Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Salamangka ng musmos

🇵🇭djsuplito
--
chs / week
--
NOT RATINGS
597
Views
Synopsis
Salamangka ng Musmos is a lighthearted, family-centered novel that follows the whimsical adventures of Filipina "Pina" Torres, a young girl with innate magical abilities. Set in a world where spiritual essence and magic are real, the story explores Pina’s childhood as she navigates everyday life with a carefree and curious attitude. Her parents, Malaya and Amihan, work tirelessly to guide and protect her as she unknowingly stumbles into magical mischief. Along the way, Pina encounters mysterious characters like Lakan, an enigmatic protector, and Kasandra, a guardian spirit, all while her innocence and instincts lead her through both playful and perilous moments. The novel blends humor, fantasy, and heartwarming family dynamics, portraying the wonders and dangers of magic through the eyes of a child.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 - Salamangka ng musmos

Sa mundo ng Salamangka, isang mundong balot ng majika at mga kakaibang nilalang, nakatira ang batang si Filipina 'Pina' Torres sa loob ng kastilyo ng Datu Raja. Sa kanyang murang edad na tatlong taon, si Pina ay likas na malikot at mahilig maglaro sa bawat sulok ng kastilyo.

Isang araw, habang nagtatago siya mula sa kanyang mga magulang, na sina Malaya at Amihan, may nakita siyang kakaiba at bago sa kanyang paningin. Sa isang tahimik na sulok ng kastilyo, nakita ni Pina ang isa sa mga Maharlika ng Datu Raja na nagsasanay ng kanyang majika. 

Ang majika nito ay nagpakawala ng apoy—pulang bilog na umiikot-ikot sa ere. Ang paligid nito ay sadyang namumutangi sa ganda, ang init ng mga apoy nito, ay nakakapaso ngunit ang maharlika ay tila sumasayaw sa daloy ng mga apoy, na kanyang nilikha.

Sa sobrang ganda at makabago sa kanyang paningin, si Pina ay napangiti habang pinagmamasdan ang nakakatuwang palabas.

"Hmm. Nu yun?" bulong ni Pina, ang kanyang mga mata'y puno ng pagtataka at kasiyahan.

Susubukan sana niyang gayahin ang kanyang nakita ngunit biglang dumating ang ktagapag-alaga ni Pina. "Andito ka lang pala, Prinsesa Pina," sabi nito habang binubuhat siya.

Humarap si Pina, "Nu yun? Nu yun?" aniya, habang sinusubukan muling makita ang mahiwagang apoy.

Nakita ulit ni Pina ang bilog na apoy na nagpa ikot-ikot sa Maharlika na tila sumasayaw habang ginagawa ang mga pose ng isang pakikipag laban.

Sa murang idad ni Pina ay sinusubukan niya itong gayahin. Hindi hangad sa kaalaman ng karamihan. Ito ay tatatak sa kanyang isipan.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isang araw, habang ito ay nasa kwarto at sa kasamaang palad ay walang bantay, ay naisipan ng cute na cute na bata ang ginagawa ng maharlikang kanyang pinapanood.

Sa isang hudyat ng kanyang isipan ay nakagawa ng isang kislap at umusok, kaya naman ito ay natuwa, ngunit napigil ang kanyang laro, sapagkat dumating na ulit ang kanyang bantay.

"Prinsesa Pina, anong ginagawa mo?" Ang makulit na wika ng isa sa katiwala ng bahay na kastilyo.

"Ahihihi." Ang natawang si Pina, sabay takbo lamang palabas dahil nakipag laro na agad ng habulan sa kanilang katiwala.

Kaya lamang bago pa makalayo si Pina, ay nahuli ito ng kanyang Nanay. Habang inangat ng napakataas ay sinabi ng kanyang Nanay na si Amihan. "Waaahh! Huli ko ang bunso ko." Habang ito'y inangat si Pina na abot tenga ang tuwa sa kanyang Nanay.

