Third Person Point of View
Halo-halong emosyon ang naiwan sa mga mamamayan ng Kontinente ng Lireo matapos basahin ang pinakahuling balitang editoryal mula sa Unbound Organization. Ang sitwasyon sa Laxima Continent na teritoryo ng South Empire ay malubha, kung saan ang mga lahi ng mga demon ay nag-aalsa at nagdudulot ng kaguluhan. Ang mga tao at iba pang lahi ay tina-target, na humahantong sa maraming tumakas para sa kanilang buhay. Maging ang gobyerno, na binubuo ng magkakaibang halo ng mga tao, demon, at iba pang lahi, ay natagpuan ang kanilang sarili sa isang delikadong posisyon habang ang mga miyembro ng gobyerno ng lahi ng demon ay pumanig sa kanilang sariling uri at umalis patungong Laxima upang suportahan ang paghihimagsik laban sa pamahalaan ng South Empire.
Lumakas ang tensyon nang ang pamahalaan ng South Empire ay naglabas ng banta sa mga rebolusyonaryo, na nagbabala sa kanila na mapipilitan silang gamitin ang 'Great Extinction Explosion' Magic. Ang makapangyarihang magic na ito ay isa sa '10 Great Singular Spell Magics' ng Lireo Continent, na ipinagkaloob sa mga bansa ng 15 Deities. Ang paggamit ng mga spell na ito ay nangangailangan ng mga mamamayan na ipahiram ang kanilang mana sa pamahalaan upang maisaaktibo ang mga ito, ngunit sa huli, ang spell ay maaari lamang ibigay sa pinuno ng bansa. Ang pinunong ito, sa panahon ng kanilang inagurasyon o koronasyon, ay pumipirma ng isang kasunduan sa 15 Deities, na nagbibigay sa kanila ng awtoridad na gamitin ang makapangyarihang mga magic na ito.
Ang Great Extinction Explosion ay inilarawan bilang isang mapangwasak na explosion magic na may kakayahang wasakin ang isang lugar na sumasaklaw sa higit sa 50,000 km². Ang pagbanggit lamang ng gayong mapanirang puwersa ay nagpadala ng malakas na tensyon sa pamamagitan ng mga mamamayan, na ngayon ay nakipagbuno sa bigat ng kanilang potensyal na pagkakasangkot sa gayong mga sakuna na kaganapan. Ang maselang balanse ng kapangyarihan at ang hina ng kapayapaan sa kontinente ay nakabitin sa balanse habang ang multo ng malawakang pagkawasak ay nagbabadya sa abot-tanaw. Ang mga mamamayan ay naiwang nag-iisip kung ang kanilang pinuno ay tunay na gagawa ng gayong matinding mga hakbang, at kung ano ang mga kahihinatnan para sa kanilang mundo kung gagawin nila....
*****
Samantala, sa Lovain Confederation ay dumating na si Veronica. Buo ang loob nitong pumayag at magdesisyon na maikasal sa pinuno ng Lovain na si Lynjove. May halo pang kaba sa dibdib nito nang siya ay makalagpas sa nagiisang gate na siyang lagusan papunta at palabas ng Lovain at Menil Empire.
Sakay ng karwahe, bumiyahe ito ng dalawang araw papunta sa Menila, ang kabisera ng Lovain.
Manghang-mangha si Veronica sa kaniyang nakikita na tanawin.
Ang kalsada na dinadaanan nila ay kulay itim, sa pagmamasid niya dito ay alam niyang ito ang dahilan kung bakit ang takbo ng karwahe ay maalis at hindi gaanong umaalog-alog.
Namangha din siyang makita ang mga nakatayong mga poste sa gilid ng kalsada. May pagitan ang mga posteng ito ng apat na metro mula sa isat-isa. Ang mga posteng ito ay mga ilaw na siyang sumasagap ng enerhiya mula sa araw upang umilaw sa pagsapit ng gabi.
Napansin din ni Veronica na kakaiba ang mga bahay at gusaling kaniyang mga nakikita.
"What are they made of?" Tanong nito sa kaniyang mga nakikita.
