Nagsimula ang isang magandang umaga sa bahay nila Pina at ng kanyang magulang sa Mundo ng mga tao.
"Tok Tok! Titilaok sabi ng manok! Aaayyy tutulog tulugan pa baby namin." Ang sabi ni Amihan sa kanyang anak na si Filipina 'Pina' Torres.
"Hihihi… Good Morning Mama." Ang sabi ng bata sa kanyang ina na puno ng sigla at saya.
"Good Morning baby ko, gayak na papasok ka na ulit sa school. Bilis-bilis." Ang sabi ng kanyang nanay.
At tumayo na nga si Pina sa kanyang higaan upang mag gayak patungo sa kanyang eskwela.
"Kuya Lakan! Good Monying! Ate Mayari Good Moyning! Tita Kasandra Good Mowning! Tito Javier Good Mo-mowning! Tita Lutz Good Moyning!" Ang sabi ni Pina sa bawat makita niya sa kanyang daraanan.
"Aba anak para kang tatakbo sa halalan, kaya lang lahat buyuy eh." Ang sabi ng kanyang Nanay habang natatawa.
At tumawa lamang si Pina sa sinabi ng kanyang nanay habang naglalakad sila.
Pagdating nila sa labasan ng kanilang bahay ay bumungad ang kanyang tatay na galak na galak at hinihintay ang sasabihin ng kanyang anak.
Ngunit sa kasamaang palad ay napaharap si Pina sa kanilang bagong alagang aso at ito ang kanyang nilaro, kitang kita ang pagka bigo ng kanyang tatay sa nangyari at napahawak na lamang ang kanyang asawa at nanay ni Pina na si Amihan.
Habang tuwang tuwa pa ang bata ay tinawag ito ng kanyang nanay.
"Baby namin, ano sasabihin pagkagising sa umaga kay Papa?" Ang tanong ni Amihan sa kanyang anak.
"Good Moerning Papa!!!" Ang sigaw ni Pina sa kanyang ama na kasalukuyang maiyakiyak sa kanyang nadinig.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Natapos ang araw ng klase ni Pina at kasalukuyan siyang nasa bahay nila.
"Pina, ngayon naman ay maglalaro tayo ng majik majik." Ang sabi ni Tita Kasandra na may mga galak ang mata.
"Majik majik? Anu po yun?" Tanong ni Pina na halatang nagtataka sa mga sinabi ng kanyang Tita Kasandra.
"Pag masdan mo si Ate Mayari. May bolang maliwanag sa kanyang mga kamay. Yan ang majik majik." Ang sabi ni Tita Kasandra.
"Ehehehe. Gusto ko din yun!" Ang sabi ni Pina sabay pinorma ang kamay gaya ng kanyang Ate Mayari.
"Ahahaha.. Tuturo ko sayo kung papaano ha? At pag nagawa mo lilibri kita sa Jollibee!" Ang sabi ni Tita Kasandra na halatang natutuwa sa interesadong bata na si Pina.
Dahil sa galak at suhol ay sinubukan ni Pina ang mga sinasabi ng kanyang Tita Kasandra, ngunit dahil sa kabataan niya ay hindi pa magawa.
"Wag mawalan ng lakas ng loob baby Pina." Ang sabi ni Lakan na halatang nauunawaan ang bata.
Muling inulit ni Pina ang kanyang ginagawa at sa hindi inaasahang bagay.
Ang lahat ay tumitig tila huminto ang mundo, lahat ay nakasuporta sa ating munting bituin ng biglang may isang tunog na tila alam na alam ng lahat.
Pooof! "Ahihihi. Na utot ako!" Sabi ni Pina na may halong tawa at tinaas ang kanyang isang kamay.
"Mukhang napapa-iri ang bata ha." Ang sagot ni Mayari na tumatawa.
"Sige konti nalang Pina, tuon anak tuon." Ang sabi ni Tita Kasandra.
Biglang napahinto si Pina at lumapit sa kanyang Tita Kasandra at sinabing. "Ano po yung Tuon?"
At ang lahat ay napatahimik matapos magtanong ni Pina.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Lumipas pa ang mga araw at si Pina ay unti unti ng humuhusay sa kanyang majika. Ang dating batang hindi kaya mag labas ng enerhiya ng hangin, ngayon ay ginagamit ito bilang pampahangin sa kanyang sarili.
(Init naman. Gusto ko yamig lang) Ang nasa isip ni Pina, kaya naman ginamit ang kanyang majika at nag pahangin.
"Aaahh yamig yamig, Mama yamig oh." Ang sabi ng inosenteng Pina habang ang hangin ay dumadaloy sa kanyang mukha na tila ba isang electric fan.
