Chereads / The Two God's Hero / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

~Yu Su's POV

Nandito kami ngayon ni prinsesa Xue Er sa palasyo ng Shandian para iabot sa kamahalan nila ang liham ng pahintulot ng Emperador Xuan ng kahariang Shuijing na ipasali ang prinsesa Xue Er sa pamantasan at ipabilin narin ang kaligtasan nito sa punong kamahalan.

Ngunit nang papasok na sana kami sa loob ay bigla naman akong hinarangan ng mga kawal at tanging yung prinsesa lang ang pinayagan.

"Hm bawal kang pumasok sa loob ng ganyan ang suot mo.. lapastangan iyan sa kamahalan, kung gusto mo, magbihis ka muna ng maayos binata." Sabi pa ng isang kawal at lumapit naman si prinsesa Xue Er at muli na naman niya akong pinagtanggol.

"Hoy! Kawal kasama ko siya! Kaya papasukin niyo siya!"

Yumuko naman bigla ang kawal tsaka nagsalita.

"Patawad Prinsesa Xue Er, ngunit lapastangan po talaga iyan sa kamahalan ang ganyang kasuotan kapag humaharap sa kanila, kung gusto niyo..paghintayin niyo nalang siya dito."

Tssk ang arte naman ng kamahalan nila, ibang iba sa kamahalan doon sa Shuijing, mukhang doon lang yata ako tanggap.

"Hayyst, uhm..Yu Su, dito ka nalang muna, Huwag kang aalis ah." Sabi ng prinsesa at ngumiti nalang ako.

"Hmm..sige, Hihintayin kita dito."

"Okay, kapag may nanglait pa sayo, sabihin mo sakin dahil ako na ang magtuturo ng leksyon."

"Ayos lang ako, sige na pumasok kana dun."

Kumaway siya sakin habang pumasok sa loob at kinawayan ko narin siya.

Hayst, kani-kanina ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko ang lapit lapit na agad ng loob ko.. tsaka siya palang ang unang taong tumanggap sakin sa lahat ng nakasalamuha ko..ang swerte ko na nakilala ko siya at sana lang magtagal pa ang aming samahan dalawa tsaka sana huwag siyang magbago at layuan ako.

Hinintay ko lang dito sa labas ang prinsesa Xue Er at sa ilang sandali ng aking paghihintay ay dumating naman bigla yung nanglalait sakin na lalakeng nakaputi at kasama niya parin yung babae na nakaputi rin at sa unang tingin seryosong seryoso Ito na mukhang walang pakialam sa iba.

Nagpatuloy lamang ang babae sa paglalakad papunta sa loob ng palasyo habang itong lalake naman ay lumapit pa sakin at pinagsasalitaan na naman ako ng di maganda.

"Hoy! Hampas lupang pulubi, mahiya ka nga, dikit ka ng dikit sa isang prinsesa, kailangan mo ba ng salapi ha? Sabihin mo dahil bibigyan kita."

Sarap nitong sapakin sa mukha, kung di lang Ito nakatataas, diko Ito palalagpasin.

"Ehem, diko kailangan ng salapi at lalong hindi ako pulubi."

"Huh! Talaga? Eh kung ganun anong tawag sayo? Wirdo? Hahaha pwede rin naman yun, wirdong hampas lupa!"

Gumamit pa talaga Ito ng kapangyarihang mula sa yelo at itinalsik niya ako tsaka siya umalis at pumasok sa loob.

Sobra talaga sila, masyadong mapanukso, porket nakakataas.

Ugh, Mula saking pagkatalsik ay tumayo naman ako at di inasahan may isang lumapit sakin na lalakeng magara din ang suot na galing sa loob..at may inabot itong panyo.

"Hm, ayos kalang?" Tanong nito sakin.

"Ah..Oo ayos lang ako, tsaka sino k-kaba?"

"Ako si Chen Yu Zhu, prinsipe ng kahariang Ito."

Prinsipe? Hm siguro tulad nung Isa may masama rin itong ugali.

"G-ganun ba? Uhm.. magandang araw mahal na prinsipe." Bati ko sabay yuko sa harap niya.

"Hm, sa lugar na'to hindi kailangan ang maging mahina, kung isa ka sa sasali sa pamantasan, kailangan mong tibayan ang loob mo, huwag mong hahayaang tapak tapakan ka ng iba." Pagpayo naman nito at inangat ko na rin ang tingin ko sa kanya.

Di nagtagal ay umalis naman din siya at hawak ko ngayon ang panyo na ibinigay niya.

Kakaiba siya, nagkamali ako ng hinala, siguro mabait talaga siya at mukha lang siyang masama dahil sa hugis ng mata niya na walang pinagkaiba sa lalakeng nanunukso sakin kanina.

Lumipas ang ilang sandali sa aking paghihintay ay may isa naman ding dumating na babaeng magara din ang suot, kulay lila ang damit niya tsaka may balahibo pa ng paborial ang nakalaylay sa magkabilang balikat niya at may kasama pang kapa sa likuran at ang tali naman ng buhok niya ay nakasirintas sa harapan na paikot pa sa likod.

