Chereads / The Two God's Hero / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

~Li Wei's POV

Sobrang haba ng pila dito sa palasyo ng Xin, Isang nabubukod na palasyo na nasa loob lang din ng kahariang Shandian, Iba ang palasyong ito sa palasyo talaga ng punong kamahalan.

Pagkat ito ay palasyo mismo ng isang kabanalan o mas tinatawag na Papa. Dito mismo kami sa lugar na'to inihatid ng isang punong tagapaglingkod mula sa palasyo ng kamahalan..pagkat ang Papa raw mismo ang nag aasikaso sa mga sumasaling mandirigma pero pansin ko, tagapaglingkod lang naman ng Papa ang naglilista sa aming lahat na nagpakilala bilang si maestro Xiao.

"Hm anong pangalan? Tsaka edad, at pinagmulan, tsaka pangalan ng magulang?" Dere-deretsong tanong ni maestro Xiao sa unang nakapila.

"Feng Hua Jie, dalawampu't tatlong taong gulang, mula sa kahariang Jian Zhanshi, ang aking ama ay si Feng Tei Wan at ang aking ina ay si Jiu Jie Ying at para sa dagdag kaalaman niyo pangalawa kami sa pinakamayaman sa kaharian na yun." Pagmamayabang namang sagot ng lalakeng unang nakapila.

"Hayyst, alis na.. Sunod!" Pagpapatuloy ni maestro Xiao.

Umalis sa harap ni maestro Xiao ang unang nagpakilala bago naman sumunod ang ikalawang nakapila..pero nakapagtataka na pinaalis kaagad nun ang kasunod.

"Hm, Sunod!"

"Tsk..ama gusto ko ngang sumali, kaya ilista niyo na ako." Sambit ng lalake kanina na pinaalis bigla ni maestro Xiao, kung ganun mag ama pala sila nun, kaya di na siya pinagsalita kanina.

Lumipas ang ilang sandali ay pinagpatuloy lang ni maestro Xiao ang paglilista sa mga sasali habang kami ni Yi Shun ay tila nandito pa sa dulo.

Di nagtagal ay dalawang karwahe naman ang dumating na ikinabaling naman ng tingin naming lahat dun.

"Hm? Sino naman yun?" Bulungan ng iba.

Ilang sandali ay bumaba naman ang nakasakay sa karwaheng may sampung kawal na kulay berde ang suot na baluti at sumunod ay bumaba naman ang nakasakay sa karwaheng may sampu ring kawal ngunit puti naman ang suot na baluti.

At doon sa may puting baluti na kawal ay dalawa ang bumaba, ang isa ay lalake na nakagarang damit na kulay puti na may nakaburda namang dragon at mukha yatang prinsipe tsaka ang isa ay babae na nakagarang damit rin na kulay puti at mukha namang prinsesa.

Samantala doon naman sa may berdeng baluti na kawal ay isang babae naman ang bumaba at kulay rosas ang suot niyang damit na mukha ring prinsesa pero magiliw? At may isa siyang kasamang bumaba na isang lalake na..ehem ewan ko lang kung ano, pero ang suot nun ay mukhang tagabundok.

Ang tindig ng pagtayo't paglalakad ng babae't lalakeng nakaputing suot habang patungo sa harapan ni maestro Xiao..habang yung nakarosas na babae namang may kasamang mukhang tagabundok na lalake ay sobrang magiliw, kinakawayan niya kaming lahat at binabati.

"Hehehe kamusta kayong lahat? Ako si Xuan Xue Er, prinsesa mula sa kahariang Shuijing,ituring niyo kong lahat bilang kaibigan niyo!"

"Pagbati prinsesa Xue Er." Bati naman din ng iba sa kanya.

Sakatunayan ngayon ay unti nalang kaming nakapila at kami ni Yi Shun ay nasa likuran ng ikalabing pitong nakapila.