"Bunso, wag na wag mong gagamitin iyan dito ha. Kukunin ka ng mga masasamang loob sige ka di mo na kami makikita." Ang sabi ni Amihan sa kanyang makulit na anak na si Pina.
"Opo mama." Ang sabi ni Pina sabay takbo palabas ng bahay.
Nasa labas ng bahay na si Pina at sa likod nito ay sumunod si Lakan.
(Sa Mga Mata ni Pina)
Pupunta ako sa likod bahay at maglalaro. Dumaan muna ako sa aming reshtawrant kaya tinawag ako ni Tito Javier.
Pag lapit ko pinaupo niya ako at binigyan ng masarap na juice! Lasang Mansanas ang tamis hihihi. Maya maya pa ay na amoy ko ang paligid at may inilabas si Tito Javier, Ang ganda at sarap nung cake maliliit hihi.
Matapos kong kumain ay tumuloy na ko sa aking pag lalaro, mainit kaya ginamit ko ang aking majik majik, pero, tumingin tingin muna ako sa paligid kasi sabi ni Tita Kashandra at Mama na bawal makita ng iba. Ayaw ko bye bye na yun.
"Aaahh ang lamig sarap hihihi." Ang aking sinabi habang gamit gamit ang majika.
"Ano yang ginagawa mo?" Bigla sabi ni kuya Lakan.
"Wala po. Lalaro lang ako." ang aking nasabi hindi niya pwede malamang ginawa ko kaya tikapan ko din ang bibig ko at tumingin malayo.
Hmmm tinitigan niya ako nanliliit mata ni Kuya Lakan,
"Hehehe.. Sige sige sabi mo eh, ingat ingat ka ha ayaw mo bye bye muna. Wag mag papagabi ha." Ang kanyang sabi sabay lakad pabalik sa aming bahay.
"Okie po! Bye bye Muna! muna?" Ang aking sagot, hmmm, nagawa ko tago yehey, walang bye bye.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa sumunod na araw si Pina ay pumasok ng muli sa kanyang eskwelahan gaya ng araw araw na gawain. Masaya naman ang mga nangyayari at natututo si Pina sa mga araling naaangkop sa kanyang edad.
Kaya lamang, ngayong araw ay pawang naiba sa kanyang pangkaraniwang ginagawa, sapagkat, habang nakaupo ang bata, ay biglang may nag pakita sa may bintana ng kanyang classroom.
Ang kanyang nakita ay mga halimaw na naaayon sa mga mitolohiya ng Pilipinas, ito ay iba't ibang uri ng aswang at mga demonyong halimaw.
Dahil na rin siguro sa kanyang majika ay hindi siya naapektuhan sa nangyayari sa kanyang paligid.
"Teacher! Teacher!" Ang hiyaw ng bata na sa mga mata niya ay nagtataka at takot na takot, sapagkat tinuturo niya ang nangyayari sa labas ngunit parang walang nakikita ang kanyang guro at mga kaskwela.
(Batit ganun? Ala nakakakita) Ang nasaisip ni Pina habang halatang nagaalala sa mga nangyayari.
Lumingon muli si Pina at nagulat siya sa kanyang nakita.
(Si Kuya Lakan yun!) Ang kanyang nasabi sa isipan.
"Kuya Lakan!" Ang kanyang hiyaw ngunit agad siyang sinenyasan ng katahimikan na agad niyang ginawa sa pamamagitan ng pag takip ng kanyang bibig.
(SSssshhh Daw sabi ni Kuya Lakan.) Ang nasaisip niya.
"Pina, bakit ka humiyaw?" Tanong ng kanyang guro na sinagot niya ng iling habang hawak ang kanyang bibig at umupo ng muli galing sa kanyang pagkakatayo.
Hindi mapigil ni Pina na tignan ang nangyayari sa labas, at nakikita niya ang mga liksi at makukulay na majika ng kanyang Kuya Lakan.
(Wow ang galing!) Ang sabi ni Pina sa kanyang isip at napaharap ito sapagkat nakita na rin niya ang kanyang Ate Mayari.
Agad gumamit ng majika si Mayari at lalo ng natuwa si Pina sa kanyang nakikita, si Kuya lakan niya ay lumalabas ang kulay ginto sa kanyang katawan, at si Ate Mayari naman niya ay kulay asul.
(Ang galing galing nila. Gusto ko din yan.) Ang nasabi ni Pina sa kanyang isipan at tila nawala na ng tuluyan ang focus sa kanyang klase.
