Chapter 14 - 8th Chapter

Sa isang lugar na nababalot ng makapal na hamog at napagiiwanan ng sinag ng liwanag mula sa tirik na araw, tumatakbo ang binibining si Veronica.

Sa kaniyang paghawi sa makapal na hamog sa kaniyang harapan, biglang nagkaroon ng mga pagkislap sa kaniyang mga paningin.

Ang lugar na kaniyang pinuntahan, isang lugar na napakagulo. Sa kaniyang harapan, digmaan ang kaniyang nasilayan. Sa kaniyang pagtalikod, ikinabigla niya ang pagkawala ng makapal na hamog.

Tila napalitan na ito ng pagsabog kung saan saan. Ingay na mula sa mga nagpapatayan na mga tao. Kaniya-kaniyang pagpapakawala ng kanilang mga magic upang tapusin ang kanilang kalaban.

"What's going on here?"

Hindi niya maiwasan na mapatanong.

Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hindi siya nakaramdam ng panic sa kaniyang pag-iisip.

Nagpatuloy sa paglakad ang kaniyang mga paa habang ang kaniyang paningin ay palipat-lipat sa kung saang direksyon mayroong naglalaban siyang nakikita.

Isang pigura ang nakapag-bigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.

Isang lalaki na kaharap ang isa pang lalaki.

Pareho silang sugatan, subalit walang ni-isang kasamahan ng mga ito ang lumalapit sa kanila.

Nakapaloob ang mga ito sa isang barrier.

Pinasok ni Veronica ang barrier.

"Hindi ka dapat nandito." Nagulat si Veronica nang mayroon isang tinig ng isang babae ang nagsalita.

Bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang kanan.

Sinuntok siya nito sa pisngi dahilan para lumipad si Veronica palayo sa kinaroroonan ng mga naglalaban na dalawang lalaki.

Ramdam ni Veronica ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang ulo matapos siyang bumangga sa isang malaking tipak ng bato.

Unti-unting lumabo ang kaniyang paningin, hindi niya ito nalaban at siya ay tuluyang pumikit. Subalit hindi iyon nagtagal, muli itong nagising at sa pagkakataon na ito ay nasa malapit na naman siyang lugar sa dalawang lalaking naglalaban.

Sa pagkakataon na ito, ang isa sa kanila ay duguan na at nakaluhod sa mabatong lupa. Butas ang kanang dibdib nito, wala itong kanang braso at wasak din ang kaniyang kaliwang bahagi ng mukha. Gayunpaman, nakangite ito at tila iniinsulto pa ang kaniyang kaharap.

"Leo, hindi mo matatakasan ang sumpa na ibinigay ko sa iyo! Mabubuhay ka at mabubuhay habang si Lovain ay magdurusa sa tuwing ikaw ay mamamatay! Despair! Despair! She only needs a handful of despair to lose herself and destroy the 'Holy Grand Dome' spell. It will rain down! Celestials will rain down in this world! You cannot stop what's destined, this is the venue of our 100th Succession War. Lovain will help me become the new king of all realms! I alone, am the omnipotent one!"

Nakaramdam si Veronica ng matinding panginginig sa kaniyang kalamnan.

Labis itong nagtaka ulit nang bigla na lamang siyang napunta malapit sa harapan ng lalaki at nawala ang kaharap nito.

Ang tingin ng naghihingalong lalaki ay nakatuon kay Veronica.

"What's going on?"

"You will be useless every time you reincarnate, your curse will always reset your Wizard status, you are nothing but fodder in your next life Leo! This, I promise to you, I will not let you even reach Archmage wizard rank. Hindi ka magiging hadlang sa nakatakdang mangyari!"

Sumakit ang ulo ni Veronica.

Kahit na nakapikit na ito ay hindi maalis sa isipan niya ang nakakaloko na ngite ng lalaking naghihingalo. Maging sa pagbagsak ng tuluyan ng katawan nito sa lupa ay nasilayan ni Veronica.

"Ano bang nangyayari?" Dumilat ang mga mata ni Veronica.

Pinagmasdan niya ang kaniyang paligid. Tumambad sa kaniya ang pamilyar na kwarto ng kaniyang ama.

"Papa!" Tinawag nito ang kaniyang amang sugatan at nakahiga sa kama nito habang siya ay nakaupo sa isang upuan sa tabi ng kama nito. "Nakatulog ako..."

Inalam ni Veronica ang tibok ng puso ng kaniyang ama. Malakas na ito kumpara sa mga nakaraang araw.

Nakahinga siya ng maluwag, dahil tuluyan ng naialis sa peligro ang buhay ng kaniyang pinakamamahal na ama.

"Papa, nanaginip na naman ako..." Pagkausap niya sa kaniyang amang mahimbing ang tulog.

Hinawakan ni Veronica ang kamay ng ama at hinalikan. "Gumising kana po ha, huwag mo muna akong iwan papa, masyado pa pong maaga. Papa, gumising lang po kayo, pangako, gagawin ko ang lahat para matupad ang engagement ko sa ika pitong prinsipe. Para sa inyo, gagawin ko po iyon papa."

