Chapter 10 - 5th Chapter

Yold Point of View

I finished the assassination of rats in this academy. Now, I can focus on protecting the remaining people enclosed in the barrier. I am feeling agitated, I want to participate with my fellow Lovainians.

Magsisimula na ang digmaan. Dumaan na sa himpapawid kani-kanina lamang ang mga Attack Battle Blimps ng Menil Empire. Mukhang plano nilang bombahan ang Lovain upang pasukuin si my liege ng mabilis.

Mga hangal. Hindi sila naniwala sa ginawang pagpapakilala ni my liege kung sino talaga ang kaniyang pagkatao. Nakakatawa minsan ang pagkatanga ng mga tao ang siyang sumisira sa lahat ng kanilang matagal na pinaghirapan.

Nakaupo ako ngayon sa itaas ng pader ng campus. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng campus mula rito.

In fact, one person approached me here. It was Veronica Lunox, the girl who stole my liege's heart. I still can't figure out why my liege fell madly in love with this girl.

It's not like I'm against the will of my liege, but in all of the history of love between a Deity and mortal, laging hindi nagtatapos ng maganda. Ang mortal ay mamamatay, ang Deity ay mananatili. Palaging susubukin ng tadhana ang kanilang kapalaran.

To think that I even suggested to my liege, after winning the civil war, include the demand of engaging Veronica Lunox to her to make strong diplomatic ties with Menil afterwards.

Lumapit siya sa akin nang naka-alerto. Naka-activate na ang kaniyang magic nang siya ay makarating.

Nakabalot ng purple flames ang kaniyang mga kamay.

She's a prodigy of 'Flight and Rainbow Flare Magic'. Two among the hundreds of magic created by my liege during the Third Magical Revolution.

Veronica Lunox is a prodigy, hindi iyon maitatanggi. Nakagawa siya ng panibagong labing apat na spell sa Rainbow Flare Magic. That alone is a strong feat considering my liege created Rainbow Flare Magic with only 23 spells of it, 5 of those are Magic Nova. Now that a girl like Veronica exists, Rainbow Flare Magic now has 37 spells.

"Bumalik ka building." Utos ko sa kaniya. Nagpakawala ako ng malakas na aura upang takutin siya kahit paano.

Pinagpawisan agad siya. Nanginig ang kaniyang mga tuhod pero hindi siya nagpatalo sa kaniyang takot na naramdaman.

Itinigil ko ang pagpapakawala ng aura ko.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.

She paused for a while. Then, she took a deep breath and deactivated her magic.

"G-gusto kong lumabas sa academy!"

"Why?"

"Nagaala ako sa magulang ko. Kailangan ko silang protektahan."

"Hindi pwede. Kapag winasak ko ang barrier na ito, mas mahihirapan akong protektahan ang mga nandito sa loob dahil siguradong magsisialisan sila sa lugar na ito. Ibinilin kayo sa akin ng aking pinuno." Pagtanggi ko sa kaniyang gustong gawin.

Nagsalubong sa inis ang kaniyang mga kilay.

"Kailangan kong protektahan ang papa ko...siya-"

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita hahayaan na makalabas. You're only a High Magus Wizard, mamanatay ka kapag nasangkot sa digmaan. Think about your future and this nation's upcoming changes that you'll need to accept. Inakala mo bang ako ang nag-activate ng barrier na ito kaya lumapit ka sa akin?"

"I refuse, kung kailangan kong kalabanin ka..."

"Star Magic, Solar Flare." Nag-activate agad ako ng aking magic at spell. Pinatamaan ko siya ng isang malakas na pwersa ng mainit na enerhiya.

Mabilis siyang nag-react sa ginawa ko at nag-activate ng spell niya. Nagkaroon ng bolang kulay asul na barrier ng apoy na siyang nagbigay sa kaniya ng proteksyon. Ngunit hindi parin niya kinaya ang pwersa ng atake na ginawa ko kaya tumilapon siya pabalik sa building.

"I will not let you trouble us, even if you are my liege's beloved." I gathered enough mana in my body then unleashed a Magic Nova.

Star Magic, Magic Nova; Black Star. I created a large black star ball that imprisoned the whole buildings of the academy. There, gravity is very strong to the point that anyone will not be able to even lift their fingers.

This spell will only last 4 days. I'm not sure if the war will end in 4 days, knowing how twisted my liege is...

*****

Third Person Point of View

Sa paglapit ng mga lumilipad na Battle Blimps sa teritoryo ng Lovain Confederation, kaagad naghulog ng bomba ang mga ito sa mismong teritoryo pa lang ng Menil.

Menil Empire bombarded four of their regions that borders the Lovain. These regions are Minggay, Fuj, Misti and Stilan Region. They specifically bombarded these regions near the wall of Lovain which serves as the border between the two opposing parties.

