Maya maya matapos lumabas ni Pina at mag laro sa playground ng eskwelahan, lumabas na din ang kanyang magulang na sina Malaya at Amihan.
"Anak, pinangaralan na naman kami ng principal, sakit na naman tenga ng Papa." Ang sabi ni Malaya habang binuhat si Pina.
"Ahehehe. May ayay enga ni Papa?" Matapos sabihin ay hinipan ni Pina ang tenga at hinalikan. "Wala na ayay Papa!" Ang sabi nito habang itinaas at binuka ang dalawang kamay.
"Ahaha. Wala na okay na Papa." Ang sabi ni Malaya habang hinaharot si Pina.
"Kaya tayo napapagalitan ng Principal ni Pina taon taon eh." Ang sabi ni Amihan habang kinukurot sa bewang ang kanyang asawa.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa isang sulok ng eskwelahan, may isang aninong palaging naroroon—laging tumatawa habang nagmamasid sa bawat kilos ni Pina. Walang nakakakita sa kanya, ngunit tila may kakaibang puwersang naglalaro sa paligid ng batang ito.
Ito ay umiikot madalas at pag may nakursunadahan ay tila pagkakatuwaan hanggang ito ay umayaw ng pumasok sa eskwelahan.
"Ang batang pinaglalaruan ko taon taon pagkatapos ni Pina ay sumuko na. Hi hihi. Andito na naman ang magulang ano kaya ang sinasabi." Ang sabi ng anino habang pumasok sa Principal room.
"Masakit na ulo ko, kanina si Pina ngayon naman ay ang taon taon natin na problema na si Anton. Dalawang batang pasaway sa eskwelahang ito." Ang sabi ng Principal.
"Mahal na kataastaasang guro. Naiintindihan naming pasaway si Pina, pero alam din namin dahil sa pagka inosente nito kaya ito nagagawa ni Pina, hindi namin maintindihan bakit ang mga ginagawa niya ay unti unti ng lumalala. Ang batang si Anton naman ay dating tahimik, nakausap mo na ang magulang at napuntahan na namin ang bahay. At wala din siya dapat bakas na dapat nating ikabahala." Ang sabi ng isang guro sa eskwelahan.
"Tama ka. Maliban kay Pina. Mas ikinababahala ko pa ang nangyayari kay Anton." Ang sabi ng Principal.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
"Haching!" Ang pag bahing ni Pina sabay singhot.
"Anak, gamitin mo itong panyo bilis punasan mo ilong mo, bilis eeew." Ang sabi ni Amihan habang napansin ang anak na bumahing.
"Ehehe.." Ang natuwa pang si Pina, habang kinukuha ang panyo.
"Singa ng malakas bilis." Ang sabi ni Amihan habang tinuturuan si Pina.
At iyon nga ang ginawa nito at ibinalik ang panyo. "Tapos na po Mama." Ang sabi nito habang inaabot.
"Ang bait bait naman ng anak ko. Bakit sa eskwelahan nagagawa mong maging pasaway." Ang sabi ni Amihan na nagtataka bakit nagkaganoon kanina.
"Baka, hindi lang nila matanggap ang pagka cute ng anak natin." Ang proud na pround na sabi ni Malaya habang nakaupo sa kanilang sala set.
Matapos ito sabihin ni Malaya ay pumasok sa loob si Tita Lutz, isa sa kanilang trabahador at pinagkakatiwalaan sa kanilang hotel.
"Naku-naku. Kaya ang batang yan ay spoiled eh." Ang sabi ni Tita Lutz habang inaabot ang sulat kay Malaya.
"Tita Lutz! Good Mowning po!" Ang sabi ni Pina habang ang ngiti ay abot tenga.
"Abay talagang cute nga ang bunso.(Kahit tanghali na good morning pa din). Good Morning din Bunsong liit." Ang sabi ni Tita Lutz sabay lumakad na pabalik sa kanyang pwesto.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kinabukasan ay pumasok na naman si Pina sa eskwelahan. Ngunit ngayon ay tila binabantayan ng guro ang kanyang kilos.