Sa mata ng katiwala ay tila ito'y nakakita ng isang diyosa. Isa sa pinakamagandang babae sa kanilang tribo ay buhat buhat, ang kanyang anak at tuwang tuwa na nilalaro ang bata.

"Ate? Ate? Ooy.." Ang sabi ni Amihan sa kanilang tagapag alaga na napatulala sa ganda ng kanyang imahinasyon.

Tila nawala ito sa kanyang panaginip at mabilis na napasagot. "Ayy pasensya po Mahal na Dayang Amihan. Namumutangi po sa ganda ang aking nakita." Ang sabi ng katiwala nila na hanggang ngayon ay manghang mangha sa nakita.

"Aayy, dinig mo yun Pina? Ganda ganda daw ng bunso ko" ang sabi ni Amihan sabay halik kay pina na wala ng nagawa kundi tumawa.

"Mama! Yayo!" Ang sabi ni Pina habang tuwang tuwa.

"Sige na Ate, ako na muna bahala dito sa bunsong ito. Anong lalaruin namin ni Pina?" Ang kanyang sabi sa katiwala. Habang kinukulit si Pina.

"Ato Pik!" Ang sigaw ni Pina habang inangat ang kanyang mga kamay.

"O sige, tara na muna sa higaan." Ang sabi ni Amihan habang buhat-buhat si Pina at pumasok ulit sa kwarto.

"O Sige, bato bato pick!" Ang sabi ni Amihan habang pareho silang sumesenyas sa mga kamay kung paano ginagawa ang bato bato pick.

Subalit si Pina ay palaging may isang sobrang bato, kaya idinadaan nalang sa tawa ni Amihan ang ginagawa ng anak.

"Hmm, ano yang ginagawa mo Pina?" Ang tanong nito habang si Pina ay kumekembot at kung saan saan nilalagay ang kamay, para bang ginugulo ang kanyang kalaban.

Natapos ang araw na iyon ng puno ng saya at sigla sa loob ng bahay habang kalaro si Pina na punong puno ng enerhiya.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kinabukasan, sa loob ng tahanan ng Datu Raja, si Pina ay gumising at nakita ang kanyang Tatay na himbing na himbing sa pag tulog.

Ang makulit na Pina ay agad naisip at sinubukan tumayo, ngunit ang kanyang Nanay ay nakadilat na at kitang kita ito, kaya napangiti si Pina at sinabing "Mwama!"

"Halika gisingin natin si Papa mo. Bilis" Ang sabi ni Amihan na pinupunasan pa ang mukha.

Agad na sumunod ang bata na tila isa itong laro. Tinapik tapik nito ang mukha at sinabi "Papa iting na" inulit ang pag tapik sa mukha.. "apa" Ang sabi ni Pina ng paulit ulit.

Hindi ito tumugil hanggat hindi nagigising ang kanyang Tatay. Na sinasabayan pa ng mahinang tawa ng kanyang Nanay.

"Apa! Iting na" Ang sabi ulit nito habang nakapatong na sa kanyang Tatay.

"Gising na ko bunso, gising na Papa." Ang sabi ni Malaya habang iniinda na ang kirot ng pisngi.

Di na napigilan ni Amihan ang kanyang tawa at sinabi. "Bunso, halika buhat na kita linis ka na ha." At binuhat na nga si Pina at nag punta sa kanilang banyo.

Matapos nito ay lumabas na ng kwarto ang mag-anak. Si Malaya ay pumunta sa kanyang Ama na si Datu Raja upang gampanan ang kanyang tungkulin, samantalang si Amihan naman ay tumungo sa kusina upang tumulong.

Samantala, si Pina naman ay naiwan ulit sa kwarto na kung saan madalas naglalaro si Pina at binabantayan ng kanilang kasambahay.

Habang naglalaro ito ng kanyang laruan ay sa murang idad ay naisipan nitong lumabas na sinundan ng mga kasama sa bahay.

Sa kanyang pag lakad ay natagpuan na naman nito ang mga Maharlika na nagsasanay ng kanilang Majika.

