~Jiao Feng/Lian Chen's POV (foster father of Yu Su)
"Pinuno, heto na po ang inyong gamot."–tauhan 2
"Hm, salamat."
Kinuha ko kaagad ang gamot at ininom ito, tsaka pinakalma ko ang aking sarili.
Pansin ko na tila, sa tuwing nagagalit ako O sobrang nagpapagod ay kusa nalang talagang kumikirot ang puso ko na pakiramdam ko ay parang may tinik na nakadikit sa loob nito sa sobrang sakit na iniinda ko nalang at di pinapahalata kay Yu Su.
Tanging gamot na nga lang ang naging solusyon upang mapigilan ang pagkirot nito kahit papano. Ngunit malas lang dahil unti nalang yata ang gamot na yun, at ang gamot na yun ay pinagkaloob lamang sakin Yun nung nilalang sa puting maskara.
"Pinuno, nag aalala po kami sa kalusugan niyo, Ipagpapatuloy niyo parin po ba ang paghadlang sa kadiliman?"–tauhan 2
"Hm, Oo naman dahil hanggat nakakakilos pa ako, hindi ako susuko."
"Ngunit pinuno, paano kapag di niyo na kinaya? Paano po si Yu Su?"–tauhan 2
"Kung mangyari man yan, kayo na ang bahala sa kanya, ipangako niyo sakin na poprotektahan niyo siya kahit buhay niyo man ang kapalit."
"Pinuno..."–tauhan 2
"Hayy, aalis na muna ako, pakibantayan niyo ng mabuti si Yu Su, Huwag niyo siyang paalisin, maliwanag?"
"Saan po kayo Pupunta pinuno?"–tauhan 2
"Hahanapin ko lang ang nilalang sa puting maskara, kaya dito lang kayo."
"Ayaw niyo po bang magpasama?"–tauhan 2
"Hindi na..dito lang kayo, at ang utos ko ay siyang sundin niyo."
Di nagtagal ay naglaho ako paalis at binalikan ko muli ang lugar kung saan ko unang nakita ang nilalang sa puting maskara.
Ang lugar ay kung saan, tahimik na hindi kalayuan sa nag iisang pinakamataas na bundok na tinatawag na Xuyuan shan at napapaligiran ng mga maalamat na puno at malalaking damo sa ibaba kung saan ay malapit akong nakatayo ngayon.
"Hayyyst, nasaan naba talaga ang nilalang na yun? Bakit kung kailan hinahanap ko siya ayaw niyang magpakita?" Pagdadaldal ko mula saking kinatatayuan.
Ngunit di inasahan ay bigla namang may boses babae na nagsalita mula saking likuran at diko mapamilyaran kung sino kaya akma ko itong nilingon at nakakapagtakang balut na balut hanggang ilong ang mukha niya ng isang pulang balabal.
"Hm? Sino ka?"kunot noong tanong ko dito at bigla nalang itong naglaho ng mabilis at lumipat pa sa itaas ng puno kaya napatingala nalang ako.
"Hoy! Tinatanong kita, Sino ka?!" Naiinis kong tanong.
"Hayyst, di ako enteresadong makipagkilala sa tulad mong ligaw sa lugar na'to." Sagot naman niya na ikinunot noo kong muli.
"Hoy! Hindi ako ligaw dito, namamasyal lang ako!"
"Talaga? Kailan pa naging pasyalan ang lugar na'to?"–babae.
"Tsk..kung makapagsalita ka, sayo ba'to? Pagmamay ari mo ba 'tong lugar na'to?!"
"Hindi. Pero malay mo sa hinaharap maging sakin na'to."–babae.
"Aba.. pangarap mo ba yan? Nakakatawa!"
"Edi matawa ka, paki ko sayo?"–babae
"Sino kaba talaga ha?! Tsaka bakit ka nandito?"
"Hindi nga ako enteresado, kaya huwag kang makulit.. nandito lang naman ako kasi, may hinihintay ako dito."–babae.
"Sinong hinihintay mo?"
"Ba't ko sasabihin sayo? Kaibigan ba kita?"–babae.
"Tsk..isip bata."
"Hoy! Di ako isip Bata!"–babae
"Halata naman isip bata ka! At kung titingnan parang magkalapit lang ang edad natin."
"Ilang taon kana ba?"–babae.
"Ba't ko rin sasabihin sayo? Kaibigan din ba Kita?!"
"Aba..Isa ka rin naman isip bata!"–babae
Tsk, pagbumaba ka lang talaga dito lagot ka sakin, tanggal sakin yang patakip takip mo sa mukha.
[Sa kaharian ng Shandian]
~Li Wei's POV
Sa wakas ay natapos narin si maestro Xiao sa paghahati samin sa pamantasan at ako ay nabilang sa pamantasan ng Lieren Jiandie, Kung saan ay mapapabilang ako sa mahahalagang misyong iuutos ng kamahalan.
At ka-miyembro ko sa pamantasan na ito yung lalakeng mayaman na mayabang na mula sa kahariang Jian Zhanshi na si Feng Hua Jie tsaka ang tatlo sa isa sa pinakamatataas na katungkulan na sina Prinsipe Chen Wei Su, Prinsipe Chen Yu Zhu at ang magiliw na Prinsesang si Xuan Xue Er.