Napansin ito ni Malaya na siyang nag hatid kay Pina kaya nagtanong ito sa isang guro. "Madam, parang tila ata binabantayan niyo ang kilos ng bata?" Ang tanong ni Malaya na parang hindi nagustuhan ang ginagawa ng mga guro.
"Pasensya na po Ginoong Malaya. Pagbigyan niyo po akong magpaliwanag sa inyo bakit ganito ang biglang nangyayari." Ang sabi ng Guro habang halatang kinabahan.
Nagkaroon ng paliwanagan sa mga biglang ikinikilos nila. Hindi pa din gaano makapayag si Malaya sa ginagawa nila sapagkat tingin nito ay pinipigilan ang karapatan ng bata.
Ayon sa guro ay kahapon ang isa pa sa mga pasaway na estudyante ng kanilang eskwelahan ay may ginawa ding hindi maipaliwanag na kagaya ng kay Pina.
"Paano naman nadala ng bata ang isang katutak na palaka? At higit sa lahat. Hindi ito nakita o nakumpiska ng guwardiya ng eskwelahan? Ang tanong ni Malaya.
"Iyun nga ho ang naging problema Ginoong Malaya. Hindi ito nakita ng guwardiya at hindi rin ho napansin naming mga guro. Bigla nalang ito, may dala ng ganoon kadaming palaka." Ang sabi ng guro.
"At dahil doon. Binabantayan niyo na si Pina dahil baka kung ano din ang madala nito, ganoon ba?" Ang sabi ni Malaya na naasar pa din.
"Pasensya na po." Ang nasagot na lamang ng guro.
"Ano na nangyari dun sa batang sinasabi ninyo?" Ang tanong ni Malaya habang iniisip bakit nagkakaganoon.
"Hindi po papasok ang bata, sinuspinde po ito muna ng paaralan." Ang sagot ng guro.
"Mabigat na parusa, hindi ba nagkulang din ang eskwelahan?" Ang tanong ni Malaya na nag aalala.
"Gusto po namin kasi na magsama sama muna sila ng kanilang pamilya, baka may bagay na hindi namin alam, at kailangan nila na maayos ang kanilang pamilya. Yan po ay suspetiya lamang namin." Ang sabi ni guro.
"Salamat, at sinasabi niyo ito sa akin. Ngunit alam ko din kung bakit. Sinasabi niyo ba na maaring ganoon din kami ng pamilya ko?" Ang sabi ni Malaya.
"Pasensya po. Wala po kaming masamang balak o plano." Ang sabi ng guro, habang pilit pinapaunawa.
"Alam ko."(Bunso, ano ba ang nangyayari dito.) Ang sabi ni Malaya na halatang nag aalala na.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa loob ng klase ni Pina ay maayos naman ang mga nangyayari. Ang lahat ay nag paparticipate sa mga aktibidad na binibigay ng guro. Ang mga ito ay tahimik na nakikinig sa mga turo ng guro at sumasagot sa mga tanong nito.
Si Pina naman ang nangunguna sa klase lalo na sa pag sagot sa mga tanong ng guro na ikinatutuwa ng lahat.
(Ito ang mahirap eh, matalinong pasaway.) Ang nasaisip ng guro habang kumakamot ang ulo.
"Galing galing naman ni Pina tama ang lahat ng nasagot." Ang sabi ng kanyang guro.
Kitang kita kay Pina ang tuwa at hiya, sapagkat napapa kembot pa ito habang nahihiyang tumatawa.
Matapos ang klase ay nagsimula na ang recess at kanya kanya ng kumuha ng makakain ang mga kaklase ni Pina ng biglang may umiyak na isa sa kanila.
"Waaahhh!!" Ang hiyaw at iyak ng kaklase ni Pina.
Ang guro na lumabas ay minadali ang pag balik. "Bakit ano nangyari?" Ang nasabi ng guro na may halong gulat at pag aalala.
"Nawawala po baon ko." Ang iyak ng kaklase ni Pina.
Habang ang grupo ay nag aalala, si Pina ay kinuha naman nito ang kanyang baon.
