Chereads / The Two God's Hero / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

~Author's POV

Dahil sa ginawang panghahamon ni Dao Yu Su ay talaga namang napatameme ang lahat, nang mapatulog niya sa isang iglap lang ang mahal na prinsesa.

Pero di nagtagal ay lumapit naman bigla sa kinatatayuan nito ang prinsipe Yu Zhu at seryoso itong tiningnan si Yu Su.

"Ang husay ng ginawa mo binata, napatunayan mo sa kanilang lahat na hindi kalang basta bastang tagabundok." Pagpuri nito kay Yu Su.

"Hm, tinandaan ko lang ang payo mo sakin kahapon mahal na prinsipe..kaya salamat bagama't dahil dun, nagkaroon ako ng lakas ng loob." Ani naman ni Yu Su.

"Ganun ba? Pero..alam mo bang kasalanan itong ginawa mo ngayon?"–Yu Zhu.

"Huh? A-Anong kasalanan?"– Yu Su.

"Isang mahal na prinsesa ang kinalaban mo, Isang kalapastanganan Ito sa punong Emperador, bagama't labis na iniingatan ang mahal na prinsesa, walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa kanya."– Yu Zhu.

"G-ganun? Uhm..pa-pasensya na."–Yu Su.

Di nagtagal ay kinuha naman ng prinsipe Yu Zhu ang mahal na prinsesa mula kay Dao Yu Su at kinarga niya Ito sa kanyang mga bisig at naglaho ito papunta sa kanilang palasyo.

Kaya naman sa pagdating niya ay nabigla naman ang punong tagapaglingkod na nangngangalang Fang Er, O mas tinatawag nilang Binibining Fang.

"Hm? Prinsipe Zhu, Anong nangyari?" Nag aalang tanong nito sa prinsipe Yu Zhu nang masalubong Ito.

"Binibining Fang, napalaban siya kanina sa isang binata doon sa palasyo ng Xin."

"Ano? Sinong binata?"

"Diko siya kilala, puntahan niyo nalang siguro dun..pagkat ihahatid ko lang Ito sa silid niya."

Sabay naglaho muli ang prinsipe patungo sa silid ng mahal na prinsesa at pagkarating niya ay kaagad naman niyang inihiga ang prinsesa sa higaan nito.

Samantala naglaho naman patungo sa palasyo ng Xin ang punong tagapaglingkod para makita ang binatang nanakit sa mahal nilang prinsesa.

"Hm, maestro Xiao, ayon sa mahal na prinsipe nandito raw ang binatang nanakit sa prinsesa, totoo ba yun?" Pagsusuri nitong sabi at yumuko naman bigla si maestro Xiao tsaka sumagot.

"Binibining Fang, totoong nandito nga yun." At matapos ay tumayo naman si maestro Xiao ng tuwid.

"Kung ganun, nasaan? Maari bang pakituro?" Dagdag pa ng punong tagapaglingkod at kaagad namang lumingon si maestro Xiao sa katabi niyang binata.

"Ito po siya, si Dao Yu Su..Isa rin daw po siya sa sasali sa pamantasan."–Maestro Xiao.

Nabigla naman si Yu Su kaya kaagad siyang yumuko sa punong tagapaglingkod at humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa ngunit di Ito tinanggap ng punong tagapaglingkod bagama't ay pinahuli siya bigla sa mga kawal.

"Hm, dalhin niyo siya sa palasyo, at iharap sa kamahalan!" Utos ng punong tagapaglingkod sa mga kawal na hawak na ngayon si Yu Su.

Nang umalis ang mga kawal at dala si Yu Su ay tumakbo naman palapit ang magiliw na prinsesa sa punong tagapaglingkod.

"Binibining Fang! Tagapaglingkod ko ang binatang yun! Hindi niyo siya maaring hulihin!" Sambit nito sa punong tagapaglingkod.

"Prinsesa Xue Er, may kasalanan siyang nagawa kaya dapat lang na iharap siya sa kamahalan."– Binibining Fang.

"Kasalanan yun ng bruhang si prinsesa Li Ya! Masyado siyang bruha! Minamaliit niya si Yu Su!" –Xue Er.

"Kahit na, hindi parin tama na saktan niya ang prinsesa, kaya huwag niyo na siyang pinagtatanggol." Sabay naglaho paalis si binibining Fang.

"Tsk..kung ako lang ang lumaban sa bruhang Li Ya na yun, titiyakin ko talagang di na siya magigising! Hmp! Pero sana naman patawarin ng kamahalan si Yu Su."Pagdadaldal nito sa tabi ni maestro Xiao.

"Ehem, Prinsesa Xue Er, bumalik na po kayo doon sa hanay niyo, dahil hindi ko pa tapos ang paghahati hati sa inyo sa pamantasan." Saad naman ni maestro Xiao.

"Hm, maestro Xiao, Huwag niyong iaalis sa listahan si Yu Su, tsaka dapat kasama ko siya sa pamantasan! Naintindihan niyo, gusto kong kasama siya!" –Xue Er.