Nakatuon lang ang tingin ko sa kausap ni maestro Xiao sa unahan na yung dalawang nakaputing suot. At pansin ko may iniabot silang liham doon.

"Ano po itong liham na'to?" Magalang na tanong ni maestro Xiao at malamig naman siyang sinagot ng babae.

"Malalaman niyo kung bubuklatin niyo yan."

"Ah ganun poba pasensya na." Pagpapaumanhing sabi ni maestro Xiao at sa katunayan kung titingnan mukhang malapit lang ang edad ng dalawang yun sakin.

Maya maya pa lumapit naman din yung prinsesang magiliw kay maestro Xiao kasama ang lalakeng tagabundok talaga yata habang di pa nakaalis dun ang dalawang nakaputing suot.

"Hehe Yu Su, ibigay mo na kay maestro Xiao ang liham." Pang uutos ng magiliw na prinsesa sa kasama niya at pansin ko dumistansya naman bigla yung dalawang nakaputing suot sa kanila.

"Ehem, binibini, kaano ano mo ang lalakeng yan?" seryosong tanong naman ng lalakeng nakaputi sa magiliw na prinsesa sabay tingin sa lalakeng tagabundok.

"Tsk, kaibigan ko siya't tagapaglingkod,bakit may problema ka?" Sagot naman ng magiliw na prinsesa.

"Kaibigan at tagapaglingkod? Kung ganun, Isa kang Prinsesa?"

"Oo at bakit?"

"Ang baduy mo namang pumili ng tagapaglingkod at kaibigan, tingnan mo nga yan..mukha siyang pulubi." Panglalait ng nakaputing lalake sa lalakeng tagabundok na ipinagtawanan naman din ng ibang nagpapalista.

Hayyst sobra sila, masyado silang mapanukso porket nasa mataas na katungkulan sila.

Ilang sandali pa ay tinuro naman ng prinsesa yung nanunuksong lalake at pinagtanggol niya ang kanyang kaibigan.

"Hoy! Kung sino ka man, wala kang pakialam kung sinong gusto kong kaibiganin at gawing tagapaglingkod, hindi naman ako bumabase sa katayuan meron siya, kundi ang mabuti niyang kalooban! Kaya huwag mokong pinagsasabihan ng mapanukso mong salita! At huwag mo siyang nilalait lait, dahil di mo lang alam kung anong kaya niyang gawin!"

"Kayang gawin? Tsk,ano bang kakaibang kayang gawin ng isang pulubing yan?" Pagpapatuloy pa ng lalakeng nakaputi at sasagutin na nga sana siya nung magiliw na prinsesa ng bigla nalang itong pinigilan nung lalakeng tagabundok.

"Prinsesa, walang pakikitunguhang maganda ang pakikipagtalo mo sa kanya."

"Ano? Pero Yu Su, nilalait ka niya at ayoko nang ganun."

"Hayaan mo na,mabuti pa tara na, naibigay naman na natin ang liham eh."

Bago pa sila umalis ay ibinalik naman ni maestro Xiao ang liham na ibinigay nila.

"Prinsesa,ipakita niyo po ito sa kamahalan." Saad ni maestro Xiao at hinablot naman din ng magiliw na prinsesa ang liham at may sinabi pa siya bago talaga sila tuluyang umalis.

"Kayong mga mapanlait sa kapwa, tandaan niyo toh, wala kayong makakamtang swerte sa gagawin niyo, mamalasin lang Kayo! Hmp! Hali kana Yu Su!"

Hinila niya sa kamay yung lalakeng tagabundok O tawagin na nating Yu Su at tuluyan na nga silang umalis sakay ng kanilang karwahe.

Di nagtagal ganun narin yung babae't lalakeng nakaputi, umalis narin sila sakay rin ng kanilang karwahe.

Muling ipinagpatuloy ni maestro Xiao ang paglilista sa mga nakapila hanggang sa umunti nalang kami at ikaapat na ako sa nakapila.