*****
"We're here," hindi namalayan ni Veronica na siya ay nakarating na sa Menila matapos ang ilang araw na pagbiyahe.
Sa kaniyang pagbaba sa karwahe ay sinamahan siya ng kaniyang mga guwardiya.
Isang daang holy knights ang sumama sa paglalakbay ni Veronica upang masiguro ang kaniyang kaligtasan sa pagtungo sa Lovain.
Sa harapan ng isang napakalaking gusali, lumabas ang mga tao mula rito.
Magarbo ang mga suot ng mga ito, halos lahat ang mga taong lumabas ay nakasuot ng tuxedo.
"Maligayang pagdating sa Lovain, miss Veronica Lunox." Sabay-sabay na pagbati ng mga ito.
"Wow." Manghang sabi ni Veronica sa kaniyang nasaksihan na pag-bow ng mga tao sa kaniya.
Dalawa sa mga bumati ang biglang lumakad palapit kay Veronica.
Isang lalaking mayroong matutulis na kulay pula na buhok. Mayroon itong kulay pula na kilay at mata at maputlang labi. Nakasuot ito ng isang kulay itim na makapal na sleeveless vest na walang dobleng suot na damit panloob. Mayroon kulay puting scarf na nakabalot sa kaniyang leeg. Nakasuot ito ng kulay grey na track pants. Nakasuot ito ng isang kahoy na tsinelas.
Ang isang lalaki naman ay mayroon kulang itim na makinis at manipis na buhok. Mayroon itong kulay puting mata at mahabang pilik mata. Siya ay nakasuot ng itim na tuxedo at kulay puting necktie. Nakasuot naman ito ng kulay itim na slacks at kumikinang na black shoes. Ang kanang kamay nito ay may suot na kulang itim na gloves na siyang mayroong hawak-hawak na baston.
"Ikinagagalak naming makita na ligtas kang nakarating dito sa aming bansa." Nakangite na sabi ng lalaking mayroong pulang buhok. "Ako nga pala si Lisarius Xanxuslazarus, isa sa mga katiwala dito ng aming Great Liege." Nagpakilala ito kay Veronica. Inilahad nito ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ni Veronica at silang dalawa ay nagkamayan.
"Ako naman si Rizal. Nice to meet you our future holy maiden." Pagpakilala ng lalaki naman na may itim na buhok.
"Holy maiden?"
Siniko agad ni Lisarius si Rizal.
"Huwag mong isipin ang sinabi niya."
"O-okay..."
"Anyways, let's get inside. You need to rest, you're welcome in the house of our Great Liege. This is Villa Lovainia."
Hinarap ni Veronica ang mga guwardiya ng Menil. "Salamat." Sabi nito saka ngumite.
"Miss Veronica..." Pagtawag ng ilan sa mga guwardiya.
Sinamahan ni Lisarius si Veronica sa pagpasok sa gusali habang si Rizal naman ay hinarang at pinaalis na ang mga guwardiya na nagbantay kay Veronica.
"Your mission is done. With miss Veronica inside our premises now, she's the safest person on this continent. Take your leave and report to your superiors."
Hindi nagustuhan ng mga guwardiya ang sinabi ni Rizal. Subalit hindi sila naka-angal dahil nagpakawala ito ng napakalakas na aura.
Natakot ang mga guwardiya at napilitan na sundin ang sinabi nito.
Sa pag-alis ng mga karwahe ng Menil Empire, humabol si Rizal sa pumasok na sa loob ng gusali na sina Veronica at Lisarius.
*****
Lisarius Xanxuslazarus Point of View
"Anong masasabi mo sa kaniya?" Tanong sa akin ni Rizal.
"She's definitely the holder of one of our liege's core." Tugon ko sa kaniya saka ko ininom ang baso ng buko juice. Tumayo ulit ako at hinawakan ang pitsel at nagbuhos ng buko juice sa aking baso.
Tumawa si Rizal at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa na kaniyang inuupuan habang naka-dekwatro na upo.
Narito kami ngayon sa aming private living space. Isa itong malawak na kwarto na tambayan naming magkakaibigan.