(HHmmm.. May ita pang bokss dito.) ang nasa isip ni Pina ngunit hindi nito pinansin at kinuha lamang ang kanyang box.
Pinagmamasdan pa din ni Pina ang kanyang kaklase na umiiyak, kaya naman ang ginawa nito ay bunuhat ang kanyang snack box at lumapit.
"Ito hati tayo. Tabi Mama, dapat mag bigay, uhm maka bigay? Um… Bigay din ta iba." Ang kanyang sinabi habang nakangiti.
"Pina, mapagbigay iyon. Hmm, maaaring naiwan mo lang ang iyong snack box. Pero iyan oh, ang mga kaklase mo ay binibigay sa iyo." Ang sabi ng guro.
Samantala, ang anino na may balak na masama kay Pina ay napapitik ang dila habang pinagmamasdan ito sa di kalayuan.
"Kung pwede lamang na sabihin ko kung nasaan ang baon ng batang iyon. Ngunit baka mahuli ako.. Asar!" Ang sabi ng anino habang asar na asar na hindi gumana ang plano nito.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
"Ngayon sigurado ako.. Mapapahiya ka.." Ang sabi ng mapanusong anino.
Ang klase nila Pina ay muling nag umpisa at ngayon naman ang pakay nito ay mawala ang homework ni Pina.
"Okay mga bata, nasaan ang assignment na binigay ko? Nagawa na ba?" Ang masayang sinabi ng guro sa mga bata.
Ang lahat naman ng mga bata ay nagsabi ng "Opo Titser." Ngunit ng hanapain na ni Pina ang kanyang homework sa kanyang bag, at pinagmamasdan mabuti ng anino dahil sa ginawa niya. Ito ay nagulat ng kinuha ni Pina sa loob ng Snack Box.
Sa gulat ng Anino sa nangyari ay agad nitong tinignan ano ang kanyang nakuha at tumambad sa kanya ang notepad na panay drawing ni Pina. Ang masakit pa sa kanyang nakita ay ang mukha na naka dilang bata na tila ba nang aasar dito.
"Aaarrrggghh! Kainis naman talaga!!" Ang sabi ng anino habang nagwawala ito sa malayo.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
"Malapit na sila Pina mag uwian! Kailangan ko na ulit gumawa ng malaking kahihiyan sa kanya! Hindi pwede ito!" Ang galit na galit ng anino.
Nang si Pina ay pupunta na sa playground ay may nakita siyang tila isang anino ng pusa. Napansin niya ito at dahil sa kasiyahan ay agad itong sinundan.
"Meow Meow! Dito lang!" Ang sabi nito habang sinusundan ang anino ng Pusa.
Tumakbo si Pina hanggang mapunta sa taguan ng mga gamit ng pag turo ng eskwelahan at pumasok si Pina.
"Meow? Meow? Dito ka?" Tinatawag ni Pina ang pusa habang tinitignan ang madilim na kwarto.
(Hmm. Wala dito meow meow.) Ang nasa isip ni Pina kaya agad itong tumalikod at lumabas.
"O, anong ginagawa mo diyan iha?" ang tanong ng isa sa mga guro na nagulat kay Pina.
"May meow-meow po." Ang sabi ni Pina habang sumesenyas kung gaano kalaki ang pusa kahit hindi naman niya talaga ito nakita.
"Ang laki naman ng pusa na yan. Nasa loob?" ang sabi ng guro.
"Opo. tityer. Malaki~" Ang sabi ni Pina na pinaninindigan ang senyas nito.
Kaya naman, ang guro ay sumilip panandalian, at bumalik ka agad para lamang mapag bigyan ang bata.
"Malamang nakawala na yun. Halika na sa harap iha. Ano pangalan mo?" Ang tanong ng guro.
"Ako po si Filipina Toyes. Limang taon gulang." Ang sabi ni Pina na tila kabisadong kabisado na ang pag sabi nito.
"Ahaha. Memorize mo na yan ha. Very good." Ang sabi ng guro habang sila ay naglalakad pabalik sa harapan.
