Chapter 9 - EPISODE 9

Nadatnan nilang tulog ang 2 katulong sa tabi ng isang sanggol.

Nang mapansin ito ng Imperador ay naghisterical na ito at nagsabing "Nawawala ang ikaunang prinsipe!" "May nagnakaw sa anak ko! Humanda sa akin ang kung sinumang gago!"

Ngunit di nito namalayan na ang sanggol ay naggagapang na pala papalapit sa kanyang paanan... bigla na lamang itong nakaramdam na may kumapit sa kanyang paa, kaya kanyang winag-wag ang kanyang mga paa ngunit sadyang mabigat at makapit ang kung ano mang nasa isang binti nya kaya itinigil na nya ang pagwawag-wag. Laking gulat nitong nakayapos na parang tuko ang sanggol sa kanyang mga binti. Ang inaakala nyang aso o baka pusang kumapit sa kanya'y kanya palang anak!

Sa kabilang dako naman ay nagising ang mga katulong sa pagsigaw ng Imperador... balikwas ang dalawang katulong ay.

Nang mapansin nilang naroon ang Imperador ay kowtow lang sila ng kowtow habang ang Imperador ay iwinawagayway ang isang paa.

Nang itinigil nito ang pagwagayway ay laking gulat ng Imperador at ng mga naroon na ang nakakapit pala sa paa ng Imperador ay ang sarili nitong anak.

"Ahhhhhhhhhhhh! Kamahalan...ang mahal na prinsipe pala ang nakakapit sa iyong binti."~sabi ni Ah-rin.

That time nakatulala pa rin ang Imperador sa gulat ngunit natauhan nang marinig ang sabi ng katulong.

"Ah...anak bakit mo naman ginulat si papa akala ko nakakapit na sa akin ang pandang si Chingu!" Nanginginig nitong sabi, tapos binuhat ang batang nakapit sa kanyang binti.

Ble! Ble! Blek! (Ble, hehe gusto ko lang maglambing!)

Ah-rin:(giggling...)

Ikaw katulong ka bakit ka tumatawa? Sambit na naiiyamot ni Yunuko Bong.

Ah-rin: Sapagkat ako'y naaaliw sa mahal na prinsipe!

"Ano namang nakakaaliw?" Tanong na may pagkacurious at may pagkaderminado ni Ministro Eun, sapagkatsa palagay niya si Ah-rin ay nababaliw na.

...wala pa ring masidlan ang tuwa...si Ah-rin.

Ah-rang: Paano baga naman po ay marunong iyan makaunawa ng wika ng sanggol.

Wika ng sanggol? Hmmm...ngayon ko lang narinig na ang mga sanggol ay mayroon ring wika tulad natin! Mayabang na sabi ng Ministro, samantalang ang Imperador ay nakakunot ang noo na pinagmamasdan ang eksenang nagaganap sa kanyang harapan habang hawak ang malikot na sanggol.

Gumagapang-gapang ito sa hari at inaalalayan naman nito ng kamay, kinakapitan sa damit.

Sa kabilang dako naman si Rin Huyong ay patuloy na nagtatala ng kanyang napagmamasdan, sinusulat lahat ng marinig pati kaluskos ng daga at pusang naghahabulan ay isinulqt rin, ang isip ng hangin, ang huni ng ibon at ang mga dahong nalilipad sa sahig. Walang humpay sa pagsulat, pati kilos ng sanggol at pagtatalo-talo.

Anyway balik sa topic...

Kahibangan, katulong lang kayo at saan nyo naman pulot ang ganoong uri ng kaalaman? Mayroon ba syang lahing Shaman? Payabang na pabirong sabi ng Yunuko.

Yan lamang Yunuko Bong ang di ko alam. Ngunit isa lamang ang aking natitiyak nauunawaan nya ang mga sanggol.

"Paano?" Sabi ng Imperador.

Nagulat ang Yunuko at Ministro nang marinig ang tinig ng Imperador.