Sa ngayon, kami lang ni Rizal ang nandito dahil abala sa mga gawain nila ang mga kasama namin.
Limang oras na din mula ng dumating si miss Veronica at sinamahan namin siya patungo sa kwarto na kaniyang pinagpapahingaan sa kasalukuyan.
"Too bad my liege is on a mission."
Tumawa si Rizal kalaunan.
"Dumating na dito ang babaeng papakasalan nito pero abala pa siya sa nangyayari sa Lizardia."
"Yeah. You know what's the worst? We're task to train alongside miss Veronica? We're aiming for our mana to reach the Deity Harvest Festival and yet we're going to be hindered."
"Huwag kang magsalita ng ganiyan. We need to train miss Veronica, it's for the best of our nation and our religion. The prophecy must be fulfilled no matter what."
"Oo alam ko...Lovemir will soon shock the Lovanian Belief again." Nagulat ako nang bigla niyang hinagis ang kaniyang baso sa pader. "I can't accept the fact that he must-"
"Rizal! You're drunk! Too much vodka is messing your temper." Pagsaway ko sa kaniya.
"Yeah, yeah mister coconut juice..."
Nahirapan siyang tumayo sa sofa at nagpagewang-gewang na naglakad.
"Nakalimutan mo yung baston mo." Kinuha ko ang baston niya at hinagis sa kaniya.
Nasalo naman niya ito kahit papaano.
"We're are you going?" Tanong ko sa kaniya.
"To the Monster Sanctuary."
"Nandoon sina Yold at Tyfana, balita ko ay tinutulungan ni Yold si Tyfana na magpalakas at maabot ang Demigod status."
"Those lovers..."
Pabagsak niyang isinarado ang pinto.
Hindi ko naman namalayan na masyado ko na palang hinahawakan ng mahigpit ang baso ko na siyang nabasag.
Umupo ako at inalala ang pagkabigo sa misyon na aming ginawa.
Matapos ang digmaan sa Menil Empire, sinalakay namin kasama sina Yold, Rizal, Zeil, Kiev at my liege ang North Empire.
(Flashback)
Sa itaas ng teritoryo ng North Empire, lumilipad kami sa ere sa tulong ng magic ni my liege.
Tumambad sa amin ang isang napakalaking barrier na nakabalot sa buong North Empire.
Blangko ang ekspresyon ni my liege na nakatingin sa kalabang bansa. Habang sina Zeil at Kiev naman ay hindi na mapigilan ang kaniyang mga aura na gusto nang atakihin ang North Empire.
"Cha, are you sure about this?" Tanong ni Yold kay my liege.
Nainis sina Rizal, Kiev at Zeil sa kanilang naring na pagtawag na ginawa ni Yold kay my liege.
"It's my liege you bald idiot!" Sabay sabay na sabi nilang tatlo.
"Cha permitted me to do so. So I'll her Cha. You three can't do anything as it's the will of Cha."
"You baldy!" Akmang susugurin si Yold ni Kiev nang biglang hatakin ni my liege ang kaniyang suot na damit.
"I've permitted him to call me with a nickname from the false name Chariz that I've used in the academy. He did great protecting what I wanted to be protected. Please don't be mad at him."
"Sorry my liege." Humingi ng tawad si Kiev.
"But my liege, if the others would hear Yold calling you with that, they may get the wrong idea and imitate him." Paliwanag naman ni Zeil.
"Hindi. Yold got his authority through hardwork, then my people also have the right to call me nicknames if they accomplish something big for themselves and for the nation. Even you three can gain your authority if you do big enough. I don't want to feel privileged so much, I don't want to be worshiped, I want to be living a simple immortal life."
Naging emosyonal saglit sina Zeil at Kiev ngunit hindi din ito nagtagal dahil bigla kaming inataki ng North Empire.
Isang napakalakas na energy blast ang sumugod sa amin.
"You mannerless dog of a nation!" Galit na sigaw ni Kiev. "Item box."
Inactive nito ang kaniyang item box magic at kinuha mula dito ang kaniyang spear weapon.
