Nakangiti ako habang tinatanaw ko na naglalaro ng badminton ang kambal dito sa garahe.
Hawak ko ang dalawang towel nila dahil pinupunasan ko ang mga pawis nila kapag nagpapahinga.
Dalawang araw na rin mula ng makasama ko si Gabriel napakalambing nito kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang kasama na kami ay malamig na ulit siya.
Naalala ko ang sagot niya sa tanong ko at napahinga ako ng malalim.
Bakit niya kailangan na protektahan ang sarili niya laban sa ibang tao? Ito ang hindi ko makalimutan dahil palaisipan pa rin ito sa akin.
"Sonata!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Madam Cynthia kaya napatingin ako dito.
"Yes po ma'am?" Tanong ko dito at humarap sa kanya bigla niyang tinapon sa akin ang isang blouse kaya nagulat ako.
"Anong ginawa mo diyan? Bakit may mantsa at mabaho!" Sigaw nito kaya natakot ako sa ginawa niya.
"Ma'am hindi naman po ito ganito nong nilabhan ko." Katwiran ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak kaya napaupo ako.
"Boba ikaw ang naglalaba ng mga damit pero mangangatwiran ka pa!" Sigaw niya dito ako nilapitan ng kambal.
"Stop it! Bakit mo sinasaktan si Nanny Sonata?" Sigaw ni Angelo habang tinulungan ako na makatayo ni Anthony.
"Yan kakampihan niyo ang katulong na yan palibhasa namimihasa at lumalaki ang ulo!" Sigaw nito dito na lumabas sina Carla at tiya kaya kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Ano ba ang problema mo?" Galit na tanong ni tiya kaya nagsalita na naman ng masama ang babae kay tiya.
Umiiyak ako na nakaupo dito sa kama ko dito sa kwarto namin ni Carla at palakad-lakad siya sa harap ko.
"Imposible talaga na maging ganun ang blouse na iyon ng ingrata na iyon Sonata." Galit niya na turan kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo dahil maingat tayo sa mga damit nila." Iyak ko dahil ilang buwan na ako dito ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Pwera lang iyong mga pasaring at galit sa akin ni Ma'am Cynthia dahil sinasadya niya iyon.
"Hayaan mo na Carla baka nga kasalanan ko yon." Sabi ko sa kanya kaya tinitigan niya ako ng masama.
"Hindi yan pwede na akuin mo ang kasalanan na hindi mo ginawa!" Galit niya na turan kaya hinayaan ko na lang siya na magbunganga dahil hindi na rin naman siya mapipigil.
Nang humupa ang pakiramdam ko ay inayos ko na ang sarili ko at pumunta ng kusina at naabutan ko si Ate Yoly na naghuhugas ng mga plato.
"Ate Yoly ang kambal po?" Tanong ko dito kaya napatingin siya sa akin.
"Ayaw pa bumaba eh hinihintay ka." Sabi niya kaya tumango lang ako.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya kaya ngumiti lang ako.
"Okay na ako ate nabigla lang ako." Sagot ko sa kanya kaya tumango siya ngumiti.
"Dalhan mo na lang ng miryenda ang mga bata, at saka wag mo nang problemahin yong bruha na yon may araw rin siya." Sabi ni ate kaya napangiti ako sa sinabi at tumango ako.
Umakyat na ako dito sa taas at huminga muna ako ng malalim saka kumatok.
Mayamaya pa ay binuksan na ni Angelo ang pinto at nagulat siya ng makita ako.
"Nanny ikaw pala pasok ka." Sabi niya kaya napangiti ako.
Pumasok ako at nakita ko si Anthony na nanonood ng tv kaya nilapag ko ito sa mesita.
"Kain na kayo nagluto si tiya ng carbonara." Sabi ko sa dalawa at hinanda ang platito.
"Nanny i'm so sorry." Napatingin ako kay Angelo ng yumakap siya bigla sa akin kaya nagtataka ako na napatingin sa kanya saka ako napatitig kay Anthony.
Napakamot ako ng sentido ko dahil sa sinabi ng kambal na sila ang may gawa sa damit ng kanilang step-lola kaya inaamin ko sa sarili ko nainis ako sa ginawa nila.
"Bakit niyo ito ginawa?" Tanong ko na nagpigil lang ako na hindi magalit.
"Dahil naiinis kami sa kanya lagi niya kaming pinapakialaman." Sabi ni Anthony kaya napahinga ako ng malalim.
"Pero hindi naman namin alam na ikaw ang pagbibintangan niya." Sabi ni Angelo kaya napatingin ako sa kanya.
"So kayong dalawa ang may kasalanan at hindo niyo agad sinabi ang totoo!?" Nagulat kami ng makita namin si Gabriel na galit na nakatingin sa dalawang bata kaya kinabahan ako lalo na at nakita ko ang galit sa mukha niya.
Hindi ko na napigilan pa si Gabriel na parehong sinigawan at pinagalitan ang mga anak niya
"Nang dahil sa galit niyo kay Cynthia ay nandamay pa kayo ng inosenteng tao! Wala naman ginagawang masama sa inyo si Sonata!" Sigaw nito na ikinakaba ko.
