Chariz located the clown responsible for the summoning of the Valkyries.
Ikinulong niya ito gamit ang kaniyang 'Eternal Prison Magic'.
Sinubukan ng irritado na clown na makawala sa magic ni Chariz ngunit nabigo itong makatakas.
He fell into despair quickly and started thinking of a way to escape severe punishment.
"Ikaw ang ireregalo ko kay Kiev." Nakatingin si Chariz sa mga Valkyrie na nagsimula ng mangwasak sa capital ng Menil Empire.
Ang kaniyang plano na 'total victory' ay sinira ng sampung traydor na council members at ng kasama ng mga ito na clown na mula sa North Empire.
Pinakawalan ni Chariz ang kaniyang malakas na aura na siyang nagbigay sa mga Valkyrie ng atensyon ng mga ito patungo sa kaniya
Sumugod ang isang Valkyrie na may hawak na palakol.
Sa paghampas nito kay Chariz ay ipinangsangga ni Chariz ang kaniyang kamay.
Nawasak ang higanteng palakol ng walang kahirap-hirap.
Ang Valkyrie ay napa-atras dahil sa impact ng ginawa nitong paghampas at pagkawasak ng kaniyang palakol.
Kaagad itong bumuga ng kulay itim na laser beam kay Chariz.
Hinampas lang ito ni Chariz paitaas at sumabog ito sa ere.
"Hay nako." Tinapik ni Chariz ang kaniyang noo sa pagkadismaya. "You've summoned Two Winged Valkyries at your best? You can't even lend your own mana to boost your summoning abilities? Are you really council members? And you clown, how weak does your North Empire think the Menil Empire is?" Mapang-insulto na sabi ni Chariz sa mga mahihinang Valkyrie.
Nag-sanib pwersa ang mga Valkyrie ng kanilang laser beam na ipinatama kay Chariz.
"Gravity Magic, Push Force."
Nagkaroon ng pwersa ng gravity sa paligid ng pasugod na laser beam. Bumalik ito patungo sa kinaroroonan ng tatlong Valkyrie. Tinamaan ang mga ito sa kanilang dibdib. Nagkaroon ng malakas na pagsabog, mas lalo pang lumaki ang pinsala na natamo ng kabisera.
Sa paglaho ng usok, tumambad ang butas ang dibdib at wala ng mga pakpak na mga Valkyrie. Tumatagas mula sa butas ang kanilang berdeng dugo.
Nanghina ang mga Valkyrie na nakaluhod.
"Ang lalaki ninyo pero wala kayong mga kwenta." Dismayado na sabi ni Chariz.
Akmang tatapusin na nito ang mga Valkyrie nang bigla na lamang nawasak ang kaniyang Eternal Prison Magic na ginamit sa clown.
Ginamit ng clown na sakripisyo ang kaniyang sarile para sa isa pang summoning orb nitong dala. Hinigop ng orb ang kabuuan ng clown, maging ang tatlong Valkyrie ay hinigop nito. Namuo ang malakas na pwersa ng enerhiya sa paligid, yumanig din ang kabisera dahil sa nagbabadyang paglabas at pagkakaroong ng pisikal na katawan ng nilalang na sinummon ng clown sa mundong ito.
Kalaunan, isang higanteng nilalang na mayroong makinang na kulay gintong balat, makapal na matitigas na buhok na kulay gintong mahaba, pakpak na kulay itim, matulis na buntot na kulay ginto at ang ibabaw na bahagi ng mukha nito ay tila mayroong nakalagay na maskara na itsura ng isang dragon ang nagpakita kay Chariz.
Lumapad ng husto ang ngite ni Chariz sa kaniyang nakita.
Naglabas ito ng isang espada mula sa kaniyang item box. Binalutan niya ng kulay itim na enerhiya ang kaniyang hawak na espada at nasasabik na sumugod sa nilalang.
"Nakita ko ulit ang angkan mo!!"