Hindi na nagsalita si Pina ngunit ramdam sa kanyang mga mata ang pagkamangha sa mga ito, lalabas sana si Pina para makita ng malapitan ngunit ito ay naharang ng kanilang kasambahay at binalik sa kanyang kwarto.

Pinalobo ni Pina ang kanyang pisngi, at halatang naiinis sa kasama sa bahay sa ginawa nito. Sinubukan man makawala ay hindi nito nagawa, kaya bumalik na lang ito sa pag lalaro ng kanyang manika.

Habang ang mga kasama sa bahay ay nag usap panandalian at sa hindi inaasahang pangyayari, ang isang pangkaraniwang araw ay magbabago.

Hindi na mawala sa isipan ni Pina ang ganda na kanyang nakita. Tila ba unti unting nabubuksan ang kanyang isipan sa bumabalot sa kanilang mundo ang Majika.

Si Pina na tatlong taong gulang pa lamang ay sinubukan muling gawin ang majika na kanyang napagmasdan. Dahil sa kanyang imahinasyon, ang dating kislap lamang ay bumuga ng napakalakas na apoy. Sa isang iglap lamang, ang silid na kanilang tinutulugan ay naglaho ng walang bakas.

Kabooom! "WWAAAAHHHH!" Matapos ang pagsabog ay napaiyak na lamang si Pina sa pangyayari. 

Sa lakas ng pagsabog ay nayanig ang kastilyo at ang mga kasama sa bahay ay napa dapa sa pwersa nito. Pagdating ng mga kasambahay, nakita na lamang si Pina nakaupo at umiiyak habang nasusunog ang paligid nito at wala na ang dating saradong kwarto ngayon ay kitang kita ang kalangitan at mga halamang puno na nakapilig sa kastilyong gawa sa mga matitibay na kahoy at bato. Samantala si Pina naman ay nababalutan ng mga pwersang pula na ang mga tunog ay parang nababasag na mga salamin. Sa lakas ng pwersa nito ang mga kasambahay ay walang nagawa kundi humingi ng tulong dahil sa pangamba na masunog at maging abo pag sila ay nadikit sa mga ito.

Agad na alerto ang mga tao sa kastilyo. Si Amihan na nasa Kusina na tumutulong sa gawaing bahay ay nakaramdam ng takot at daliang tumakbo patungo sa kung saan man ang pagsabog, tila alam kung saan dahil doon lamang ito dinala ng kanyang mga paa.

Gayun din si Malaya, na nasa kabilang dulo ng kastilyo. Habang nakaupo sa mahabang mesa at nakikipag usap sa iba't ibang maginoo at opisyal ng kanilang Tribo, ay daliang tumayo at tumungo sa kung saan ang pagsabog.

Sabay silang dumating sa kung saan nangyari ang isang aksidente na hinding hindi nila inaasahan.

Sa nasirang kwarto ay makikita nila ang kanilang anak na umiiyak.

Sa loob ng kwarto ay may nakikitang mapupulang harang na parang may nababasag na mga salamin, ang tunog nito ay nakakatakot na tila para kang dadalin sa impyerno.

"Pina!" Ang sigaw ng kanyang Nanay na tumakbo palapit kay Pina, Ngunit dahil hindi maayos ang enerhiyang lumabas kay Pina ay nahirapan ito.

Sinubukan pumasok nila Amihan at Malaya sa loob ngunit sa labas pa lamang ang pwersa ay parang tinutulak ang mga ito palayo, ng sinubukan ulit at bumutas na sa pwersa ng enerhiya ay tila may mga tunog ng kuryente at nag spark o kumislap.

"Aarrrgghhh! Ang lakas ng enerhiya! Amihan. Ako na pupunta doon." Ang sabi ni Malaya.

Ramdam na ramdan nila ang pwersa ng enerhiyang bumalot sa kwarto. Pilit na pinapasok ng dalawa ang lugar kung nasaan ang kanilang anak.

