Sa labas ng silid ng Imperador...
Tok! Tok! Tok!
Sa loob ng silid...
Habang nakaupo sa may lamesa ang Imperador at saktong kapipikit lamang ng mga mata nito ay nakarinig ito ng katok mula sa pinto.
Ikaw babaeng nagpupunas nitong lamesa, buksan mo ang pinto saglit!
Masusunod, kamahalan.
Pagbukas ng pinto...
Pumasok agad ang dalawa si Ministro Eun at Rin Huyong.
Lumuhod ang dalawa habang nakahanay ang mga katulong sa magkabilang side "Nagbibigay pugay po kami sa inyo kamahalan!"
Tumayo kayo!
...pag tayo...
Naggulat silang pareho nang magkatinginan ang tapos walang anu-ano'y nagtawanan.
Bakit anong meron?
Wala naman kamahalan, nagulat lang kami at pagtayo namin ay nagkatinginan kami sabay dinaan na lamang namin iyon sa tawa.
Ganon, ba?
Opo, tugon ni Rin Huyong.
Kung gayon maupo na kayo at ipagpatuloy na natin at pagusapan ang dapat talakayin.
Masusunod kamahalan.
...
Pinagusapan nila ang sabi ng katulong at dahil sa paguusap napukaw ang interest ng Imperador na syang dahilan upang naisin nitong bisitahin ang kambal.
Matapos ang paguusap...
Samahan nyo akong dalawa upang dalawin ang aking mga sanggol at kumustahin.
Ikaw Rin Huyong, itala mo ang nais kong ipatala. Itala mo rin ngayon ang aking pagpunta sa mga prinsipeng aking hirang. Nais kong itala mo simula paghimok kong tayo'y magtungo roon at makapasok. Pagmasdan mong mainam ang bawat kilos at reaksyon ko itala mo iyon lahat at ang mga bagay na aking sasambitin o babanggitin na itala mo.
Nauunawaan ko kamahalan.
Mainam.
Ikaw naman Ministro Eun ang aking magiging saksi.
Papasukin si Yunuko Bong Soobeok sabi sa isang katulong.
Masusunod po kamahalan.
Binuksan ang pinto...
Yunuko Bong ika'y maaari nang makapasok sapagkat pinatatawag ka ng kamahalan.
That time si Yunuko Bong ay nakikipag kwentuhan sa mga katulong...
Alam mo kahapon napadaan ako sa bahay ng kaibigan kong si Kiko aba akalain mo iyon nakita ko ang pamangkin ng Empress Dowager si Eun Gahyul. Walastik sobrang ganda, hanep!
Eh, ginoo?
Siyang tunay!
Gaano kaganda sya?
Kasing puti ng mga ulap at napakasingkit ng mata, may matangos na ilong, makapal na labi at sexy na pangangatawan.
Wash, tunay ngang kahanga-hanga ang dalaga.
Ngunit kahit gayon, sa Imperador sya nakatakdang ipakasal ng Dowager.
Ngunit, ayon sa nakalap ko, kung sino man sa paligsahan na itinakda ng Imperador ang syang manalo ang sa kanyang pakakasalan.
Kung gayon may pag-asa pa ang mga kababaihang mapili ng Imperador.
Marahil.
...
Pagpasok sa loob ng silid ng Imperador...
Kamahalan, nagbibigay pugay po akong si Yunuko Bong!
Humayo ka at tumayo. Tayong magtungo sa mga prinsipe.
Masusunod kamahalan!
...
Sa labas ng silid ng mga Prinsipe...
Narito ang Imperador...
...pinagbuksan ng pinto sabay bati ng "Magandang Hapon, kamahalan!"
Ang nagbukas ay ang punong Lady in wait at ang assistant nito.
"Tuloy po kayo."
Pagpasok nila...ay lumabas ang dalawang Lady in wait liban lang sa mga tagapagalaga ng dalawang sanggol. Sinarhan din ng dalawang lumabas ang pinto bago sila lumisang magkahiwalay.