"Sumama kayo sa akin sa baba at doon tayo mag-usap!" Sigaw nito kaya agad na sumunod ang dalawang bata kaya natakot ako at sumunod rin.
Napapikit ako ng parehong paluin ni Gabriel ang dalawang bata ng sinturon niya sa pang-upo nito kaya natakot ako.
"We're so sorry daddy." Iyak ni Angelo kaya napaiyak na ako dahil kahit sina tiya ay walang nagawa at gulat rin sa nakikita nila.
"Sir Gabriel tama na po nasasaktan sila." Pigil ko sa kanya at hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin siya sa akin.
"No! Dapat silang magtanda!" Galit niya na turan kaya napatitig ako sa kanya.
"Pero hindi sa paraan mo mga bata pa sila." Giit ko saka ako lumapit sa dalawa at pareho ko silang niyakap pareho silang umiiyak na yumakap sa akin.
"Gabriel tama si Sonata hindi mo dapat ganito disiplinahin ang mga bata." Sabi ni tiya kaya napaiyak ako lalo na at iyak ng iyak ang kambal.
"Dapat lang yan sa kambal Pining!" Biglang sabat ni Ma'am Cynthia kaya napatingin ako dito.
"At ikaw isa ka pa basta ka na lang magbintang, get out of my house now!" Sigaw dito ni Gabriel na ikinalaki ng mga mata nito.
"You can't do that Gabriel!" Sigaw nito na galit na nakatitig kay Gabriel.
"Try me then! This is my house i have rules here!" Sigaw ni Gabriel kaya naramdaman ko na nanginig ang dalawang bata.
Inakay ko na ang kambal habang nagbabangayan sila at naawa ako sa dalawang bata.
"Tahan na okay hindi na mauulit ito." Pinunasan ko ang pisngi ng kambal na umiiyak pa rin dahil alam ko na nasaktan sila.
"Sorry po nanny." Iyak ni Anthony kaya umiling lang ako at niyakap ko sila pareho.
"Hindi ako galit okay tama na wag na kayong umiyak." Lambing ko sa dalawa kaya pareho silang tumango.
Napangiti ako ng parehong makatulog ang kambal at kinumutan ko sila pareho.
"Bakit hindi ka sa kanila nagalit Sonata?" Napatingin ako kay Gabriel na nakapasok na pala dito sa kwarto.
"Mga bata lang sila at hindi minsan maiiwasan na hindi sila makagawa ng ganitong bagay." Sabi ko sa kanya sa seryoso na boses.
"Ikaw na nasaktan at nasabihan ng masasakit ikaw pa ang hindi galit." Sabi niya kaya napailing na lang ako at hindi ko na siya pinansin.
Nakakagalit lang dahil napalo niya ng ganun ang mga anak niya hindi nakakatuwa.
"Are you mad at me baby?" Bulong niya nagulat ako dahil nakalapit na pala siya sa akin at niyakap niya ako kasabay ng paghalik niya sa pisngi ko.
"Hindi naman ako galit hindi mo dapat sinaktan yong mga bata." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa dalawang bata na tulog.
"I'm so sorry nagalit lang ako dahil nagsumbong si Pining na pinagbintangan ka ni Cynthia." Sabi niya na niyaya ako na makaupo sa sofa at umupo siya saka ako pinakandong sa kanya.
"Wag mo na iyon uulitin ayoko na nagagalit ka at pinapalo ang mga anak mo." Sabi ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin kaya hinalikan niya ako pero tinulak ko siya.
"Nandito tayo sa kwarto ng mga bata." Sabi ko sa kanya pero lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit.
"Tulog na sila." Bulong niya kaya wala akong nagawa dahil tila pagod na pagod siya.
"Punta na tayo sa kwarto ko." Sabi niya kaya kinabahan ako lalo na at naramdaman ko na hinahaplos niya ang tagiliran ko.
Hindi ako sanay sa ganito kaya bigla akong tumayo kaya nagulat siya.
"Gabriel may gagawin pa pala ako." Sabi ko sa kanya kaya tila lalo siyang nagulat at tumayo siya.
"May problema ba? Hindi mo ba gusto ang ginawa ko?" Tanong niya akma niya akong hahawakan pero nakita ko na bumangon si Anthony kaya nagulat ako at pumunta ako sa kanya.
"Nanny?" Tawag niya na tila inaantok pa nakita niya ang daddy niya nandito kaya nagulat siya.
"Halika tulog ka ulit halika higa tayo." Sabi ko sa kanya kaya humiga ulit siya na tila natakot kay Gabriel.
Humiga ako sa tabi niya at yumakap siya sa akin kaya napangiti ako.
"Lalabas na ako mag-uusap tayo mamaya." Seryoso na turan ni Gabriel kaya kinabahan ako saka siya lumabas ng kwarto.
Napahinga na lang ako ng maluwag at napatingin sa kambal at napapikit.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, natakot ako sa paraan ng hawak kanina ni Gabriel.
Hindi ako sanay muntik na rin may mangyari sa amin sa opisina niya pero wala akong naramdaman kundi kaba lang.
Pero dahil nandito kami sa kwarto ng mga anak niya ay natakot ako, baka kung ano ang makita ng mga bata kaya pinigilan ko ang sarili ko na magpadala sa kanya.