Ginawa ito upang bombahan ang mga baka sakaling Lovainians na nakapasok na sa Menil Empire.

Sa pag-usad ng Battle Blimps sa Lovain Confederation, mas marami pang bomba ang hinulog ng mga ito sa mga bayan ng Lovain.

Sa lakas ng mga pagsabog at paglaki ng maitim na usok sa paligid, nagawa nitong takpan ang pag-alis ng mga Battle Blimps sa Lovain.

Babalik ito sa kanilang base upang mag-karga muli ng mga bomba.

Nakangiteng pinagmasdan ni Chariz mula sa kaniyang kinaroroonan ang usok na dulot ng pagsabog.

Ginagamit ni Chariz ngayon ang kaniyang 'Kilometers Sight Magic'. Kaya nitong makita ang kaniyang paligid sa loob ng saklaw nitong isang libong kilometro.

She grinned menacingly.

She uses her 'Mother Telepathy Magic' and gives orders to her soldiers.

The war officially started.

"Do you think bombing us will make us lose morale to fight back? Those smoke displays your weak bombs are not enough to make a rat here in this country to piss from fear." Natutuwa nitong sabi sa kaniyang sarile.

Inutusan ni Chariz ang kaniyang mga sundalo na naka-posisyon sa ibabaw ng 'Lovain Great Wall'. Isang wall na nakapalibot sa kabuuan ng Lovain Confederation. Mayroon itong taas na sampung metro at lapag na pitong metro.

Handa ang mga sundalo ng Lovain, ang mga sundalong malapit nasa ibabaw ng Lovain Great Wall sa tapat ng Stilan region ay hinanda ang kanilang mga mortar.

(Note; Mortar, portable, short-barreled, muzzle-loading artillery pieces is a weapon that fires explosive projectiles at low velocities, short ranges, and high, arcing trajectories. The ammunition of this artillery piece is called shells that can penetrate a building.)

"Load, fire!" Utos ni Chariz.

Naglagay ng mga shells sa mortar tube ang mga sundalo at kalaunan pinaputukan ang Stilan Region.

Sa bawat pagtama ng mga shells sa Stilan Region ay nagkaroon ng pagsabog at maraming gusali, puno, halaman, mga bato at mga hayop ang natamaan.

Sa mga pagsabog na sumalubong sa mga sundalodalawang bansa ay umatras.

Nagkumpuluan ang mga sundalo sa Stilan Region ng Menil Empire kung saan naroroon ang nag-iisang gate papasok sa Lovain Region. Isa sa pinakaunang misyon ng Menil Empire ay mapa-sa kanila ang kontrol gate upang mas mabilis nilang mapasok at ang Lovain. Ang katabi kasi ng Lovain Wall ay isang malalim at mawalak na artificial river na nakapalibot sa Lovain. Puno ang ilog na ito ng mga malalaking buwaya, fresh water electrical jellyfish, freshwater megalodon at Acidic Ink Squids.

"Gunners, Rocketeers and snipers, attack and position." Utos muli ni Chariz sa kaniyang mga sundalo.

Sa pagkakataon naman na ito ay nga sundalong may hawak na mga baril at rpg ang lumabas mula Lovain at dumaan sa gate, sumugod ang mga ito sa Menil Empire.

"Barilin niyo ang mga kalaban!"

Nagsimulang magpa-putok ang mga sundalo.

Mas marami pang mga gusali ang nawasak dahil sa mga pagsabog na dulot ng mga rpg.

"Wizard Squads, accompany the troops." Utos muli ni Chariz. Ang mga sundalong mayroong mga magic ay sumunod sa mga gunners at rocketeers.

Ang mga snipers naman ay nanatiling natakatago sa hulihan ng mga sundalong pasulong.

Isang Wizard Squad leader, si Mayhem Fortipica ang nag-ulat kay Chariz.

Nababahala ang tono ng pagsalita nito.

"My liege, the enemies are not fighting back. Mas lalo pa silang umatras." Pag-ulat nito.

Napa-isip naman sa kaniyang kinaroroonan si Chariz.

"Unfortunately, the limit of my Kilometers Sight from where I am is up to the walls of our nation. I can't give you insight about what the enemies are doing. Use what you guys are training for this moment."

"My liege, we would like to have 'Survey Drones' to be deployed. Can it be possibly granted?"

"Unfortunately no, Lisarius requested the use of all our existing Survey Drones in the civil war at Principality of Spezia."

Naging malungkot ang ekspresyon ni Mayhem. Tumingin ito sa kaniyang mga kasamang mga sundalo na alerto sa kanilang paligid.

"It's okay my liege, we'll just observe for now what the Menil Empire will do."

