Third Person Point of View
"I've been waiting for you." Nakangiti na sabi ni Yold sa dalawang taong dumating sa dimensional training room ng academy.
Dalawang lalaki ang nagpunta sa lugar na siyang sumunod kay Yold sa pagtungo nito rito.
Matapos na panoorin ng lahat ang ginawang military parade at pagdeklara ng kalayaan ng Lovain Region, naging alerto agad ang academy at nag-activate ito ng isang barrier magic sa buong campus. Ikukulong nito ng isang linggo ang mga taong nasa loob upang hindi sila madamay sa mangyayaring digmaan.
"Judging by what you've done. Mukhang alam ninyo na hindi pipirma ng kasunduan ang Menil. Gusto talaga ninyong dumanak ang dugo...mister principal, student council president, how long will the barrier last?" Nakangite paring nakipag-usap si Yold sa dalawang seryoso ang mukha. Ang principal ng academy at ang student council president.
Parehong Archmage ang mga ito. Napansin nilang dalawa ang pag-apaw ng aura na inilabas ni Yold dahil sa labis na pagkasabik at pagkatuwa sa nakita nitong ginawa ng Lovain region.
Mustrainy Colt. Isang pulidong wizard na naabot ang antas ng pagiging isang Archmage bago paman ito pumasok sa academy. Kabilang sa noble family ng Colt, ang kaniyang ama na isang Viscount ay isa ding Archmage, personal na bodyguard ng crown prince ng Menil Empire. Labis ang pagiging tapat at pagmamahal ni Mustrainy sa kaniyang bansa.
Si Principal Eudicio naman ay isang munting bata noon na palaboy-laboy sa Menil Empire. Isang batang walang pamilya, gutom at nanghihina. Kinupkop ito ng yumaong nakaraang hari na si haring Zegron Menil. Sa tabi ng royal family, lumaki siyang matalik na kaibigan ang kasalukuyan na hari at ang prime minister.
Magmula ng ito ay maging principal ng academy, hindi na nito hinasa pa ang kakayahan sa mahika kayat hindi na ito umusad sa pagiging isang Demigod. Natatakot si Eudicio na mawalan ng lifespan. Ayaw nitong mamuhay ng matagal ng wala ang mga taong malapit sa kaniya sa kaniyang paningin. Ayaw nitong mabalot ng kalungkutan ang kaniyang sarile. Nais nitong mamatay ng may karangalan.
"Bakit gusto niyong humiwalay sa imperyo? Wala kayong respeto sa dangal at sakripisyo ng unang reynang kamahalang Lovain Menil!" Sigaw ni Mustrainy kay Yold. His clenched fist started to bleed.
Naglabas naman ng kaniyang malaking maso si Eudicio. "The civil war starts by subjugating you, Yold. You were an outstanding student, I didn't expect that you were among every possible student that is a part of a criminal group. You and that pretending to be the great Lovain." Umapaw ang aura na taglay ni principal Eudicio, kalaunan ay nabalutan ng mana ang kaniyang malaking hawak na maso.
"You two are good. But disrespecting my liege calling her a pretender is a crime punishable by death!" Hindi nagustuhan ni Yold ang sinabi ni Eudicio kaya naman nagpakawala din ito ng kaniyang malakas na aura.
"Just so you know, I've chosen to go here in this dimensional training room because I have no plan to make you two leave here alive. I don't want to destroy the whole campus too as I'm entrusted by my liege to protect everyone, including you two. Coming here to confront me with the intention of killing me will be treated for me as self defense by killing you." Pagbigay niya ng paalala sa dalawa.
"Mustrainy, be prepared." Bilin naman ni principal Eudicio kay Mustrainy.
Sa isang iglap lamang na lumipas, nagulat si Eudicio sa biglaang paglipad ni Mustrainy ng ilang metro mula sa kinatatayuan nito.
Nakita ni Eudicio sa kaninang kinaroroonan ni Mustrainy si Yold na sinuntok sa mukha si Mustrainy.
Mabilis niyang pinukpok ang kaniyang malaking maso sa ulo ni Yold ngunit naka-ilag ito at tumalon ng napakataas palayo sa kinaroroonan ni principal Eudicio.
