Li Wei's POV
Ako si Lin Li Wei, dalawampung taong gulang, mahilig akong mag aral at magsanay ng espada tsaka may kakayahan akong pasunurin lahat ng mga espada gamit ang pambihira kong lakas, may kapangyarihan din akong apoy na taglay na sa angkan ng mga bampira.
Tama ang rinig niyo, bampira, isa akong bampira ngunit may dugong diwata. Ang aking ina ay kalahating diwata at bampira, na namana niya sa kanyang magulang. Ang ama kasi niya ay isang bampira at ang ina niya ay isang diwata,ngunit matagal ng namatay ang mga yun, wala pa ako sa mundong toh diko na sila naabutan dahil sa matinding labanan daw noon.
Ngayon ay naninirahan kami sa teritoryo ng mga lobo bagama't ay matagal ng bumagsak at naglaho ang kaharian ng mga bampira at diwata.
At ngayon nandito ako sa silid ng aking mga magulang na sina Lin Li Rong at Huang Tei Min. Si Huang Tei Min ang aking ama at si Lin Li Rong naman ang aking ina. Ang aking ina ay may kakambal at yun ay si tiya Lin Jie. Si tiya Lin Jie ay hindi raw malapit sa kanilang amang namayapa na bagama't lumaki ito sa kaharian ng mga diwata sa puder ng kanilang inang namapayapa narin.
Naglilinis ako dito sa silid ng aking mga magulang nang bigla nalang may nakita akong isang aklat na nakalagay sa ibabaw ng lamesa, mahilig akong magbasa ng aklat kaya naman walang alinlangan ko itong kinuha at umupo ako sa papag tsaka Ito binuklat.
Pagkabuklat ko ay pansin ko namang tila Isa pala itong nobela na pinamagatan pang "Ang panandaliang pag ibig ng mahal na diyosa." Hmm hindi ako mahilig sa ganitong kwento, ang hilig ko ay yung kwento ng kasaysayan.
Hayyst ipinagtataka ko tuloy kung bakit may ganitong aklat sa silid nila Ina, kanino ba itong aklat na'to? Imposible naman sigurong kay ina, kailan niya paba nahiligan Ang ganitong kwento? Tssk.
Sa pagpapatuloy kong pagbubuklat nitong aklat ay napakunot noo naman ako nang umagaw pansin sakin Ang nakasiksik ditong papel na mukha yatang liham.
Akma kong inilapag ang aklat sa papag at binuklat ko naman ang papel, at pagkabuklat ko binasa ko naman Ito ng taimtim.
–Sulat:
Li Rong, kamusta kana? sana naman maayos kalang, dahil kung hindi labis akong malulungkot. Tsaka kung nasaan ka man ngayon,, gusto kong malaman mo na mahal na mahal parin kita, gusto kong humingi sayo ng tawad kung nabigo akong tuparin ang pinangako kong ikaw ang aking pakakasalan.. sadyang mapaglaro nga yata Ang tadhana, dahil isipin mo, nakilala kita habang burado noon Ang aking alaala sa unang babaeng aking minahal.. humihingi ako ulit ng tawad kung nasaktan ko ang damdamin mo.
–nagmamahal Wei Fu.
Hayyst sino si Wei Fu? Nakakaloka, si ina may dating karelasyon?
"Hm Li Wei?? Anong ginagawa mo diyan? Ano ba yang pinapakialaman mo?"
Akma akong napalunok ng laway ng mahuli ako dito ni Ina.
"Uhm.. Ina, n.naglilinis lang ako." Sabi ko sabay pasimle kong itinago Ang liham sa aking likuran.
Subalit nakapamewang naman si inang lumapit sakin.
"Ano yang tinatago mo? Akin na yan, siguro gamit ko na naman yang pinapakialaman mo noh?"
"Huh? Ah..h.hindi ah, w.wala toh Ina." Umatras ako ng kaunti palayo sa kanya para di talaga niya ako mabuko.
Pero ilang sandali lang ay napatingin naman siya sa papag at kapansin pansin ang pagkagulat ng kanyang reaksyon ng makita ang aklat na nilagay ko dun.. kaagad niya pa iyong kinuha at binuklat ang mga pahina na tila may hinahanap..at huwag na kayong magtaka kung Anong hinahanap niya, dahil tiyak yung liham na yun na nakita ko,,na ngayon ay nandito sa likuran ko't tinatago.
"N.nasaan na yung papel dito? Li Wei?! Asan na?!"
Biglang pumula ang mata ni inang tumingin sakin na tila galit yata kaya wala na akong nagawa kundi Ang iabot sa kanya ang liham na kinuha ko.
"Uhm ehem, h.heto na, pasensya na kung, pinakialaman ko." Nililibot libot ko lang Ang tingin ko at di ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Ikaw bata ka, yang kamay mo, puputulin ko na yan! Ang sabi mo sakin kanina magsasanay kalang, tapos ngayon nandito ka sa silid namin ng iyong ama?!"
"N.napag utusan lang naman ako eh, kaya ako nandito!"
"Napag utusan? At sino namang nag utos?!"
"Si ama, Ang sabi niya sakin linisan ko daw itong silid niyo dahil mamaya may ibibigay siya sakin, tsaka malay kobang may wirdong aklat pala ang pawara wara dito.. at may liham pang isiniksik."
"Binasa moba ito?"
"O.Oo, alangan namang punitin ko agad nang hindi ko tinitingnan ang nilalaman diba? Ano nalang kaya ang matatamo ko sa inyo nun? pag nalaman niyong pinunit ko ang..tsk..liham ng pag ibig, pag yan nakita ni ama, ewan kolang kung Anong mangyayari."