"Good. Fortify the occupied zones with magic."

"We'll use barrier magic then."

"Go. We cannot launch Survey Drones to spy on our enemies, unfortunately, Tyfana, Yold, Lisarius and I are the only ones who can use Kilometers Sight Magic. Those three are on their specific missions."

Malungkot na anunsyo ni Chariz kay Meyhem.

Ang na-okupa na Menil territory ay nilagyan ng barrier magic ng mga Wizard Squad ng Lovain.

Ilang minutong naging alerto at nagbantay ang mga Lovainians bago muling sumalakay ang mga sundalo ng Menil.

Ilan sa mga sundalo nito ay gumamit ng magic para sirain ang barrier nilang ginawa, may ilan na naghagis ng dinamita.

Sumalakay din ang ilang Assault Golem na pinagsusuntok ang barrier. Matapos ang ilang pag-atake nito, nawasak ng tuluyan ang barrier.

Ang mga nakaposisyon na Rocketeer Lovainians ay pinasabugan ang mga Assault Golems. Punteryo ang dibdib ng mga ito kung saan naroon ang magic core nitong nagpapagana sa mga ito.

Nagpalitan ng mga atake ang magkabilang grupo. Dahil hindi makalapit ang mga sundalo ng Menil Empire sa Lovain, gumamit ang mga ito ng magic. Ang mga sundalo naman ng Lovain ay nagpaputok ng kanilang mga baril, ng kanilang mga rpg at ang mga sniper naman ay inaasinta at tinitira sa ulo ang mga kalaban nila mula sa malayo. Protektado ang mga ito ng mga Wizard Squad na siyang sumasalag sa mga magic na pinapatama sa kanila ng mga sundalo ng Menil Empire.

20 Assault Golems ng Menil Empire ang nawasak. Inabandona ng mga umatras na sundalo nito ang kanilang mga cannon na siyang winasak lahat ng mga Lovainians.

Sa nangyaring ingkwentro, 10,000 na sundalo ng Menil ang napatay. 3,000 ang sugatan na kasama sa mga umatras habang 200 naman ang nadakip ng mga Lovainians. Labis ang pagmamakaawa ng mga ito na sila ay huwag paslangin ng mga Lovainians.

Pinosasahan kaagad sila ng 'Anti-Mana Handcuffs' upang hindi makagamit ang mga ito ng kanilang mana at makapag-activate ng magic.

Inokupa ng mga Lovainians ang bagong teritoryo na iniwan ng mga sundalo ng Menil at nag-activate muli ang mga ito ng barrier magic.

Stilan Region with the total area of 12,400 km² is now occupied under Lovanian rule.

"My liege, we have fifty casualties from our normal soldiers and two are injured from our wizard soldiers." Pag-ulat ni Hilk Mikhailovna, ang In-charge for Statistics on ongoing battles ng Lovainian Arm Forces.

Gumagamit ito ng Observance at Calculator Magic.

"Thank you for the report Hilk." Pagpasalamat ni Chariz sa narinig nitong ulat.

"Meyhem, Sistine, Evansville, Kaiser, Gustave, Mythril...wasakin niyo ang mga Battle Blimps na sasalakay... pagkatapos niyong gawin iyon, magpakawala kayo ng offensive magic, aim for the direction of the royal palace."

"Roger that, my liege." Sabay-sabay na sumunod sa utos ni Chariz ang mga Wizard Squad leaders na kaniyang ipinadala sa digmaan.

Sa pagtatapos ng pagbigay ni Chariz ng utos, biglang pumasok sa silid na kinaroroonan nito ang isa pa nitong tauhan.

Galit na galit ang ekspresyon nito. Sa kaniyang pag-pasok, lumuhod ito kay Chariz.

"My liege, nais ko pong baguhin ninyo ang desisyon na ikulong ako dito sa Lovain. Gusto kong sumama sa digmaan."

Chariz clicked her tongue, nakaramdam ng malakas na kaba ang lalaki dahil dito.

"Kiev...if I sent you out there, you will slaughter everyone. You are an exterminator not a soldier. Ayokong mapaslang lahat ng sundalo na mayroon ang Menil Empire. Mas lalong ayaw kong ubusin mo ang royal family na mayroon ito."

"I'll refrain myself, my lie-" Nanlaki ang mata ng lalaki nang naramdam nito ang umaapaw na aurang taglay ni Chariz.

"Kiev, go back to the dimension where I've assigned you. Collect as much gun powder we need." Nagbigay ito ng utos rito. "Do not worry, ibibigay ko sa iyo ang karangalan na tapusin ang sampung hampas lupang Council Members na siyang target ng Lovain na alisin sa Menil."

Hindi na muli pang nagsalita ang lalaki. Higit itong nasiyahan sa narinig nito mula kay Chariz.