Maya maya pa ay natapos na ang labanan at humarap parehas sina Kuya Lakan at Ate Mayari niya sa kanya at sumenyas ng bye bye at umalis.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Nagmamadaling umuwi si Pina sa kanilang bahay at agad tumungo sa kanilang likod bahay para dun maglaro, ngunit ngayon ang nasa isip niya ay gayahin ang kanyang Kuya at Ate, kaya humanap siya ng punong kahoy at ang tablecloth na ginawang kapa.
"Ako si Filipina Torres ang cute na cute na anak ng aking mama at papa! Humanda ka masamang espirito!" Ang sabi ni Pina at pinalo ang puno na kanyang iniisip na kalaban.
Tuwang tuwa ang bata sa paglalaro ng araw na iyon at maya maya pa ay tinawag na ng kanyang Nanay.
"Pina halika na muna dito kanina ka pa nag lalaro anak. Pahinga ka na muna sa bahay at kumain bilis." Ang sabi ng kanyang nanay na si Amihan na nagulat sa itsura ng kanyang anak.
"Mama!" Ang sabi ni Pina at siyang takbo sa kanyang nanay.
"Ano ba yan itsura mo. Ang dumi mo na." Ang kanyang sabi.
Biglang napahinto si Pina at sinabi sa kanyang Nanay na "Mama Pakita mo sa akin yung Majik mo pleaaase."
Napahinto si Amihan at sinabing "Oh bakit naman ang majika ko gusto mo makita? Doon ko lamang ginagawa iyon sa Mundo ng Salamangka."
"Ehhh.. Sige na. Please!" Ang makulit na sinabi ng bata.
"Pag punta natin dun sa sabado okay? Halika na muna linisan kita ang dumi mo at kain tayo masarap yun, favorite mo." Ang kanyang sabi.
Kahit nalungkot si Pina ay di nagpatinag sapagkat umasang sa sabado ay makikita ang majika ng kanyang Nanay.
"Okie!" Ang sabi ni Pina at sabay na silang pumunta sa kanilang bahay.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pagdating sa bahay ay agad na pinaliguan ni Amihan si Pina at sabay na kumain ng Ginataang Mais na paborito ng bata.
"MMMmm. Ang sarap." Ang sabi ni Pina habang kinakain ang kanyang paboritong pagkain.
Dumating sina Malaya, Lakan at Mayari habang sila ay kumakain at nag uusap usap.
"Nakita ni Pina ang pakikipag laban ng dalawa sa bumukas na daluyan ng mga masasamang espirito." Sabi ni Malaya na medyo napatawa sa sinabi.
"Oh, kaya pala naka kapa ito at mukhang naglalaro ng ispadahan sa puno." Ang sagot ni Amihan na halatang medyo nag alala sa kanyang anak.
"Ang galing ba anak ng dalawa kanina?" Tanong ng kanyang tatay na si Malaya.
"Hmmm. OPO! Galing galing po nila tapos ang kulay ng paligid!" Ang sagot ni Pina.
"Ayun kumpirmado." Sagot ni Malaya na sinabayan ng tawa.
"Ano po ang mangyayari mahal na datu?" Tanong ni Lakan.
"Hayaan nalang natin mahal ko. Dalin na natin siya sa Sabado at tignan ang kanyang elemento at potensyal sa pag gamit ng majika." Sagot ni Amihan, habang tinitigan ang lahat.
"Kung ganoon sa Sabado ay pupunta tayo sa Mundo ng Salamangka. Lakan at Mayari, paghandaan ang pagbabalik natin. Alam niyo na gagawin." Ang sabi ni Malaya na nag uutos sa dalawa.
"Masusunod mahal na Datu!" Sagot ng dalawa na nagpakita ng kumpiyansa sa gagawin.
"Ano yun mahal ko?" Tanong ni Amihan na nagtataka.
"Wala yun, wag mo ng alalahanin. Diba Baby namin?" Ang sagot ni Malaya at ng tinignan si Pina ay tumawa lamang ang bata sapagkat hindi rin niya alam kung ano ito.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Ang pamilya Torres at ang mga kasama nila na sina Lakan at Mayari ay pumunta sa mundo ng Salamangka. Kung paano sila pumupunta ay simple lamang, gumagamit ng majika na tinatawag nilang [Dimenional Port].
Manghang mangha si Pina sa kanyang nakita sapagkat biglang bumukas ang isang animo salamin na kumikinang at pag pasok nila ay napunta agad sa bahay ng kanyang Lolo na si Datu Raja.