"Pina" sa isang pabulong na tunog ay unti unting lumalakas na tulad ng unang beses na madinig ng isang sanggol ang tawag ng kanilang Nanay.. "Pina" "Pina" ang paulit ulit na tumutunog. At kahit anong sigaw ang gawi ng dalawa sa isang musmos na bata, ito ang simbolo ng pag asa at suporta.

"PINAAA!" Ang hiyaw ng dalawa.

Habang umiiyak ay napaharap si Pina at doon sa tabi nito ang kaniyang magulang na di alintana ang kirot ng mga paso at sakit na kanilang nararamdaman.. Niyakap nila ang anak na si Pina at lalo nilang naramdaman ang sakit ng pwersa ng enerhiya, ngunit humarap ang mga ito na may ngiti kay Pina.

"Mahal na mahal ka namin anak" Ang sabi ni Amihan sabay ang maharot na halik nito kay Pina.

Ang enerhiyang kanilang nararamdaman ay unti-unting nag sasama sa kanilang kinatatayuan at sa huling pagkakataon ay bumuga ng matinding pwersa pataas na tila ba isang makapal na pader na kasing taas ng kalangitan tila walang hanggan. Kahit anong hirap ang nararamdaman ng dalawa ay ngiti at tawa ang pinakita sa batang si Pina.

Matapos nito ay tumatawa na ulit si Pina habang hinaharot nila ay dumating na si Datu Raja kasama ang isang diwata na hindi kalakihan at lalagpas lamang ng palad.

Lumapit si Malaya habang buhat buhat si Pina at inabot sa kanyang Tatay.

Matapos nito ay kitang kita ng lahat ang kanilang ngiti at unti unting nawalan ng malay at bumuwal sa kanilang kinatatayuan.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Matapos ang pangyayari, sa Kastilyo ng Datu Raja sina Amihan at Malaya ay nagpapahinga sa kwartong medikal. Doon silang dalawa ay dumadaan sa mga lunas sa kanilang natamo.

"Usto ko Mama!" Ang makulit na sabi ni Pina habang pinapalobo ang kanyang bibig.

"Hindi maari Apo. Hintay lang may ginagawa lang sina Mama at Papa." Ang sabi ng Datu Raja habang sinusubukan alagaan si Pina.

Nasa malayong lugar ang mga kasama sa bahay at sumusulyap. SIla ay may halong kaba at takot sapagkat maaring ito na ang huling araw nila upang magtrabaho sa kastilyo ng Datu Raja.

Sa isang iglap lumitaw si Kasandra at ito ay agad tumitig sa mga kasamahan sa bahay.

"Ano meron?" Ang kanyang tanong at sumali sa pag silip sa kung saan man.

"Ano. Tatanggalin po ba kami?" Ang tanong ng isa dito na tila maluha luha na.

"Hmmm. Bakit?" Ang tanong ni Kasandra na talagang pilit tinitignan ang kanilang sinusulyapan. 

"Kasi po sa pangyayari. Mahal na Kasandra." Ang sabi pa ng isa sa mga kasama sa bahay.

Lumipad si Kasandra sa nagsalita at tinanong. "Sina Datu Raja at Pina lang naman tinitignan ninyo. Bakit di kayo pumasok? At doon sa sinasabi niyong tatanggalin kayo. Aksidente ito. Walang may kasalanan? Meron Ba?"

Lumipad bigla si Kasandra papunta kina Pina at Datu Raja at kinausap sila ng malakas.

"Datu Raja. Hindi mga nagsisipasok ang mga iyon dahil natatakot mawalan ng trabaho." Ang sigaw nito na ikinatakot ng mga kasamahan sa bahay.

"Ha? Kailan ako nag desisyon ng ganoon? Sino nagsabi? Padala sa akin!" Ang pasigaw na galit ni Datu Raja.

Dahil sa gulat ni Pina ito ay napa iyak at sinabi

"Yoyo takot yina!" Ang sabi ng nagulat at takot na si Pina habang umiiyak.

