Chereads / Salamangka ng musmos / Chapter 3 - Chapter 3 - Salamangka Ng Musmos

Chapter 3 - Chapter 3 - Salamangka Ng Musmos

"Madam. Wala pa din si Pina! Pinuntahan ko siya pero wala daw doon. Hindi ko na po alam saan ko siya hahanapin." Ang sabi ni Tita Lutz habang namumutla na sa takot at kaba.

Kausap ni Tita Lutz si Amihan tungkol sa biglang pagkawala ng kanyang anak. Agarang pumunta si Amihan sa kanyang eskwelahan kasama si Malaya.

"Teacher. Hindi pa po nakakauwi si Pina. Pasensya na po sa abala." Tanong ni Amihan sa guro ni Pina na puno ng pangamba at pag aalala.

"Pasensya na po mommy, hindi, hindi rin po namin alam kung nasaan si Pina, Akala ko po kinuha niyo na siya, bigla na lang siyang nawala." Sagot ng guro na kitang kita na natatakot sa nangyayari.

Habang nag uusap usap ang mga ito, si Malaya ay nag lakad sa kanyang classroom. Pinagmamasdan niyang maigi ang lugar, at pumukaw sa kanyang pansin ang mga drawing ng mga bata.

"Teacher. Sino po ba itong drawing na kasama ni Pina?" Tanong ni Malaya, na hata na nagtataka.

"Kaibigan daw niya po iyan lalaki na iyan." Sagot ng guro na nagtaka din, sapagkat hindi pala alam ng kanyang magulang ang taong ito.

"Pasensya na po. Pero baka iyan yung Kuya Lakan niya? Napag kwentuhan po namin ng batang iyan itong tao na ito. Hindi niyo po ba kasama sa trabaho iyan?" Biglang tanong ni Tita Lutz na tila may alam sa taong ito.

"Ay wala po kaming kasamang ganyan dito. Nang mga nakaraang araw po, ay parang tila madalas po siyang maglaro doon sa bandang likuran, masukal po at mapuno doon." Ang sabi ng nagulat na guro sa sinabi ni Tita Lutz.

"Turo niyo po sa amin ang lugar na iyon." Sagot ng kanyang Nanay na si Amihan.

Agaran silang pumunta sa likod ng eskwelahan kung saan madalas si Pina nag tutungo.

"Bunso, anong ginawa mo. Nasaan ka na?" Ang tanging nasambit ni Amihan.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa mga Mata ni Pina.

Pagdilat ng mata ko ang una kong nakita ay isang madilim na kwarto. Sa takot ko ay naiyak ako at biglang may humawak sa aking bibig.

"Sssshhh.. Wag na matakot Baby Pina. Di na matatakot yan, kasama mo ako. Hmmm." Ang sinabi niya na may halong lambing at pagmamahal.

Pag tingin ko agad kong nakilala kung sino iyon. Isang lalaki may takip ang mukha.

"Kuya Lakan!" agad kong nahiyaw na may tuwa at galak.

"Yes kaibigan ko. Ako ito. Ngunit wag masyadong maingay kasi may mga uhm, may mga tao dun ayaw ng maiingay bad sila." Sagot sa akin ni Kuya Lakan na ang boses niya ay tila nag aalala.

"Opo, Di na po atoh mag ingay." Ang aking nasabi hindi to din naman alam bakit.

Ilang minuto pa ay may tunog kaming nadinig.

Inilagay niya ako sa kanyang likuran at sumenyas ng wag mag iingay. Hinawakan ko ang aking bibig at sinabing "Okie!" sabay tango.

Tinititigan ko maigi si Kuya Lakan, parang nahihirapan Kuya Lakan at titig na titig sa labas, hindi niya ako tignan.

"Lalabas tayo dito Pina.. Ang gusto ko pag hudyat ko na Lobo ang gagawin mo ay pipikit at tatakpan ang tenga ha? Malinaw Pina?" Ang sinabi sa akin ni Kuya Lakan.