Mangiyak-ngiyak na idinikit ni Veronica sa kaniyang noo ang kamay ng kaniyang ama. Ilang saglit pa ang lumipas, kumatok sa pinto si Sizil bago ito pumasok.

"My lady, may bisita po kayo." Nagbigay ito ng ulat kay Veronica.

Napansin ni Veronica ang kabadong mukha na mayroon si Sizil.

Napagtanto ni Veronica na mula sa palasyo ang bisita. Kailangan nilang magmadali na harapin ang mga ito.

"Sige, asikasuhin mo muna sila saglit magbibihis lang ako ng pormal na damit."

"Yes my lady."

"Sino kaya ang bisita, ang ika pitong prinsipe ba? Nandito ba siya para sa engagement? Ang dami pa nilang dapat ayusin sa Menil dahil sa nangyaring digmaan. Bakit sila nagmamadali para sa isang kasalan na hindi naman magtatakda para sa kinabukasan ng imperyo? Hindi naman ang ika pitong prinsipe ang Crown Prince ahh."

*****

Matapos magbihis, dali-daling hinarap ni Veronica ang bisita sa kanilang mansion. Ang kanilang mansion na kasalukuyang muling ipinapagawa dahil sa ilang bahagi nitong nawasak dahil sa ginawa ng mga Valkyrie na pagwawala sa capital.

Nagtungo si Veronica sa opisina ng kaniyang ama kung saan ito lamang ang lugar na walang sira sa mansion.

Napabuntong hininga si Veronica at napapahid ng kaniyang pawis nang kaniyang masilayan at malaman na ang Prime Minister ng Menil Empire ang kaniyang bisita at hindi ang royal family.

"Hello tito." Binati ni Veronica ang primo minister sa kaniyang pag-upo.

Si Sizil naman ay nakatayo lamang malapit sa gilid ng sofa na inupuan ni Veronica at nakayuko.

"Matagal tagal din tayong hindi nagkita. Kamusta ang iyong papa?"

"Stable na po siya. Hindi ko nga lang po alam kung kailan siya gigising."

Ngumite si Veronica kahit na bakas parin sa ekspresyon nito ang lungkot at pagkabahala.

Hindi na ito planong tanungin pa uli ng prime minister patungkol sa kaniyang ama.

"Tito Gavi, pasensya na po kung wala kaming naihanda sa iyo na magarbo." Yumuko si Veronica at pumikit. Maging si Sizil ay mas lalo pang yumuko bilang pagsunod sa hakbang na ginawa ng kaniyang amo.

"Ayos lang ano kaba naman. Para na kitang anak...huwag kang masyadong maging pormal sa akin. Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-padala ng sulat na bibisita ako."

Itinuwid ulit ni Veronica ang kaniyang pag-upo.

"I have a good news for you, young one."

"Ano po 'yon?"

"Your engagement with the 7th prince is called off."

Napanganga si Veronica sa kaniyang narinig. Napahawak pa ito sa kaniyang bibig upang takpan ang kaniyang nakabukang bibig.

"B-but why? I mean how?"

Nagbitiw ng buntong hininga si Prime Minister Gavi. Isinandal nito ang kaniyang likuran sa sofa na kaniyang kinauupuan.

"Actually I am glad. It was a good news that this happened. Ayokong mapunta ka sa tarantado na prinsipe na iyon. A womanizer, kung sino sinong babae ang dinadala sa palasyo. Sa murang edad napakagaling ng mangbabae!"

Malakas na boses na sabi ni prime minister Gavi. Napatapik pa ito sa kaniyang mga tuhod ng malakas.

"Alam kong ayaw mo din sa mga lalaki. Ayaw mo na hinahawakan ka nila."

Napaiwas ng tingin si Veronica kay prime minister Gavi saka tumango.

Napahawak ito sa bahagi ng kaniyang suot na dress malapit sa kaniyang tuhod. Mas humigpit pa ang kaniyang hawak rito nang matahimik din si prime minister Gavi.

Umigham ito upang baliin ang saglit na umuugong na katahimikan. "Veronica, magandang balita nga na hindi na kayo engaged ng ika pitong prinsipe, subalit..."

Muling nagbitiw ng buntong hininga si prime minister Gavi. Hindi na mabasa ni Veronica kung naiinis o natutuwa pa ang bakas na ipinapakita ng mukha nito.

"Veronica."

"Po?"

Inalis ni Veronica ang kaniyang paghahawak sa bahagi ng dress nito.

"May problema po ba tito Gavi?"

Umiling-iling si prime minister Gavi.

"Hindi ko masasabi kung problema ba ito o hindi."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Nagsalubong ang kilay ni Veronica at napakagat sa kaniyang ibabang labi. Gusto nitong malaman na ang ikinababahalang sasabihin sa kaniya ni prime minister Gavi.

"Naniniwala ka ba na si Lynjove at Lovain Menil ay iisa?"

Inayos ni Veronica ang kaniyang nahulog na buhok sa gilid. Itinaas niya ulit ito papunta sa ibabaw ng kaniyang tenga.

"I don't believe that she was our Queen Lovain. But, I acknowledge her power. She's powerful enough to have the right to identify and announce herself as Lovain Menil herself."