"Ay, ay, ay.. Patawad apo. Hindi ko sinasadya takutin ka." Ang sabi bigla ni Datu Raja.

Si Kasandra naman ay bumalik sa mga kasamahan sa bahay at sinabi "Ayan pinaiyak na tuloy ng Datu Raja si Pina. Bilis ayusin yan."

At doon nga ay tumakbo ang mga kasamahan sa bahay kay Pina at nilaro na nagawang patahanin ang bata.

"Hinding hindi namin kayo tatanggalin, lahat ng nangyari ay pawang aksidente." Ang sabi ni Datu Raja. matapos sabihin ito, ay humarap naman kay Kasandra at sinabi. "Dahil din dito. Mukhang hindi normal ang lakas na napakita ng batang ito."

"Tama ka kaibigan. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya at ito ay siguradong delikado." Ang sabi ni Kasandra na naging seryoso ang mukha ng humarap kay Datu Raja.

Samantala, si Pina naman ay naging interesado sa isang diwata na lumilipad lipad at lumapit.

"Waaahhh!!" Ang sigaw ni Kasandra ng bigla itong hablutin ni Pina.

"Pina hindi manika si Tita Kasandra Bitawan mo." Ang natataranta na sinabi ni Datu Raja.

Ngayon, kasama si Datu Raja at mga kasamahan sa bahay ay nagkukumahog na bitawan ni Pina si Kasandra.

"Laluan!" Ang namimilit na Pina na pinalobo ang pisngi.

"Hingi ng patawad Pina bilis. Hindi laruan si Tita Kasandra." Ang sabi ng Datu Raja na seryoso na pinagsasabihan si Pina.

Ngunit si Pina ay humarap ulit kay Kasandra, at ito ay napaatras at sinabi "Tingin mo mahuhuli mo pa ko bunso? Hinding hindi na." At lumipad lipad ito na naging dahilan ng paghabol ni Pina.

"Ita! Diyo ang!" Ang sabi ni Pina habang hinahabol ito. Maya maya pa ay nadapa ang bata na naging dahilan ng pag hinto at lapit ni Kasandra.

"Matibay ang bunso namin.. Hindi iiyak yan." Ang sagot nito.

Pag bangon ni Pina ay sinabayan ng kanyang pag iyak, ito ay walang hanggang pag iyak na sinusubukan pakalmahin ni Kasandra.

"KASANDRA!" ang sabi ng Datu Raja at mga kasamahan sa bahay.

"Ehh.. Hindi ko sinasadya. Hindi papala sanay tumakbo ng maayos ni Pina." Ang sabi ni Kasandra habang napaatras. Habang nakatalikod ito kay Pina ay nahablot muli ni Pina. Ngunit napigil nito na tuluyang mahuli gamit ang mga braso at paa.

"Laruin mo muna yan hanggang matapos ang pag gamot sa kanyang magulang." Ang sabi ni Datu Raja na seryosong tinitigan si Kasandra.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Dumating ang kinabukasan, sina Amihan at Malaya ay nagpapahinga sa kanilang higaan.

Binisita na sila ni Dayang Dalisay na nag aalala sa kanyang anak na si Amihan.

"Nanay. Kamusta?" Ang sabi ni Amihan habang umupo sa kanyang higaan.

"Ikaw ang kamusta anak. Nabalitaan ko ang nangyari. Kamusta kayo ni Malaya?" Ang tanong ni Dayang Dalisay na halatang nag aalala.

"Okay naman na, ayan si Malaya nakahiga na lang hindi dahil sa mga natamo niya, tinatamad nalang talaga yan." Ang sagot ni Amihan habang tinitignan si Malaya.

"Ehehehe. Masakit pa din katawan ko ha. Pero grabe ang lakas ng anak natin. Magigi siyang isa sa pinakamalakas sa tribo." Ang sabi ni Malaya habang tumatawa.