Samantala ang kaibigan ko namang si Yi Shun ay nasa pamantasan ng Chen Jian napabilang kung saan ay mapapabilang naman siya sa pagsugod sa mga kalaban.
At ka-miyembro niya doon yung babaeng sikat na sikat na si Gao Li Xue. At ang prinsipeng mapanlait na nagngangalang Tian Sun Hu na nagpakilalang prinsipe mula sa kahariang Bing at pamangkin raw ng Emperador dito, bagama't ang ama raw nun ay pamangkin ng dating emperatris Wei Ying kaya ang ama niya ay pinsan ng Emperador. At hindi lang yun bagama't nandoon din ang prinsesang malamig pa yata sa yelo ang boses na nagngangalan namang Xu Xue Lai na pinsan naman daw ng mapanlait na prinsipe na yun sa panig ng ama niya tsaka sa panig rin ng ina nitong prinsipeng papansin na si Chen Wei Su.
Sa madaling salita silang tatlo ay magkamag-anak.Ang ama ng prinsesa Xu Xue Lai ay si Emperador Xu Qiu Yin ng kahariang Bing na kapatid ng ina ng prinsipe Tian Sun Hu na si Xu Wei Zi na parehong pinsan naman ng ina ng prinsipe Chen Wei Su na si Emperatris Xu Mei Yin ng kahariang Jian Zhanshi.
At dagdag pang ka-miyembro ni Yi Shun yung dalawang kaibigan naman nitong papansin na prinsipe na si Wang Qin Hong na anak raw ng punong ministro sa kahariang Jian Zhanshi at si Du Ping Xian na sa narinig ko ay humahaba raw ang kamay na pamangkin din daw ng emperador dito pero nakakapagtakang hindi siya ginawang prinsipe, hayyst mukhang wala siyang magiging kasundo dun.
At ang panghuling pamantasan naman ay tinatawag na Fangyu zhanshi kung saan ay kasama iyon sa pagsalakay din sa mga kalaban ngunit masisilbi silang kalasag ng pamantasan ng Chen Jian na kung saan naman din ay kabilang doon ang anak ni maestro Xiao na nagngangalang Xiao Liam tsaka yung dalawang magkaibigang sina Zheng Dei Jun at Han Pei Lun na nakakapanghinala ang pakikitungo at ang kanilang tingin.
Ngayon ay nandito ako sa pamantasang aking nabilangan kasama ang ibang ka miyembro ko at kaharap namin ang isang babaeng nakaitim ang lahat ng suot at mapula ang mga labi na dinaig pa ako na isang bampira at nakaupo pa siya sa isang matangkad na mesa habang nakaekis pa ang mga paa at nakatukod ang isang braso sa hita niya at ang panga niya ay nakapatong naman sa palad niya.
Nakaupo kami ng aking mga ka-miyembro sa matingkad na sahig at bawat isa samin ay may kaharap na maliit na mesang may nakapatong na aklat tsaka malinis na papel at panulat.
"Hm, bago tayo magsimula hayaan niyo munang magpakilala ako sa inyo." Sambit ng babaeng nasa harap namin na parang kaedaran lang yata nung punong tagapaglingkod sa palasyo.
"Tsk, Kilala kana po namin!" Biglang sabat naman ni Prinsipe Wei Su na ikinatalim naman ng tingin nung babae.
"Manahimik ka riyan! Iilan lang naman kayong nakakakilala sakin, tama ba ako? Ha? Taas kamay nang hindi pa nakakakilala sakin!"
Sabay libot nun ng tingin sa amin, kaya naman karamihan ay nagtaas ng kamay at Isa na ako dun..maliban lang sa dalawang prinsipe at nung magiliw na prinsesa na mukhang silang tatlo lang ang nakakakilala.
"Oh, ang dami pa pala..hm sige na ibaba niyo na ang kamay niyo at makinig kayo sakin... Ang pangalan ko ay Nan Yue, Apatnapu't isang taong gulang, bunsong kapatid ako ng punong emperatris Mi Ya..at ngayon ako ang magiging Shifu niyong lahat kaya umayos kayo." Tuloy tuloy na sabi nung babae.
Hayst kung ganun kapatid pala siya ng emperatris dito kaya pala medjo kaugali niya ng kaunti yung masungit na prinsesa.
Di inasahan may bigla namang nagtaas ng kamay at nagtanong sa babaeng kaharap namin O mas tawagin na nating Shifu.
"Uhm.. Shifu! Bakit nga pala kami nandito? Diba po ang sabi ni maestro Xiao, titingnan niya pa ang aming lakas?"
"Makakansela yun! Dahil mayroong naging problema, kaya sa susunod nalang yun matutuloy." Sagot naman nun na ikinadismaya naman ng mga karamihan dito.
"Huh?? Di na matutuloy? Hayy sabik pa naman kami."anila
At isa na ako sa sabik din magpakitang gilas ng aking lakas sa lahat, pero ito di rin pala matutuloy..tss.