"Conscious Berserker Magic, Agile Offensive." Nag-activate si Yold ng isang spell ng kaniyang mahika. Isang spell na pinapa-bilis ang kaniyang paggalaw at reaction time.
Huminga naman ng malalim si principal Eudicio. Nag-ipon ng pwersa kaniyang hawak na malaking maso. Nagkaroon ng malakas na pwersa ng kidlat sa maso. "Thunder Magic, Hammering of Lighting." Nag-activate din ito ng kaniyang spell.
Sumalakay siya papunta kay Yold.
Sa kaniyang paghampas sa kaniyang maso ay kumawala ang malakas na pwersa ng kidlat na nawasak ang ilang malalaking tipak ng bato at punong dinaan nito.
Nailagan ni Yold ang pagatake ni Eudicio saka ito mabilis na gumanti. Sampung mabilis na suntok sa likuran ni Yold.
Tumilapon palayo si Yold.
"Star Magic, Twinkle Little Star!" Nag-activate naman ng isa pang magic nito si Yold.
Nagkaroon ng isang bola ng energy na kumikislap-kislap sa kaniyang kamay. Ibinato niya ito sa kinaroroonan ni principal Eudicio.
Nagkaroon ng pagsabog. Napuno ang paligid ng alikabok at usok, at sa paglaho nito, tumambad ang isang may kalaliman at malawak na hukay.
Sa ilalim nito, naroon si principal Eudicio. Sugatan at maraming dugo ang lumalabas mula sa kaniyang mga sugat na natamo.
'What the hell was that spell? My hammer was able to deflect it but it divided itself into many tiny pieces then exploded.' Hindi makapaniwala na sabi ni principal Eudicio sa kaniyang sarile. Nag-aalala ito sa kalagayan ni Mustrainy na hindi parin gumagalaw mula sa pinagbagsakan nito.
Naging alerto ito ulit. Binalutan niya ng kidlat ang kaniyang maso at pinukpok ang lupa upang gumawa ng pagsabog at usok bilang kaniyang pang-proteksyon sa ginawa niyang pag-alis sa hukay na dulot ng atake na ginawa sa kaniya ni Yold.
Sa pag-alis ni principal Eudicio sa usok ay nagulat siyang makita mula sa kinaroroonan nito ang matamis ang ngiti sa mukha mayroon si Yold habang mayroong malalaking mga bola ng enerhiya na lumulutang sa itaas nito.
Sa lakas ng pwersa na kaniyang naramdaman, hindi ito nag-atubuli na dumistansya at mag-activate din ng kaniyang spell.
[Thunder Magic, Magic Nova; Lightning Dragon.] Isang malaking serpent dragon na gawa sa kidlat ang lumabas, lumipad lipad ito sa itaas ng kinaroroonan ni principal Eudicio.
"Star Magic, Magic Nova; Death Star Collision Cannon!" Sa pag-activate ni Yold ng kaniyang magic nova, nagbungguan ang mga bola ng enerhiya na lumulutang sa kaniyang itaas. Hindi nagtagal, naging isang malaking bola na lamang ito at nagpakawala ng isang malakas na enerhiya na sumugod sa kinaroroonan ni principal Eudicio.
Pinakawalan din ni principal Eudicio ang dragon nitong gawa sa kidlat.
Nagsabayan ang kanilang mga magic nova na siyang nagdulot ng napakalakas na pagsabog at pagyanig. Mahing ang mga tao sa labas ng training room ay naramdaman ang pagyanig ng lupa.
Sa nangyari na sabayan ng atake, unti-unting natatalo ang magic nova ni principal Eudicio. Hindi naman ito sumuko at patuloy na sinusubukang itulak ang mahika ni Yold.
Nagkaroon siya ng pag-asa sa nangyayari nang bigla na lamang magtungo sa kaniyang tabi si Mustrainy.
Nag-activate din ito ng kaniyang magic nova. Nagpakawala ito ng isang napakalaking lava arrow na siyang tumulong sa lightning dragon na gapiin ang atake ni Yold.
Nakangite naman si Yold na hindi nagpatinag sa kaniyang nasilayan.