"Mukha nga grabe ang nangyari... Pero alam niyo din na delikado sa apo ko iyon." Ang sabi ni Dayang Dalisay na nag aalala.

Si Amihan ay lumingon kay Malaya at pareho silang napa buntong hininga na animo'y isa itong desisyon kanilang pinag isipan ng malalim.

"Kaya nga Nanay. Totoo naman yun. Kaya nga nag pasya kami. Maninirahan muna kami sa Mundo ng mga tao, doon wala siyang makikitang gumagamit ng mga majika. At doon din naman ako nag pupunta punta noong araw diba?" Ang sabi ni Amihan kay Dayang Dalisay, na seryoso at sigurado sa kanyang desisyon.

"Tama ka.. Hay na ko.. Dinadala nga kita doon para huwag kang kainin ng sistema dito sa mundo ng salamangka." Ang sabi ni Dayang Dalisay habang iiling iling ang ulo.

"Wag ka mag alala magiging okay din kami doon, makakabisita madalas kayo. Sisiguraduhin ko ito." Ang sabi ni Amihan kay Dayang Dalisay.

Napaisip pansamantala si Dayang Dalisay ito ay nag isip kung tama ba ang desisyong kanilang gagawin.

"Nasabi niyo na ba kay Datu Raja ito?" Ang tanong ni Dayang Dalisay.

"Hindi pa. Pag bangon namin dito ay sasabihin na namin." Ang sabi ni Amihan kay Dayang Dalisay na may malambing na ngiti.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Lumipas ang halos dalawang taon. Si Pina ay Limang taong gulang na at unang araw niya sa kanyang pangalawang taon ng Kindergarten.

"Gising na Pina. Good Morning!" Ang sabi ni Amihan habang hinahalikan ang kanyang cute na cute na anak.

Unti-unting dumilat ang mata ni Pina at ngumiti. "Good Mowning Mama!" ang kanyang sinabi at sinabayan ng isa pang higab,

"Hala, inaantok pa bunso namin. Oh Papa. Gising na din diyan may gagawin ka pa bilisan mo." Ang sabi ni Amihan na sa kanyang mag-ama.

"Papa! Wakey wakey!" Ang masiglang sinabi ni Pina sa kanyang Tatay habang tinitignan ito.

"Para magising Papa. Kiss nga ng baby ko." Ang sabi nito habang pumipikit at hinaharot si Pina.

Si Pina naman na ganadong ganado ay pinudpod ng halik ang kanyang ama.

"Ay Mama din. Kiss din naman." Ang sabi ni Amihan na ubod ng saya.

"Kiss kiss" Ang sabi ni Pina na hinahalikan din ang kanyang Nanay.

Matapos nito ay silang nag sigayak para sa araw na ito. Pag labas nila ay agad tinungo ang kanilang cafe restaurant upang kumain ng kanilang breakfast. Ang kanilang bahay ay konektado sa kanilang hotel nag pangunahing negosyo nila sa siyudad ng Baguio.

Matapos kumain sina Pina ay tumungo na ito sa kanilang reception para hintayin ang kanyang Tatay.

Beep Beep! Ang busina ng kanilang sasakyan. Suot ang uniporme ng kanilang eskwelahan na may checkered na palda ay lumakad na si Pina at sumakay sa sasakyan.

Kasunod ang kanyang Nanay ay tumungo na sila sa eskwelahan malapit sa kanilang barangay.

"Mama. School ako ulit?" Ang tanong nito habang suot na ang uniporme.

"Ngek! Kanina ka pa nakasuot ng pag school, tapos may bag ka ohh. Ganda ganda." Ang sabi ni Amihan. (Nako, mukhang aatras anak ko ha.) Ang kanyang sinabi at nasa isipan. Kaya naman tinitigan niya agad si Malaya na nakahalata sa mangyayari.

"Masaya dun bunso." Ang sinabi ni Malaya habang nag dadrive ng kanilang SUV.