Sa pagwasiwas ni Chariz sa kaniyang espada, hiniwa niya sa dibdib nito ang nilalang.
Napahiyaw ito dahil sa sakit ng napakalakas at nakakabingi. Umalingawngaw sa kabisera ang nakakatakot nitong tinig.
Sumirit mula sa sugat nito ang ang kulay itim nitong dugo. "Crude oil!!" Sigaw ni Chariz na talagang natutuwa sa kaniyang ginawa.
"Collector Magic, Celestial Blood Collection."
Kinolekta ng kaniyang magic na ginamit ang dugo na nagmula sa sugat ng nilalang na kaniyang hiniwa.
"Tell me, what tribe of Celestials are you?"
Hindi parin mawala ang pagkasabik ni Chariz.
Palipad lipad lamang ito sa ere at hinihiwa ang katawan ng kaniyang kaharap na nilalang.
Namimilipit ito sa sakit kaya naman nagpapakawala ito ng napakalakas na electrical burst. Lumabas ang mga boltahe mula sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito na siyang hindi naman naging epektibo kay Chariz.
"Just answer my damn question Celestial!"
Sinaksak ni Chariz sa kanang mata nito ang nilalang. Kaagad niyang binunot ang kaniyang espada at dumistansya.
"And...andr...androm-"
Tumawa ng malakas si Chariz mula sa kaniyang narinig.
"You're a relative of that man then. King Andromeda!"
Sinubukan ni Chariz na pakalmahin ang kaniyang sarile.
Nagawa nitong pigilan ang pagtawa ng malakas ngunit patuloy parin ito sa pagtawa ng mahina.
"I see...you are in the North Empire. You are still alive...you are still trying to collect all your soul fragments that I've split into thousands of fragments after your bitter defeat with my beloved Leo."
Tuluyang ikinalma ni Chariz ang kaniyang sarile.
Seryoso nitong tinignan ang nilalang na binalutan ng boltahe ng kuryente ang katawan nito.
"Die!"
Sa isang iglap lamang, muling sumugod ng napakabilis si Chariz sa nilalang. Hiniwa niya ito ng maraming beses dahilan para magkahiwa-hiwalay ang katawan nito.
Sumirit ang masagana nitong kulay itim na dugo na siyang kinolekta ng kaniyang aktibo na Celestial Blood Collection spell.
"Thank you for this 20 barrel of crude oil."
Sabi ni Chariz na tumingin sa isang higanteng bola ng enerhiya na siyang kumolekta sa napakaraming crude oil na siyang dugo ng nilalang na kaniyang pinaslang.
'I can use this for adding it to my asphalt creation for my road enhancement projects in Lovain.' natutuwa na sabi ni Chariz sa kaniyang sarile mula sa nakuha niyang crude oil mula sa nilalang.
Nagtungo si Chariz sa isang bunker kung saan nagtatago ang mga Council Members.
Takot ang mga naramdaman ng mga ito nang marating sila ni Chariz. Lumuhod ang mga ito sa kaniyang harapan at kinilala ang kaniyang pagkatao bilang ang kanilang kauna-unahang kamahalan.
"Where's the Prime Minister?" Tanong ni Chariz sa mga ito.
Masamang tinignan ni Chariz ang sampu sa dalawampung Council Members na kaharap niya ngayon. Ginamitan niya kaagad ang mga ito ng kaniyang Eternal Prison Magic.
"These 10 North Empire lackeys are mine to execute. The rest of you have no right to refuse and oppose me." Anunsyo ni Chariz sa mga ito.
Hindi naman umangal ang ibang mga council members at hinayaan lamang si Chariz.
Nagpasama siya sa mga council members na hindi kaalyado ng North Empire patungo sa royal palace kung saan naroroon ang Prime Minister, ang Grand Duke, at ang royal family.
Inihanda ng Prime Minister ang kaniyang sarile sa pagdating ni Chariz.