Tumango lamang ako kasi sabi nga ni Kuya Lakan ay wag atong maingay.

"Oo nga pala, sinabi ko nga pala wag ka mag iingay hahaha." Ang sabi ni Kuya Lakan tumawa at nginitian ako.

Dumating na ang taong naglalakad patungo dito, at itsura siya ng mga sinasabi ni tatay na hudloom pag nanonood siya ng palabas sa tv.

"Hahaha.. Pinahirapan pa kami saglit lamang naman pala mahuhuli din namin ang batang yan. Dumagdag ka pa Lakan, sinayang mo ang pagkakatiwala sayo ng ating kamahalan."

"Kahit kailan hindi ko hinangad makisali sa pangarap ng iyong kamahalan. Pag bigyan mo lang ako buksan mo yan at siguradong tataob ka sa akin." Sagot naman ni Kuya Lakan. HIndi ko man talaga maintindihan pinag uusapan nila.

Maya maya pa nadinig ko na ang kanyang hudyat. "LOBO!" at siya kong ipinikit ang aking mata at tinakpan ko ang aking tenga.

Saglit lamang ay may humawak na sa akin at nadinig ko si Kuya Lakan. "Halika na Pina, makakalabas na tayo dito."

Lalabas na sana ako ng nakaramdam ako na lalabas na ang aking wiwi.

"Wait po Kuya Lakan. Wiwi lang po ako." Ang aking sabi, sabay baba ng aking shorts at sinimulan na ang pag wiwi.

Matapos akong mag wiwi ay nag hahanap ako ng tubig na pang hugas sa akin kamay ngunit wala akong makita. Pag harap ko kay Kuya Lakan ay inabot niya ang isang baso ng tubig.

"Naka wiwi ka na? Toh hugas kamay eew." Ang kanyang sabi habang binubuhusan ang aking kamay.

"Ahahaha. Thank You po!" Ang aking nasabi habang tumatawa

Binuhat ako ni Kuya Lakan at ramdam ko na dahan dahan kami naglalakad sa lugar, may mga oras pa nga na binababa niya ako o kaya sinasabihan niyang pikit at takpan ang tenga.

"Good girl ka ha.. Behave lang muna Pina. Pag labas natin dito kakain tayo at mag lalaro." Ang sagot ni Kuya Lakan na nakakapagpasaya sa akin.

"Opo! Gusto ko ng mami! Masharap yun!" Ang aking sagot gugutom na ko eh.

"Ahahaha.. Yehey talagang masarap yun. Oras na makalagpas tayo dito makakakain ka na nun." Ang sagot ni Kuya Lakan at talagang natutuwa ako sa mga kilos niya.

Bigla nalang may nag palipad ng fireworks sa amin. Kitang kita ko ang apoy na pumunta sa pwesto namin at agad namang tumalon palayo si Kuya Lakan.

"Waaahhh! Ang ganda!" Ang aking nasigaw at tuwang tuwa ako sa kinang at kintab ng mga bagay na aking nakikita.

Sinabihan ulit ako ni Kuya Lakan na pumikit ngunit dahil sa ganda ng aking mga nakikita ay hindi ko na magawang ilayo ang aking tingin. Ngunit saglit lang ang naging kasiyahan ko sa nangyari sapagkat si Kuya Lakan ay napatalon sa mataas na lugar.

"Kapangyarihang majika Palutangin mo ako." Ang sabi ni Kuya Lakan.

Pagkasabi niya nito bigla kami lumipad, para akong tweet-tweet. Tuwang tuwa ako tapos kinikiliti pa ko ni Kuya Lakan.

Pagdating namin sa ibaba ay gusto ko pa ulit lumipad.

"Kuya Lakan! Ulit po, ulit." Ang aking pagkakasabi habang itinaas ko ang aking mga kamay

"Pag labas natin, lilipad tayo ulit." Ang sabi ni Kuya Lakan. Sige na nga sa labas nalang may nakita naman akong isang bagay na gusto ko.