"Mmmm.. Opo saya mag School!" Ang sabi ni Pina sabay dipa.

"Ganyang ka saya sa school?" ang tanong ni Amihan na nakangiti.

"Opo Mama!" Ang sagot ni Pina na tuwang tuwa.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Matapos ang unang araw ng kanilang eskwela. Pinuntahan nila Malaya at Amihan si Pina.

Sa gate ng eskwelahan ay nakita nila ang isang guro at katabi si Pina.

Si Pina naman ay hinahayaan lang mag laro ngunit halatang binabantayan ng guro.

Sa loob palang ng sasakyan ay nakapag salita na si Malaya. "Mukhang unang araw palang papatawag na tayo ha."

"Ayoko man aminin. Pero parang ganun na nga. Ano nanaman ito Pina." Ang sabi ni Amihan na halatang nayayamot.

Pumunta na ang mag asawa sa gate at tinawag na si Pina.

"Pina!" Ang tawag ni Amihan habang kumakaway kay Pina.

"Mama!" Ang sabi nito sabay takbo papunta sa kanyang Nanay.

"Uhm, pasensya na po. Kayo po ba ang Nanay ni Pina?" Ang tanong ng Guro.

"Opo Titser. Ano po maipaglilingkod ko?" Ang sabi ni Amihan na pinakikiramdaman ang guro.

"Naku Nanay. Pwede po ba kayo maimbitihan sa loob?" Ang sabi ng Guro.

(Ayun na nga. May ginawa nga itong bulilit namin.) Ang nasa isip ni Malaya.

"Ayun na nga… Ehem. Okay po. Tara Asawa ko. Pina halika bilis." Ang sabi ni Amihan na hindi wala sa isip ay napakamot pa ng ulo.

Sa loob ng Principal office.

"Mister at Misis Torres. Nag kita muli tayo." Ang sabi ng principal ng eskwelahan na seryoso ang mukha.

"K-Kamusta po ulit Principal Tapya." Ang sabi ni Malaya at halata ang kaba sa mukha.

"Ano po ba ang ginawa na naman ng anak ko?" Ang diretsong tanong ni Amihan na handa na marinig ang sasabihin.

"Tanong Misis Torres. Habang dumadaan kayo patungo dito sa opisina ko. Nakita mo ba ang room na sobrang dami ng pulbos ng chalk?" Ang tanong ng Principal na nakataas ang isang kilay.

Inisip maigi ni Amihan ang kanilang dinaanan. (Unang ebidensya. May mga drum na may laman ng tubig, may nag mop. Pangalawang ebidensya. Yung kwartong tinutukoy niya napansin ko nga doon niya talaga kami dinala para maka ikot.)

"Pero tanong din.. Paano niya nagawa yun?" Ang nagtatakhang si Amihan.

"Ayan din ang gusto namin malaman. Paano nagawa ni Pina, na mapuno ng alikabok ng chalk ang loob ng classroom. Intiendes?" Ang sabi bigla ni Principal Tapya.

"Ahehehe, Ehem.. Pina. Paano mo napuno ng chalk yung classroom?" Ang tanong ni Amihan at tinignan si Pina na umiinom ng juice.

"Po Mama? Di ko alam. Kuha ko lang." Ang sagot ni Pina habang sumisenyas pa.

"Ayan lang ang sagot sa amin ng batang iyan. Ngunit hahayaan nalang namin. Bata pa din kasi….. Pero kayong DALAWA." Ang sabi ni Principal Tapya na tumitig sa dalawa.

Ang tono ni Principal Tapya ay tila ba ang tinuturuan ay ang magulang ni Pina, samantala, si Amihan naman ay napatingin na lamang sa labas, at si Malaya ay napalunok na lamang.

"Kami nanaman,," Ang nasabi nalang ni Malaya habang alam na niya na aabutin sila ulit ng isang oras habang pinangangaralan lamang.

"Pina halika muna sa labas. Laro tayo dun sa playground." Ang sabi ng kanyang guro.