Hindi talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko dahil lang sa isang halik ay nawalan na akong makatakas sa ganitong sitwasyon.
Napahawak pa ako sa labi ko na pakiramdam ko ay namamaga na dahil hindi ito tinigilan na halikan ni sir ay mali pala Gabriel ito ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
Hindi na sir o boss basta tawagin ko na lang raw siya sa pangalan niya na kahit malaki ang tanda niya sa akin ay gora lang.
Oo nga pala thirty years old na pala ang amo ko at ako ay nineteen pero okay lang raw iyon sabi niya.
Sampung taon lang naman ang tanda niya sa akin pero sa probinsya namin ay napakalaking agwat na iyon dahil hindi iyon normal.
Hays napatayo ako dito sa sofa at napatingin sa paligid saka ko kimuha ang ballpen at notebook ni Gabriel dito sa ibabaw ng lamesa niya.
May pilyo akong naisip kaya umupo ako dito sa upuan niya napatawa ako dahil wala naman akong naramdaman ng umupo ako dito.
Upuan raw ito ng CEO at naalala ko ang sabi ni Carla na trono raw ito ng isang hari kaya napatawa ako lalo.
Nagsulat na lang ako habang naghihintay kay Gabriel may biglaan siya na meeting kaya pansamantala niya akong iniwan ulit dito.
Minuto lang naman raw iyon at babalik rin siya agad.
Nagdrawing lang ako ng isang garden na maraming bulaklak at kahit ballpen at lapis lang ay napaganda ko naman ito.
Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Gabriel at may kasama pala siya kaya nagulat ako at napatingin sa dalawa.
"Gabriel pare hindi ko naman pala alam na may pumalit na sa pwesto mo." Sabi ng lalake na napakagwapo pero mas gwapo si Gabriel sabay tawa.
Napatayo ako at namumula akong napayuko.
"Lumabas ka na Pierre." Sabi dito ni Gabriel kaya tumatawa itong muling lumabas.
"Sir sorry po hindi ko sinasadya na umupo dito pasensya na po talaga." Paghingi ko agad ng paumanhin sa kanya.
"I am mad right now Sonata." Seryoso niya na turan at lumapit sa akin pero umatras ako dahil kinakabahan ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko at naiiyak ako na ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Sorry na nga po eh." Naiiyak ko na turan sa kanya at napauyoko ako lalo.
"Why did you always call me sir? I told you to call me by my name Sonata." Sabi niya na nahawakan na ako sa balikat ko at pinatingin niya ako sa kanya.
Gulat na gulat ako sa sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya at bigla niya akong hinalikan ng madiin.
Kaya wala akong nagawa kundi ang tumugon sa kanya at pinayakap pa niya ako sa balikat niya.
Naramdaman ko rin na bigla niya akong kinarga at lumakad siya naramdaman ko na lang na nakaupo na ako sa lamesa niya habang naghahalikan kami.
Nang hindi na ako makahinga ay saka niya lang binitawan ang labi ko kaya napatitig ako sa kanya.
"Hindi ka ba galit?" Tanong ko bigla sa kanya kaya bahagya niyang pinindot ang ilong ko.
"Silly bakit ako magagalit dahil lang sa pag-upo mo sa upuan ko? Galit ako kase hindi mo ako tinawag sa pangalan ko." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag at napangiti na lang.
Napakababaw naman ng galit niya kaya lalo lang akong nahulog sa gwapo kong boss.
"Halika kailangan na natin sunduin ang mga anak ko." Sabi niya kaya kinabahan ako.
"Baka hindi ako magustuhan ng mga anak mo." Bigla kong sabi sa kanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti lang.
"Hindi yon mababait naman sila at mailap nga lang sa ibang tao pero alam ko na makakasundo mo sila." Sabi niya kaya napangiti ako at magkahawak kamay na kami na lumabas ng opisina niya.
Natakot ako na baka may makakita sa amin pero diretso pala kami sa parking area at wala naman na akong nakita na tao paglabas namin.
Nakasunod lang ako kay Gabriel habang naglalakad kami dito sa terminal dahil susunduin namin ang mga anak niya.
Kinakabahan ako kung ano ang mangyayari kapag nakita ko na ang kambal pero sabi ni Gabriel ay mababait ang mga anak niya.
"Nandito na sila." Sabi niya kaya napatingin ako sa unahan may dalawang batang lalake ang naglalakad habang may isang babae naman ang nasa hulihan.
"Daddy!" Sigaw ng isa sa kanila kaya lihim akong kinabahan at napalunok.
Ten years old na ang kambal magkamukha sila pero parang hindi nila kamukha si Gabriel, baka naman kase nagmana sila o kamukha nila ang nanay nila.
"Hows your flight?" Seryoso na tanong ni Gabriel dito ko napansin na malamig at seryoso na ulit ang buska ng mukha niya, ibang-iba kanina na magkasama pa kami.
"It's okay Gabriel the twins are excited to see you." Ang babae ang sumagot na para sana sa mga bata.
"By the way this is Sonata, she will be your new nanny from now on." Malamig na turan ni Gabriel na hindi pinansin ang babae, tumingin ito sa akin ng masama kaya napayuko ako.