"Sorry. Hanggang dito na lamang kayo. This Demigod Wizard is honored to kill you two dignified citizens of the proud country of my liege. May you rest in paradise." Matapos itong sabihin ni Yold ay mas dinagdagan niya pa ang pwersa ng kaniyang mahika na pinakawalan.
Madaling nadaig ang pinagsanib na pwersa nina principal Eudicio at Mustrainy.
Naabo ang kanilang katawan sa pagtama ng magic nova ni Yold sa kaniya.
Patuloy at mas lumakas ang pagyanig sa training room. Kinilala nito at hindi kinaya ang presensiya ng mahikang taglay ni Yold. Nagsimulang mabitak ang lupa, bumulwak ang lava mula rito.
Pumangit ang panahon. Kumidlat ng malakas na tumama kahit saan. Nagsimulang dumilim ang lugar at humangin ng napakalakas.
Sa paglabas ni Yold sa training room ay tuluyan na itong nawasak.
Sinira ni Yold ang pinto na kumu-konekta sa training room na iyon at sa academy.
Sa kaniyang paglabas sa training room, determinado naman ngayong ubusin na ni Yold ang mga nagkalat na espiya mula sa North Empire na nagpapanggap bilang mga estudyante sa academy.
*****
Sa kabilang dako naman, dumalo sa isang pulong si Chariz sa kabila ng nagbabadyang digmaan na kahit anong sandali ay malapit ng magsimula.
Dumalo siya sa 7th Summit na isinasagawa pagkatapos ng tatlong buwan ng lihim na organisasyon na kinabibilangan ng Lizardia, Lovain, Spezia at ng bago nitong miyembro na ang Felisha. Ang summit na ito ay ang pangalawang beses na dadalo ang Felisha.
[Ang Ironclad United Countries Association o IUCA Isa itong organisasyon na binuo ni Chariz at ng hari ng Lizardia na si King Ryusigon VIII. Layunin ng organisasyon na ito na magtulungan sa kanilang militar na kakayahan at pagtutulungang pinansiyal.
Sa ginawang pag-sabotahe ng Lyndon sa Principality of Spezia tatlong taon na ang nakakaraan, nagkaroon ng civil war sa maliit na bansa.
Sa anim na buwang digmaan, hindi tinigilan ng Lyndon na bigyan ng mga armas ang mga rebelde ng Spezia kaya naman napilitan ang mga ito na humingi ng tulong sa Lizardia at Lovain. Sa kanilang pagbabakasakali ay hindi tumanggi at nagatubili ang Lovain at Lizardia.
An oil rich nation is an ideal partner and ally for the growing and modernizing economy of Lovain.
Tinulungan ng Lovain ang Spezia. Nagpadala ito ng pitongpung libo na sundalo. Kasama sa mga ito ang isa sa dalawang pinaka-malakas na tauhan ni Chariz, si Lisarius Xanxuslazarus.
Ang Spezia ang kauna-unahang nakagamit sa labanan ng mga baril na nilikha ng Lovain.
Sa digmaan na nagaganap doon, ang Demigod ng Lyndon ay sumugod na rin sa Spezia subalit hinarap siya ni Lisarius.
Sa unang paghaharap nila ay natalo ang Demigod ng Lyndon at tumakas paalis sa Spezia.
Magta-tatlong taon na ang Spezia civil war ngunit ngayong taon, matatapos na din ito sa wakas.
Handa na ang biniling bagong sandatang pangdigma ng Lovain na ibinenta sa Spezia.
Masusubukan sa madugong digmaan sa bansa ang lakas at epektong idudulot ng mga Battle Tanks sa isang labanan.]
Sa pagpasok ni Chariz sa IUCA Felisha Headquarters, ang lugar kung saan gaganapin ang 7th Summit, sa bansa ng Dukedom of Felisha, ang pinaka-maliit na bansa sa Lireo Continent.
Pumasok siya sa meeting room kung saan tanging ang mga pinuno at isang katiwala lamang ng mga ito ang maaaring pumasok.
"Good day friends. I'm sorry for being late. Tumirik yung sinasakyan kong kotse." Paghingi ni Chariz ng paumanhin. Yumuko pa ito bago tuluyang umupo sa kaniyang upuan.