(Ang bango, gutom ako.) ang aking iniisip.

Bigla akong umalis sa tabi niya na at ramdam ko ang kanyang paghabol ngunit napahinto.

"Tignan muna natin yan baka hindi na maayos kainin." Sagot ni Kuya Lakan sa akin.

Agad kong binigay ang tinapay na aking nakita sa kanya, at agad niyang inamoy at tinignan.

"Pwede pa ito. Sige kainin mo na." Matapos niyang sabihin ay tuluyan na kong kumain. Hmm, walang lasa at matigas ang tinapay.

Nakita niya ang aking itsura at lungkot dahil sa tigas ng tinapay at tumawa. Pinagmasdan ko siya at nakita ko na pumunta siya sa malaking baso at tiningnan ang loob.

"Kuya Lakan, ano po yaaaan?" Ang aking tanong.

"Hmmm. Mukhang kanina ay nagkainan ang mga tao dito, isda ang ginamit kaya siguradong makatao at ligtas." Ang pagkakasabi ni Kuya Lakan. Kitang kita ko na tinikman niya muna ang nasa malaking baso kaya pinuntahan ko siya.

"ops dito lang, ahaha.." Ang kanyang pagkakasabi.

Nakalagay na sa mangkok ang sabaw nito, kinuha niya ang matigas na tinapay na aking hawak at nilagay sa sabaw at kinain.

"Hmmm, ang sarap. Yummy na tinapay. Gusto mo?" Ang sabi ni Kuya Lakan.

"Yes po!" ang aking sagot at sinubo ko ang tinapay.

"Di pa rin yummy yan." Ang aking sinabi. Ngunit dahil sa ngiti at lambing ni Kuya Lakan ay nagawa kong ubusin ang akin nakain at ako ay nabusog.

Matapos kong kumain ay binuhat ulit ako ni Kuya Lakan at umalis sa lugar na iyon ang sabi niya ay delikado pa din ang lugar.

Habang naglalakad kami ay para akong naduduyan ni Kuya Lakan inaantok na ko unti unti ng pumipikit ang aking mga mata.

"Tulog na Pina." Yan ang nasabi ni Kuya Lakan at tuluyan na akong nakatulog.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Nang tuluyan ng nakatulog si Pina ay binantayan ni Lakan ang lugar, tinitignan niya ang paligid at nakitang hindi ligtas dito. 

Kaya naman nabuo ang loob niya na mapapalaban siya habang natutulog ang bata.

 

Inilagay ni Lakan si Pina sa isang binalot na malaking bimpo at nilagay sa kanyang likuran, panatag na panatag ang bata ng ginamitan niya pa ng majika na tila isang dome na bumalot kay Pina at umaabsorb ng mga nangyayari sa labas. 

"Swerte naman at marami akong nakuhang pandagdag lakas sa aking majika." Sabi ni Lakan na buong buo ang pag asang makakaalis sila sa lugar na kanilang kinaroroonan.

Ang lugar na ito ay isang malaking kweba na may taas at baba, at mga malalaki at malalawak na espasyo, para na talaga ito na isang barangay sa loob ng kweba.

Sa sobrang tahimik ng lugar na kanyang nilalakaran at lalim ng kanyang pag iisip ay ultimo hininga at yapak ng kanyang paa ay kanyang kinabisa.

Dahan dahan naglalakad si Lakan sa lugar upang hindi mahuli ng mga kalaban bawat tunog na kanyang nadidinig ay nagiging hudyat kung siya ay mapapalaban o mag tatago.

Sa dulo ng kanyang nilalakaran patungo sa labasan ay naroon at nakaharang ang babaeng sa eskwelahan ay kanyang nakalaban.

"Lakan. Bakit mo ito ginawa?" Tanong ni Mayari na halatang nalulungkot.

"Hindi mo ba nahahalata kung sino ang talagang masama dito? Ang batang ito, ito ay gagamitin para lalong palakasin ang anitong itim!" Sagot ni Lakan na kitang kita sa kanyang mata ang gigil sa nangyayari.

