Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Nasa Hotel del Luna kami. Nagcheck-in kami sa isang executive suite at doon na rin gaganapin sa loob ng kuwarto ang kasal. Isang linggo, pagkatapos mailibing ang nanay nila. Hindi ko inalintana ang sinasabi nilang sukob sa patay. Hindi naman siguro kami mamalasin nang dahil dito. Isa pa, sa papel lang naman talaga kami maikakasal. Para lamang sa isang pangarap.

Simpleng damit lang ang suot ko. T-shirt with collar ang slacks. Si Yssa at Ashley ay nasa banyo at nagbibihis na rin habang ako naman ay naghihintay kina Heron at Aiden.

Sila ang magiging saksi sa kasal. Sila na rin ang bahalang kumuha ng judge na magkakasal sa amin.

Nang may kumatok kaya pinagbuksan ko agad dahil alam kong ang mga kaibigan ko iyon. Kararating lang ni Aiden mula sa business trip pero pinagbigyan ako na puntahan dito.

"Anong meron?" agad niyang tanong halatang pagod na pagod.

"Bakit dapat may judge?" tanong naman ni Heron na nakakunot ang noo.

"Magpapakasal na ako!" Deklarasyon ko.

"What!" Gulantang at malakas ang boses nilang pareho. Duet pa silang dalawa.

Tinawanan ko sila.

"You're kidding!" Iiling-iling at hindi naniniwalang turan ni Aiden. Nahiga ito sa kama.

"Nagawa n'yo ba ang utos ko," tanong ko. Nakatingin kay Heron.

Naupo ito sa sofa inilabas ang cellphone.

"Parating na," malamya nitong sagot at muling itinutok ang tingin sa cellphone. Nang lumabas sila Yssa sa banyo.

Napaawang ang bibig ko nang mapagmasdan ko si Yssa. She is a real beauty. Simpleng damit lang na puti ang suot niya na hanggang tuhod. Tumingkayad ang kaputian niya. Nakabraid ang buhok katulad ni Ashley. Walang make-up pero mas maganda siya na simple.

"Hmmm," tumikhim siya. Pumaimbabaw rin ang hagikgik ni Ashley sa buong kuwarto. Para akong nagising sa hipnotismo ng isang Diyosa sa harap ko.

Agad akong napabaling sa dalawa kong kaibigan. Gaya ko, nakatulala ang dalawa.

"Wait a minute!" Itinaas ni Aiden ang kamay sa ere at hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Yssa. "This is not a joke, right?" Pagkukumpirmang tanong niya. Tumango ako.

Si Heron naman ay padabog na tumayo at lumapit sa akin. Biglang nagbago ang aura niya. Mukha siyang galit. Hindi rin nakaligtas sa aking mata ang matalim na titig niya kay Yssa.

Lumapit siya sa 'kin at pasimpleng bumulong.

"What the hell you're doing? Akala ko ba isang kakilala lang siya. Bakit biglaang may kasal? Hindi kaya pineperahan ka niyan?"sunod-sunod na tanong niya.

Bigla akong nanibago sa pagbabago ng ugali niya. Akala ko siya ang unang magsasaya dahil may babae na akong ikakama pero parang siya pa talaga ang hindi sang-ayon.

"It's not what you think!" Nakapinid ang mga ngipin kong bulong. Pilit na nagbigay ng ngiti sa labi. Alam kong narinig ni Yssa si Heron kaya nga namumutla ito at parang gulat na gulat. Tila ba nakakita ng multo.

"Don't do this, Ali!" muling turan ni Heron. Sasagutin ko sana siya pero may kumatok na kaya naman tinungo ko ang pinto at binuksan.

Isang lalaking naka-suit ang tumambad sa aking paningin.

"Judge Alberto Gonzales," pakilala niya at inilahad ang kamay para sa pagdadaupang palad. Agad din akong nagpakilala at pinapasok siya sa loob.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Heron na hindi na maipinta ang hilatsa ng mukha. Tinanguhan ko siya para iparating na ayos lang ang lahat. Hindi nila alam ang istorya pero sisiguraduhin kong maayos ang kalalabasan ng gagawin ko ngayon.

Nang mapadako ang tingin ko kay Aiden na prenteng natutulog na sa kama. Naawa ako sa kanya dahil alam kong pagod siya pero hindi siya narito para matulog. Narito siya para maging saksi.

Mabilis akong humakbang para puntahan siya. Niyugyog ko ang kanyang balikat para gisingin.

"Ano ba, magpasakal ka na nga lang at hayaan mo akong matulog!" sambit niya habang nakapikit pa rin at ayaw talagang magmulat ng mata. Itinakip pa nito ang braso sa mukha.

Tumawa ang jugde na nanonood pala sa amin.

"That's okay, papirmahin na lang natin mamaya," sabi nito. Napabuntong hininga na lamang ako. napadako ang tingin ko kay Yssa. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa itsura ng mukha niya.

Ang paraan ng titig niya sa akin ay kakaiba na para bang gusto na niyang umatras. Agad akong lumapit sa kanya at ginagap ang kanyang kamay.

