Sa silid ng mga Prinsipe...
Katulong: Waaah ang cute naman ng prinsipe na ito, dumapa ng kanya. Hehe!~binuhat ang prinsipe!
Ble! Ble! Ble!
Ay oh, nakakatuwa animo'y mayroong gusto syang sabihin uy!
Ble! Ble! Ble!~parang nagtatanong (Anong pangalan mo?)
Katulong: Tinatanong mo pangalan ko? Kaso wala akong pangalan eh...
Blebleble!~(bibigyan kita)
Katulong: talaga?
Oh, oh!~sabay tango.
...itinuro ang lamesa.
Katulong: Dadalhin kita doon?
...tumango lang ang sanggol.
Katulong 2: Hoy, alagaan mo ang ikaunang prinsipe ako naman sa ikalawang prinsipe.
Katulong: Saan sila papunta?
Katulong 2: Malamang tutulong sa paglalaba. Eh, teka bakit mo dadalhin ang sanggol sa lamesa?
Katulong: Sabi nya dalhin ko raw siya.
Katulong 2: Tumawa ng malakas..."Kahangalan, ang sanggol baga ay nakakapag salita, magisip ka nga?".
Katulong: Hindi naman, pero parang nagegets ko ang nais nilang ipahiwatig. Gaya kanina tinatanong ako ng pangalan ko, sabi ko wala akong pangalan. Sabi nya bibigyan nya ako ng pangalan, dalhin ko lang daw sya sa lamesa.
Katulong 2: Eh?
Katulong: Halika lapit ka...bilis!
Katulong 2: Um...!
Inihiga ng katulong ang sanggol.
Ble! Ble! Blek! Ble! Ble!~(Ibigay mo sa akin kamay mo.) "Iginuhit nito ang salitang A-rin."
Katulong: Naku, di naman ako marunong magbasa!
Katulong 2: Ah-rin, ah-rin ang pangalan mo mula ngayon. Ako, wala rin walang pangalan...
Ah-rang.
Katulong 2: Ah-rang, ah-rang ang pangalan ko! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Salamat! Pangako aalagan ko ang kapatid mo ng buong lakas at husay.~nakangiti nitong sagot.
Ngunit ang saya sa mukha ng katulong ay napalitan ng lungkot...
Ble?~(bakit?)
Ah-rin: Bakit kaya napalitan ng lungkot ang ligaya sa iyong mukha? Mayroon ka bang suliranin, Ah-rang?
(Yes naman ginamit na nila ang kanilang pangalan... Anyway masaya ako para sa kanila.~sabi sa isip ni Yongbyeol na ngayon ay Byeolyong na.)
...sasabihin sana ni Ah-rang ang dahilan ngunit nagising si Byeolwang.
Ehe-eh-eh!
Hala umiiyak na ang sanggol ang sabi ni Ah-rang. Pinuntahan nya agad ito at kinarga tapos dinala sa may lamesa kung saan naroon rin si Byeolyong at Ah-rin.
Ah-rang: Ah-rin sa iyong palagay anong nais ipabatid ng sanggol?
Ah-rin: magugutom na ang sanggol.
Ah-rang: Ganon ba?
...
Habang naglalakad sa papalayo sa Hall way ng Imperador nakita nya ang isa sa mga Lady in wait ng mga Prinsipe na papalapit at papuntang silid ng Imperador.
...pinigil nya ito, habang away ang anak.
"Saglit lamang!"
Bakit Lady Eun?
"Nais kong malaman, bakit ika'y tumatakbo at nagmamadali." Lubos kong ikinababahala ang iyong pagmamadali. Mukhang napakahalaga ng iyong mensaheng ipapahayag.
"Siyang tunay Lady Eun! Kaya nga... magpapaalam na ako."
Siya kung ganon...humayo ka na.
At umuwi na ng matiwasay ang magina. Sa daan ay tinanong nito sa anak kung anong nais kainin ng bata ngunit sumagot ito ns kahit ano basta mula sa puso ng ina.
...
Sa may pinto ng Imperador...
Habang naguusap si Ministro Eun at ang Imperador ukol sa siste ng pagkikita ng magama ay nakarinig sila ng kumakatok.
"Tok! Tok! Tok!"
Habang ang mga katulong sa loob ay abala sa pagwawalis, paghahanda ng merienda para sa dalawa at tsaa.
Tinawag ng Imperador ang isang alipin.
Ikaw babaeng nagpatong ng prutas sa lamesa...