Nakatingin Ito sa akin ng nakataas pa ang kabilang kilay na mukhang mataray pala at tulad nung lalake kanina ay lumapit din Ito sa akin pero tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tumingin na Ito sa akin ng deretso.

"Hmm, sino ka? Bakit nandito ka sa labas? Alam mo bang bawal tumambay dito ang isang katulad mong..mukhang basura?"

Tssk mapanglait rin pala toh, maganda pa naman sana.

"Uhm..ehem, pasensya na, mayroon lang kasi akong hinintay na nasa loob."

"Sinong hinintay mo? may kaibigan kabang tulad mong mukhang basura na pumasok sa loob?"

"Ang sakit mo namang magsalita, binibini..kung manlalait kalang mabuti kung layuan mo nalang siguro ako."

"Tsk, di moba ako kilala? Ako ang prinsesa dito, ako si Chen Li Ya!"

"Ganun? Isa ka palang prinsesa? Diko mapansin."

"Ano?! Hoy! Gusto mong mamatay?!"

Bigla itong naglabas ng kidlat sa kamay na akin nalang ikinagulat,paanong may ganyan rin siyang kapangyarihan? Ang Akala ko ako lang at si ama ang may kidlat.. pati rin pala ang prinsesang toh?

"Uhm..di ako natatakot niyan, prinsesa, kahit itama mo yan sakin di mo'ko mapapatay."

Pagmamayabang ko na ikinagalit naman nito at akma na nga talaga nitong itama sakin nang bigla nalang sumigaw si Prinsesa Xue Er at nagpabilis pa ng kilos at hinarangan niya ang masungit na prinsesa tsaka may inilabas pa siyang mga matutulis na crystal sa kamay.

"Prinsesa Li Ya! Subukan mong saktan ang kaibigan kong toh, magkakalaban tayong dalawa!"

Muling muli na naman niyang pagtatanggol sakin.

"Oh, Xuan Xue Er, ikaw pala ang hinintay ng basurang yan? Nakakatawa, Isa kang prinsesa pero bakit naman isang basura yang kinakaibigan mo?"

"Hindi siya basura! Kaya huwag mo siyang nilalait! At huwag mokong pakikialaman kung sino ang gusto kong samahan!"

"Tsk.."

Di inasahan napatingin naman Ito sa panyong hawak ko at hinablot bigla sakin.

"Uy..di yan sayo!"

"Kanino mo'to nakuha?!"

"S-sa prinsipeng nagngangalang Chen Yu Zhu, Ibinigay niya iyan sakin."

"Kay Yu Zhu? Huh! Talaga lang ang lalakeng yun, binurdahan Ito ni Ina ng kanyang pangalan tapos ibibigay lang pala sa iba? At talagang sa basura pa?!"

"Hoy! Prinsesa Li Ya! Tigilan mong kakatawag sa kanya na basura! Dahil di siya basura, tao siya! At mukhang tao pa kesa sayo!"

"Anong Sabi mo?!"

"Bleh! Hali kana Yu Su! Layu-layuan mong bruhang toh!"

Hinila na naman ako ni prinsesa Xue Er sa kamay at paalis na palayo sa masungit na prinsesa.

Nang akma na kaming nakalayo ay kaagad naman akong tumingin sa kamay ko na hawak parin ni prinsesa Xue Er habang nagsasalita naman Ito.

"Hm, Yu Su sasabihin ko sayo lahat ng taong iiwasan mo, kaya makinig ka..una sa lahat yung bruhang prinsesa Li Ya, dahil bruha talaga yun, wala yung kahit sinong kinakaibigan, pangalawa, yung lalakeng nanglalait sayo kanina sa palasyo ng Xin, napakayabang nun, nalaman ko isa pala yung prinsipe at pamangkin ng Emperador Ying Jun ang ama nun ay pinsan ng Emperador, tsaka hmm.. sino paba?"

Nakangiti lang akong tumingin sa prinsesa Xue Er habang nag-iisip siya ng ibang iiwasan ko at tila nahuhumaling na ako sa kanya.

"Hmm, aha, Ito meron pa.. ang pang huli mong iiwasan ay si prinsipe Wei Su! Dahil ang lalakeng yun ay mapang inis yun palagi,kaya mag ingat ka dun at kapag nakita mo yun iwasan mo kaagad naintindihan mo ba?"

"Huh? Ah.. Oo, naiintindihan ko, ngunit nakakapagtakang sobra ka yata kung mag-alala, kanina palang naman tayo nagkakilala."

"Eh kasi kaibigan na kita kaya ayokong sinasaktan ka nila dahil lang sa..panlabas mong anyo tsk."

"Salamat, Prinsesa.. Salamat at pinagtanggol mo'ko, kahit medjo baligtad,,ako nga dapat ang magtanggol sayo dahil tagapaglingkod mo'ko."

"Hm, huwag mong Isipin yun, ang mahalaga magkaibigan tayong dalawa, at walang makakapanakit sayo pag akong kasama mo."