"You are not even late. The meeting starts at 1'o clock in the afternoon." Natatawang sabi ng hari ng mga dragon kay Chariz.
"Tama tama. Miss Chariz, we are all friends here. There's no need to be so conscious about some slight tardiness." Pag-sangayon ng katiwala ni king Ryusigon kay Chariz. Ito ay si Dragoneel, ang Prime Minister at Grand Duke ng Lizardia.
(Note: Dragons can do a human transformation. The appearance that they use here in the meeting is their human form.)
Nagbitiw naman ng buntong hininga si Chariz at ngumite sa mga kasama.
"Umm...since nandito na ang lahat...simulan na natin ang meeting ng mas maaga?" Panukala ng Grand Duke ng Felisha na si Altares.
Nagtaas ng kilay si king Ryusigon at napatapik sa ibabaw ng mesa. "Grand Duke, napaka-excited mo naman. Hindi ka pa ba sanay sa kahulugan ng summit natin? Habang kumakain, umiinom, tinatalakay natin ang mga susunod na hakbang na gagawin nating makakabuti sa mga bansa natin. Hintayin na muna natin na dumating dito sa kwarto ang pizza na pinahanda mo." Angal nito.
"Ang takaw mo talaga kahit kailan kamahalan." Binara kaagad siya ni Dragoneel. "Pasensya kana Grand Duke Altares, huwag mong pakikinggan ang matakaw na ito. Tama ang naisip mong simulan natin ng mas maaga ang summit. May problemang malaki na kakaharapin ang Lovain."
"Stop reading my master's mind you filthy dragon!" Sinaway naman agad ng kasama ni Chariz si Dragoneel dahil sa ginawa nitong pagbabasa sa isipan nito. Siya si Estania, Secretary ni Chariz.
"Anong problema ang kinakaharap mo ngayon Miss Chariz?" Nagaalalang tanong naman agad ng 1st Princess ng Principality of Spezia, si Princess Zchia Spezia na siyang dumalo sa summit at hindi ang kaniyang ama, ang Crowned Prince nito. Kasama nito ang prime minister na si Vetto.
Pinansalo ni Chariz ang kaniyang mga kamay na itinukod sa ibababw ng mesa sa kaniyang mukha.
"We declared our independence and of course, we also declared a war against Menil." Sumagot si Chariz at nagpaliwanag sa kaniyang mga kasama.
"Miss Chariz, ibig sabihin po ba ay dumalo ka sa summit kahit na may malaking sularanin kang kinakaharap?" Sa tanong na ito ng kasama ni Grand Duke Altares na si Festo, isang Duke at siyang treasurer ng Felisha.
"Yeah. It's an absolute tradition of our organization." Tugon muli ni Chariz. "Anyways, let's start our today's summit. Any issues your countries currently having that we need to discuss?"
"With that, let's start with yours first. Are you going to be okay with this war that will happen?" Muling nagtanong si princess Zchia kay Chariz. Tumango ito sa kaniya.
Sumeryoso ang mukha nito.
"We're actually targeting ten traitorous Council Members-no, for me they are rats. Rats from the North Empire. They wanted to cause heavy trouble. It is a great chance to use the declaration of independence to wage war and kill them in the process. Wala akong planong i-delay ang mga ide-deliver sa inyong mga sandata dahil lang sa mangyayaring digmaan. Menil Empire won't be able to breach our walls."
Ngumite ang lahat sa kanilang narinig mula kay Chariz.
"To think that you're breaking away with the nation you have burn a lot of your sweat and poured you blood to establish it and make it prosper, now it have come to this." Hindi makapaniwala na sabi ni king Ryusigon. "I really admired your strength and aggressiveness back then. The young dragon prince that got inspiration and used that inspiration to move above and acquire the throne getting passed the six other people in line with the throne."
Everyone's attention was focused on the dragon king and were smiling.
"You call yourself young when you are actually 115 years old that time?" Angal ni Chariz na halos magsalubong ang mga kilay dahil sa kaniyang narinig na sinabi ni king Ryusigon.
"It can't be help. Our lifespan is 10000 years. Kidding aside, if you really are okay and confident about winning...I would like to open up another matter with everyone."