Sa sinabi ni Veronica. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni prime minister Gavi, ngumite ito ulit.

"Your grandfather, the Grand Duke approved of the proposal of Lynjove Menil to engage herself to the strongest unmarried woman the Menil Empire can offer."

Veronica froze. She immediately put it all together and was in deep shock.

"Unfortunately, all of our strong capable people here are married, leaving you the only unmarried left."

"W-Why me? I'm not Archmage yet. I'm not strong."

Nanginginig na boses na sabi nito. Nabahala si Veronica sa nangyayari.

"Actually, Lynjove said that if there are no available Archmage Wizards, then she personally choose you. You are the 2nd strongest student in the academy and she really believe in your potential."

"But...we are the same woman."

"The engagement between you and Lynjove will solidify our never ending relationship with Lovain Confederation."

"Pero tito Gavi, hindi po ako maaaring umalis sa academy. Kailangan ko po ng diploma."

"Unfortunately, you won't need it. The Academy will be suspended for two years."

"I'm afraid to agree..."

Napahawak si Veronica sa kaniyang magkabilang braso. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya rito at napansin ni prime minister Gavi ang paglalim ng tingin ng mga mata nito, matang balot ng takot.

"Yung kalbo na nagbantay sa academy na tauhan ni Lynjove, nakakasuka, nakakawalang gana at nakakahimatay ang aura niyang taglay. Mga halimaw ang si-"

"My lady!" Hindi natuloy ni Veronica ang kaniyang sinasabi dahil sa malakas na pagbanggit ni Sizil sa kaniyang pangalan.

Ang ekspresyon ng mukha nito ay galit.

Hindi hahayaan ni Sizil na manginsulto o manghatak pababa ng kahit na sinong tao si Veronica na kaniyang inalagaan at pinalaki bilang isang noble lady na mayroong dignidad at ethiquet.

"Sorry. It's just... really frightening to experience that kind of aura."

"Veronica. I know how you feel. Even I and the other Council Members are all sweating out bodies when we are having a meeting with Lynjove. She's calm but her aura's hostility is almost making all of us grovel and passed out of fear."

Nagtinginan sila Veronica at prime minister Gavi.

"Lynjove is interested with you. Hindi ko nakikita na may gagawin siya sa iyo na masama dahil nung binanggit ka niya, nagbago ang kaniyang aura. Muntik ko na nga palang makalimutan Veronica, pumanaw na ang haring Gilga, dalawang araw na ang nakakalipas ay hinirang ng hari si Crown Prince Khruzka Menil. Magdadaos ng koronasyon ang Menil Empire sa isang linggo."

"Ang mahal na hari...ang mabait na si haring Gilga na siyang inspirasyon ko noong bata pa lamang ako..."

Namuo ang luha sa mga gilid ng mata ni Veronica.

"Our king is one of our strongest wizard. His magic barriers and brewed potions really help the empire in his decades or reign. Now that he is gone, we will have a hard time finding someone with the same quality of ability like his. We will severely suffer, patunay ang nangyaring digmaan. Dahil nagkasakit ang hari, madaling nabuwag ng Lovain ang ating depensa."

"Those iron eagles, talaga bang kayang gawin ang mga iyon ng tao?"

"Those are called aircraft, flying vehicles smaller than blimps but are fast, durable and are powered by this substance called Jet fuel. You may not believe this but this Jet fuel substance is mostly made of Kerosene."

"Kerosene? That substance that was found in the storage of Gerama Empire after the 3rd Continental war? That substance which was divided by the countries where most of those countries doesn't know what they are used for so either they use preserving magic or sold them to other nations?"

"Yes, and Menil Empire bought those kerosene and we have 40,000 barrels of those carefully preserve in the royal palace's underground storage."

"Lynjove know the mysteries of Gerama Empire and are using them today?"

"Yes. She's a mysterious woman, knowledgeable and powerful. Not only that, that giant golden looking creature that was summon after the Valkyries bleed this black blood she calls crude oil. She explained to us that by refining that crude oil, we can create this kerosene substance."

"Kung ganoon tito Gavi, ang Lovain ay isang bansa na masyado ng moderno."

"Tama. Mas matutuo ka ng maraming kaalaman sa Lovain kapag ikinasal ka kay Lynjove."

"Hindi po ba labag sa batas ng imperyo ang pagiisang dibdib ng parehong kasarian?"

"Pumayag ang mga Council Members dahil na rin sa takot kay Lynjove."

Natahimik si Veronica muli.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.

"Tito Gavi, bigyan niyo po ako ng dalawang araw para mag-isip. Magpapadala ako ng liham kung saan nakapaloob ang aking desisyon. Kung ano man po ang gawin kong pagpapasya, sana ay respetuhin ito ng imperyo."

"Huwag kang mag-alala. Kung ano man ang iyong maging pagpapasya, gagawan ko ng paraan ang lahat huwag ka lamang maipit sa kapahamakan."

Ngumite si Veronica at lumapit kay prime minister Gavi. Hiningi nito ang kamay nito at nagmano rito.

"Salamat po, tito Gavi."

Itutuloy.