Samantala, sa loob ng kwarto ay nandun pa din ang anino na asar na asar sa pangyayari
"Ano ba problema ng guro na yan, sisilipin na lang hindi pa ginawa ng maayos!" Ang galit na galit na anino.
Maya maya ay biglang may nabuong bilog na espiritwal sa kanyang tabi na ikinagulat nito.
"WaaahhH! Ano ito?!" Ang kanyang nasabi.
Matapos ng bilog na enerhiya, naging isang parang lagusan ,at lumaki na kasya ang isang tao ay biglang may lumabas na isang nilalang galing sa loob.
Akala ng anino ay kagaya ng ibang nilalang ay hindi ito nakikita. Kaya walang katakot takot at hindi man lamang naisip mag tago.
Isang lalaki may maputi puting buhok at nakabalot ang mukha at nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ang dumating. Ito ay may kayumangging kulay at ang ibang parte na nakikita ay nababalot ng tattoo. Di man lang nag tagal ay agad itong lumingon kung nasaan ang walang katakot takot na anino.
"Isang engkanto? Bakit ka naririto?" Ang sabi ng lalaking ang boses ay malalim at nakabalot ang mukha.
Nung una ay tumahimik pa rin ang anino tinatawanan lamang ang lalaki sapagkat akala niya hindi siya nakikita.
Mabilis na sinunggaban ng lalaki ang anino at tinutukan ng kanyang patalim.
"Hindi ka sasagot?" Ang tanong nito na ang mga mata ay naninisik at nakakatakot.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Dumaan ang sumunod na araw at si Pina ay muling pumasok sa kanyang eskwelahan.
"Love you Bunso." Ang sabi ni Amihan na siyang nag hatid kay Pina ngayong araw sa kanyang eskwelahan.
""Love you too Mama!" Ang sabi ni Pina, habang naka pose pa na nakataas ang mga kamay.
(Ang cute, cute, cute, cute talaga ng anak ko!) Ang bulong sa isipan ni Amihan habang pinagmamasdan ang kanyang anak na pumapasok sa eskwela. Ngayon araw ay naka PE uniform ang mga bata, imbis na naka uniform na palda, ngayong araw sila ay naka t shirt at shorts na navy blue.
"Kaya lang pag kumilos anak ko parang lalake. Ano ba yan." Ang sabi ni Amihan na halatang naguguluhan paano ayusin ang anak.
Sa loob ng eskwelahan si Pina ay agad pumasok sa kanyang klase. Ang anino ngayon ay sumusunod na sa Lalaking nakabalot ang mukha at inutusan itong hanapin ang babaeng nag ngangalang Pina.
Dahil alam nito na si Pina ang taong kanyang pinaglalaruan ay agad nitong natungo at natupad ang utos ng Lalakeng nakabalot ang mukha at hinayaan na siyang mamuhay ng walang kaba.
(Makakaganti din ako tandaan mo yan boy angas.) Ang nasa isip ng anino habang pinagmamasdan si Pina.
Nagulat ang anino ng nasa likod na pala nito ang Lalake na gumagamit ng invicibility na majika. "Iyan ba ang tinutukoy kong babae na tinatawag nilang si Pina?" Ang tanong nito.
"Tama ka Maginoo. Iyan ang batang si Pina. (Balang araw makikita mo boy angas!) Ang sinabi nito sa Lalaking nakabalot ang mukha habang iniisip ang mga gustong gawin sa kanya.
"May sinasabi ka bang ibang bagay?" Ang tanong nito habang pinagmamasdan ang anino.
"Ahaha, wala Maginoo. Ako ay taga suporta mo. Gusto mo ba ng masahe? (Arrgghhh! Mapilay ka sana!) Ang sabi nito ulit.
"Sige sabi mo eh." Ang sinabi ng Lalaking nakabalot ang mukha. Habang ito ay naglalakad paalis sa classroom ay tila napatid nga ito.
"Ahihi. Ehem. (Buti nga!) ang sabi ng Anino habang pinigil ang tawa.