Everyone's expression became serious once again. Willing to listen attentively to what the dragon king is about to say.
"The proposed 'Triangular Currency' that was introduced to us by the 'Money Wizard' Makhulu Mapogo of Principality of Spezia during our 3rd Summit. How was the survey and voting going on with your countries?"
Everyone breathes a sigh of relief as it was not another violent matter such as war or political conflict.
Princess Zchia raised here hand to get the attention of the others.
"Sa nangyayari ngayong civil war sa Principality of Spezia, walang naging problema sa survey namin na pagpapatupad ng Triangle Currency. Three months ago, sinimulan na ang paggawa ng mga coins na ang gamit na disenyo ay hindi ang mapa ng Lireo Continent. Minting is also not easy but we've managed to put another symbol on the other back of the coin. We used the proposed design of using the organizations main Headquarters building as the back symbol of the coin. While we used the design of shaking hands with a feather floating above as the front look of the triangular coin. Medyo nagiging hectic lang ang paggawa dahil parami ng paraming mga mamamayan ang pumipila para baguhin ang itsura ng kanilang mga salapi. Mas magiging abala pa sa susunod na dalawang buwan dahil opisyal ng idedeklara na triangular currency na ang gagamitin na salapi at hindi na ang universal currency na siyang ginagamit ng lahat dito sa Eastern Region."
"Wala ding naging problema sa Lizardia. Naipatupad na namin dalawang buwan na ang nakakaraan ang opisyal na paggamit ng bansa namin sa triangular currency. Hindi na din namin tinatanggap na palitan ang disenyo ng mga universal coins dahil mula sa mga reserbang copper, silver at ginto na mismo kami kumukuha at gumagawa ng mga triangular currency." Paliwanag naman ni Dragoneel. Habang nakangite naman at nakakrus ang kamay na si Ryusigon na nakinig.
"Wala ding naging problema para sa Lovain. Triangular Currency na din ang gamit naming salapi. In the next summit, bring all of your coins here. We will use our official seal to stamp our currency. This is to prevent other people from copying us and use our currency's name."
"Mukhang ayos..." Tumingin si king Ryusigon sa dalawang representative ng Felisha. "How about you? When you attended your first summit with us we have informed you and gave you a sample of it right?"
Malungkot na ibinagsak ni Grand Duke Altares ang kaniyang mukha sa mesa. Nagsimula itong umiyak. "It's so unfair...where being left behind even though we're new we still feel very left behind. We want to be friends with you..."
"Halatang hindi kapa gaanong nakagawa ng mga triangular coins mo."
"It can't be help. Majority of our tiny nation's food trade especially sea foods are from island nations. They don't know triangular currency. We also don't have that much money to convert 5 coins into one big 3 inches in diameter of a coin. We are also being haunted by pirates..." Inangat ulit ni Grand Duke Altares ang kaniyang ulo at tumingin sa kaniyang mga kasama. "We've only manage to mint 20,000 Triangular Coins. 5,000 of those are silver coins. We're preserving our gold coins yet. If only my nation is blessed with gold, silver and copper resources!"
"Cheer up. We can still accept your universal coins when trade with us until you accumulate millions of your own triangular currency. You don't have to envy the gold, silver and copper reserves Spezia and Lizardia has. You have oil, coal and marble at your territory. Lovain has limited resources, we're getting ours on different dimensions. Yeah it may sound cheating but without my ability to travel into other dimensions, my citizens won't survive long." Sa sinabi na ito ni Chariz ay sumigla kahit paano ang nagaalalang malungkot na ekspresyon ni Grand Duke Altares.
"Thank you guys."
"It's nothing. We're friends, friends should be comforting and dependable." Ngumite pagkatapos nitong magsalita si Chariz ngunit pagkatapos ng ilang saglit, sumeryoso ulit ang mukha nito.
"I would like to issue another matter." Lumalim ang boses nito at tumingin sa mesa ng matalim. "It's time to announce your abandonment towards the League of Allied Countries!"
(Note: The Triangular Currency Coins's size are 3 Inches in Diameter. Chariz will use her Unique Signature Magic on each of the triangular currency which no one will ever be able to copy.)
Itutuloy.