~Li Ya's POV
Nakakainis na talaga sobra ang bwis*t na sampit na yun! Lagi nalang siya ang bida sa pagmamahal ni Ina! Yung tungkulin nilang hanapin ang aking kakambal, di na nagagampanan! Ughh nakakainis!
Ako nga pala si Chen Li Ya, isang mahal na prinsesa't kinatatakutan ng karamihan dahil sa ugali ko,at may kapangyarihan akong kidlat na taglay na sa aming pamilya, tsaka may pakpak ako ng paborial na namana ko naman sa aking ina, ngunit pinapalabas kolang ito kapag nakikipaglaban ako, at isa pa ang balahibo nito, ay talagang nakakalason kapag itinama ko sa aking kalaban.
Ngayon ay nandito ako sa pamilihang bayan at mag-isa lang akong pumunta. Di na ako nagsama pa ng letch*ng tagapaglingkod sapagkat sagabal lamang.
Saking paglalakad-lakad ay bigla naman akong may nabunggo na isang lalakeng,harang ng harang sa dinadaanan ko na dumagdag lang sa init ng ulo ko.
"Hoy! Ano ba, paharang harang ka diyan! Tabi!"
"Ang sungit nito, hoy binibini, ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaanan, alam mo namang maraming tao dito, buksan mo yang mata mo!" Pagsasagot sagot nito na tila yata di ako kilala.
"Ako pa itong mali?! Hoy binata, hindi mo ba ako kilala?!"
"Ang tulad mong masungit, hindi dapat kinikilala!"
"Ah ganun!!" Inis kong sabi sabay sinipa ko ito ng malakas na dahilan upang mapatalsik siya sa may tindahan ng mga prutas.
"Arayy ko po!" Indang saad niya ng matapos ko siyang italsik.
"Naku, yung mga paninda ko!" Gulat namang saad ng tindera at tumayo naman bigla ang binatang sinipa ko at humingi siya ng pasensya sa ale.
"Pasensya na."
"Anong pasensya? Sinira mo ang paninda ko! Bayaran mo yan!" Inis naman ng tindera.
"Ano? Ngunit sinipa ako ng binibining yun! Siya ang singilin niyo!" Pagtuturong sabi pa nun at lumapit naman ako.
"Ang tulad mong di marunong gumalang, dapat lang talaga na turuan ng leksyon!" Sabi ko at walang tigil naman ang bibig nitong sumagot sagot sakin.
"Huh! Binibini, alam mo maganda ka pa naman sana, kaso lang, ang panget ng ugali mo!"
"Pakialam ko? Hm manang doblehin mo ang paniningil sa binatang ito! Wala siyang galang!"
"Opo, Prinsesa."
"A.. Ano? P.prinsesa siya?" Gulat na tanong ng binata..tss.
"Oo! At kilala siya ng lahat tsaka lubos na ginagalang! Pagkat siya ang mahal na prinsesa sa kaharian na'to!"Pagpapakilala sakin ng tindera sa binata na ngayon ay nakatingin sakin nang di makapaniwala.
"K.kung ganun, Prinsesa ka nga?"
"Narinig mo na! Ayoko ng ulitin pa, at sa susunod, kilalanin mo muna ang binabangga mo! At huwag na huwag mo ng ipapakita sakin yang pagmumukha mo!" Huling sabi ko at aalis na sana ng hawakan ako bigla nito sa braso.
"Teka sandali, hehe prinsesa, patawad sa nagawa ko,sadyang di lang kasi talaga kita nakilala eh."
"Bitawan moko!" Sabay balikwas ko ng kamay niya at agad akong nagpatuloy sa paglalakad.
Pero nahinto lang din ako ng lumitaw siya bigla sa harapan ko gamit ang kakayahan ng paglaho na taglay na sa lahat ng mga malalakas na nilalang,hm at ibig sabihin malakas rin pala toh.
"Ano bang kailangan mo ha?! Tumabi ka riyan kung ayaw mong ulitin kopa sayo ang ginawa ko kanina!"
"Kilatisin na muna natin ang isa't isa, bago ka umalis..Ako nga pala si Han Pei Lun."