"Ang batang iyan ay isang hadlang sa ating pangarap. Ang sibilisasyong nawasak noong unang panahon!" Sagot ni Mayari.

"Inosente ang bata. Mayari. Pag nakasama mo siya malalaman mo ang aking ibig sabihin." Ang sagot nito.

"Tama na ang salita. Kalaban ka na din namin, sa ginagawa mong ito dapat ka ng pigilin o puksain." Sagot ni Mayari na naghahanda na sa isang matinding laban.

"Hindi kita kalaban. Utang na loob, maniwala ka sa akin." Sagot ni Lakan.

At hindi na nag salita si Mayari at nag umpisang umatake. Agad itong nilabas ang kanyang panipit sa buhok at nag anyong sinampakan o spear sa ingles. Ang sinampakan ni Mayari ay may katawang spear ngunit ang ulo ay parte ng isang itak na may matulis na dulo. Pwede niya ito pang saksak o pang hiwa sa kalaban, habang siya ay malayo sa abot ng kalaban. Maaari itong ihambing sa isa pang sandata na tinatawag na Panabas ngunit ang katawan nito ay mas mahaba.

Nahihirapan si Lakan sa kanyang kalaban dahil hindi na ito ordinaryo gaya ng iba, at higit sa lahat ay ayaw niyang saktan si Mayari. Sinipa ni Mayari si Lakan na naging dahilan ng kanyang pag bagsak, habang babagsak si Lakan ay bigla siyang matutulak patagilid dahil sa pwersa ng kanyang majika na ginagamit kay Pina.

"Pinoprotektahan mo pa din siya hanggang sa pagbagsak!" Sagot ni Mayari.

"Ssshh! Natutulog ang bata!" Napasigaw na sabi ni Lakan kay Mayari na biglang na napaisip na nag ingay ito.

Pareho silang nahinto, at tinitigan ang bata at dun nakita nilang tulog na tulog pa din ito, matapos ay sabay silang napa buntong hininga ng makitang tulog na tulog pa din ang bata.

"Pagbibigyan kita Lakan. Ilapag mo muna ang bata sa tabi at ng ikaw ay makalaban ng maayos." Sagot ni Mayari.

"Ayoko nga, paano pag nilapag ko tapos isa sa inyo biglang lumabas at kunin siya. Ano ko walang isip?" Ang sagot ni Lakan na tila nangaasar pa.

"Arrrgghh! Walang gagalaw jan sa bata. Ako ang nagsasabi sayo. Walang ibang tao dito. Kilala lang kita at alam ko ang iyong dadaanan." Sagot ni Mayari.

At iyon na nga, pumayag si Lakan sa kanyang sinabi at nilapag niya si Pina sa tabi na kanila pa ding natatanaw.

"Sabi mo walang mangyayari ha. May tiwala ako sayo." Sabi ni Lakan kay Mayari na may mukhang nag aalala.

"Lakan, ano akala mo sa akin masamang tao?" Sagot ni Mayari na proud sa kanyang sarili.

Sa isip isip ni Lakan ay (hindi ba sinamahan mo ang mga masasama.)

Pumorma na si Mayari at pinagmasdan si Lakan sa kung ano ang kanyang gagawin. Ini angat na ni Lakan ang kanyang kamay at may lumabas na espada, isang susuwan ang kanyang panlaban.

"Handa ka na ba Mayari?" Tanong ni Lakan habang nakatitig lamang ito sa gagawin ng kanyang katunggali.

"Handang handa na." Ang kanyang sagot na sinabayan ng kanyang pag atake.

Matindi ang kanilang naging laban, ngunit nakikita na mas malakas si Lakan at hindi nag papatalo sa bilis at layo ng kanyang atake.

Maya maya pa ay biglang may humablot kay Pina at tinakbo ito palayo.

Napahinto agad si Lakan at pinigil ang pag atake ni Mayari gamit ang kamay. Hinablot nito ang kanyang Sinampakan.