"Hm, pagtuunan niyo nalang ng pansin ang pag aaral sa mga araling ituturo ko,may aklat diyan sa mesa niyo buklatin niyo ang unang pahina niyan..bilis, ayoko ng tatamad tamad at rekla reklamo!" Biglang saad ni Shifu sabay tumayo at lumakad lakad sa erya namin.
"Hmm, una sa lahat ang pag aaralan niyo ngayon ay tungkol sa pag aanalisa sa larawang nasa pahina na yan..makikita niyo naman diyan ang larawan ng isang babae na tinaguriang alamat..nais ko lang malaman niyo na hindi yan isang kathang isip lang pagkat tunay iyan, ang babaeng yan ay matagal ng nabubuhay sa mundong toh na hindi tumatanda, Ang gagawin niyo diyan ay hanapin niyo ang sagot sa itatanong ko sa inyo, dahil darating ang araw magiging parte yan sa misyong iuutos sa inyo ng Emperador." Dagdag pa niya.
Hmm napaka enteresante ng araling ito, babaeng matagal ng nabubuhay sa mundo kakaiba.
"Hayyyy ang baduy naman nito, parang wala namang pinagkaiba ito nung nasa palasyo pa ako, pag aanalisa? Ano ba yan?"Biglang reklamo naman ng katabi kong prinsesa na si prinsesa Xue Er.
"Tambak na nga ako ng aklat sa palasyo, pati ba naman dito? Ayoko na! Labanan ang gusto ko, hindi ganito mag aanalisa!" Dagdag pa niya na ikinasang ayon naman din ni prinsipe Chen Wei Su.
"Hm! Kaya nga! Labanan ang sinalian namin, hindi pautakan!"–prinsipe Wei Su.
"Ganun?! Kayong dalawa, Ano ba sa tingin niyo ang labanan? Laro?! Ha?! Di pinag iisipan ang gagawin?! Para sa kaalaman ninyo, kayo ang pinakaswerte kumpara sa Ibang pamantasan, bagama't kayo ang magsisilbing ispiya ng emperador, maghahatid lamang kayo ng mahalagang impormasyon sa kanya at kayo pa ang madalas masasabak sa mahalagang misyon." Pagsasaway at pagpapaalala naman ni Shifu.
Ngunit wala naman ding tigil ang bibig nung prinsipe na makipagsagutan sa kanya.
"Tsk..Anong kinalaman ng alamat na'to? Sa magiging misyon namin?! Pambata lang naman toh eh, hindi ito totoo!"–prinsipe Wei Su.
"Hoy! Sinabi ko ng totoo yan! At para sayong kaalaman, ang babaeng yan ay siyang may hawak sa napakamahalagang aklat ng Fennu zhi jian na alam ko, gustong gusto mo yung matutunan!" –Shifu.
Hmm Fennu zhi jian? Isa iyon sa aking kakayahan, paanong may aklat nun? saking pagkakaalam naman namana ko lang iyon kay Ina.
"Fennu zhi jian? Hm! Huwag niyo kong lokohin!"–prinsipe Wei Su.
"Kung ayaw mong maniwala, Wala akong paki! mas mabuting umuwi ka nalang sa inyo!"–Shifu.
"I.isa akong prinsipe!"–prinsipe Wei Su.
"Anong paki ko? Kung prinsipe ka? Guro mo naman a ko! At kapatid ako ng emperatris! Mas mataas ako sayo!"–Shifu.
Ehem, isip bata ba siya? Tila nakikipagtalo siya sa prinsipe na yun.
"Ah..mawalang galang lang po, mag aaral pa poba tayo? O mag aaway lang kayo?" Bigla kong pagpigil sa kanila at napatingin naman sakin si Shifu.
"Hm? Anong pangalan mo?" tanong niya sakin at sumagot naman ako.
"Uhm, ako po si Lin Li Wei."
"Lin Li Wei? Sinong iyong Ina?"–Shifu.
"Ah..s.si..Lin F.Furen."
"Lin Furen? Hmm, Isa iyong diwata ah, at pinsan siya ng bampirang si Lin Li Rong tsaka balita ko.. matagal na yung hindi nagpapakita."–Shifu.
"Uhm,, nananahimik na po kasi siya at ayaw na po niyang ginugulo siya."
"Ganun?"–Shifu.
"Opo."
"Oh siya..ituloy na natin ang aralin ngayong araw, bibigyan ko kayo ng limang minuto para hanapin ang sagot sa tatlong tanong ko, una ay anong pangalan ng babaeng yan at sino siya? Pangalawa, mayroon siyang dalawang estudyante,at Sino yun? At pang huli matagal na siyang hindi nagpakita, kaya ang tanong anong posibleng dahilan kung bakit bigla nalang siyang umalis? Hm..simulan niyo na, at pagkatapos niyo ay ibigay niyo sakin ang inyong mga papel."
Huling sabi ni Shifu at pagkatapos nun ay umupo naman siya ulit sa mesang kinauupuan niya kanina at nagbasa siya ng isang aklat.
At di nagtagal nagsimula narin kami sa unang pagsusulit na kanyang ibinigay.