"Maligayang pagbabalik Datu Malaya kasama sina Dayang Amihan at Prinsesa Filipina. Gayun din ang magigiting na kasamang maharlika na sina Lakan at Mayari." Ang pagbati ng mga kasambahay ng kanilang tirahan.
"Maraming salamat sa pagbati, andito ba ang aking ama?" Ang sagot at tanong ni Malaya.
"Nasa kanya pong silid pulungan mahal na Datu Malaya." Ang kanilang sagot.
Si Malaya, Lakan at Mayari ay tumungo sa kung saan naroroon ang Datu Raja. Samantala si Amihan at si Pina ay tumungo naman sa kanilang kwarto upang mag pahinga.
"Nahihilo ka pa ba Pina? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ng kanyang nanay.
Hindi nakapag salita si Pina at yumakap lamang sa kanyang nanay, hindi pa gaano kabihasa ang kanyang katawan sa pagdaan sa [Dimensional Port] o teleportation portal kaya siya ay nahilo at sumuka. Ito ay kahawig lamang ng sakit ng karamihan, pag hindi sanay sa mga byaheng gumagamit ng sasakyan o barko.
Si Pina ay natulog panandalian, para guminhawa ang kanyang nararamdaman, at maya maya pa ay gumising ngunit ang kanyang Nanay ay wala sa kanyang tabi.
"Mama?" ang kanyang tanong ngunit walang sumagot kaya siya ay unti unting bumangon.
Umikot saglit sa kwarto habang tinatawag at tinignan ang kanilang paliguan, hindi niya nakita ang kanyang nanay ngunit napansin niya ang isang Kapa at isinuot.
"Hahanapin ko si Mama at kailangan ko ang power ko." Ang kanyang nasabi.
Bago lumabas si Pina ay nag super hero pose pa ang mga braso ay binuka at ginamit ang kanyang majika na hangin, upang pahanginin ang paligid at ang kanyang kapa, ay sumabay sa daloy ng hangin.
"Super Pina! Ang cute na tagapag tanol, tagol? Tangol?! Ng api!" Ang sabi ng mapaglarong bata.
Lumabas si Pina ng kanyang kwarto at nakita agad siya ng kanyang Tita Kasandra.
"Oh Pina saan ka pupunta?" Ang tanong niya na tila pinagmamasdan ang suot ni Pina.
Si Pina naman ay bago mag salita ay umikot muna, dahil sa tuwa ay nag superhero pose.
"Hanapin ko po si Mama!" Ang buong loob na sagot ni Pina habang naka superhero pose.
"Aaahh sige andun si 'Mama' mo sa hardin gusto mo samahan kita?" Ang kanyang tanong.
"Sige po… Ayaw! Gusto ko po hanapin si Mama!" Ang kanyang sagot na tila ba isa itong laro sa kanya.
"Aaaahh ganun ba. Sige lakad kalang diretso dun, tapos kanan ka ha, hanggang makita mo ang hagdanan, tapos sa baba ay may daanan palabas, sundan mo lamang ito. Tandaan mag tanong sa mga makikita mo para wag ka maligaw ha." Ang sagot ng kanyang Tita Kasandra.
"Okie po!" Sagot ni Pina na mukhang naintindihan ang buong sinabi ng kanyang tita.
At lumakad na nga si Pina, patungo sa tinuro ng kanyang tita, ngunit, sa dulo pa lamang ay kumaliwa ito, imbes na kumanan.
"Pina! Mali sa kabila!" Ang sigaw ni Tita Kasandra na humabol kay Pina sapagkat ito ay nag aalala.
"Sabi Tita mag Kanan tapos uhm, handan!" Ang sabi ni Pina na buo ang kumpyansa.
Hinabol ni Kasandra si Pina, ngunit ng malapit na ito ay biglang nawala si Pina. Hindi alam ni Kasandra na si Pina ay pumasok sa kwarto, na naroroon kaya siya ay dumiretso pa ng lakad.
"Saan napunta yung batang iyon biglang nawala." Ang nasabi na lamang ni Kasandra na nakatagilid pa ulo dahil sa sobrang pagtataka.
Habang paikot ikot si Kasandra, ay naramdaman niya na may gumamit ng Majika na malapit sa kanya.
Agad itong tinungo ni Kasandra, at doon niya nakita si Pina, na nag papahangin sa kanyang sarili.
"Anjan ka pala.." Ang sabi ni Kasandra na nagawa na lamang ngumiti sa kanyang pamangkin.
"Ahihihi.. Ang init po kasi!" Ang nasagot ni Pina.
