Chereads / The Two God's Hero / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

~Xue Er POV

Hayy sa wakas natapos narin ang aming aralin ngayon, at oras na para magsaya, hehe ngunit si Yu Su..Ano na kaya ang nangyari sa kanya sa Palasyo? Naroon pa kaya siya? Hmm mabuti pa kung puntahan ko nalang.

Ako nga pala si Xuan Xue Er, labing walong taong gulang at kaisa-isang prinsesa ng kahariang Shuijing, Ang aking mga magulang ay matalik na kaibigan ni emperador Chen Wei Fu noon at magpahanggang ngayon lalo na ang aking amang si Xuan Yi Tian na kalaunan ay naging kaibigan rin ng emperador Chen Ying Jun.

Ngayon ay nandito ako sa palasyo ng punong kamahalan, para alamin kung narito pa nga ba si Yu Su ngunit sa aking pagpasok ay...

"Nasaan na? Bakit wala siya rito?"

"Hm? Prinsesa Xue, may kailangan ba kayo?"–Binibining Fang.

"Binibining Fang, Nasaan si Yu Su? Ang sabi niyo kanina ihaharap niyo siya sa kamahalan, pero bakit wala yata siya rito? Nasaan na siya? Saan niyo siya dinala?!"

"Prinsesa Xue, huminahon muna kayo,sobra yata ang inyong pag aalala sa binatang yun."–binibining Fang.

"Kaibigan ko siya, kaya natural lang na mag alala ako at isa pa tagapaglingkod ko narin yun! Kinuha iyon ni ama para sakin!"

"Ganun? Ngunit wala na po talaga siya rito dahil ayon sa kawal na inutusan kong ikulong yun may nagtakas raw dun at mukhang kalaban."–binibining Fang.

"Kalaban?"

"Hm, tama kalaban nga, itinakas siya ng hindi namin kilalang pangkat,kaya naman prinsesa Xue, tigilan niyo na ang pag alala sa kanya, hahanapan ko nalang po kayo ng bagong tagapaglingkod yung tapat."–binibining Fang.

"Hindi..di yan totoo! Hindi kalaban si Yu Su! Mabuti siyang tao! Huwag niyo siyang sinisiraan!"

"Prinsesa..mga kawal na mismo ang nakasaksi."–binibining Fang.

"Hindi.. binibining Fang! Patutunayan ko sa inyo hindi siya masama! tsaka hindi ko kailangan ng bagong tagapaglingkod!"

Ugh nakakainis sila, si Yu Su nga lang ang kaisa isa kong kaibigan, sinisiraan pa nila.

Ngayon ay nandito ako sa labas ng palasyo matapos kong umalis sa harap ni binibining Fang nang bigla nalang sa di inasahan may isang ginoong lumapit sakin.

"Hm, binibini..liham para sa inyo." Ani ng ginoo sakin habang inaabot sakin ang hawak niyang liham.

"Anong liham toh? Kanino galing?" Takang tanong ko matapos ko naman itong tanggapin.

"Mula po sa inyong mabuting kaibigan."

"Kaibigan? Hm kay Yu Su?"

Biglang naglaho sa paningin ko ang ginoo matapos ko yung banggitin at mukha nga yatang totoong kay Yu Su ito galing.

Ngunit bago ko ito binuklat ay pumunta naman ako sa tinutuluyan kong bahay na nireserba ng punong emperatris para sakin. At napakalaki't antigo ng bahay na'to tsaka may mga tagasilbi narin at isa pa malapit ito sa hardin na madalas tinatambayan ng emperatris Mi Ya.

At nandito ako ngayon sa loob ng aking silid at umupo ako sa malambot na kama at sinimulan ko ng binasa ang liham.

–Liham:

Prinsesa Xue Er, masaya akong tinanggap niyo ko bilang inyong kaibigan ngunit patawad kung mula ngayon ay hindi ko na kayo masasamahan, mag ingat nalang po kayo.

–Mula sa inyong kaibigan Yu Su.

.....

"Hindi maaari, bakit naman niya ako iiwan? Kahapon ko palang siya naging kaibigan..bakit naman ang bilis niyang lumayo?"

*Kinabukasan*

~Author's POV

Dahil sa biglaang paglayo ni Yu Su sa tabi ng Prinsesa Xue Er ay malumanay namang pumasok sa pamantasan ang prinsesang ito na halos walang kagana gana.

Marami sa mga kamag aral niya ang nagtataka sa nangyari sa kanya hanggang sa dumating na lamang ang kanilang Guro.

"Hayy, mabuti naman at walang lumiban sa inyo..dahil ngayon susubukin ko ang lakas ng inyong isipan sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng mga sitwasyon na may kinalaman sa inyong gagawing pag iispiya." Biglang saad ng kanilang guro na ikinangiti naman ng iba..maliban lamang sa prinsesang kahapon pa nawawalan ng gana.

"Tsk, Ano naman kayang klaseng sitwasyon yan?" Pagtatanong ng prinsipe Wei Su.

"Makinig kalang diyan!" Sagot naman ng kanilang guro at nagpatuloy narin sa pagsasalita.