"Negation Magic." Gamit ang kaniyang spear weapon ay kaniyang binura ang sumugod sa amin na energy blast.
"Your magic, you're own tasting." Tumawa ito ng nakakaloko.
"Copy magic, energy blast!" Ginaya niya ang energy blast kanina at pinakawalan ito mula sa kaniyang spear. Sumugod pabalik sa North Empire ang energy blast.
Ngunit nagulat kami ng wala itong naging epekto nang tumama ito sa Barrie.
"Paanong..." Nagtataka na sambit ko.
"Galing ang atake sa loob hindi ba?" Tanong ni Rizal.
"Anong nangyayari?" Hindi makapaniwala na sabi ni Kiev.
"Subukan ulit natin." Sabi naman ni Zeil. "Magic Nova; Element Four Magic, Grand Elemental Fusion."
Inactivate ni Zeil ang kaniyang Magic Nova.
Ipinatama niya ito sa barrier ngunit hindi parin ito umubra.
"Hindi...maaari." Hindi makapaniwala na sabi ni Zeil na kaagad idineactivate ang kaniyang Magic Nova.
"Subukan natin pagsamahin ang mga lakas natin." Pagbigay ko sa kanila ng suggestion.
Nabigla kami nang tumawa si my liege.
Sumenyas ito sa amin.
"Nah, that's it for now." Napahawak ang kanang palad nito sa kaniyang mukha habang tumatawa ng nakakaloko.
"My liege, ano po ba ang mayroon sa barrier na ito?" Tanong ni Kiev.
"This is a Confinement Zone. One of the spells that the organization of Deities grants to the leaders of various nations in this region. Pero, ang barrier na ito, mukhang sinadya ito ng "Unbound" para ikulong sa loob ang kanilang target na ikulong." Inilagay ni my liege ang kaniyang kamay sa kaniyang batok at pinatunog ito ng maraming beses.
"Ang hari ba ng North Empire?"
Tumango si my liege sa tanong ni Zeil.
"Mukhang may ginawa ang lokong hari ng North Empire at napansin ito ng "Unbound"."
"Lisarius..."
"Po?"
"Huwag mong kakalimutan na ano mang oras ay ako na ang isusunod ng "Unbound". Wala tayong magagawa kung hindi ang hintayin ang barrier na ito na mawala. Kiev, gusto kong manmanan mo ang North Empire. Sa oras na mawala ang barrier ay sabihin mo kaagad sa akin."
"My pleasure my liege."
"For now, we all need to head back to Lovain."
"Masusunod."
(End of Flashback)
*****
Bumalik muli si Rizal sa silid, galit ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Kailangan kong magwala."
"Edi magwala ka?"
"No, let's fight. Sparring."
Nagbitiw ako ng buntong hininga, "alam mong hindi lang normal na sparring ang gagawin nating dalawa. Sigurado akong lalabanan mo ako ng may balak kang tapusin ako, tito."
"Huwag mo akong tawagin ng ganiyan!"
Tumawa ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Kung ganon, kung handa kana, pumunta tayo sa Rockyland."
Lumabas kaming dalawa at nagtungo sa Rockyland. Isang lugar sa bansang Lovain na may lawak na 300 km². Isa itong mabuhangin at mabatong lugar. Dito kumuha ng kaniyang ginamit para sa mga dekorasyon na bintanang gawa sa babasagin na salamin si my liege.
Inabot kami ni Rizal ng tatlompung minuto patungo sa Rockyland.
"Ano na namang hangin ang pumasok sa utak mo't gusto mong mapilayan?" Tanong ko sa kaniya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin, mahigpit siyang nakahawak sa kaniyang baston.
"Sabi ni my liege, siya ang susunod na aatakihin ng Unbound...hindi ko parin matanggal sa isip ko ang pag-aalala na nakita ko sa kaniyang mga mata."
"Hindi kailan man magaalala ang my liege."