"Ah..kung yun po ay, patatawarin siya ng kamahalan, maisasama ko po siya sa listahan, pero kung hindi, huwag niyo na pong asahan, dahil sumusunod lang po ko sa anuman ang nais ng kamahalan." –Maestero Xiao.

~Yu Su's POV

Parang pinatulog ko lang naman ang prinsesang yun, bakit kailangan ko pang maranasan toh? Sobra talaga sila,hayyst pag mayayaman nga naman oh,di sila patas sa mundo, wala silang pag uunawa, masyado silang mapagmataas.

Ngayon ay nandito ako sa palasyo ng punong kamahalan, at nakaluhod ako ngayon sa harap ng mahal nilang emperador,habang nasa kaliwang gilid ko naman ang punong tagapaglingkod at nasa likod naman ang mga kawal na nagdala sakin dito.

"Kamahalan,ang binatang ito, ay siyang nanakit po sa mahal na prinsesa, ayon sa sabi sakin ni Prinsipe Zhu." Payukong sumbong ng punong tagapaglingkod.

At pansin kong napakunot noong tumingin sakin ang emperador at marahan naman akong napayuko't napalunok ng laway.

Ehem kinakabahan ako sa pagtingin niya, parang pakiramdam ko tatalsik na ako dito.

"Binata,anong dahilan mo't sinaktan mo ang aming prinsesa?!" Malakas na tonong tanong niya sakin na ikinautal utal ko namang sagot.

"Uhm..w-wala po, k-kamahalan."

"Wala?! Tapos sinaktan mo?! Anong klaseng tao ka?!"

"Ah..t-tao parin po." Pagsasagot ko.

"Talagang nasagot ka pa,saan kaba nanggaling at sino ang iyong mga magulang?!"

"M-magulang ko? Uhm..si.. Ano.. si Dao Lian Chen ang aking ama, at ang aking ina ay hindi kopo alam, diko po siya kilala tsaka mula po ko sa patagong kabundukan."

"Ama mo si Dao Lian Chen? Hmm tila diko yata pamilyar ang taong yan, ngunit ang lakas ng loob mong saktan ang prinsesa, bakit mo ba yun nagawa?!"

"P-pinapatunayan ko lang po ang aking sarili sa kanilang lahat na hindi po porket, tagabundok ako, aapi apihin na nila ako, hindi po makatarungan yun."

"Pinapatunayan mo ang iyong sarili? Ngunit bakit ang aking anak pa ang napili mong saktan?!"

"Diko po siya sinaktan, pinatulog ko lang yun!"

"Anong klaseng pagpatulog ang ginawa mo?!"

"P-pinalo ko sa l-leeg."

"Kita mo na?! Hindi ba pananakit ang tawag mo dun?!"

"Mas masakit po yung anlalait nila sakin."

"Nangangatwiran ka pa?! Paano kung ako ang nanglait sayo?! Lalabanan mo parin ba ako?!"

"K-kung ikakatigil po nun ang pang-iinsulto ng lahat sakin, d-di ko po kayo aatrasan, kahit na emperador pa po kayo, pag hindi po tama ang ginawa niyo, lalabanan ko po kayo!"

"Binata, dahan dahan ka sayong pananalita, emperador ang iyong kaharap."

Biglang saad sakin ng punong tagapaglingkod pero di ako nakinig at ginawa ko pang tumayo mula saking pagkaluhod at lakas loob na tumingin sa mukha ng emperador.

"Kamahalan,nais ko lang pong sabihin sa inyo, na hindi po'ko pinalaki ng aking ama para mag paapi nalang sa lahat at tapak tapakan ang aking pagkatao."

Sandaling napatitig sakin ang emperador matapos ko yung sabihin at tila gusto ko na yatang tumakbo dahil sa biglang kabang naramdaman ko.

"Hm, talagang malakas ang loob mo,alam mo ba kung anong parusa sa paglalapastangan mong yan?!"

"H-hindi po, ngunit kung anuman yan di po'ko matatakot."

Di inasahan bigla nalang tumayo ang emperador at pumalakpak pa itong bumaba sa trono't palapit sakin.

"Hahaha! Sa lahat ng humaharap sa akin, tila ikaw pa itong naglalakas loob sagut sagutin ako, hanga nga naman ako sa tapang mo! Ano bang iyong pinagmamalaki? Maari mo bang sabihin sakin O kaya ipakita kung anuman yan?!"

Ano bang pinapahiwatig nito? Gusto niya bang labanan ko siya?

"Ehem, w-wala po'kong pinagmamalaki, sinasabi ko lang po ang aking saloobin."

"Hm talaga? O baka naman isa kang ispiya ng aming mga kalaban, pinadala kaba rito para mamatay sa kamay ko?!"

Agad akong napalapit sa kinatatayuan ng emperador ng hilain niya ako gamit ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang kamay ay nasa leeg ko na.