Sinampal ni Ah-rang si Ah-rin na ayaw tumigil sa pagtawa.

"Tumigil ka na!" Tapos sampal na siyang ikinagulat ng lahat. Tila tumigil ang mundo ng lahat; nang mapansin ni Ah-rin na sa kanya nakatutok ang mata ng lahat ay nawala ang tawa sa kanyang mukha at tila bumalik sa ulirat.

"Paumanhin kamahalan! Paumanhin kamahalan!~paulit-ulit na sinabi ni Ah-rin."

Mayroon akong katanungan...

Matapos kumalma..."Ano po iyon, akong inyong lingkod na si Ah-rin ay handang sumagot sa ano mang katanungan."

Lapastangan, saan mo napulot yaong napakagandang pangalan? Sabi ni Yunuko Bong.

""Sa mahal na prinsipe."" Ako'y pinangalanan nyang Ah-rin at siya naman ay Ah-rang.

Kalokohan, paano aber! Sabi ni Yunuko Bong.

Siyang tunay Yunuko, sapagkat Kitang-kita ko na iginuhit ng prinsipe ang mga pangalan sa palad ni Ah-rin. Ang patotoo ni Ah-rang, sapagkat si Ah-rin ay di marunong magbasa.

Sa palagay nyo maniniwala kami sa inyo? Sabi ni Ministro Eun. Kung nais mo kaming paniwalaan kayo magbigay kayo ng ebidensya.

Nang marinig ito ni Yongbyeol ay ninais nitong kumawala sa Imperador ngunit hinahawakan siyang mahigpit nito. Umisip ito ng paraan para makaalis sa mga kamay ng ama qt ang naisip nito ay gumapang sa balikat tapos jump. Nagawa ni ya nga ito; ang resulta para siyang bola na tumalblog sa sahig at tapos bumuka.

Nagulat, nagitla, kinabahan, kulang na lang ay atakihin ang naramdaman nila ng makitang bumagsak ang prinsipe sa lapag. Ngunit nakahinga ng maluwag ng makitang ayos itong nakalapag. "Hah! Sigh!" ~reaksyon nila.

Gumapang ang sanggol sa katulong na pinangalanan niyang Ah-rin. Nang mapansin ng katulong ay agad nitong kinuha ang sanggol nag nagmumustrang kuhanin ito.

Nagsalita ang sanggol... "Ble! Ble! Ble! Ble! Ble! Ble! Blekeu! Ble! Ble! Ble! Ble!"

Kamahalan, ayon po sa prinsipe... "Ama hindi sila nahihibang o nakaopyo. Tunay na nauunawaan nya ako!"

"Kung gayon...Isa ngang henyo ang aking anak! Tunanay na pinagpala ng maykapal!"

Kung gayon ang prinsipe na iyan ay isang biyaya hindi isang sumpa. Sabi ni Ministro Eun. Maaaring ang kakambal niya ang mayroong dalang sumpa.

Marahil...Sabi ng Yunuko habang pinagmamasdang maige ang isa pang sanggol. "Parang...may mali sa isang sanggol; parang di sya kahawig ng Imperador."~sabi nito sa isip. "Parang kamukha nya yung kakilala ko! Sabi nito sa mahinang tinig ngunit rinig pala iyon ng Imperador."

"Sino?"~nanginginig na tanong na galit na galit ng Imperador

Yung lalaking, laging kasakasama ng Imperatris noon.

"Si Ginoong Bai?" Tanong ni Rin Huyong habang nagsusulat at kumakain ng Latiao.

Nang marinig ito ng Imperador ay nagalit ito ng husto at nagkaroon ng poot!

"Tayo nang humayo, at magtungo sa bahay nang Imperatris."~sabi ng Imperador na bumubulusok sa galit. Ano pang inyong inaantay magsitayo kayo tawagin nyo ang mga Imperial Guards at pagdalahin nyo sila ng lubid at mga pamana at palaso.

Masusunod, kamahalan!