"Mali ka, nagaalala siya sa kaniyang sinabi noon. Alam kong, hindi ang sarile niya ang kaniyang inalala...tayo. Alam niyang importante na sundin ng mga mortal ang palatuntunin ng Unbound, kapag sinalakay ang Lovain, sa tingin mo ba may magagawa tayo? We're just Demigods... we're not Deities!"
"So what? I'm going to become more and more stronger...I won't be a hindrance to my liege."
"So am I. That's why, let's fight and see how much we've improve 4 months ago."
"Madaya ka din talaga minsan, you stayed here training while I was assigned by my liege to Spezia."
"Is that your excuse?"
Umiling ako. Tumawa ako ulit dahil sa narinig ko sa kaniya.
"Since when did I made an excuse?" Nagpakawala ako ng aura na siyang nagpapawis sa kaniya.
"Let's start."
"Ready when you are!"
"Juggernaut Mode."
I started transforming myself. Nabalutan ng kulay maroon na matingkad na armor ang aking katawan. Lumaki ang aking katawan ng doble kaysa sa normal kong taglay. Ramdam ko ang pagdalong ng kuryente sa aking ulo at buhok na nagsitayuan at naging nabahiran ng kulay itim ang ilang hibla na mayroon ako. Nagkaroon din ako ng mask na may disensyo ng isang ngipin ng isang halimaw.
"Starting strong...fine by me. Grimore Magic." Ng-activate na din si Rizal ng kaniyang magic.
Isang mahiwagang libro ang lumabas sa kaniyang kamay. Binitawan niya ito at lumutang ito sa ere.
Sumugod ako sa kaniya. Akmang susuntukin ko siya sa kaniyang tagiliran nang biglang mayroong lumabas na kulay itim na apoy sa kaniyang paligid.
Nasunog ang kamao ko kaya naman ang paa ko ang ginamit ko. Sinipa ko siya at tinamaan siya sa kaniyang tiyan.
Tumilapon si Rizal habang ako naman ay nilasap ang pagsunog ng ginawa ng kulang itim na apoy sa kamao at paa ko.
Nag-ipon ako ng enerhiya sa aking kamao. Sinuntok ko ang ere at kumawala ang malakas na pwersa ng enerhiya na sumugod sa kinaroroonan ni Rizal.
Gumawa si Rizal ng makapal na diamanteng pader na ipinangsangga niya sa atake ko.
Sinundan niya agad ito ng libo-libong diamond lances na mabilis na sumugod sa akin.
Sinubukan kong ilagan ang ilan sa mga ito ang iba naman ay sinusuntok at sinisipa ko.
Marami ang dumaplis sa akin at binigyan ako ng galos sa kahit saang bahagi ng katawan ko.
Dinilaan ko ang galos ko sa kanang palad ko na dulot ng diamond lances na atake na ginawa sa akin ni Rizal.
"My blood taste bitter..."
Nagmasid ako sa maalikabok na paligid, pinakiramdaman ko ang galaw ng mana ni Rizal ngunit ilang saglit lamang ang lumipas ay nawala ito.
He concealed his mana. He's planning to use chi now. The most annoying of all.
Umupo ako sa isang malaking tipak ng bato. Humigop sa ere at malakas na bumuga ng hangin. Nawala ang alikabok at mayroon lumipad na ilang mga bato.
Tumambad sa akin si Rizal na balot na ng kulay orange na enerhiya ang kaniyang dalawang kamay.
"He's really using chi." Napakagat ako sa aking labi.
"Tito Rizal!!" Tumakbo ako pasugod sa kaniya.
"Sinabi kong huwag mo akong tatawagin ng ganiyan!!" Galit niyang tinanggihan ang sinabi ko.
Sa paglapit ko at akmang sumuntok ako sa kaniya. Sinabayan niya ako.
Sa pagtama ng mga kamao naming dalawa malakas na pwersa ng hangin na naglalaban ng direksyon na pupuntahan ang namuo. Kalaunan ay kumawala ang isang enerhiya na sumabog na siyang nagwasak ng ilang metro mula sa kinaroroonan namin ni Rizal.