"Tinawanan mo ata ako eh." Ang sabi ulit ng Lalakeng Nakabalot ang mukha.
"Hinde, hinding hindi kita tatawanan, Maginoo." ang sabi ng anino habang pinaglapat ang mga palad at minamasahe ang mga ito.
Hindi napansin ng dalawa na si Pina ay lumapit sa kanilang lugar at tumitig sa kanila na tila ba nakikita sila at nakatagilid ang ulo.
"Hmmmm." ang nasabi ni Pina na tila nagtataka.
Habang ang anino at ang lalaking nakabalot ang mukha ay halos hindi na makahinga sa nangyari.
"Pina! Anong ginagawa mo diyan? Hindi pa po tapos klase." Ang sabi ng Guro habang tinatawag ito.
"Hanap ko meow-meow!" Ang sabi ni Pina at humarap sa guro.
"Balik na dito. Wala meow meow diyan. Sige ka hindi kita tatatakan ng Star." Ang sabi ng Guro.
Agad tumakbo pabalik si Pina sa kagustuhang matatakan ng star ang kanyang mga kamay.
"Gusto ko po Star!" ang sabi ni Pina pabalik ng classroom.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Matapos ang klase ay naglaro muna si Pina sa playground.
Naglaro si Pina ng bola mag isa at tinatapon tapon niya ito. Ngunit sa isang talbog ng bola ay tumungo ito papasok sa madamong lugar at doon sinundan ni Pina.
"Boya, taan ka? Boya?" Ang sinasabi nito habang hinahanap.
Ang bola ay tumalbog patungo sa Lalaking nakabalot ang mukha at kinuha nito.
"Ito ang bola bata." Ang sabi nito habang inaabot kay Pina.
Napatingin si Pina sapagkat bago ang lalake sa kanyang mga mata.
"Bakit po nakatakip mukha mo?" Ang tanong ni Pina na intersadong malaman ito.
"Uhm, nasaan ang salamat po? Bago ang tanong na yan po?" Ang sabi ng Lalaking nakatakip ang mukha.
"Ayy, Salamat po." Ang sabi ni Pina habang yumuko pa ito.
"Ehehe, nakatakip ang mukha ko dahil. Sikreto…. Ahahaha. Ano Pangalan mo?" ang sabi ulit nito at tanong habang nililito si Pina sa kanyang mukha.
Lumobo ang pisngi ni Pina dahil sa ginawa nito at sinabi. "Daya! Pangalan ko. Ako po si Filipina Torres, limang taon gulang!" Ang sabi ni Pina habang pumamewang gaya ng Nanay niya pag pinapagalitan.
"Pina! Andito na Mama mo!" ang sigaw ng isang guro na naghahanap sa kanya.
"Ay, bye bye po…." Ang sabi ni Pina habang tumagilid ang ulo dahil hindi alam ang pangalan.
"Lakan ang Name ko. Bye bye muna Pina" Ang sabi nito habang kumakaway.
Kumaway din si Pina at tumakbo na pabalik sa guro.
"Anong ginagawa mo jan! Naku naku!" ang sabi ng guro na tila pinapagalitan si Pina.
Lahat ng pangyayaring ito ay nasubaybayan ng Anino at nangangarap na naman na balang araw ay makaganti na naman ito.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kinabukasan, matapos ulit ang klase nila Pina, ay siya itong nag madaling hanapin si Lakan sa lugar kung saan niya ito nakita.
"Kuya Lakan!" Ang tawag ni Pina habang palingon lingon kung saan saan.
Maya maya ay nagpakita si Lakan sa tabi ng puno ng acacia.
"Oy, Bulilit, ano mapag lilingkod ko sa iyo?" Ang tanong ni Lakan habang sumandal sa puno.
Sa isang malaking ngiti ni Pina ay pinakita nito ang kanyang mga stars sa magkabilang kamay.
"Aba, (ano kaya ibig sabihin non?) galing naman ha. Dalawang bituin." Ang sabi ni Lakan.
"MMm! Very Good daw ako sabi ni Titser!" Ang sabi ni Pina habang pinag yayabang ang kanyang mga stars sa kamay.