"Lumabas kana nga dun, kakain na tayo."
"Tsk..sa susunod Ina kung magtatago kayo ng liham na ganyan tiyakin niyong kayo lang talaga ang makakakita.. Hayyst.. Wei Fu, Wei Fu pa raw.. Sino ba yun?!"
Padabog akong lumabas ng silid at Nagtungo na ako sa hapag kainan at diko na hinintay pa si Inang sundan ako.
Ngayon nang makarating na ako sa hapag ay kaagad Naman akong umupo sa tapat ni ama.
At ang pagkain namin ay halos mga prutas lang at inihaw na karne ng ordinaryong hayop tulad ng ibon, aso,manok,kambing at iba pang ordinaryo Basta hayop..at ang ininom namin ay siyempre dugo ng tao at bihira lang kami nagtutubig.
At kahit bampira ako nakakalabas parin naman ako sa tag araw, dahil sa kalahati kong anyong diwata.
"Hm, Li Wei, natapos mo naba ang paglilinis sa silid?" Tanong sakin ni Ama at umiling lang ako.
"Hindi pa po ama, tsaka si Ina na po siguro ang bahalang magtapos nun, tutal naman ayaw niya yatang pumasok ako dun eh."
"Huh? Bakit may nangyari ba?"
"Uhm..wala po."
Mabuti na sigurong itago ko nalang yun kay ama para naman maiwasan ang pag aaway nila ni Ina.
"Li Wei, diba mahilig ka naman sa labanan?"
"Po? Uhm..Opo bakit ama?"
"May maganda akong balita sayo anak..yung sentrong kaharian magbubukas na ulit ng pamantasan para sa mga mandirigma."
"Huh? T.talaga ama? Hindi Kayo nagbibiro?"
"Oo naman anak, bagama't galing ako doon kanina,nabalitaan ko magbubukas na raw yun bukas, tsaka ngayon nagpapalista palang ang mga nais sumali."
"Mukhang maganda yun, hehe ama matagal ko ng gustong sumali sa labanan, papayagan niyo naman siguro ako diba?"
"Siyempre naman anak ko, basta ipangako molang na mag iingat ka palagi."
"Hm aalis na ako ngayundin.. pagkat nais kong magpalista."
"Hindi ka pwedeng umalis!"
Biglang sabat ni ina na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Ina, matagal ko ng pangarap yun."
"Ano naman? Pag sinabi kong hindi ka aalis dika aalis! manatili ka nalang dito!"
"Li Rong..ah m.mahal ko, nasa wastong edad naman na ang ating anak..kaya ano pang ikinatatakot mo?"
Pangungumbinsi ni ama kay Ina at matalim naman siya nitong tiningnan.
"Walang aalis sa lugar na'to, Walang Pupunta sa sentrong kaharian na yun!"
"Ehem..O..s.sige ikaw naman lagi Ang nasusunod."
Walang nagawa si ama at bigla nalang siyang nanahimik at kumain, Hayst kung titingnan tuloy parang hindi sila mag asawa.. pagdating kay Ina tila walang laban si ama..bakit nga ba sila ganito?
"hm Ina, Isa akong bampira at wala sa kaugalian ko ang maging duwag,,kung naduduwag kayo huwag niyo kong idadamay!"
Naglaho ako paalis sa harapan nila ina't ama tsaka nakasalubong ko naman sa labas si Yi Shun, isang binatang taong lobo at labing walong taong gulang, malapit ito sakin at ate Li ang tawag niya sakin tsaka ang kanyang ina ay pinuno sa teritoryong Ito. Ama niya ay isang bampira na kalahi naman din namin, tsaka Shifu (Guro) ni Ina noon.
"Ate Li, saan ang punta mo?" Tanong nito sakin.
"Uhm.. Pupunta ako sa kahariang Shandian, sasali ako sa pamantasan."
"Huh? Talaga? Doon ka rin pupunta?"
"Bakit? Pupunta ka rin dun?"
"Oo at yayayain nga sana kita eh."
"Kung ganun hali kana."
"Hm tara!"
Muli akong naglaho kasama si Yi Shun, kaya naman mabilis kaming nakarating sa sentrong kaharian,pero malas ngalang, dito lang kami sa labas ng tarangkahan bagama't may matibay na kalasag ang kahariang ito at makakapasok lamang ang mga tagalabas kung bubuksan ng mga kawal ang tarangkahan.
~Li Rong's POV [mother of Lin Li Wei]
Ang batang yun, ang tigas tigas talaga ng ulo. Kaya ko lang naman siya pinagbabawalan ay dahil ayokong magkatagpo sila ng tunay niyang ama,tsaka lalo nang ayokong magkaroon pa ng ugnayan sa buong pamilya Chen.
Noong nakaraang dalawampung taon ay kalaban talaga ng mga tao ang aming angkang bampira.. ngunit lihim akong napalapit ng loob sa Ibang kasapi ng pamilya Chen lalo na kay Chen Wei Fu, na tunay na ama ng anak kong si Li Wei.
Sadya talaga akong lumayo sa kanila dahil sa sakit ng aking nararamdaman nung malaman kong Kasal na si Wei Fu sa isang mahinhing prinsesa ng kahariang Jian Zhanshi, nalaman kong magkababata sila noon ng prinsesang yun at ipinagkasundo ng ipakasal sa isa't isa, ngunit dahil sa nangyaring labanan noon at nawalan ng ala ala si Wei Fu, ay di inasahang nagkakilala naman kaming dalawa, hanggang sa lumalim ang samahan.. ngunit ayun na nga ang masakit, nung bumalik ang kanyang alaala at iniwan nalang ako ng hindi niya alam Buntis na ako nun at siya ang ama.
–to be continue..