""Ano po, kamahalan! Handa pong gawin ng alipin ang kahit anong inyong ipag-utos.""~may pagluhod pang nalalaman...
Buksan mo ang pinto!
"Ha!?."(awkward...)
Bingi ka ba?
Hindi po, masusunod po!~nagulat na ninenervios nitong tugon.
...pagbukas ng pinto...
""Mabuhay ang Imperador! Mabuhay! Mabuhay!""
Oh isa sa lingkod ng aking mga anak anong iyong sadya at ika'y naparito.
Nais ko lang pong iulat ang unang pagdapa ng ikaunang prinsipe.
Unang pagdapa? Hmmm... Ah, Ministro Eun tawagin mo ang dakilang tagatala na si Rin Huyong.
Masusunod kamahalan.
...
Sa kabilang banda habang binabagtas ni Ministro Eun ang daan patungong silid aklatan ay narinig nya ang mga katulong na dumadaan...
"Nabalitaan nyo ba?"
Ano yun?
Si Rin Huyong daw yung bagong tagatala ay anak ng dating Imperador!
Eh...! Tugon ng mga kausap.
Shhhhhhhhhhttttttttt baka may makarinig.
Eh?
Kung ganon kapatid pala nya ang Imperador.
Siya ngang tunay.
Kaya pala parang may pagkakahawig ang Imperador at siya.
...sa kabilang dako naman papalapit sa kanila si Ministro Eun nang biglang may tumatakbo na lalaking maydalang mga scroll at nabunggo ang Ministro; dahilan upang pareho silang tumumba. Singkit ito, maputi kasing puti ng buwan at kahawig ng Imperador ng ito ay nasa murang edad.
Ginoo, ilang taon ka na?
Labing walong taong gulang,
Anong iyong pangalan?
Rin Huyong...Pasensya ka na malabo ang aking mga mata ngunit malinaw naman ang aking tenga.
Tamang-tama ang iyong pagdating hinahanap ka ng Imperador. Halika sumama ka sa akin.
Hinawakan na sa kamay para di makaangal ng Ministro.
"Ngunit ang mga nalaglag kong..., ibabalik ko lamang sa silid aklatan."
Hindi na kailangan! Nandiyan naman ang mga katulong hayaan mo silang gumawa nyan!
Hoy, kayong mga nagdadaldalan diyan lumapit kayo bilis.
Galit na lumapit ang mga ito ngunit nang makita na ito pala ang Ministro ng Human Rights ay nanginig sila sa takot.
"Ano pong aming maipaglilingkod?"
Humayo kayo at dalhin sa silid aklatan ang mga nagpatak na scroll.
Masusunod po!~tapos karipas ng takbo.
Habang naglalakad patungong silid ng Imperador...
Matanong ko lang ha, huwag ka sanang magagalit.
Ano ika iyon?
Kaanu-ano mo ang Imperador?
Wala akong kaugnayan ngunit sa yumaong Imperatris...malayong kamaganak ko. At napagalaman ko na ang ina ko ay anak ng nakalipas na Imperador sa isang katulong. Bali ako ay apo na ng namatay na Imperador at pamangkin ng kasalukuyan.
Ah...Kung gayon, may kaugnayan ka pala sa dalawa kaya pala ang lulay ng balat mo ay sa Imperatris samantalang ang samantalang ang itsura ay sa Imperador. Naiimagine ko marahil kasing kisig mo rin ang ikaunang prinsipe paglasn ng panahon.
Nabalitaan ko nga pala na dalawang prinsipe ang isinilang ng Imperatris, may katutohanan ba?
Tunay ang iyong narinig.
Kung gayon maaaring nasailalim ng sumpa ang isang sanggol.
Kahangalan, itikom mo ang iyong bibig kung ayaw mong itong aking espada ay tumarak sa lalamunan mo!
Hinsy-hinay lang...saglit di ka mabiro. Hehehe!
Wala akong panahon sa pakikipagbiruan.
Paumanhin...! Sya nga pala anong dahilan ng pagkakatawag sa akin, Ministro?
"Upang iyong itala sa Talaan ng Kasaysayan na si Prinsipe Shin Byeolyong ay unang beses na dumapa ngayong araw na ito Ika-pitong taon ng paghahari ni Emperor Geumrakyeon-Shin Byeolsung ikalawang buwan at ikalabing apat na araw."
Ummm...masusunod, aking itatala.
Ngunit huwag muna sa oras na matapos na ang paguusap nyo ng Imperador na lamang.
Masusunod, Ministro.
[Sa Hall way pa rin...]