"Anong sinabi mong walang kukuha!" Galit na sinabi ni Lakan.

"Hindi ko ipinag utos yan, wala akong alam na magkakaganyan." Sagot ni Mayari na hindi rin makapaniwala natagpuan ang lugar na kanilang pinaglalabanan.

Agaran hinabol ni Lakan ang umagaw kay Pina at sa likod nito ay sumunod si Mayari. Hinabol nila ito hanggang sila ay dumating sa isang espasyo na mayroon rebulto ng bathalang itim.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

"Sa wakas ay naibigay niyo na din ang bata. Tama na ang laro!" Ang sinabi ng matanda na nag hihintay. Nakasuot ito ng nag gigintuan na alahas. At mayroon siyang sumbrerong katutubo.

"Mahal na Babaylan, ito na ang ating alay, ang batang ito ang isa sa magiging susi ng muling pagkabuhay ng ating panginoon." Ang sabi ng lalaking umagaw kay Pina.

"Ilagay mo siya sa higaan ng pag aalayan. At sama sama tayong mag dadasal upang ito'y iaalay." Sagot ng Nakakataas na Babaylan.

Habang sila ay nag hahanda at mag dadasal ay biglang pumasok ang dalawa si Lakan at sa kanyang likuran na humahabol ay si Mayari.

(Lalayo ka na ba talaga sa akin Lakan? Tuluyan mo na ba lilisanin ang samahang nagpalaki sa atin? Para diyaan sa bata? Ano ba ang pinaglalaban mo?) Ang nasa isip ni Mayari habang tumatakbo sa likod ni Lakan at pinagmamasdan ito.

"Mukhang may kasiyahan dito Pinuno?" Ang sabi ni Lakan na alam mong nang aasar.

"Mayari. Alam mo na ang gagawin sa traydor na yan. Tapusin mo siya sa harapan ko!" Ang sagot ng Babaylan. 

Napaatras si Lakan kay Mayari para mapansin kung sino ang unang kikilos. 

(Mukhang tama si Lakan, mukhang ako ang nasa mali dito. Hindi hindi niya aalay ang kanyang buhay para sa iba. Kilala ko si Lakan malaki ang tiwala ko sa kanya.) Ang nasa isip ni Mayari.

Humakbang si Mayari paikot at sa hindi inaasahan ng karamihan ay ng malapit na siya sa kung nasaan si Pina ay biglaan tinalon ang bata. Ngunit sa huling pagkakataon ay naka tiyempo ang Babaylan at napigil siya.

Dinig na dinig ang pag pitik ng kanyang dila at sinabing "Sayang, konti nalang."

Napatingin at nanlaki ang mga mata na lamang ni Lakan sa nangyari at di agad nakaimik ng sinabihan siyang "Kunin mo si Pina bago mahuli ang lahat!" ni Mayari.

Agad na kumilos si Lakan, ngunit hindi niya magawang makalapit sapagkat ang lakas ng babaylan ay tumataginting.

"Kailangan ko ang tulong mo Mayari!" Ang sigaw ni Lakan.

Agad kumilos si Mayari at umatake na din, ngunit biglang kumumpas ang maestro at nag suguran ang mga sugo nito. Ngunit dahil perehas malakas ang dalawa ay hindi kinaya ng mga ito.

Nakagawa ng espasyo si Lakan upang sumugod muli sa Babaylan at sa kanyang pag sugod ay ginamitan niya ng kanyang majika (gagamitan ng author/sumulat ng ingles na lengwahe para madali mapaliwanag at sa mga susunod ay ganun din) [Wind Shot].

Nabigla ang babaylan sa kanya at napa ilag. Ngunit bago pa ito maka kilos muli ay bigla namang umatake si Mayari at ginamitan niya ng kanyang majika ang kanyang sinampakan at nang itinuro nito sa babaylan ang kanyang sandata ay biglang mas humaba.

