Chapter 4 - EPISODE 4

SA SILID NG MGA PRINSIPE...

Ah...ano to, nasaan ako?

Katulong 1: Pagmasdan nyo ang mga prinsipe, tunay ngang napakaganda at gwapo nila.

Katulong 2: Tiyak na magandang babae at lalaki sila pag ito'y mga lumaki.

Katulong 1: Lubos akong nakatitiyak.

Katulong 3: Ano yaong inyong pinaguusapan?

Katulong 2: Ukol ito sa dalawang sanggol, ayon sa an paguusap marahil paglaon ng panahon maganda at gwapo ang dalawa. Tiyak na kagigiliwan ng nakararami. Ang kambal na magkaiba ng kasarian.

Katulong 3: Kahangalan...parehong sanggol na lalaki ang isinilang ng Imperatris.

Katulong 1 & 2: Kung gayon nasapanganib ang buhay ng isang sanggol.

Katulong 3: Diyan ako di nakatitiyak, sapagkat sa Imperyong ito ang pagisilang ang kambal na parehong kasarian ay isang sumpa ngunit ang magsilang ng kambal na magkaibang kasarian ay nangangahulugan ng biyaya.

Mga katulong: sumangayon lang sa narinig.

...

Ung...umm!~unti-unting iminulat ang mga mata.

...itinaas ang kamay..."Gosh, this is it! Baby na uli ako! So narito na ako sa Silla."

Wow, napakaganda ng room. It's look very exquisite, very nostalgic and also it feels weird a bit.

Eh, anong ingay yun parang nagtatawanan!

...pinilit maupo pero napadapa...

Perfect, haha! Kita ko na ang ginagawa nila. "Eh, nagkukwentuhan?"

Jusko mga tao nga naman pag walang ginagawa...~ngunit di alam ng Tour Guide na nagkocause pala ito ng ingay.

Habang nagkukuwentuhan sila may narinig ang isang katulong na syang dahilan ng kanilang biglaang pagtahimik.

Katulong 1: "May naririnig ba kayong ingay?"

Mga katulong: Para nga ano kaya yun?

"Ble! Ble! Ble-reuk! Ble!Ble!Ble!Ble!Ble!

Ble!Ble!Ble!Ble!Ble!"

Pagtalikod ay ang isang sanggol ay nakadapa at ang isa ay mahimbing na natutulog.

"Dali ibalita mo sa Imperador at sa maguulat na ang ikaunang prinsipe na ngayon ang unang beses ng kanyang pagdapa."

"Masusunod."

...

Sa silid ng Imperador...

Sa loob nito ay kumakain ito kasama ang anak na babae sa ibang babae. Ito ay lihim lamang ng Imperador tanging siya at si Ministro Eun Sajjong lang nakakaalam dahil ang babae ay ang kapatid mismo nito. Si Eun Heechae. Si Eun Heechae at ang hari ay may anak na babae si Shin Eunsa 7 taong gulang.

Iminungkahi ng Imperador na kung maaari ay ito na lamang ang pakakasalan nya ngunit mariing tumutol ang babae.

"Bakit mahal ko?"~malungkot na tugon ng Imperador, na "nagmamakaawang magaling".

"Mahal kita, ngunit may mahal na akong iba. At magkakaanak na kami, mayroong sanggol sa aking sinapupunan." Lumuluha nitong sambit.

Parang gumuho ang mundo sa pangalawang pagkakataon ng Imperador.

Iiwan ko sa iyo si Eunsa, ikaw na bahala sa kanya!

Ngunit ina ikaw ang nais kong makapiling!

Anak mas nanaisin kong alagaan mo ang iyong kadugo, kaysa ang hindi. Tutal nananalaytay sa dugo mo ang dugo ng Imperador. Pakatandaan mo mahal kita, di ko magawang mapabayaan ka! Sa puder ng iyong ama ay malalasap mo ang mga bagay na di mo pa nalalasap, magagawa mo lahat. Di tulad sa piling ko wala kang mararating ni education ay di kayang maipagkaloob tanging laman lamang ng sikmura ang kaya kong mapunang pangangailangan mo.

Wala akong pakialam di ba nangako ka sa akin, sa hirap o sa sarap ay magkakasama tayo? Ma, Omma!

Dahil sa narinig mula sa labi ng anak ay niyakap niya ito ng mahigpit. At sinabi sa Imperador na padadalawin na lamang sa kanya ito isang beses sa isang buwan.

Dahil walang magagawa ang Imperador ay napabuntung hininga na lamang ito at pumayag.

Tapos nagpaalam na ang dalawa, ang magina.

'Oraboni...mauuna na kami." Sabay punas sa mga luha nito.