(Anino. Ano ibig sabihin ng Very Good?) Ang tanong ni Lakan ng pabulong kay Anino.
(Ito ay magaling, maganda, isang positibong bagay. Hindi ko alam kung bakit ngunit ito ay isang masaya at nakakatuwang bagay lalo na sa mga bata.) Ang pabulong na sagot din nito na tila isang robot.
"Magaling Pina!" ang sabi ni Lakan at hinawakan ang buhok at tinapik tapik.
"Alis na po muna ako. Uwi na ko. Bye bye" Ang sabi ni Pina at tumakbo papunta sa harap ng eskwelahan.
"Napapamahal ka sa batang iyan. Maginoo." Ang sabi ng anino kay Lakan.
"Hinding hindi ko hahayaan madamay ang batang iyan. Poprotektahan ko kung kinakailangan." Ang sabi ni Lakan habang tiningnan ang anino at nagbago ang mga mata na kanina ay may lambing at pagmamahal.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Isang gabi sa eskwelahan ni Pina.
Habang ang anino ay namamasyal sa eskwelahan ay bigla na naman may bumukas na teleportation circle.
Sa gulat nito ay gusto na naman nitong tumakbo dahil sa naranasan nito kay Lakan, ngunit ang pwersa na lumabas dito ay pinahinto ang kanyang mga lakad.
May tatlong tao na nakasuot ng itim na mga damit ay lumabas.
"(Bakit ba ang hilig ng mga tao na ito mag suot ng itim?) Ang malas naman bakit naman nadadamay ako dito!" ang sabi ng Anino.
Maya maya pa ay may lumabas pang isa, at ito naman ay isang babaeng nakasuot itim na baro't saya at may talukbong sa ulo na itim.
"Wag kang matakot kaibigan." Ang sabi nito habang ang mga ngiti ay nakakatakot.
(Itim na naman ang suot) Ang nasabi na lamang sa isip ng anino.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Dahil sabado ngayong araw ay walang pasok sa eskwelahan kung saan nag aaral si Pina.
Ngayon ang batang cute na cute ay mas pinili pang guluhin ang kanyang Tita Lutz
"Ato din po. Tita Luch. Ako din sulat." Ang makulit na sinasabi ni Pina habang si Tita Lutz niya ay inaayos para sa kanilang hotel cafe menu.
"Ang kulit ng bata. Ayaw manood?" Ang tanong nito kay Pina habang napilitang ibigay ang makukulay na chalk.
Ngunit dahil ramdam na ramdam sa bahay na ito ang pagmamahal kay Pina ay hinayaan nito isulat ang menu, dahil din dito ay naging makulay at kakaiba ang kanilang menu design.
Dumaan si Tito javier na isa pa sa mga tauhan sa hotel na iyon, at natuwa sa kanyang nakita.
"Magaling batang Pina. Ginulo mo nanaman ang Tita Lutz mo." ang sabi nito habang tumatawa.
"Ehehehe." Ang nahihiyang tawa ni pina habang ito ay pinupuri.
"Pina! Andito ka pala. Halika maligo na bilis!" Ang sabi ng kanyang Nanay na may seryosong tono.
Agad tumakbo si Pina ng marinig niya ang kanyang Nanay at ito ay sumunod.
"Hala. Pag dating sa Nanay tiklop ang makulit na si Pina." ang sabi ni Tita Lutz habang tumatawa.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa araw din ito ay may kakaibang nangyayari sa eskwelahan, ang tahimik na eskwelahan ay may kakaibang enerhiyang bumabalot.
Si Lakan na, nagmamasid sa lugar ay nakaramdam nito at pinuntahan kaagad.
Habang nagtatago si Lakan ay nakita niya ang paglabas ng mga taong nakasuot ng traditional na damit ng mga panahon ng mga datu at ang kalalakihan ay mga naka itim ang kulay.
"Paano nila kaagad natunton ang lugar na ito?" Ang tanong ni Lakan sa sarili.
Maya maya ay nakita niya ang isang anino na kanyang kilala.