Nang sila ay papalapit na ay ginamitan ng babaylan ng kanyang majika na kung saan ang dalawa ay tumilapon papalayo.

"Tama na ang larong ito!" Ang hiyaw ng babaylan na galit na galit.

Matapos niyang humiyaw ay may malakas na naman na hanging pumigil sa dalawa upang maka galaw.

Lumapit itong muli kay Pina na tulog na tulog dahil sa majika na ginamit kanina ni Lakan.

"Lakan sinayang mo ang pagkakataon na mawala ang sumpa sayo! Pag masdan mo ang pag alay ko sa batang ito!" Ang sigaw ng Babaylan.

Nag labas ng punyal ang Babaylan, at ng uumpisahan niya ng muli ang kanyang pag dadasal ay biglang may Lobo o Wolf na gawa sa kidlat ang lumusob sa kanya. Agad siyang napaatras at pag tingin niya ay nasa harap na niya si Datu Raja.

"Walang kasalanan sayo ang pamilya namin, at lalong walang kasalanan sayo ang batang iyan." Ang sinabi ni Datu Raja sa Babaylan.

"Mga hangal!" Sinigaw ni Babaylan ngunit biglang may sumugod ulit sa kanya na pumutol ng kanyang kaliwang braso.

"Aaaarrrggghhhh!" Ang hiyaw ng Babaylan matapos ng pangyayaring ito.

"Anak ko ang sasaktan mo. Sisiguraduhin ko mawawala ka na sa kahit saang mundo."

Pagharap ng Babaylan ay nasa harap na niya si Malaya. Kitang kita na sa mukha ng Babaylan na hindi na umaayon sa kanya ang mga nangyayari, ngunit wala na siyang magagawa sa mga oras na iyon dahil hinatulan na siya ng kamatayan.

Pag harap niya sa likod ay nakita niya si Amihan na handa na siya dalin sa kanyang katapusan. Aatras sana siya ngunit may humiwa nanaman sa likod niya at napwersa siyang mapaabante. Si Malaya na galit na galit ay handang gawin ang pinaka mabigat na parusa.

Sa mga kamay ni Amihan ay mayroong umiikot na bolang hangin at ng pinatama niya ito sa Babaylan ay hindi na nakilala ang itsura nito, ang kanyang katawan ay umunat at ang hugis nito ay sumunod sa daloy ng hangin at sa huli ito ay sumabog na tila walang Babaylan kanina na nakatayo sa kanyang harapan.

Matapos ang pangyayaring ito ay humarap si Amihan kay Lakan at Mayari.

"Bago ka mag salita aking mahal kong Amihan. Sino sa inyo ang taong nasa drawing na ito?!" Ang galit na galit na sinabi ni Malaya.

Nang makita ng dalawa ang letrato halatang halata na si Lakan ang taong iyon na siyang itinuro agad ni Mayari.

"Ito po mahal na kamahalan!" Ang kanyang tugon at sa buong pangyayari ay hindi inalis ang kanyang kamay sa pag turo kay Lakan.

"Traydor ka! Agad mo kong itinuro." Ang sagot ni Lakan na namutla sa takot.

(Ikaw naman kasi eh…) Ang pabulong nitong sagot kay Lakan.

Lalong uminit ang ulo ni Malaya na siyang nag labas lalo ng kanyang enerhiya.

Ngunit bago pa ito makalakad ay biglang may nag salitang maliit na tinig.

"Mama, Good Mowning!" at ng humarap ito sa kanyang tatay ay unti unting nagbago ang pinta ng kanyang mukha at sa huli ito'y naiyak. "Waaaahhh! Papa takot Ato!"

"Ehe,, anak.. Ako toh Papa ako, toh oh?!" Ang sabi ni Malaya na tinuturo ang sariling mukha.

"Waaaaaahhhh Mama! Waaaahhh!" at lalong umiyak si Pina sa takot.

"Ang sabi ko naman kasi sayo wag mo pakita yang mukha mong kulubot kay PINA!" Ang sigaw ni Dayang Amihan.