Chereads / Salamangka ng musmos / Chapter 4 - Chapter 4 - Salamangka Ng Musmos

Chapter 4 - Chapter 4 - Salamangka Ng Musmos

Sa mga mata ni Pina.

Ato ay si Filipina Torres, limang taon gulang. Uhm, ang paborito ko ang aking laruang Oso kasing laki ko shiya hihi. Uhm.. Andito ako ngayon sa bahay ng aking lolo. Naglalalo kami pag kasama ko siya. Ang bait ng aking yolo.

Buhat buhat ako ngayon ni Kuya Lakan lalalo kami taguan sa bahay. Ang laki laki ng aming bahay, tawag ni Kuya Lakan dito ay katilyo, kashilyo? Um basta iyun.

Habang kami ay naglalalo may naamoy ato at nagutom.

"Kuya Lakan, gusto ko nun." Ang aking sabi habang buhat ako, gusto ko kasi ng tinapay.

Maya maya ay lumabas si Ate Mayari sa loob ng lugar na may mabangong amoy.

Nadinig ko ang sabi ni Ate Mayari. "Aba, ang aga aga lalaro kayo agad ha. Halikayo kain muna kayo may sabaw at tinapay sa loob ng kusina."

Agad kaming pumunta dito habang ako ay lumilipad ahihihi.

"Baka naman malaglag ang bata!" ang sabi ni Ate Mayari kay Kuya Lakan habang inaalalayan ako.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Samantala matapos ang ilang oras.

Sina Mayari, Lakan, Datu Raja, Malaya at Amihan ay magkakasama sa iisang kwarto upang mag usap usap.

"Lakan at Mayari. Bago ang lahat ng pag uusapan natin, maraming maraming salamat sa inyong ginawa." Sabi ni Malaya na may ngiti sa kanyang mga mukha.

"Datu Malaya, si Lakan po ang pinaka kumilos para maligtas si Pina." Ang sagot ni Mayari.

"Ang Cute ng Bunso ko hano?" Ang sabi ni Malaya na lumalaki pa butas ng ilong sa sobrang proud.

"Ehem! Ngunit ngayon ang ating pag uusapan ay bakit nagka ganoon. Maaari mo bang ikwento kung sino at ano ka Lakan." Sinabi ni Datu Raja Habang nakatayo at sinenyas na magsi upo ang lahat.

"Ako si Lakan, galing ako sa tribo ng Matindig sa dakong ibayo. Ang lugar po namin ang isa sa mga unang sinalakay ng Babaylan noong mga panahong iyon. Pasensya at hindi namin alam ang tunay nitong pangalan, Kung hindi Babaylan ang tawag, tinatawag din namin siyang Maestro." Ang sagot ni Lakan.

Napatitig sina Datu Raja, Malaya at Amihan sa kanyang sinabi at napatanong si Amihan.

"Saang lugar ang tinutukoy mo Lakan?" Tanong ni Amihan na ang mga mata ay nag aalala.

"Salamat po sa iyong pag aalala sa akin. Nasa ibayong isla po ako ng lugar na ito, at doon nga po ay nilusob ng Maestro o ng Babaylan ang lugar, upang kunin din ang prinsesa na siyang may pinakamataas na enerhiya ng majika. Kapatid ko po iyon at sinubukan ko siyang protektahan ng mga panahong iyon, ngunit sa lakas ng aming kalaban ay hindi kami nanalo at nasunog ang aking buong katawan at ito na nga ang aking itsura. Tinanggap ko na po ito bilang sumpa ng aking nakaraan." Ito ang sabi ni Lakan at pagkasabi ay tinanggal nito ang kanyang balot sa mukha, kitang kita ang sunog na bahagi ng kanyang mukha.

Tinanggal din ni Lakan ang kanyang suot na barong. Ang barong na kanyang suot ay may kulay na asul at pulang sleeves at hindi katulad ng mga barong tagalog ng modernong panahon.

Nang kanyang tinanggal ito ay kitang kita ang mga bakas na nasunog na bahagi ni Lakan, pag harap niya sa lahat ay napa titig ito kay Mayari, kitang kita sa mga mata ni Mayari na nais nitong umiyak.

"Mayari. Pasensya na kung ipinapakita kong muli ang mga bakas ng aking nakaraan." Sagot ni Lakan habang ngumingiti kay Mayari.