"Buset na maligno yun oo, siya pala ang may gawa." Ang sabi ni Lakan habang sumisilip sa kanila.
"Ehem, tama ka. SIya nga ang dahilan." Ang biglang sinabi ng taong nasa kanyang tabi.
Nagulat si Lakan at napatingin. Hindi niya akalain na ang kanyang lugar ay sobrang dali makita.
(Grabe. Sayang din ang ginawa kong pagtatago.) Ang nasa isip ni Lakan. "Paano mo ko nakita? Pinaghirapan ko ito." Ang sinabi nito.
Hindi na sumagot ang isa sa mga mandirigmang nakasuot at balot ng itim na kadamitan. Ito ay tumingin na lamang at itinuro kung nasaan sila nakapwesto kaya siya nakita.
Doon napag alaman ni Lakan na kahit ano pala ang kanyang gawin noong una ay kitang kita ito sapagkat sila ay nasa taas ng building at tanaw na tanaw si Lakan lumalakad mula sa kalayuan.
"Dapat pala ginamit ko ang aking majika." Ang sinabi nito at tumawa habang kinakamot ang kanyang ulo.
Pagkasabi nito ay ang mga kalaban ay nagsimulang inilabas ang kani kanilang armas may mga espada at mga bangkaw na isang uri ng sibat.
"Pwede akong sumuko?" Ang tanong nito habang itinaas ang mga kamay.
Ngunit walang balak ang mga ito at biglang sumugod. Ngunit dahil sa bihasa sa arnis at pakikipaglaban si Lakan ay naiwasan nito ang mga pag atake ng kalaban.
Nilabas na ni Lakan ang kanyang pinute at biglang bumilis ang mga galaw, isa isa nitong pinataob ang mga kalaban.
"Sabi ko sa inyo susuko ako ayaw niyo. Nadinig kaya kami ng mga ito?" Kailangan ko silang puksain isa isa. Dalawang bagay lang iyan ako o si Pina ang pakay ng mga ito." Ang sinabi ni Lakan habang isa isang itinabi ang mga kalaban at dinala sa isang teleportation portal.
Sa gabing ito, isang madugong gabi ang dadanak, ang hangin ay naturang malamig, ang amoy ng dugo ay aalingasaw, ang buwan ay namumula.
Ngayon ay ginamit ni Lakan ang kanyang Majika. Sa bawat dinaanan niya ay isa isang naglalaho ang mga kalaban.
Matapos ang mahabang gabi, ang mga kalaban na nasa eskwelahan ay mistulang isang panaginip na lamang. Isa isang nawala, naglaho na parang bula.
May mga pagkakataon na ginamit niya ang mga lubid na gawa sa malalambot na bakal, ang kanyang espada at mga panaksak.
Si Lakan ay bihasa sa mga ganitong uri ng pakikipaglaban.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Lumipas ang katapusan ng linggo ay araw muli ng pagpasok ng mga estudyante.
Si Pina na hindi na mapakali sapagkat magkikita na naman sila ng kanyang bagong kaibigan ay hinahanap ito ng oras ng recess.
"Kuya Lakan!" Ang tawag nito sa lugar kung saan sila madalas nagtatagpo.
Ngunit ngayon ay tila, may ibang pakay ang tadhana.
Sa araw na ito ang kanyang nakita ang isang Babae na nababalot ng itim na kasuotan, kasama ang mapaglarong anino, habang si Lakan, ay nakahiga sa masukal na parte ng eskwelahan.
"Kamusta Pina. Ako nga pala si Mayari." Ang sabi ng Babaeng nababalot ng itim na kasuotan, at sinabayan nito ng isang ihip na naging sanhi ng pagkawala ng malay ni Pina.
"Bwahahahaha! Nakaganti din sa mga ito. Ako naa—" Ang sabi ng Anino na biglang naglaho.
"Ayoko ng maingay na maligno. Lakan. Bakit mo tinraydor ang samahan. Tinuring pa naman kitang kaibigan." Ang sabi ni Mayari sabay binuksan ang teleportation portal na kumuha kela Pina at Lakan.