Nabalibag ako dahil sa impact habang si Rizal ay hindi naalis sa kaniyang kinaroroonan. Binalutan niya ang chi ang kaniyang mga paa upang masuportahan ang kaniyang timbang at hindi madala ng impact.
Nabalot ulit ng alikabok ang Rockyland at sa pagkakataong ito ay nagdulot ng buhawi ang ginawa naming pagsabayan ng suntok ni Rizal.
Ilang minuto matapos kumalma ng buhawi, nag-warm up ako. Pinatunog ko ang batok, leeg, teanga, siko, kamao at mga tuhod ko.
Idineactivate ko ang Juggernaut Mode.
"Red Alert mode."
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Sa pagdilat ko, rumagasa ang kulay pula na enerhiya sa buo kong katawan. Naging pula din ang kulay ng aking balat. Umiksi ang haba ng buhok ko. Nagkaroon din ako ng mga kulay itim na marka sa buo kong katawan.
"Red Alert mode, the transformation that gives you balance speed, strength, endurance and granting imagination. Unlike your Juggernaut Mode, it's pure assault and no defense and you can only fire energy blast. Morphing sure is a cheat code." Angal ni Rizal sa akin.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
"Like hell your chi is not a cheat code!"
"I've been the one you're attacking, so it's time for me to be the one to do it." Anunsyo nito sa akin.
Sumugod siya sa akin.
Sa kaniyang pagsuntok gamit ang kaniyang kamaong balot ng chi, inilagan ko ito at nag-counter punch ako sa kaniya. Nasapol ko siya sa mukha.
Napa-atras siya pero hindi siya nawalan agad ng balanse.
Muli siyang sumuntok kahit na nagdudugo na ang kaniyang ilong at nakapikit ang isang mata.
Hinampas ko lang ang kaniyang kamao at muling sinuntok sa mukha at sinundan ng suntok sa panga.
Natumba si Rizal at umubo ng limang beses.
Lumapit ako sa kaniya at sinuntok ulit siya sa kaniyang tiyan.
Sa ginawa ko na pagsuntok, nagkaroon ng hukay sa paligid namin at lumipad ang tipak ng bato at lupa.
Napasuka si Rizal ng dugo sa ginawa ko.
Ipinilit niya ang kaniyang sarile na makatayo at dumistansya sa akin, umalis ito sa maliit na hukay na ginawa ko.
Umalis rin ako sa hukay at nakita si Rizal na nakaluhod.
"I guess Red Alert is still too much for you? I haven't gone all out in this form."
Ngumite ito sa akin, piinunasan niya ang kaniyang dugo sa mukha gamit ang kaniyang kanang kamay.
"You broke some ribs. Even my jaw and nose are screaming in pain."
"Are we done now?"
Umiling ito at tumayo ng tuwid.
He charge up his chi energy in his fist.
"Not until I lander this chi fist!"
"Bring it on."
Matapos nitong magkarga ng chi sa kaniyang kamao, mabilis ito tumakbo palapit sa akin.
I accepted his challenge.
Inihanda ko din ang aking kamao at nagkarga ng pulang enerhiya.
Nagsabayan kami ng suntok na dalawa.
Sa aming ginawa na pagsabayang ng suntok, hindi ako makapaniwala na nadaig ni Rizal ang pwersa ko. Nagkalasuglasog ang loob ng aking buong braso at kamay, ramdam ko kung paanong ang mga buto ay parang isang baso na nabasag and pagpunit ng mga laman.
Nabalibag ako sa pagkatalo ko sa aming sabayan.
Patuloy ako sa paglipad at pagbangga sa mga malalaking tipak ng bato.
Upang matigil ang aking paglipad, dineactivate ko ang Red Alert mode at inactivate ang Thunder Cloud mode.
Nagagawa nitong pagaanin ang katawan ko kaya unti-unti kong nagawang pigilan ang paglipad ko.
I can't use my left arm anymore.
Bumalik ako kaagad sa kinaroroonan namin kanina ni Rizal, ngunit nakita ko itong wala ng malay na nakahiga sa mabatong lupa.
I smiled at him at sat beside him.
"Rizal..."
Itutuloy.