"Pasensya na. Kaibigan kita kahit nung kasapi pa tayo sa tribo ni Maestro, kaya mabilis akong sumanib sa laban mo, at handa din akong tanggapin kung anu man parusa ang ipapataw nila sa atin." Sagot ni Mayari na buo ang loob sa kung ano man ang kanilang sasapitin.

"Nang nadinig ko ang plano nila kay Pina ay lalo akong nagduda sa ating samahan, matagal ko ng kinikimkim ang aking nararamdaman sa ating tribong sinamahan. Ayaw kitang madamay Mayari, sa pag tiwalag ko, kaya umalis ako at hinanap agad si Pina." Sagot ni Lakan na kitang kita sa kanyang mata ang sakit at hirap na kanyang dinanas.

"Ang ibig mo bang sabihin ay matagal mo na siyang minamanmanan doon?" Tanong ni Amihan.

"Hindi naman po, kararating ko lang din ng mga ilang araw pa lamang, ngunit agad natunton ng mga kalaban ang lugar, siguro nga ay sa tulong na din ng malignong anino na naninirahan sa eskwelahan na iyon." Ang sabi ni Lakan na puno ng pag aalala kay Pina.

"Kaya ba si Pina ay wala pa ding kaalam alam na, nadukot na siya at may mga nagtangka sa kanyang buhay?" Tanong ni Malaya.

"Tama po kayo, kaya natatakot ako na baka ikatakot po ng bata ang nangyari nung siya ay dinukot, nakaramdam na siya noon malamang, ngunit dahil sa tiwala niya ay hindi na siya natakot." Sagot ni Lakan.

Nag tagal pa ang kanilang usapan at nalaman nga ng mga ito ang balak ng Babaylan o Maestro, at ng kanyang tribo kaya naman nabuo ang loob ni Datu Raja na pag buklurin ang mga kahariang nakapaligid sa lugar at gawing alerto ang mga ito sa mga ganitong gawain.

Habang nag uusap usap pa ang mga ito ay biglang may pumaasok sa kwarto, isa sa mga guwardiya ng kanilang kaharian. Hingal na hingal ang tao at humarap sa lahat.

"Mahal kong pinuno at sa lahat. Patawarin niyo ako sa biglang pag pasok ngunit kailangan ko na po sabihin sa inyo. Ang prinsesa po ay nawawala, kanina pa po umiikot ang mga gwardiya at tagalinis ng lugar sa pag hanap sa kanya ngunit lahat po ay bigo." Ang sabi ng guwardiya na yumuko at lumuhod.

Nagulantang na naman ang lahat at ang kanyang Nanay ay napasabi na lamang ng "Anak ko naman saan ka nanaman gumala!"

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa mga mata ni Pina.

Habang ako ay gumagala sa bahay ng aking lolo ay napag isipan kong tumitig sa bintanang malaki, bukas na bukas ito at ang lakas ng hangin. Ang lamig!

Ang ganda ganda ng labas ng aming bahay. Ang dami Flowersh, iba iba ang kulay!

Sinusubukan ko abutin yung flower, bibigay ko kay Papa at Mama. Huh? Hala… Waaaahhh!

Ha? Ahaha.. Lumulutang ako at dahan dahan binababa, laglag kasi ako. Dun po doon punta!

Ayy, hmmm. Tinitigan ko ang bahay namin. Ang taas~ ng bintana, hindi ko abot. Sabi ni Mama, wag daw ako mag likot, palo daw ako, pero usto ko talaga ibigay yung flowersh.

At sinimulan ko nga mag lakad papunta dun sa mga flowersh, ay may tubig taas ko damit ko para di mabasa woosh woosh. Ahahaha yung tubig nawala hindi na ko mababasa.

Ahaha, at sinimulan ko ulit ang paglakad ko, woof woof, hmmm. Hello doggy! Woof! Ahahaha sandali, sandali. Ahm, aaahh kinuha ko ang kahoy, at sinimulan ko tapon sa malayo doggy Fetch!

Ay tinitigan lang ako, waaahhh! at dinilaan nanaman ako ahahahaha.. Hmm, ay saan ka pupunta doggy, wait stop! Stop!

Hinabol ko si doggy kaya lang hindi ko talaga maabutan. Hmmm asaan ako?

Ahahaha ang dami dami ng tao. Hmmm, ang bango! Ano yun?

"Bili na kayo, murang mura lang. Magandang binibini gusto mo bang bilin ito? Masarap ito." ang sabi ni Manong.

