-honeymoon? May sagabal," bulong nito at ininguso ang magkatabing magkapatid.

Natatawang itinulak ko siya at sinarhan ng pinto. Nangingiting naiiling akong lumapit sa sofa. Doon ako matutulog dahil gamit ng magkapatid ang king size na kama.

Inayos ko ang cushion sa ulunan ko. Pumikit at inilagay ang braso sa aking noo. Sa totoo lang, hindi ako makatulog. Sumagi na naman kasi sa isip ko ang babaeng nakamaskara. Ang lambot ng kanyang katawan sa paggiling. Ang makinis nitong balat at ang nangungusap na mga mata na tanging nakikita sa maskara.

Bigla lamang akong napamulat noong ang imahe naman ni Ely ang nagpakita sa aking pagkakapikit. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit. Ang alaga ko sa baba ay bigla ring tumigas na para bang handa sa pakikibakbakan.

Pinagpawisan ako ng malagkit kahit pa nga naka-aircon ang silid.

"Okay ka lang ba, Ali?" Napabalikwas ako at muntikan ng mahulog dahil kay Ely. Nasa paanan ko na siya at nakatunghay na sa akin.

Napalunok akong pasimpleng tinakpan ng maliit na unan ang aking kaibigang nakatindig ng husto.

"Hmmm, oo naman. Matulog ka na," utos ko. Pero imbes na umalis, lumapit pa siya sa akin. Tuloy mas lalong nanuyot ang lalamunan ko.

Shit! Lumayo ka Ely. Ngayong inaatake ako ng libog baka hindi ako makapagpigil! Gigil kong banta. Hindi nga lamang isinatinig iyon.

"Heto, baka lamigin ka mamaya. Gamitin mo," sabi niyang iniabot sa akin ang isang puting kumot. Agad kong kinuha iyon at iminuwestra ang kamay na umalis na siya. "Sige, goodnight. Salamat, Ali," ika niya bago siya tuluyang humakbang.

Napalunok ako habang pinapanood siyang maglakad papuntang kama.

Nang makapuwesto na siya, nahiga na rin akong muli at pinilit ang sarili na makatulog.

Kinabukasan, maaga kaming nagtungo sa mall para maibilhan sila ng ilang gamit. Ayaw ni Ely doon pero nagpumilit ako. Wala siyang nagawa. Iyon lang ay kaunti lamang talaga ang binili nila. Mga importanteng gamit lang at iilan pa.

"Saan tayo?" Tanong niya habang sakay na kami ng kotse ko. Katatapos lamang naming kumain sa isang fastfood at ngayon ay bumabiyahe na.

"Sa bahay tayo sa Villa Claritas," sagot ko. Nakapag-isip ako kagabi. Mas makakamenos kami kapag doon tumira. Hindi na rin iisipin ni Ely na kailangan niya akong bayaran sa upa.

Balak ko naman bumili ng sarili kong Condo, pero ipinagpaliban ko na lamang muna. Kung sa bahay sa Villa kami titira, kahit magtrabaho kaming dalawa ni Ely may mapag-iiwanan kami kay Ashley.

Isa pa, siguradong hindi naman interesado ang ama ko sa bahay na iyon. Halos hindi nga niya uwian noong naroroon pa kami ni mama.

Binaba ko ang bintana ko noong makarating kami sa checkpoint area ng Villa. Alam kong matagal-tagal na rin na hindi ako nakakauwi kaya malamang ay hindi na ako kilala ng mga guwardiya doon. Suwerte ko na lamang kung naroon pa si Mang Jose.

Siya ang pinakamatagal nang guwardiya at pinakamatanda. Alam kong makikilala pa rin niya ako.

"Good afternoon sir. Saan po ang punta?" Tanong ng isang bagito. Nginitian ko siya.

"Sa bahay ng mga De Silva. I'm..."

"Alyjah?" Umalingawngaw ang isang boses mula sa loob ng security quarter. Lumabas doon si Mang Jose na kahit iika-ika na sa paglalakad ay mabilis pa rin nakalapit. Tumango ako. "Buti naparito ka na, bata ka! Ilang taon na ba kitang hindi nakita?"

Natawa ako. Hanggang ngayon itinuturing niya pa rin akong bata. Sumilip siya sa bintana pagkatapos niyang paalisin ang bagitong guwardiya.

"Oh, nag-asawa ka na?" Muling tanong nito. Napasulyap ako kay Ely na nasa tabi ko. At kay Ashley na nakikinig na naman ng musika sa selpon ko.

"Opo," tipid kong sagot at malawak na ngumiti. Nakangiti rin si Ely sa kanya.

Ngumiti rin si Mang Jose sa akin at tinapik ako sa kamay. Konting usap pa at pinapasok na niya kami sa gate.

"Elementarya pa lang ako noon, guwardiya na siya dito. Grabe, hanggang ngayon narito pa siya," kuwento ko kay Ely na matamang nakikinig. May mabining ngiti sa labi.

Ginagap ko ang kamay niya nang bigla siyang naestatwa. Napakagat ako sa labi habang dahan-dahang inalis ang kamay ko sa kamay niya.

"Sorry!" Nahihiya kong saad.

Matipid lamang siyang ngumiti. Nang makarating kami sa bahay ay bumusina ako. Hindi nila inaasahan ang pagdating namin kaya naman gulat na gulat si Aling Minda nang pagbuksan ako ng gate.

"Senyorito?" Nag-aalangan niyang saad habang nilalawakan ang pagkakabukas ng gate.

Nang mai-park ko sa loob ang aking kotse ay muli kong binalingan si Ely. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

"It's okay. Dito ako lumaki sa bahay na ito at mababait ang mga tao," sabi kong pinapalakas ang loob niya. Alam kong nag-aalangan siya.

Inabot ko si Ashley para kalabitin. Agad naman siyang tumalima at ginagap ang kamay ko.

"Kuya, nandito na tayo?" Magiliw niyang tanong. Halatang excited kahit hindi niya nakikita ang lugar.

"Oo."

Nauna akong bumaba. Sumunod si Ely. Siya na rin ang tumulong kay Ashley para bumaba.

Sinalubong kami ni Aling Minda at Kuya Juancho na parehong gulat pa sa pagdating namin.

"Hijo."

Nagmano ako sa kanya.

"Nay, Kuya, si Elyssa asawa ko at si Ashley kapatid niya." Pakilala ko na lalo nilang ikinagulat. Nagkatinginan pa silang dalawa. Inignora ko iyon.

"Kuya, pakipasok na lamang ang gamit namin sa loob," sabi kong nagpatiuna na sa loob. Nakasunod sa akin sina Ely. Nahuli sila dahil sa pag-akay niya kay Ashley.

Napatigil lamang ako sa paglalakad noong mabungaran ko ang isang taong prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nagbabasa ng Magazine.

Taong ayaw kong makita pero nandito ngayon sa harap ko.

Ang aking ama.

Nagtaas siya ng tingin sa akin at inayos ang kanyang salamin sa mata. Nagtiim bagang ako habang napakuyom ng kamao. Siya namang pagbungad nina Ely. Napatigil rin ito at napalingon sa harapan.

Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni papa at napaawang ang bibig. Ang kanyang mata ay nagpalipat-lipat sa amin ni Ely.

Napatingin ako kay Yssa na putlang-putla na tila ba nakakita ng multo.

Napangisi ako sa isip ko.