"Hm, bilang ispiya kailangan talaga ang matalas ang isipan tsaka alerto ang kanilang kilos..kaya naman ang sitwasyon na ibibigay ko sa inyo ay alamin niyo kung alin ang totoo sa dalawang Ito!"

Sabay pinalitaw bigla ng guro ang dalawang si maestro Xiao sa harap ng mga mag aaral.

"Huh?? Maestro Xiao?" Gulat na sambit ng mga mag aaral at kasama na doon ang prinsesa Xue Er na bigla nalang nagka enteres sa pangyayari ngayon.

"Hm, Isa lamang ang tunay dito kaya bilang Lieren Jiande, alamin niyo kung sino sa dalawang ito ang tunay na maestro Xiao."

Naging mapanuri ang mga mag aaral ng Lieren Jiande sa dalawang maestro Xiao na nakatayo't nakangiti pareho.

"Ah.. Shifu, maari ba kaming lumapit sa kanila?" Taas kamay namang tanong ng binatang si Feng Hua Jie.

"Oo maari naman, basta ang mahalaga matuklasan niyo ang totoo dahil sa mundong ito ang ating mga kalaban ay magaling sa mga ganitong pamamaraan..kaya kailangan niyong maging alerto." Sagot naman ng guro nila.

Lahat ay nagsilapit sa dalawang maestro Xiao at pinalibutan nilang lahat ito at sinimulang suriin.

"Hm! hm! hm! Madali lang toh, hehe minsan na kaming nagkasama ni maestro Xiao nun eh, kaya naman isang tanong lang ang kailangan dito, kapag tama yung sagot yun na ang tunay!" Nasasabik na sabi ng prinsipe Wei Su kaya walang alinlangan siyang nagtanong dito.

"Haha.. maestro Xiao, noong labing limang taon pa ako, pumunta kami noon ni ama sa palasyo ng Xin at doon ko kayo nun unang nakilala kaya isang bagay lang naman ang itatanong ko kung naaalala niyo pa...mayroon kayong ibinigay na isang bagay nun sakin, kaya ang tanong anong bagay yun?"

Walang alinlangan sinagot naman Ito ng magkasabay ng dalawang maestro Xiao at nagulat nalang si Wei Su ng malamang tama pareho ang dalawa.

"Kwintas na Yin Yang, na may kakaibang lakas mula sa kalikasan."–2 master Xiao.

"P.paanong s.sabay kayo?"–Wei Su.

"Hm, baka naman matalino ang huwad " Hinalang sabi ng binatang si Feng Hua Jie.

Marami sa kanila ang naguguluhan ngunit di nagtagal ay nakapag isip naman bigla si Lin Li Wei ng paraan.. inutusan niya ang dalawang maestro Xiao na lumakad nang limang hakbang.

"Master Xiao..lumakad po kayo ng limang hakbang." Anito at nabigla na lamang ang lahat.

"Uy..Li Wei, Anong naisip mo?" Tanong bigla ni Xue Er.

"Mas mabisang paraan kung titingnan nating lahat ang paglakad ng isang maestro Xiao." Sagot niya na ikinasang ayon naman din ng iba.

"Hm, mukhang tama yun,dahil hindi naman maaring sa lahat ng pagkakataon alaala ang solusyon para malaman ang totoo." Ani ng isang babaeng nagngangalang Gou Shang Yi.

"Tsk..pabida." bulong naman ni Wei Su.

Di nagtagal ay lumakad naman din ang dalawang maestro Xiao para pagbigyan ang inutos ni Li Wei.

"Hmm, may kakaiba ba? Parang pareho lang naman sila ng kilos." Ani pa ni Xue Er.

"Mali ka..may pagkakaiba sila." Seryosong sabi ni Li Wei.

"Anong pinagkaiba?"–Xue Er.

"Yung galaw ng mga kamay nila, yun ang pinagkaiba,napansin ko lang kahapon si maestro Xiao kapag naglalakad siya, yung kaliwang palad niya ay lagi niyang ginagalaw tsaka lumalabas dun ang maliit na bolang crystal at hawak hawak niya yun..kaya sa madaling salita yang maestro Xiao na nasa kanan ang tunay, pagkat siya lamang ang may hawak ng maliit na bolang crystal!"

Bigla nalang nagulat ang kanyang mga kasama pagkat di nila inasahan na ganun kahusay ang pangingilatis ni Lin Li Wei at isa pa sa lakad lamang sila nun nakatuon at hindi sa buong katawan.

"Ang husay niya..di man lang namin napansin yun." Sabi ng isang kamag aral nilang nagngangalan namang Ren Xi.

Di nagtagal ay naglaho naman bigla ang maestro Xiao na nasa bandang kaliwa at ang natira nalang ay ang nasa kanan.

"Magaling ka, yan ang tunay na katauhan ng isang ispiya,alam ang lahat ng galaw ng isang tao." Bati sa kanya ng kanilang guro.

"Ang talas ng mata niya, ang galing bukod sa maladiyosang ganda ng mukha, nakakamangha pa ang talino..hehe binibini, mamaya sabay tayong kumain." Lubhang paghanga at pag aaya ng binatang si Feng Hua Jie.