Handa na ito ano mang sandali na siya ay mapaslang ngunit hindi siya pinarusahan ni Chariz.
Nagsagawa lamang ito ng isang importanteng pulong at kasunduan sa Menil Empire.
Nagresulta sa pormal na pagpapalaya ng Menil Empire sa Lovain Confederation ang pulong. Nagsimula din mula rito ang pagtatag ng bakal na alyansa ng magkabilang panig.
Nangako si Chariz sa Menil Empire na tutulungan niya itong makabangon mula sa pagkawasak na nangyari dahil sa digmaang naganap.
Inimbitahan din ni Chariz na dumalo sa susunod na summit ng 'IUCA' ngunit magalang itong tinanggihan ng Prime Minister at ng labing isang Council Members.
Inamin ng Prime Minister ng Menil Empire na labis siyang nabigla at nabahal noong araw na malaman niya ang deklarasyon ng pag-alis ng Spezia, Lizardia at Felisha sa League of Allied Countries gamit ang 'Telecast Magic'.
Ngunit ngayong napag-alaman nitong hindi sila kakalabanin ng Lizardia, napanatag ang kanilang loob.
Napagdesisyunan nilang mainam na magkaroon ng dalawang magkaibang organisasyon na siyang kumakalaban sa North at South Empire.
Plano na din nilang makipag-pulong sa ibang miyembro ng kanilang organisasyon sa League of Allied Countries na alisin ang Elvina sa kanilang organisasyon dahil sa kataksilan nitong dulot.
Nagpapadala ang Elvina ng mga armas gaya ng dinamita, cannon, mga espada at spears sa mga rebelde sa Spezia batay sa ulat ni Lisarius kay Chariz na ibinahagi ni Chariz sa kaniyang mga kapulong.
Hindi na pinuntahan ni Chariz ang kaniyang mga kamag-anak.
Kinuha ni Chariz mula sa kaniyang item box ang kaniyang maskara at isinuot ito.
Nagtungo siya sa academy kung saan naroon ang mga estudyante at mga staff members.
Sa kaniyang pagdating, malungkot siyang sinalubong ni Yold. Lumuhod ito sa kaniyang harapan.
Hindi maiwasan ni Chariz na tanungin si Yold kung ano ang problema.
"Yold..."
Napapikit si Yold sa pagtawag na ginawa ni Chariz sa kaniya.
"My liege, I did something unnecessary."
"What is it? Did you do something to my beloved Veronica?"
Umiling si Yold.
"It's about the principal and the student council president. They're...dead...I killed them." Pag-ulat nito kay Chariz.
Nagulat si Chariz at napa-upo nang nakasalo sa kaniyang mga tuhod ang kaniyang mga siko.
"Bakit?"
"Hindi ko napigilan ang labis na pagkasabik nang napanood ko ang iyong pagdeklara ng kalayaan ng Lovain. Umapaw ang aura ko na siyang naramdaman nila kaya naman nagtungo ako sa dimensional training room ng academy. Kung hindi sila sumunod, hindi ko sila papaslangin, subalit sumunod sila at handa silang kalabanin ako. Nagalit din ako dahil sinabi nila na isa kang pretender. They don't know and acknowledges that your real identity was Lovain Menil so I-"
Kaagad na hinand-chop ni Chariz si Yold sa ulo nito. Nawalan ito ng malay nang bumagsak ito sa madamong lupa.
"What you did is inevitable. Bakit ka nag-aalala. You protected the others, you protected Veronica. You are also the one who suggested to me to demand an engagement with her to Menil Empire after the war...they agree to engage Veronica to me. You won't know this Yold but the Prime Minister is a good friend of Veronica's father, he said Veronica is allergic to men so he thinks it will not affect greatly to Veronica is she wil be engaged to me. It will also strengthen the of our two nations."