"Wala akong pakialam! Lumayas ka diyan!"
Gumamit ako ng kapangyarihan at itinalsik ko siya tsaka pagkatapos ay naglaho na lamang ako patungo sa bahay ni Lola Wei Ying.
Si Lola Wei Ying ay ang dating punong emperatris sa kaharian na'to, at Ina siya nila ama at tiyo Wei Fu,si tiyo Wei Fu ay siyang bunsong anak ni Lola Wei Ying, na sikat na sikat raw dati sa lahat ng kaharian na kanyang napupuntahan tsaka Emperador sa kahariang Jian Zhanshi at ang aking ama naman na si Ying Jun, ay nakatatanda namang anak ni Lola Wei Ying. Hindi gaanong kasikatan raw noon si ama bagama't tulad nang nangyari sa aking kakambal ay nawala rin pala siya sa piling ng kanyang mga magulang noon sanggol palang.
At ang kwento nun... Si ama raw noong sanggol pa siya ay isinakripisyo siya ni Lola Wei Ying para mailigtas ang buong kaharian, inalay siya ni Lola noon sa An xing qiao..isang lugar na nasa loob lang ng palasyo na ang epekto ay kapag nag alay ka ng isang taong may espesyal na katangian ay bibigyan ka ng napakalakas na kapangyarihang makakatalo sa kalaban.
Ayon pa raw kay Lola labag sa kalooban niyang isakripisyo noon si ama bagama't kaisa isa palang nilang anak yun ni Lolo Tai Jun.. pero kailangan niyang gawin bilang emperatris.
Inakala pa nga daw noon ni Lola ay patay na talaga si ama nun, dahil matapos niya iyong isakripisyo at iwanan sa lugar na yun at nung binalikan niya na ay wala na siyang nakita noong sanggol tsaka tanging lampin nalang ang natira.
Pero nang lumipas ang dalawampung taon noong kapanahunan nila ay bigla naman silang nagkatagpo at si ama raw noon ay alam niya na.. na si Lola Wei Ying ang kanyang Ina nung unang beses raw silang nagkatagpo ay malaki raw ang galit niya nun kay Lola, gustong gusto niyang itanong noon nung unang kita nila, na kung bakit ganun raw ka sama ang ginawa sa kanya ni Lola, pero di niya naituloy yun pagkat pinili na lamang niyang magpanggap na ordinaryong nilalang upang mapalapit nalang kay lola at tuklasin ang katotohanan.
At lumipas ang ilang buwan noon di nagtagal raw nakilala siya bigla ni Lola na siya ay anak nun at ayon pa kay ama, lumaki raw siya sa piling ng isang heneral na isa sa naglilingkod sa palasyo noon na nagngangalang Hong Wen Tiu.
~Wei Su's POV
Ako si Chen Wei Su, labing walong taong gulang at prinsipe ng kahariang Jian Zhanshi. May pakpak akong Phoenix na namana ko sa aking inang si Xu Meiyin, ngunit minsan ko lang Ito nailalabas kapag kailangan ko..tsaka mayroon akong kakayahang magpalabas ng spiritwal na espada sa aking espada na namana ko naman sa aking amang si Chen Wei Fu ngunit may isang kakayahan pa ni ama ang hindi ko pa namana at yun ay ang pasunurin ang mga espada O mas tinatawag sa pamamaraan na "Fennu zhi jian" at siyempre ang kapangyarihan ko naman ay kidlat na taglay naman sa aming pamilya.
Minsan seryoso ako, pero kadalasan talaga mapang asar lalo na sa bruha kong pinsan na si Li Ya, na ang sungit sungit mana sa kanyang inang si emperatris Mi Ya.. paborito ko talagang asarin si Li Ya sa tuwing nadalaw ako't nakikita siya sa kahariang Shandian.
Pero sinasabi ni ama na sobra daw akong papansin sa lahat, tssk.. aaminin ko tama naman siya, kadalasan din talaga papansin ako, at siyempre may dahilan yun, gusto ko kasing sumikat tulad ni ama, gusto ko mapansin nila akong lahat, gusto kong hangaan nila ako.