Tinititigan ko si Manong, nagugutom naman ako. Kaya sige na nga.

"Gushto ko po. Ahaha." Ang aking shinabi.

Inabot sa akin ni manong ang masarap na pagkain, nyom nyom, ang sarap!

"Masarap diba?" Ang tanong ni manong, hmmm. Ano kaya tinitigan ni Manong at kinuha.

"Ano yun manong?" Tanong ko. 

Tumitig ulit si Manong. Ano kaya yun?!

"Wala naman magandang binibini. Salamat sa pag bili!" Sagot ni Manong.

Hmmmpph, tuluyan ko nalang kinain ang aking babeque.

"Salamat Manong!" Ang sabi ko, at kailangan ko na hanapin si doggy.

Lumakad ulit ako sa lugar at sinisilip ko ang paligid. Hihi, lalaro kami ni doggy taguan.

"Doggy!" ang aking sigaw. Habang hinahanap siya.

Ha, ano yun Flowersh! Bibigay ko kay Mama at Papa! At tumungo na muli ako sa Flowersh.

"Bili bili na ng bulaklak bagong pitas bili bili na!" Ang sabi nung batang babae.

"Uhmm.. Ate!! Flowersh pahingi!" Ang aking sabi.

Tinignan niya ako. At tumawa.

"Hindi ko pwede bigay ito sayo. Dapat meron ka nito oh." Ang sabi niya at pinakita niya sa akin ang makintab na bilog.

"Wala ako niyan! Saan makakakuha niyan!?" Ang tanong ko.

"Makakakuha ka nito sa nanay at tatay mo. Ano name mo?" Ang tanong ng batang babae.

"Eh, bibigay ko Flowersh kay nanay at tatay pero yan bilog din hingi ako?" Ang tanong ko, di ko maintindihan eh.

"Oowww tamis naman. Oo uhm, pangalan mo po?" Ang sabi niya at umupo siya sa upuan na malapit sa amin.

"Ako si Filipina Torres! Lima taon gulang!" Habang binilang ko daliri ko one, two, three, four, Five!

"Ahahaha. Galing tama ang daliri iyan ang lima. Ako nga pala si Alon." Ang sagot niya at hinawakan niya kamay ko at nag pwomise pwomise kami.

"Anong ginagawa mo Alon!" Ang sabi ng matanda.

Si ate Alon ay biglang tumayo at biglang lumakad kaya sinundan ko siya.

"Naku, hindi tayo pwede mag laro Munting Filipina. Kailangan ko pa mag trabaho." Ang kanyang sabi.

"Twabaho?" Ang aking tanong.

"Uhm, para magkaroon ako nitong bilog, kailangan ko mag trabaho." Ang sagot ni Ate Alon.

"Kailangan ko din yan! Twabaho din ako!" Ang aking sinabi. Kailangan ko yan para maka kuha flowersh.

"Ahahaha. Nasaan ba ang iyong magulang Filipina?" Ang tanong niya.

"Bahay namin. Uhmmm.. Dun oh." Ang sabi ko. Habang tinuturo ko ang malaking bahay sa taas.

"Ano ba bata ka! Mag tra…."

Parehas kami tumingin kung saan ang nag sabi. Ahahaha wala naman akong nakita, kaya tinitigan ko si Ate Alon.

"Ano yun!?" Tanong ko habang nagtataka.

"Parang yung may ari ng tindahan ng bulaklak." Ang nasagot niya habang ang mukha niya ay mukhang maatim haha.

Ayy bigla bumalik yun matanda.

"Ayy Alon baka pagod ka na pwede ka na umuwi pag gusto mo." Sabi nung matanda.

"Huh? Namumuno, ano po ibig mong sabihin?" Ang sagot ni Alon.

"Pwede ka na umuwi akin na yang mga bulaklak." Ang sagot ng matanda.

"Akin Flowersh!" Aking nasabi.

Kukunin niya yung flowersh bibigay ko kay Mama at Papa yan! Napatingin ako kay Ate Alon gusto ko maiyak.

"Halika sama ka muna sa akin Filipina. Mayroon din ako mga bulaklak uhm flowers sa bahay ko, madami din bata dun makakapag laro tayo. Habang wala pa ang iyong magulang." Ang sabi ni Ate Alon.

"Okie!" Ang sagot ko.

Hindi ko na kaya lakad pero lakad pa kami ni Ate Alon.