"Hello pretty nanny i am Angelo and this is my twin Anthony." Pakilala ng bata sa akin kaya napangiti ako at kinawayan sila.
Agad na kaming inaya ni Gabriel na uuwi na raw kami kaya sumunod na kami sa kanya.
"Mariel where do you think your going?" Napatingin ako kay Gabriel ng seryoso niyang tanungin ang step-mother niya na akmang sasakay sa kotse niya.
"Sasakay pagod ako Gabriel." Sabi niya pero hindi nito mabuksan sa pinto.
"Sumakay ka sa kabilang sasakyan you know my rules!" Sita nito sa babae na sumama na naman ang mukha saka nagdadabog na sumakay sa kasunod namin na sasakyan.
"Tayo na boys sakay na tayo." Pinasakay ko na ang mga bata at ng makasakay sila ay tinignan ko si Gabriel at sinamaan ko siya ng tingin saka ako sumakay sa tabi ng mga bata.
Nakakainis pala siya sa harap ng ibang tao masyadong malamig at suplado walang pakundangan ang bibig.
Kaya pala takot ang karamihan sa mga empleyado niya dahil sa ugali niya.
Napaka-heartless kahit sa mga anak niya ay malamig ang pakikitungo niya sa mga ito.
Ilang linggo ang lumipas mula ng dumating ang kambal na alaga ko mula rin noon ay naging abala na ako sa dalawa.
Mababait ang dalawang bata at napakalambing kaya hindi ako nahirapan na makisama sa kanila.
Mula rin noon ay hindi ko na madalas makita ang boss namin na ubod ng suplado pala at hindi ko na ito pinansin pa.
Lagi kasi itong wala at laging nasa buseness trip magtatapos na raw kase ang taon kaya umiikot raw ito sa iba't iba nitong kumpanya para sa taunan nito na meetings.
Wala naman na akong naging problema pwera lang kay Madam Cynthia na napakasungit at laging galit, tila donya na laging nasusupla ni Tiya Pining dahil sa pakikialam nito lagi.
Hindi pala ito makaubra kay tiya kaya napapangiti na lang ako.
"Nanny Sonata may problema ba?" Napatingin ako kay Angelo na nakatigin pala sa akin kaya ginulo ko lang ang buhok niya at umiling.
"Ngumingiti ka kasi ng mag-isa eh." Sabi niya kaya napangiti na lang ako sa kanya.
"Tapos mo na ba yan na ginagawa mo?" Tanong ko na lang sa kanya kaya tumango na siya.
Pinatulog ko na siya dahil tulog na ang kakambal niya na mas naunang gumawa ng takdang-aralin nila ay hindi na ako nahirapan na siya na lang ang pinatulog ko.
Matapos ko na masiguro na tulog na ang dalawa ay pinatay ko na ang ilaw at kinumutan ko na ang dalawang bata.
Hininaan ko na rin ang aircon at lumabas na ako ng kanilang silid.
Alas-otso na pala dapat kanina pa ako sa baba at nagpapahinga pero nag-away na naman ang kambal kaya sinamahan ko na muna ito.
Napatingin ako sa bandang dulo ng pasilyo dahil nandoon ang kwarto ni Gabriel, wala sa loob na pumunta ako dito para sana silipin kung nandito na siya.
Ilang araw ko na itong hindi nakikita kaya nakakalungkot.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nagulat ako dahil nandito na siya.
Bigla niya akong hinila papasok sa loob sa pagkabigla ko lalo.
"What are you doing here?" Tanong niya bigla kaya napatingala ako sa kanya.
"Kase galing ako sa kwarto ng kambal." Paliwanag ko at napayuko ako.
Niyakap niya ako bigla kaya nagulat ako naramdaman ko ang pagsinghot niya sa leeg ko kaya kinilabutan ako.
"I miss you baby. Ilang linggo kitang hindi nayakap ay napakahirap." Lumakas lalo ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya kaya gumanti na rin ako ng yakap sa kanya.
"Na miss rin Mr. CEO na masungit." Bulong ko kaya naramdaman ko na tumawa siya ng mahina.
Nakahiga na kami pareho dito sa kama niya habang nakaunan naman ako sa balikat niya at yakap niya ako.
"Anong mga pinagkaabalahan niyo ng kambal nitong nakaraang linggo?" Tanonh niya mayamaya kaya napatingala ako sa kanya.
"Sa eskwelahan lang at dito sa bahay, namasyal kami nong isang araw sa amusement park. At tinuturuan ko silang mag-drawing kapag free time namin." Kwento ko sa kanya kaya napatawa siya.
"Parang gusto kong mag-selos sa kambal." Bulong niya kaya natawa ako at lalo akong yumakap sa kanya.
"May tanong ako Gabriel." Sabi ko sa kanya mayamaya kaya tumango siya.
"Kahit ano baby basta kaya kong sagutin." Sabi niya habang yakap ako.
"Bakit nag-iiba ang ugali mo kapag kaharap mo ang kambal at ang step-mother mo?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.
"Dahil ganito nila ako nakilala at para na rin hindi sila makalapit sa akin." Sagot niya na seryoso akong tinitigan.
Ngayon na alam ko na ang dahilan niya ay iintindihin ko na lang muna ito dahil alam ko na may dahilan siya kung bakit ganun siya sa pamilya niya.