Napansin ko ang panlalamig nito. Tinapunan ko ng tingin si Ashley na nasa tabi niya lang bago ko ibinalik ang mga mata ko kay Yssa.

"Nervous?" tanong ko habang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Nanginginig ang kanyang labi at para bang may gustong sabihin.

"Kuya!" Pareho kaming napalingon kay Ashley. Bumaba ako at lumuhod para pantayan siya. Hinaplos niya ang mukha ko. "Ang tindi mo rin kuya, lakas mo kay ate, sinagot ka na pakakasalan ka pa agad!" bulaslas niya at napahagikgik. Alanganin akong napatawa. Ginulo ko ang nakaayos niyang buhok. Muli akong tumayo at ginagap muli ang kamay ni Yssa.

"Let's do it!" hinila ko siya. Hawak na niya sa isang kamay si Ashley.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga ni Heron. Sinulyapan ko lamang siya at nginisian. Alam kong nag-aalala lamang siya sa akin. Kaya nga masaya akong naging kaibigan ko sila. Mga kaibigan handang damayan ako sa hirap at ginhawa. Mga kaibigan na maasahan ko kahit sa kagipitan.

Nagsimula na ang seremonyas ng judge. Marami siyang sinabi pero wala roon ang atensiyon ko. Nakatuon ang mata ko kay Yssa na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin. Hindi makapakali kaya nga hawak ko na siya sa dalawang kamay.

Mahalaga talaga sa kanya ang pagpapakasal. Kung ganito siya ngayon, siguro kapag tunay na niyang kasal, hahagulgol na siya dahil sa saya.

Napatawa ako ng palihim sa sarili. Habang nagsasalita ang judge nasa gitna namin si Ashley na mataman ding nakikinig na para bang naiintindihan niya ang lahat. Nakakulong siya sa mga kamay namin ni Yssa na magkahawak.

Pagkatapos ng mga sinabi ng judge ay pinapapirma niya kami ng dokumento. Si Heron ay atubiling pumirma pero napilitan pa rin. Si Aiden? Mamaya na baka masapak niya ako kapag ginising ko siya. Ang lakas pa naman ng hilik niya at halatang himbing na himbing sa pagtulog.

"You may kiss the bride!" biglang deklarasyon ng judge. Napalunok ako habang nanlalaki naman ang mata ni Yssa. Si Ashley ay napapalakpak at humahagikgik sa tuwa.

"Kiss !kiss!" Pumapalakpak nitong sigaw.

Muling napatitig sa akin si Yssa na waring nagtatanong kung kailangan ba naming gawin iyon. Nagkibit balikat lamang ako at hinila siya para bigyan ng patak na halik sa labi.

Pero ang patak lang na balak ko ay tumagal. Hindi ko napigilan ang sarili ko na patagalin ang labi ko sa labi niya dahil sa lambot at tamis ng lasa nito. Ang dampi lamang dapat ay naging malalim. Nawala ako sa sarili lalo na noong medyo gumalaw rin si Yssa para tumugon.

Naitulak nga lamang niya ako noong humagikgik muli si Ashley na nasa gitna pa rin namin at sa pagkakataong iyon ay nagtatalon na.

Pumalakpak ang judge samantalang narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto hudyat na may umalis.

Napakamot ako sa ulo noong mapansing wala na si Heron at ito ang umalis kanina. Siguro, hindi nakatira ng babae kaya ganoon na lamang kainit ang ulo niya.

Muli akong nagpasalamat sa judge. Sinabi nitong iproproseso agad ang papel namin at nagpaalam na itong umalis.

Nailapat na ang pinto pasara pero hindi pa rin ako humaharap. Pinaglalaruan ko na ngayon ang singsing sa daliri ko. Para kasing may matalim na tumatarak sa likod ko.

Pagharap ko, tama nga ako dahil matalim na titig ni Yssa ang sumalubong sa akin. Pinapatay na yata niya ako sa isip niya.

Nakataas na ang kamay ko habang palapit sa kanya. Nakasunod lang ang matalim niyang titig sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako. Umuurong kasi ang labi ko sa mga titig niya. Binasa ko ang aking labi at nagpatuloy sa paglapit.

"Akala ko ba no string attach!" agad niyang singhal sa akin.

"Shhhh!" Itinuro ng nguso ko si Aiden. Si Ashley naman ay busy sa pakikinig ng musika. Naka-earphone pa.

"Tulog siya!" Asik niya.

Itinagilid ko ang ulo ko at napangiti na ng tuluyan. Muli akong napatitig sa labi niyang mamula-mula. Masarap palang halikan ang labing iyon.

"Nagustuhan mo naman ah!" Pambubuska ko na lalo niyang ikinasimangot. Mas naningkit pa ang mata niya sa akin. Lalo akong napatawa at napaatras. Baka hindi lang tingin ang pagpatay sa akin. Baka pilipitin na niya ang leeg ko ng tuluyan. Umatras ako at umupo sa tabi ni Ashley. Hiniram ang isang earphone sa kanya.

"Ang sungit ng ate mo!" bulong ko na ikinahagikgik niya. Nilagay ko ang earphone sa isang teynga ko.

Nakangisi ako habang padabog siyang pumasok sa banyo.