At itong nababalitaan kong magbubukas raw ng pamantasan sila tiyo Ying Jun para sa mga mandirigma ay siyang malaki ko namang pagkakataong magpakitang gilas sa kanila at siyempre para gara bukas na ako magpapalista at pupunta, sasadyain kong mag pahuli ng dating para lahat ng mata nila sa akin ang tingin..hehe.
Ngayon kasi ay nandito ako sa bayan ng aming kaharian, namamasyal ako kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Wang Qin Hong at Du Ping Xian.
Si Wang Qin Hong ay kaysing edad kolang at anak ng punong ministrong naglilingkod sa aming palasyo. Samantala si Du Ping Xian naman ay dalawampung taong gulang na at kamag-anak namin ni Li Ya. Ang ama niya ay si tiyo Du Jin Feng na anak ni Lola Chen Mei Zen, kapatid ni Lolo Tai Jun na ama nila tiyo Ying Jun at ng aking ama. Tsaka ang ina naman niya ay si tiya Lu Er na kapatid ng emperatris ng kahariang Bing na asawa naman ni tiyo Qiu Yinjiu na pinsan ng aking ina.
"Hmm, nabalitaan niyo na bang dalawa na magbubukas na bukas ang pamantasan sa Shandian?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan habang naglalakad kami patungo sa bahay kainan.
"Oo alam ko na yun." Sagot naman ni Ping Xian.
"Talaga? Ikaw Qin Hong? Alam mo naba?" Sabay baling ko ng tingin rito.
"Hmm hindi pa, ngayon ko lang nalaman." Sagot naman niya.
"Ganun? Eh anong plano niyong dalawa mananatili lang ba kayo dito?"
"Ikaw kung anong plano mo, yun narin ang plano namin." Sabay nilang sagot.
"Tss..gaya gaya naman kayo, pero mabuti narin yun magkakasama tayong tatlo."
"Ano bang plano mo Wei Su?"–Qin Hong.
"Hmm, balak kong sumali bukas."
"Talaga? Nagpaalam ka naba sa Emperador?"–Qin Hong.
"Diko na kailangang magpaalam kay ama dahil wala namang pakialam yun sakin eh."
"Sinasabi mo lang yan, kasi palagi ka nalang napapangaralan." Pambabara naman ni Ping Xian na ikinasama ko naman ng tingin.
"Hoy! Di yan totoo noh! Tss."
"Tsk..huwag mong itanggi Wei Su! Dahil palagi kitang nahuhuli na pinangangaralan!"
"Hayyst, tsismoso."
"Hm nandito na tayo,anong kakainin niyo?" Pag alarma ni Qin Hong nang makarating na kami sa bahay kainan.
"Kahit ano, Basta masarap." Sagot ko naman.
Siya nga pala palagi akong namamasyal kaya naman hindi na bago sa karamihan ang makita ang kanilang gwapong prinsipe.
"Hm kumain nalang tayo ng marami yung tipong sasabog ang tiyan natin sa kabusogan." Panghihimok ni Ping Xian na ikinabaling ko naman sa kanya ng tingin.
"Tsk.. sasabog talaga? Eh kung ipalamon ko kaya sa'yo itong espada ko?" Aniko.
"Gawin mo, nang ipatuklaw rin kita sa ahas ko." Ganti naman niya sabay seryosong nakipagtitigan sakin.
"Hoy! Nagsisimula na naman kayo, puwede bang kumain nalang tayo? Wala na kayong ginawang dalawa kundi ang magpikunan sa isa't-isa.. Tama na yan, kumain nalang tayo..bilis na." Pag-awat naman din ni Qin Hong na di nagtagal ay pinakinggan namin.
Sa tuwing kasama ko si Ping Xian, wala talagang araw na hindi kami nagtatalo't nagkakapikunan sa isa't-isa..bata palang kami noon ganito na kami.. walang nagbago.. mahilig siyang mamikon at ako nama'y hindi nagpapatalo, pinipikon ko rin siya hanggang sa mag-away na kami't maggamitan ng sandata.