*****

In the royal capital, in the Menil Military Headquarters...

The report finally came towards the higher ups.

Gulat at hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang nalaman.

Hindi naipanalo ang pagsalakay mula sa Stilan Region, nabigo silang ma-okupa ang gate papasok sa Lovain.

"Ang mga rebeldeng 'yon!!" Naggigitgit ang ngipin na sabi ni Duke Knight Suvemps.

"Calm down. We need to plan our next move, huwag mong hayaang ang emosyon mo ang siyang manaig sayo ngayon."

Kalmado si Duke Knight Willie na nagsalita. Ito ang gusto niyang ipakita sa kaniyang mga kasama kahit na sa loob loob nito ay labis na itong nababahala.

Hindi nito inaasahan na ganoong kalakas ang opensiba mayroon ang Lovain.

"What the hell were those idiot rebels been doing in the Lovain Region...a small weapon like that that functions like a cannon, have ammunition that explodes...their guns...are not created by a spell of any gun magic. They are real physical weapons. Crafted by them." Hindi makapaniwala na sabi ni Duke Knight Gringga.

Sa kaniyang nalaman na ulat ng mga sundalo nilang umatras na ipinadala sa headquarters, naisip niyang kailangan nilang pag-isipan ang peace treaty imbis na magpatuloy sa pakikidigma. Alam ni Gringga, sa kaniyang kalooban, hindi nila kakayanin ang Lovain. Wala na silang magagawa para rito.

Nais niyang huwag na lamang sayanging ang mga buhay na ibubuwis ng kanilang mga sundalo.

Subalit, hindi niya kayang sabihin ang kaniyang nais sabihin na saloobin, pagkat ayaw nitong kilalanin ng mga mamamayang ng Menil bilang isang duwag at walang pagmamahal para sa bayan na sundalo. Ayaw rin nito na baka maalis sa kaniya ang kaniyang titulo bilang isang Duke.

'Damn it...malayo na ang narating ko...tapos ngayon ako sinusubukan...' sabi pa nito sa kaniyang sarile na talagang naguguluhan.

"A spell was cast by 20 Demigods during the end of the 3rd Continental War, one of those Demigods is our 'Holy Sorcerer Lovemir Menil'. They cast a spell that anyone in the Eastern Region will not be able to craft physical guns. Kung mayroong nilalang na nagawang alisin sa kinaya ang spell na iyon, ang lakas na taglay niya ay higit pa sa mga nakaraang 20 Demigods na siyang responsable sa 'Gun Banned' spell." Sabi naman ng isa pang Duke Knight na si Cerberus.

So Cerberus is isang kilalang war freak. Bayolente ito at walang sinasanto na kahit sinong banta ang maghahatid ng kaguluhan sa kaniyang minamahal na bansa.

"Kung ganoon, sinasabi mo bang ang Lynjove na iyon ay...siya ay totoong si kamahalang Lovain?" Tanong ni Suvemps.

Umiling sa kaniya si Cerberus. Irritado. Nagsalubong ang kilay nito at masamang tumingin sa mapa ng kanilang imperyo na nasa ibabaw ng lamesa.

"No. That's impossible. We have solid evidence provided 200 years ago that Lovain Menil already ascended to the Holy Realm of Deities. Malakas lang talaga ang huwad na si Lynjove...kaya naman... kailangan nating mag-adjust sa opensiba natin. Kailangan mag-preserba ng lakas ang mga Archmages."

"Focusing of forces on the Stilan Region alone was a bad idea. We need to also send troops to other bordering regions of Lovain. Bombard the walls, use magic to cross the artificial river infested with deadly animals. Kailangan din nating bawiin ang Stilan at paatrasin sila." Sabi naman ni Willie na naglagay ng pigura ng mga sundalo sa mga rehiyon sa Menil Empire na katabi ng Lovain.

"Let's request a full scale Assault Golem operation from the Prime Minister." Sabi naman ni Cerberus. Tumingin ito kay Gringga na walang imik. "What do you think?"

"We clearly don't stand a chance with only our soldiers. Nagawa nilang mangwasak ng Assault Golems natin...kaya kung ang kabuuan ng Assaul Golem ang aatake, malaki ang tsansa na magtagumpay?" Patanong na pahayag ni Gringga sa kaniyang mga kasama.

"Suvemps, ikaw na ang bahala sa request..."

Nagpatuloy sa pag-plano ang 4 Duke Knights sa kanilang headquarters.

Walang planong isuko ang laban at lalo nang walang planong paniwalaan ang pag-deklara ni Chariz sa kaniyang totoong pagkatao bilang ang kanilang kauna-unahang pinuno at nagiisang reyna ng kanilang Imperyo.

Itutuloy.