"Halika Filipina buhatin kita sakit na ba paa mo?" Ang sabi ni Ate Alon.

"Opo. takit na paa ko." ang aking sagot.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Dumating kami sa kanilang bahay, ang laki din! Ang daming Kalaro dito parang iskul namin!

"Oh Alon sino ang batang yan?" Tanong ng matanda na nakangiti sa akin.

"Tiya Liwayway! Nakilala ko po siya sa pamilihan ng bayan gustong gusto ng bulaklak." Ang sagot ni Ate Alon sa matanda.

"Aahh.. Gusto ba ng bulaklak nito? Hmmm. Okay, okay. Uhm, halika muna sa loob. Akin na siya." Ang sabi ng matanda at kinuha ako para buhatin, sakit pa din paa ko eh hihihi.

Pumasok kami sa loob ang daming bata! Inupo niya ko sa loob at tumabi siya sa akin ng biglang naglapitan ang mga bata sa akin!

"Ehehehe.. Hello po." Ang sabi ko at nag salute ako sa kanila!

"Hello? ano pangalan mo?" Sabi nung isang bata sa akin.

"Ehehehe, ako si Filipina Torres limang taong gulang! Ang paborito kong laruan ay oso! Ang laki laki niya!" Ang aking sagot.

"Oh, nasaan yung laruan mong oso?" tanung nung isang bata.

"Asa bahay ih. Di ko dala ngayon. Laki laki kasi." Ang aking sagot.

"Oh mga bata. Okay lang ba makipag laro sa inyo si Pina?" Ang sagot ng matanda.

"Opo po, TiTa Liwayway." Ang sagot nilang lahat.

Maglalaro na sana kami kaya lang biglang nag sabi si Ate Alon na "Teka lang. Kain muna tayong lahat nitong mansanas."

Gusto ko yun kaya agad akong tumayo sa upuan at lumapit para kumain ng mansanas. Ahihihi ang cute ng mansanas sabi ni Ate Alon mukha daw itong Kuneho.

Kumain kami muna ng kumain at pagkatapos ay naglaro kami sa labas ng malaking bahay.

"Oh mga bata kanina pa kayo naglalaro pahinga na muna." Ang sabi ni Ate Alon.

Pag buhat niya sa akin ay tuwang tuwa pa ko at nakikipagharutan kay Ate Alon, kaya lang unti unti akong inaantok habang kinakatahan niya..

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pag dilat ko ay nakita ko si Mama. "Good Morning Pina ang aking makulit na bunso."

"Good Mowning Mama…" Antok antok ko pang sinabi.

Tinitignan ko ang aking paligid at napansin ko ang isang lumilipad na laluan.

"Mama may toy!" Ang aking sabi.

"Anak hindi toy yan wait." Ang sabi niya habang tumatayo ako para kunin.

"Ahaha gumalaw ang toy!" Ang nasabi kong muli pero bago ako makalapit ay hinawakan ako ng aking Nanay.

"Anak siya ay iyong Tita. Si Tita Kasandra yan." Ang sabi ng aking Mama.

"Tita Kasandra yung toy?" Ang aking nagtatakang tanong.

"Hindi ang ibig kong sabihin ay, siya ay Tita mo. Ganyan din ginawa mo noon nung baby ka pa." Ang sabi ni Mama pero hindi ko maintindihan sinasabi ni Nanay.

"Ako na ang magpapaliwanag sa aking pamangkin." Ang sabi ng Laruang Tita Kasandra.

"Ehee.. Nagsalita Mama ang toy." Ang aking sagot.

"Tignan mo toh munting Pina." Ang sabi niya, sa kanyang daliri ay may lumabas na color ang ganda ganda. Maya maya pa ay lumabas ang Flowersh.

"Flowersh! Tita Kasandra pahingi po" Ang aking sabi.

"Sayo nga iyan. Iyan yung kinuha mo kanina bago ka makipaglaro kay doggy." Ang kanyang sabi.

"Ahahaha Doggy? Nasaan na Doggy?" Ang aking sagot.

"Nasa Bahay mo po. Kaya maya maya uwi na tayo." Ang sagot ni Tita Kasandra.

Kinuha ko ang Flowersh at binigay kay Mama.

"Thank you Baby ko! Oh ano sasabihin kay Tita Kasandra binantayan ka niya maghapon ha at tinabi niya ang flowers mo." Ang sabi ng aking Mama.

"Tita Kasandra! Thank You Po!!!!" Ang aking sinabi.