"Hm pangalan, edad, pinanggalingan at pangalan ng magulang."–Maestro Xiao.

"Han Pei Lun, labing siyam na taong gulang at tsaka n-nakatira ako sa paupahang silid doon sa bayan at diko alam kung sinong magulang ko."–ikalabing apat sa nakapila kanina.

"Sigurado ka?"–Maestro Xiao

"Opo..totoo yun."

"Hayyst Oh sige alis na,sunod."–Maestro Xiao.

"Zheng Dei Jun, labing siyam na taon narin uhm..tapos kaibigan ko si Han Pei Lun, tulad niya diko rin alam kung sinong magulang ko."–ikalabing lima sa nakapila kanina.

"Pinagloloko niyo ba ako?"–maestro Xiao.

"Hindi po,t-totoo po ang sinasabi namin."

"Saan ka nakatira?"–maestro Xiao.

"Doon rin sa tinutuluyan niya."

"Siguraduhin niyo lang talagang dalawa huh? Hm Sunod!"–maestro Xiao.

"Ah..ako si Luo Yi Shun, labing walong taong gulang, mula ako sa teritoryo ng mga lobo, ang aking ama ay si Luo Jin Han at ang aking ina po ay si..."

"Teka sandali, sino ulit ang ama mo? Si Luo Jin Han?" Kunot noong tanong ni maestro Xiao.

"Uhm..Opo,bakit po?" Sagot naman ni Yi Shun.

"Kung di ako nagkamali, isang bampira ang iyong ama at kalaban siya ng lahat!"

"Ah..n-nakaraan na yun, maniwala kayo h-hindi na masama ang aking ama,nananahimik na siya."

"Paano ako makakatiyak?"

"Wala na pong balak ang aking amang makipaglaban sa inyong mga tao, maniwala kayo at ang aking dahilan ng pagsali rito ay upang makipagtulungan sa inyo, yun lang wala pokong balak na masama."

Ilang sandali ay tumingin naman sakin bigla si maestro Xiao at tinanong niya ako.

"Ikaw sino ka naman? Sinong magulang mo at saan ang iyong pinaggalingan?"

Bago ako sumagot ay gumilid naman bigla si Yi Shun..at naisip ko itago nalang siguro ang pangalan ng aking mga magulang dahil tiyak ako kalaban parin ang tingin nila doon.

"Ehem..ako si..Lin Li Wei, dalawampung taong gulang, ang aking ama ay diko alam kung sino ngunit ang aking ina naman ay si Lin Furen."

"Si Lin Furen? Hmm pagkakatanda ko isang diwata ang babaeng yun ngunit pinsan ng isang bampirang si Lin Li Rong.. Nakakapagtaka lang wala na kaming balita sa diwatang yun at ngayon magugulat nalang ako ng malamang anak ka ng diwatang yun..Aba kakaiba naman, sabihin mo,nasaan na ang diwatang yun?" –maestro Xiao.

"Uhm..b-bawal pong malaman, nananahimik narin po kasi ang ina kong yun."

"Ganun ba..hm sige na makakaalis na kayong lahat! Ngunit bukas babalik kayo dahil bukas hahatiin namin kayo sa tatlong pamantasan at susubukin namin ang inyong lakas!" Pag aanunsyo ni maestro Xiao at umalis na nga kami.

Pagkalabas namin sa lugar na yun ay bigla naman akong tinanong ni Yi Shun tungkol sa ginawa kong pagsisinungaling.

"Ate Li, bakit ka naman nagsinungaling? Bakit yung diwatang si Lin Furen ang pinakilala mong ina?"

"Hm, ayoko lang na guluhin pa nila sina ina't ama..yun lang."

"Paano ang pagiging bampira mo? Mahahalata ka nila."

"Hindi yun mangyayari, dahil kaya ko namang itago ang pagiging bampira ko at pigilan ang aking sarili kapag nakaamoy ng dugo."