Pagkuwento ni Chariz na napansin ang pagkawala ng malay ni Yold.
"You let your guard down and accepted any punishment for me? What a child you are Yold." Angal ni Chariz.
Tumingin si Chariz saglit sa mga building ng academy.
"It was nice seeing this place for the last time I guess?" Anunsyo nito.
"Mag-iingat ka Veronica. We'll see each other soon." Kinilig si Chariz matapos itong sabihin.
Kinarga nito si Yold at Umalis ka-agad sa Menil Empir.
Sa nangyari na digmaan, naka-kalap si Chariz ng impormasyon na hindi niya inaasahan. May kinalaman ang isang dating kakilala na matinding kaaway sa nangyayari na panghihimasok at masamang balak ng North Empire sa Menil Empire.
Si King Andromeda, isang pangalan na may kaugnayan sa nilalang na siyang nagbanggit ng tribo ng lahi nitong kinabibilangan.
*****
Matapos ang siyam na araw na digmaan, nagkaroon na ng kapayapaan mula sa magkabilang panig.
Ang mga mamamayan, takot at nakaranas ng trauma. Marami ang nahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay, marami ang napaslang, marami ring hindi na maaaring mailibing ng kanilang mga mahal sa buhay sa malalang sinapit ng mga labi ng mga ito.
Pagkatapos ng dalawang araw, nagsimula na ang Menil Empire na ayusin ang mga nawasak nilang ari-arian, inilibing ang mga napatay sa digmaan, gumawa ng mga pansamantalang matitirhan para sa mga nawalan ng tirahan at nagbigay ng pagkain at gamot sa mga mamamayang labis na na-apektuhan.
Hindi nag-atubili si Chariz at nagpadala din ito ng tulong sa Menil.
Nang masilayan ng mga mamamayan ang mga mamamayan ng Lovain, lumuhod sa takot ang mga ito at nagsimulang magdasal.
Nagmakaawa ang mga ito na patawarin sila ng kanilang Deity na si Lovain at tapusin na ang pagpaparusa sa kanilang bansa.
*****
Samantala, ang sampung traydor na council members naman ay hinanda sa isang execution platform sa isang malawak na public ground sa kabisera.
Nakaposas ang mga kamay ng mga ito gamit ang posas ng Lovain Confederation na kayang pigilan ang pagdaloy ng mana sa katawan dahilan para hindi magamit ang anumang mana technique at magic ability.
Nakabilad ang mga ito sa mainit na sikat ng araw.
Nakaluhod sila sa execution platform kung saan naka-kadena din ng anti mana ang kanilang mga paa.
Tinitiis ng mga ito ang kung ano-anong binabato sa kanila ng mga galit na mamamayan na nalaman ang kanilang kataksilan na ginawa sa Menil Empire na siyang inanunsyo ng Prime Minister.
Umiiyak, nagsisisi, humihingi ng tulong sa kanilang bansang ipinagpalit sa Menil Empire. Isinisigaw nila ang pangalan ng North Empire at ang emperador nito, si Emperor Andromeda Northon, ang ika-isang daan at dalawampu na emperador ng North Empire.
Hinihintay na lamang ng Menil Empire ang pagdating ni Kiev, ang inirekomenda ni Chariz sa Prime Minister na siyang tatapos sa mga traydor na council members.
{Menil Empire Civil War}
•August 17 - 26 year 2175.
•3,156,000 Menil Empire total casualties. 1,156,000 Menil Empire soldiers casualties and 2,000,000 civilian casualties.
•14,000 Lovain Confederation soldiers casualties
•Lovain Confederation won the war and gain its independence.
•Menil Empire lost 900,000 km² of their territory and is reduced to 4,000,000 km² of territory.
•Brotherhood of Steel Pact was established. It was an absolute allegiance of both Lovain Confederation and Menil Empire towards each other. No one is allowed to betray or abandon the other in times of dire situations.
Itutuloy.