"Talaga nga naman ang batang ito, ginagamit ang ipinagkaloob na majika sa kanya sa ganitong bagay." Ang sagot ni Kasandra na napa bugtong hininga na lamang.
Sinamahan na ni Kasandra si Pina patungo kung nasaan ang kanyang Nanay.
"Abay gising na pala ang bunso ko, saglit ka lang pala matutulog." Ang sagot ni Amihan.
"Ahihihi. Good Mowning. Mama!" Ang sagot ni Pina at umikot ikot pa na parang lumilipad sabay pose.
"Mukhang nandito na din pala si Pina at nasa akin na ang instrumento para makita ang kanyang elemento." Ang sagot ni Datu Raja habang nakatitig sa kanyang apo.
"Hindi pa ba kitang kita kung ano ang kanyang elemento?" Ang sagot ni Kasandra.
"Alam ko na tinuruan mo siya ng pagkontrol ng kanyang majika, ngunit pakiramdam ko may iba pa siyang elemento." Ang Sabi ni Datu Raja.
"Dahil sa aksidente noon?" Ang tanong ni Malaya habang tinitignan si Pina.
"Hmmm. Ano po yun Papa!?" Ang tanong ni Pina na punong puno ng sigla.
"Wala po iyun, hehehe. Geh na kita mo yung bilog na yun hawakan mo na tapos yung turo ni Tita Kasandra ha gawin mo." Ang sabi ni Malaya habang inaabot ang bilog na instrumento.
Hinawakan ito ni Pina at nagsimulang mag concentrate gaya ng tinuro ni Kasandra, nilagay niya ang instrumento sa bandang tiyan at nagsimulang mag kulay berde ang instrumento at maglabas ng mahalumanay na hangin.
"Mukhang ito na lamang ang kaya niyang gamitin na elemento. Ang kanyang Majika ay hangin!" Ang sabi ni Datu Raja na namamangha sa kanyang apo.
"Hindi pa po mahal naming ama Datu Raja, hindi pa iyan ang hinahanap natin. Pina, nag papahangin ka lang noh? Naiinitan ka nanaman?" Ang sabi ni Amihan habang tinititigan ang kanyang anak.
"Ahihihi… Ang tignan mo oh, galaw galaw oh." Ang sagot ni Pina habang tinutukoy ang kanyang suot na dilaw na kapa.
Kinuha ni Amihan ang bola kay Pina at pinakita sa kanya ang gusto nilang mangyari.
"Anak walang hangin dapat ha, purong konsentrasyon lamang ang gagawin, remember, si Tita Kasandra pinakita niya sayo ang pag concentrate ng Majika mo, yun lang." Ang sabi ni Amihan na seryosong tinitigan ang kanyang anak.
"Okie!" Ang sagot ni Pina na may kasamang tango, at sinimulan ulit, pumikit ito at unti unting pinalalabas ang kanyang majika. Unti unting namumula ang mukha ni Pina sa pag concentrate nito sa kanyang ginagawa. Maya maya pa ay may tumunog. PPoooooooffff!..... Poof!
Ang ilan sa mga nagmamasid ay nagpipigil ng tawa, ngunit si Amihan ay hindi na nakatiis.
"Anak, ibang hangin pinalabas mo.." Ang sabi ni Amihan, pilit na pinipigilan ang pag tawa sapagkat seryoso na siya kanina.
"Ahihihhi!" Ang tawa ni Pina sabay ngiti sa kanyang nanay na naging sanhi ng kanilang pag tawa, hindi na din natiis ni Amihan ang pag harot sa kanyang bunso.
"Isa pa last na ito muna ngayon. Concentrate anak." Ang sabi ni Amihan at kumuha ng isa pang bilog na instrumento para sabay nilang gagawin ito.
Lahat ulit ay pinagmasdan si Pina, habang si Pina ay nakatitig sa kanyang Nanay, at nang makita niya ang kanyang nanay na pinakita ang kanyang elemento na nag kulay berde at lumitaw din sa kanyang katawan ang mala berdeng aura ay ginaya ito ni Pina.
Unti unti lumilitaw ang kulay puti, at sa mabagal na pangyayari, ay hinahaluan ng berdeng enerhiya ang bola, at ang katawan niya ay nagbibigay ng aurang hindi mapaliwanag.
Nagagawa na niya ng tama ito, subalit matapos ang berde, ay unti unti itong nababalot ng pula at asul, at unti unting naghahalo halo sa bola, ganun din sa kanyang aura.
Ito ay ikinagulat ng karamihan, ngunit si Kasandra ay nakangiti lamang at sinabing "Ngayon pa lamang masasabi ko ng mataas ang potential ng batang ito."